Irine's POV
Marami na akong utang lalo na kay lance, pasalamat ako at may kaibigan akong katulad niya. Siya ang nagbigay sakin ng limang milyon tapos ngayon? Siya ang nagbayad sa mga gastusin sa ospital hindi pa kasi nakakarating si papa dito.
Natigilan ako sa pag iisip ng biglang bumukas ang pinto.
"Pa!"sigaw ko
"Anak? Are you alright? Apo? Nasan ang mama mo?"-papa
Napatingin siya sa higaan at naluha nalang si papa sa mga nakita niya. Maputla na si mama. Natahimik ang paligid nanlaki ang mga mata namin ng biglang nagsalita si mama.
"Huwag niyo na akong ipagamot, gusto ko nang makapagpahinga"mahinang sabi nito.
"Ma! Huwag kayong magsalita ng ganyan. Mabubuhay pa kayo, magsasama pa tayo. Ma, huwag mo kaming iwan."sabi ko habang umiiyak.
"Mamala, don't leave us, we love you so much,. Please don't go"iyak na sabi ng anak ko.
Kailangan kong magpakatatag para sa anak ko. Niyakap ko si danica para mapatigil sa pag iyak. Ng makatulog na sila papa at danica dahil sa pagod, ako nalang ang natirang gising pa.
"Ma, huwag niyo po kaming iwan. Ayoko pong mawala ka, hindi pa po ako handa, ma! Huwag niyo akong iwan. Please!"iyak na sabi ko.
"Anak.. Pasensya na at iiwan na kayo ni mama, alagaan mo ang anak niyo ni daine at sabihin muna kay daine na siya ang ama anak. Babantayan ko kayo palagi kaya huwag kayong iiyak sa burol ko."hinang hinang sabi ni mama
"Ma huwag na po kayong magsalita. Nahihirapan na po kayo. Ma! Hindi pa po ako handa. Please!"-ako
"Hindi na kaya ni mama, paalam na anak"-mama
Sa sinabi na yun ni mama?
(Teetttettttttttettt)
Hindi! Hindi! Hindi! Pata..patay. Na si mama?
"Ma! Gising! Ma!!"sigaw ko dahilan na magising silang lahat.
"Ate what's wrong?"tanong ni timmy
"Si mama!"sigaw ko
"Ma! Please wake up! Ma!"sigaw ni timmy habang naiiyak..
"Doc.!"sigaw ko
Inasikaso ni papa at ang ibang doktor si mama pero sa huli? Wala na talaga siya.ðŸ˜ðŸ˜
"Pa huwag mong sabihin na wala na siya! Pa sabihin mong buhay pa siya!"sigaw ko
"Ate,calm down"-timmy
"I'm very sorry mga anak, patay na ang mama niyo"iyak na sabi ni papa
"Time of death, 3:00 am, July 8"sabat ng isang doktor
Napaluhod ako sa narinig ko, hindi pa ako handa ma! Huwag naman sana. Niyakap ako ni lance at danica para mapigil sa pag iyak ko.
"Shh.. Tama na ai. Ingatan ang puso"paalala sakin ni lance.
Oo, noong nakaraang linggo konlang nalaman na may sakit ako sa puso. Pag nasobrahan ako sa pag iyak, o stree at pagod maaapektuhan ito at sasakit ng sobra.
"Mas gusto kong sumakit ang puso ko lance at atakihin ako para mamatay na ako!"sigaw ko.
"Huwag kang magsasalita ng ganyan. Paano si danica huh? Iiwan mo din ba siya? Huwag naman irine. Tutulungan kitang makalimot. Kaya tama na ang pag iyak."kalmadong sabi nito.
Natigil na ako sa pag iyak, pagmulat ko? Nasa kwarto na pala ako. Nasa tabi ko si danica. Baka panaginip lang yun. "Buhay pa si mama!"masayang sabi ko.
Bumaba na ako patungong kusina pero bago pa ako makapunta doon nakita ko si timmy, papa, yaya, at si lance sa sala. May pinag uusapan sila?
"Anong meron pa? Tsaka bakit hindi niyo kasama si mama?"taka kong tanong
"Anak?! Tama na! Tanggapin mo na.! Wala na ang mama mo!"sigaw ni papa sakin.
Pero hindi! Panaginip lang yun. Alam ko na hindi yun totoo.
"Wag kanang magsinungaling sa sarili mo ate! Tama na!"iyak na sabi ni timmy
"Ano ba kayo, nagbibiro ba kayo, o baka panaginip na naman to"sabay sampal sa pisngi ko.
Ouch! Ang sakit, hindi nga ito panaginip. Shit! Patay na talaga si mama?
"Hindi! Kahit na puntahan natin siya sa kwarto niya. Andun lang siya natutulog"kalma kong sabi
Umakyat na ako at sumunod sila.
"See? Andito lang si."naputol ang nasabi ko ng hindi makita si mama.
"No! Ma? Nagtatago ka ba? Ma! Sumagot ka nama!"sigaw ko
"Irine! Tama na! Sinasaktan mo lang ang sarili mo!"sigaw ni lance sakin.
"Pero buhay pa siya lance alam ko. Buhay pa siya"sabi ko habang naiiyak.
