Chapter 23 - EPILOGUE

Jess Lloyd Point Of View

Nasa harap ng salamin ako at tinitignan ang reflection ko sa salamin.

'Sobrang pogi ko talaga, tsk tsk tsk.' Sabi ko mula sa aking isipan.

"Ginagawa mo?" Napatigil naman ako ng lumapit sa akin si Ilesha.

"Naiisip ko lang nakaka pagod din pa lang maging pogi." Sagot nito at napataas naman ang kilay n'ya. Kahit kapatid ko 'di kaya ka pogian kong taglay.

"Eww, bilisan na nga lang natin kuya! Hwag mo ng isipin na pogi ka kasi walang ganon baka imagination mo lang 'yan. Ako ng bahalang mag-isip n'yan kong pogi ka ba o hindi. Pero hindi ka talaga pogi!" Napa deep sigh naman ako. Basta alam ko sa sarili ko na pogi ako.

"Saan nga 'yong school natin dati nong high school tayo?" Tanong ni Ilesha.

"Ano ba 'yan pati ba naman 'yun nakalimutan mo! Syempre sa -" napatigil naman ako kasi 'di ko rin alam kong saan.

'Potek! Anong nangyayari bakit 'di ko alam?' Tanong ko sa sarili.

"Saan?" Tanong ni Ilesha.

"Teka iniisip ko pa. Mukhang nakalimutan ko rin." Napa shrugged nalang si Ilesha.

"Paano 'yan? Wala naman pala tayong alam mygosh! Teka tignan ko sa group chat natin kong ano bang school."

'Bakit ba nakalimutan ko?' Bago naupo ako at ginulo ang buhok ko nakakainis.

"Walang nakalagay. Magtatanong na lang ako ng address sa mga batchmate natin." Sabi ni Ilesha.

Pumasok muna si ako sa room ko habang busy si Ilesha sa phone n'ya.

"Kuya, I know na kong saan. Mag bihis ka na nga! Ma la-late na tayo!"

"Okay-okay!" Sagot ko.

****

Wayne Point Of View

Sabay kaming naglalakad ni Jake pupunta kami ngayon sa school. Doon kasi kami magkikita lahat.

"Ano na kaya ang itsura ng school natin no?" Hindi ako sumagot kasi may iba akong nararamdaman. Kinakabahan ako na iwan ko ba.

"Bat ang tahimik mo?" Umiling naman ako.

"Hindi ka pa ba nasanay sa akin? Sadyang tahimik naman talaga ako dati pa." Sagot ko sa kanya.

"Alam ko, pero iba 'yong ngayon. Parang may iba kilala kita ako pa ba." Napangiti naman ako. Kahit kailan talaga alam na alam n'ya kong may problema ako.

"Tara na nga, baka ma late pa tayo." Sumunod lang naman siya sa akin at 'di na kami nag-usap after non.

Marami na rin akong nakikitang bagong dating na mga dating student na nandito. Ang bo-bongga nga, e. Kasi mga naka kotse sila kami lang 'ata ni Jake 'yong naglakad papunta dito.

Kaya naman kasi namin lakarin 'to gastos lang kong mag ta-taxi kami or ano pa man.

"Parang nakakahiya pumasok sa loob. Parang kasi tayo lang 'yong simple 'yong suot."

"Sus! Hayaan mo na yan. Hindi naman kasi natin kasalanan na 'di tayo agad nakapag trabaho or di tayo natanggap kaya 'di pa tayo nakaka angat. Pa huli-huli lang tayong mga bida." Napangiti ako sa kanya. Napaka positive talaga nito mag-isip sana all na lang. Mabuti na lang talaga nandito siya palagi para sa akin.

"Jake may tanong ako. Wala ka bang nagugustuhan or ano?" Napatigil naman siya sa tanong ko.

