Chapter 4 - Chapter 3

ASH'S POV

*unat *unat*

Napakasarap talaga matulog. Kung hindi lang dahil sa sinag ng araw hindi ako magigising ngayong umaga. Ano na bang oras na? Pagtingin ko sa wall clock ko ay hindi na pala ito naandar. Nakalimutan kop ala magpabili ng battery kay Ate.

Nasan na ba phone ko? 7:30 am pa lang pala.

ANO??!! 7:30 NAAAAA!!

Mayayare ako nito kay ate. Magtitinda nga pala ako ng pandesal dapat kanina pa akong ala-5 ng umaga gising.

Bakit hindi ako ginising ni ate? Nandito ba siya?

Dali-dali ako bumangon at iniwan ang higaan ko. Mamaya na lang ako mag-iimis.

Hinanap ko ang tuwalya ko. Nasaan ka na ba? Wait, maliligo pa ba ako? Mamaya na nga lang. Maghilamos na lang ako. Kailangan ko na magmadali.

Pagkatapos ko maghilamos ay nag toothbrush naman ako. Nagpalit ng damit na medyo oversized at short na above the knee. Suklay ng kaunti, ipupusod ko na lang. Okay na 'to.

Bumaba na agad ako dahil baka maratrat ako ni ate. Pero pagbaba ko ay wala akong nakita kahit anino ni ate. Umalis ba siya?

Nakita ko naman sa kusina ang lagayan ng mga pandesal at may nakapatong na sulat sa ibabaw nito.

Ash,

Aalis lang saglit si Ate ha. May interview ako ngayon. Ikaw na muna bahala sa pagtitinda. Dapat maubos mo yan. Uwi ka agad pagkatapos mo magbenta.

-Ate Sam

Ate naman. Ako naman laging bahala sa pagtitinda nito eh. Ako kaya lagi mong pinagbebenta. Hay nako. Makapagsimula na ngang magbenta. Kailangan maunahan ko si ate sa pag-uwi kung hindi, malalaman nun na tinanghali ako ng gising.

"Pandesal! Bili-bili na kayo! Masarap na mura pa!"

Konti na lang ang pandesal ko dahil marami-rami na rin ang bumili sa akin ngayon at marami silang binili. Nakikiayon sa akin ang tadhana.

"Ash!"

Si Aling Marie pala.

"Tinanghali ka yata ngayon?" puna niya.

"Tinanghali po kasi ako ng gising," dahilan ko.

"Naku, mayayare ka sa ate mo niyan."

"Kaya nga po binibilisan ko na magbenta para maunahan ko siya umuwi."

"Ikaw talagang bata ka. Oh, pabili ulit ako ng 50 pesos."

Bumaba naman ako ng bike at kumuha ng supot na paglalagyan ng pandesal. Binuksan ko na ang lalagyan at kumuha ng pandesal. Buti mainit-init pa kahit papaano.

Pagkakuha ko ng mga pandesal ay binigay ko na kay Aling Marie.

"Ito na po yung pandesal niyo." Inabot naman niya sa akin ang bayad niya.

"Salamat, Iha. Ingat ka sa pagba-bike ha. Bukas ulit."

"Maraming salamat din po," nginitian naman niya ako at pumasok na siya sa bahay niya.

Hindi na iba sa amin si Aling Marie. Katulad ng sabe ko, suki namin siya pero hindi lang basta suki. Parang pangalawang nanay na rin namin siya ni ate. Siya yung tumulong sa amin noon nung walang-wala kami ni ate. Kaya napalaki ng utang na loob namin sa kanya. Kahit na ang sama ng ugali ko, pagdating sa kanya nagiging mabait ako.

Tamang-tama at ubos na rin sa wakas ang pandesal na tinda ko. Pagtingin ko sa phone ko ay 9am na pala. Kaya binilisan ko na ang pagbabike ko. Kailangan ko maunahan si ate sa bahay. Kanina pa nga text ng text, hindi ko na lang nirereplayan.

Paliko na ako sa may kanto sa amin ng biglang may isang lalaki ang tumawid sa harapan ko.

0__0

*BOOGGSSHHH*

"Aray!"

"Aray ko!"

Nakita kong tumayo ang lalaki at lumapit ito sa akin.

"Miss, sorry. Hindi ko sinasadya," sabi nito.

"Sorry? Sana kase bago ka tumawid, marunong kang tumitingin sa dinadaanan mo?" pagtataray ko.

"Nagso-sorry na nga yung tao eh tapos tatarayan mo pa."

"Wow! Eh kung tinutulungan mo sana ako makatayo eh nho?"

Inabot naman niya ang kamay niya. Nag-aalinlangan pa akong hawakan ito dahil baka bigla akong bitawan.

"Magpapatulong ka ba tumayo o tititigan mo lang kamay ko ?"

Sinamaan ko na lang ito ng tingin at hinawakan ang kamay para makatayo ako. Pinagpagan ko ang sarili ko dahil ang dumi-dumi ko dahil sa pagbagsak sa bike.

"Sorry ulit. Bago lang kasi ako sa lugar na 'to. By the way I'm--"

"I'm not interested."

Pasakay na ulit sana ako sa bike ng tawagin niya ulit ako.

"Wait lang miss, may sugat ka sa tuhod mo," wika niya, "Gusto mo dalhin kita sa clinic o ospital para maipagamot yan?"

"Ang O.A mo po. Malayo 'to sa bituka. Ako na bahala dito. Nga pala, pag-aralan mo sana kung paano tumawid ha para hindi ka nakakapahamak."

Pagkasabi ko non ay tinalikuran ko na siya at nagsimula na magbike.

Napaka overacting naman niya. Palibhasa wala siyang sugat. Alam niyo kung bakit? Kase nakaiwas agad siya sa bike ko kaya ang ending, ako lang yung nasaktan.

*kring kring*

Tumigil muna ako saglit sa isang tabi at tiningnan kung sino ang natawag.

*Ate Sam calling*

Paktay!

"Hello, ate."

"Hello. Nasa bahay na ako. Bakit wala ka pa?"

"Malapit na. Pauwi na ako."

"Sige. Bilisan mo."

Nilagay ko agad ang phone ko sa bulsa at nagmadali na magbike para makauwi na. Good mood yata si ate. Baka natanggap na siya sa trabaho o baka naman mukha lang pero pagdating ko sa bahay, katakot takot na ratrat naman ang sasalubong sa akin. Grabe naman mga theories mo, Ash. Bilisan mo na lang ang pagpidal.