Napatigil ako ng may bumusinang sasakyan sa labas. Bumaba kaming lahat para tignan kung sino. Napaluhod ako ng makita ang isang kabaong? At andun si mama sa loob. Totoo nga patay na siya.
(After nine days)
"Ma? Kung nasan ka man, sana masaya ka at babantayan mo lagi si danica ma. Ilayo sa mga masasamang tao. Ma kahit hindi madaling kalimutan ka? Gagawin ko nalang para sa sarili at sa anak ko. Goodbye mom. I love you"sabi ko sabay binitawan ang white balloon.
"Goodbye mamala,I love you"sabi ng anak ko.
Nagpaalam na kami sa puntod ni mama at kuya. Magkatabi lang kasi ang puntod nila.
"Mamo? Are you feeling well right now?"tanong ni danica
"Yes baby, i am fine now."masaya kong sagot.
Nagyakapan kami, binuhat ko nalang siya papunta sa kotse na sinakyan namin.
Months passed.
Simula ng mamatay si mama? Na depressed na si papa, nasa mental na siya palagi namin siyang kinakausap pero hindi na nagsasalita. Sa lahat ng nangyari sa buhay ko? Pinagsisisihan kong bakit pa ako lumapit kay daine ng araw na yun.
(Office)
"Good morning mam"bati ni manong sakin
"Goodmorning din manong"matamlay na sabi ko
"Mam? May sakit ba kayo?"tanong nito.
"Wala. Okay lang po ako manong"sabay hakbang palayo sakanya.
"Yan ba si irine? Yung ang taty nasa mental"rinig kong bulungan ng dalawang dalaga sa likuran ko.
"Anong sabi niyo!"galit kong sabi dahilan para mapa atras sila sa kinaroroonan nila.
"Wala po mam,"mahinhin na sabi ng isang babae.
"Wala kayong alam kaya huwag kayong magsalita ng kung ano anong bagay! Sa suaunod na marinig ko pa na pinag uusap niyo ako? Maaari kayong matanggal sa opisinang ito"galit kong sabi
"Pasensya na mama"rinig kong sabi ng isang babae.
"Bakit ka ba humihingi ng pasensya sa babaeng ito"rinig kong sabi sa likuran ko.
Napatalikod ako, nanlaki ang mga mata ko ng makita si brenda? Bakit siya nandito?
"Bakit sino ka ba dito sa opisinang ito irine?"pagtataray niya.
"Ako? Isa akong tunay na kaibigan ni lance at ako ang personal assistant niya at ang vice president sa kompanyamg ito. Ikaw sino ka din ba dito?"galit kong saad.
"Haha. Hindi mo ako kilala? I am the only wife of lance castro. Ako ang asawa ng may ari mg kompanyang pinagtatrabahoan mo."pagtataray niya.
"Walang akong paki alam kung sino ka man.!"galit kong sabi sabay walk out pero sa inaasahan? Hinila niya ako at sinampal.
Ouch! Ang sakit! Ang sakit sakit na.
"Bakit! Anong ginawa ko sayo. Itong sayo!"sabay sampal sa kanya.
"Aray!,ang sakit mag babayad ka sa ginawa mo sakin. Ipatatanggal kita sa opisinang ito."sabi niya sabay plastik na pagiyak nangakita niya si lance.
"Hon? What's wrong?"tanong ni lance kay brenda
"Hon,akala ko ba mababait ang mga empleyado mo dito. Bakit ako nasampal ng walang dahilan?"pagsisinungaling nito.
Ang yabang niya! Hindi naman iyon totoo. Siya ang nauna!
"Irine!? Ikaw ba ang gumawa?"tanong ni lance sakin.
"Siya ang nauna lance hindi ako!"depensa ko sa sarili ko.
"Totoo ba yun maggie"tanong niya sa isang naka encounter kong empleyado kanina lang.
"Hindi po sir, si mam irine po ang nauna"pagsisinungaling nito
"Hindi ako! Sinungaling ka!"sigaw ko kay maggie. Napatingin ako sa mga mata niya na para bang sinasabi na "I'M sorry.
"Guard, palabasin si irine sa opisina."-lance
"Lance! Hindi mo ba ako pakikinggan? Nagsama tayo mahigit tatlong taon tapos ito lang?"-ako
"Hindi tama na sinampal mo ang asawa ko irine. Wala na akong tiwala sayo, kaya umalis ka nalang, at isa pa, hindi na kita kaibigan simula ngayon."seryosong saad nito
Kinaladkad ako ng mga guard pero pinigilan sila ni manong.
"Tama na!"sigaw ni manong
Binitawan nila ako, tsaka lumapit si manong sakin.
"Alam kong hindi ikaw ang nauna, sasabihin ko kay sir lance ang lahat ng nangyari"sabi ni manong
"Huwag na po, okay lang po ako manong,. Salamat sa concern mauna na po ako"sabi ko sabay lakad palayo.
Habang naglalakad ako, wala kasi akong pamasahe wala akong perang dala.
Sa aking pagalalakad nakakita ako ng isang liwanag at yun na.
BAMM!!
Itutuloy.....