"Ewan! Kong 'di ko man siya matagpuan kong sino siya I think ikaw na 'yun hahaha!" Hinampas ko naman siya sa braso n'ya kong ano-ano kasi pinagsasabi.

"Bad 'di tayo pwede! Bleeh!" Lumakad na ako pa pasok ng school siya naman naiwan sa labas. Pero humabol din naman siya sa akin after ilang minutes.

"Ano? Bakit na speechless ka?" Napahawak naman siya sa batok n'ya.

"May naisip kasi ako sa sinabi mo." Napataas naman ang kilay ko. Ano naman kaya yun?

"Ano?" Parang nag-aalangan siya sa akin na itanong.

"Ano- lesbian ka ba?" What? Pilit siyang ngumiti sa akin at ako naman napasimangot. "Hwag mo na lang isipin ang tanong ko." Dagdag n'ya pa.

"Napaka siraulo mo talaga kahit kailan!" Inis kong sabi sa kanya.

"Sorry naman, sabi mo kasi 'di tayo talo hahaha." Hinayupak talaga! Bahala nga siya 'di ko na siya papansinin.

Nauna na akong lumakad sa kanya papasok sa loob. Sa Gymnasium yung location dito sa school na magkikita kami.

"Iniwan mo naman ako." Nasa tabi ko na pala si Jake. Hindi ako sumagot sa kanya kasi nakakainis mga pinagsasabi n'ya.

May guard na nagbabantay sa gymnasium.

"Here," may inabot siya sa aming mask. Kinuha ko na lang baka ballroom 'tong gagawin namin dito sa loob hahahaha.

"Bat may pa ganito?" Umiling na lang ako kasi 'di ko rin talaga alam.

Sinuot muna namin yong binigay bago kami pumasok 'di kasi kami papasukin pag walang ganon.

Pag pasok ko sa loob ng gymnasium wala naman ibang tao kundi kami pa lang dalawa.

"Masyado ba tayong maaga?" Tapos may mga tarpaulin na nandito sa loob at by batch 'yong picture na nasa tarpaulin. Hinanap ko 'yong sa amin kaso nong makita ko halos wala akong kilala.

"Sobrang pamilyar nong iba pero 'di ko matandaan 'yong ibang nasa picture." Ganyan din 'yong nasa isipan ko ng makita ko ang picture. Bakit 'di ko kilala ang iba? Ibang section ba kami kaya 'di ko matandaan? Siguro nga, sobrang tagal na rin kasi.

Napatingin naman ako sa likuran namin ng dumating ang iba. Pero may isang taong naka agaw ng attention ko.

****

John Ford Point Of View

Sinundo ko muna si Windy dahil mag ta-tampo na naman 'yun.

"Tingin mo mga successful na din kaya 'yong mga ka batch natin?"

"Maybe, lahat naman ng nag-aaral sa school namin mayaman."

"Are you sure? Paano kong nagka financial problem or what?"

"Oh, it's not my problem though." Napailing na lang ako sa kanya.

"By the way ano bang gagawin sa school? Halos lagi naman akong nandoon last year." Bored na sabi n'ya.

"Last year pa 'yun hindi ngayon. Bakit kasi 'di mo dinadalaw ang school na pag-aari nyo?"

"You know my tiwala naman ako sa tita ko sa pag ma-manage tsaka wala akong hilig makialam. Haler! Katatapos ko lang mag-aral ng college tapos gusto mo bumalik naman akong school para imanage yon? No way!"

"Okay, wag kang umiyak." Halatang nainis siya sa sagot ko sa kanya.

"Don't you dare talk to me again!" Mukhang nainis na nga siya kaya need ko ng manahimik.

****

Pumasok kami sa loob ng naka mask. Halos lahat naman may mask parang may pa ballroom lang. Half facemask lang ang binigay sa amin ni Windy.

Nong pumasok kami sa loob ang dami ng tao. Pero may isa akong bagay na na pansin.

May arrow na nasa gitna. Parang gusto kong tignan kong saan patungo ang arrow na 'yan.

"Windy!" Feeling ko naka taas na 'yong kilay n'ya pag tawag ko pa lang sa kanya. Hwag na nga lang.

*****

Leigh Point Of View

Bakit sobra akong kinakabahan. Feeling ko may mangyayaring 'di ko inaasahan.

Si Hiro naman kanina ko pa siya napapansin na naka tingin sa classmate ko.

"Kilala mo ba 'yang tinitignan mo?"

"Huh?" Umiwas siya ng tingin dito.

"Ewan sa'yo Hiro. Saan pala si Xian?" Sinama kasi namin siya kasi naman ayaw pumayag na maiwan sa bahay.

Napatayo naman siya at syempre nagtaka ako.

"Hiro!" Tumakbo siya at sumunod naman ako. "Saan ka ba pupunta?" Naiinis na ako sa kanya naka heels pati ako.

Ngayon ko lang na pansin na may arrow sa mga nilalakaran ko. Hindi ko na makita si Hiro dahil ang hirap mag habol ng naka heels. Wala din naman 'ata siyang balak na hintayin ako. Ang sakit lang char!

Pero pinagpatuloy ko ang pag sunod sa mga arrow baka kasi ito 'yong sinundan n'ya.

Napa hinto ako ng may makita kong nagliliwanag sa unahan.

"Teka totoo ba 'tong nakikita ko?" Pumikit ako baka mawala kapag minulat ko ulit ang mga mata ko. Kaso walang nangyari nandito pa rin sa harap ko 'yong liwanag.

Hinawakan ko ito pero sana 'di ko na lang ginawa. Hinigop ako ng liwanag hindi ko siya kayang control-in dahil sobrang lakas nito.

*****

Jake Point Of View

Sumunod ako kay Wayne ng tumakbo siya. Mukhang sinundan n'ya yung lalaki at babae na naghahabulan.

"Jake!" Napalingon ako ng may tumawag sa akin.

Pero wala naman akong nakitang tumatawag sa akin ng lumingon ako.

Umalis na ako at sumunod kay Wayne. Kong saan-saan naman kasi 'yon pumupunta 'di na lang manatili dito.

Napalingon ako sa likuran ko ng marinig ko ang tunog ng heels.

Tumabi muna ako sa gilid 'di n'ya ako mapapansin dito. Nagmamadali siyang lumakad at pa lingon-lingon din.

Sa sobrang taas ng heels n'ya natapilok siya sa mismong harapan ko. Buti na lang nahawakan ko siya. Natanggal din 'yong mask n'ya ng matapilok siya.

Parang bumalik ang lahat ng makita ko siya.

"Windy." Tumayo naman siya at inayos 'yong buhok n'ya na nagulo.

"Sorry, by the way thank you. Una na ako may hinahabol kasi ako." Nag madali siyang lumakad palayo. Hindi ko alam kong anong i-re-react ko sa sagot n'ya.

Parang lahat nong mga tanong sa isipan ko na sagot lahat ng makita ko siya. Tumakbo ako kaso wala na siya. Tanging ang liwanag na lang sa may dulo ang nakikita ko.

Hindi ako nag alangan na pumasok dito because I know this light.

****

Franscene Point Of View

Hindi ko alam kong saan na pumunta si Jess Lloyd. Bigla na lang kasi siyang nawala.

Tinatawagan ko siya pero 'yong phone n'ya naiwan sa tabi ko. Bigla na lang kasing umalis 'yong mga kasama ko dito.

Napatingin ako sa picture ng batch namin at may mga mukhang 'di ko ma kilala. Hindi ko rin sila ma kilala kong nandito ba sila ngayon? Kasi naman naka mask kami. Mukhang sinadya 'ata talaga na ganito. Mamaya pa kasi tatanggalin 'to.

Tumayo na ako para hanapin ang kuya ko. Bakit ba kasi kong saan-saan pumupunta ang lalaking 'yon?

*****

Kong saan-saan na ako na punta pero 'di ko pa rin siya makita. Umuwi na ba 'yon? Hindi naman siguro kasi kong umuwi 'yon mag pa paalam 'yon. Hindi naman ako iiwan non agad na 'di nag pa-paalam.

Nakakapagod din maglakad lalo na naka dress pa ako at naka heels.

Habang naglalakad ako may na pansin akong mga arrow. Ano kayang meron dito? Baka may pa surprise kaya may pa ganito?

Sumunod lang ako sa arrow baka kasi ganito din ginawa ng kuya ko. Masyado 'yong curious, e.

"Miss saan ka pupunta?" Napatigil ako ng may tumawag sa akin. Pamilyar ang boses n'ya pero 'di ko siya kilala. Parang narinig ko lang dati.

"Nah, why would I tell you?" Humarap ako sa kanya at syempre expected na naka mask siya. Kaya hindi ko kita kong sino siya.

"Nakikita mo ba 'tong mga arrow?"

"Yeah, so anong meron?"

"Wala nagtanong lang ako. Baka kasi ako lang ang nakakakita nito. Buti naman di pa ako nababaliw. Thank you Lord." What?

"Are you okay Mister?" Mukhang may saltik pa 'ata 'tong lalake na 'to.

"Kasi naman may tinanong ako na ibang mga ka batch mate ko. Kong nakita ba nila 'tong arrow sabi nila hindi. Kaya na isip ko baka nababaliw lang ako." Now naintindihan ko na rin.

"Oh I see. Don't worry nakikita ko rin siya." Napatingin naman ako sa name tag n'ya sa gilid at nakalagay don na magka batch mate kami. Hindi ko gaanong maintindihan 'yong name n'ya. Malinaw naman 'yong mata ko pero parang ang labo pag binasa ko ang name n'ya.

*****

Hiro Point Of View

Sinundan ko si Xian. I'm sure na siya talaga ang nakita kong pumunta dito.

"Xian!" Hindi nga ako nagkamali siya 'yong batang nakita ko kanina. Ngumiti siya sa akin at tuluyan siyang nilamon ng liwanag.

What the actual fuck? I am hallucinating right? Naka drugs na ako? Bakit may liwanag akong nakikita?

Lumapit ako sa liwanag at 'di ko alam kong anong gagawin. Iniisip ko kong gagawin ko rin ba ang ginawa ni Xian o iiwan ko rin siya?

Alam kong nagtatampo siya sa akin dahil lagi akong walang time sa kanya.

Bahala na nga!

Pumasok ako sa loob ng liwanag at pag bukas ko ng mga mata ko.

Isang falls ang sumalubong sa akin. Nasa harap ako ng falls at halos mapalundag ako ng isang lion ang naliligo dito.

Naka tingin lang siya sa akin. Pero teka?

Napatingin ako sa paligid bakit sobrang pamilyar nito? Parang nakarating na ako dito dati? Hindi ako kumikilos baka kasi bigla 'tong magulat ang lion patay tayo.

Mabuti nalang 'di siya umaalis sa pwesto n'ya at naka tingin lang din siya sa paligid.

Isang napakalakas ang sigaw ang narinig ko at bumagsak siya sa tubig. Napatayo tuloy ako ng isang babae ang bumagsak dito.

Napatingin ako sa lion na naka tingin din sa babaeng bumagsak. Kaso mukhang 'di 'ata siya marunong lumangoy!

Potek? Nag da-dalawang isip ako baka kasi lumapit sa amin 'yong lion.

Bahala na nga!

Tumalon ako sa tubig para tulungan 'yong babae. Good thing 'di naman umalis 'yong lion.

Binuhat ko ang babaeng bumagsak sa tubig pero mukhang nawalan siya ng malay.

Naka mask din siya same sa amin. Mukhang ka batch ko siya dahil sa tag na nasa gilid n'ya. Kaso burado na 'yong name n'ya dahil siguro nabasa.

"Miss." Tinapik tapik ko siya pero 'di siya nagigising. Anong gagawin ko ba?

Sinimulan ko na ring i-press yong chest n'ya kaso 'di effective.

"Miss!" Hindi pa rin talaga siya nagigising. Nagulat ako ng biglaang tumayo 'yong lion.

Pero 'di pa naman siya lumalapit sa amin.

"Miss!" Napatingin ako sa lion ng umungol siya. Parang alam ko ang sinasabi n'ya.

"Okay!" Nag deep sigh muna ako. Sana lang 'di ako masampal nito kapag nagising siya. Tinanggal ko na rin 'yong mask n'ya.

I Gently tilt her head back. I Use one hand to hold her chin and lift it up, then keep her mouth open using my thumb. Kinakabahan talaga ako sa gagawin ko na 'to. Napansin ko 'yong Lion na nasa mas malapit na na part namin.

I Place my other hand on her forehead and pinch her nose with my index finger (pointer finger) and thumb.

I take a normal breath at ginawa ko na ang dapat kong gawin. Sana lang magising siya.

Napatayo ako ng tinulak n'ya ako ng nagising siya. Bumagsak ako sa tubig.

"Bastos! Anong ginagawa mo?!" Sabi na nga ba, e.

"Look tinulungan lang kita!" Sabi na nga ba ako na naman ang masama nito. Pero nagtaka ako ng huminto siya sa pagsasalita at naka tingin lang siya sa akin.

"I thought you're already dead." Huh?

"What do you mean?" Napahinto kami sa pag-uusap ng may dumating na dalawa. It's Jake and Windy. Teka what? Paano ko sila na kilala?

"Hiro." Pero 'di ko pa rin talaga sila matandaan kong paano ko sila na kilala.

"Okay na ako kahit 'di mo ko matandaan. Atleast buhay ka." Bakit nasasaktan ako sa sinabi n'ya?

"You mean hindi mo siya matandaan?" Napatingin ako kay Wayne! Oh shit? Kilala ko siya!

"I know her name. Pero 'di ko matandaan kong paano kami nagka kilala."

Napatingin na rin kami sa iba pang dumating.

"So, kaya pala! Mabuti na lang 'di na rin ako maguguluhan sa mga nangyayari. Natatandaan ko na lahat guys! I'm so happy!" It's my sister.

Napatingin naman siya sa akin.

"Kuya!" Niyakap n'ya ako.

"Ginagawa mo?" Nagtaka naman siya.

"Hindi mo pa rin ba natatandaan?"

"Alam ko name n'yong lahat. Yon lang naman. Tapos kapatid kita. Ano bang meron?" Na tahimik naman silang lahat sa sinabi ko. I can't understand anything!

****

Windy Point Of View

I feel sad to Wayne. Lalo na 'di pa rin pala siya matandaan ni Hiro. Akala ko happy happy na. Pero may problema pa rin pala.

"Tingin ko 'yon 'yong consequences kasi na buhay siyang muli. Kaya 'di n'ya pa rin matatandaan ang lahat."

"Siguro nga. Pero sobrang sakit sa part non para kay Wayne. Kasi 'di n'ya man lang natandaan."

Lumapit kami kay Wayne na ngayon naka upo lang sa isang tabi. Kanina pa rin siya 'di nagsasalita o lumapit lang man sa amin.

"Beshy, I'm sorry!" Niyakap siya ni Leigh. "Sorry kasi 'di kita nakita o na na kasama man lang. Sorry kasi wala ako sa tabi mo. Sorry kasi wala akong matandaan."

"Ayos lang. Wala namang may kasalanan. Lalo na lahat tayo walang natatandaan."

"We know that it's hurts." Ilesha said. Ngumiti naman siya dito.

"Hindi ko nga alam kong tama bang naalala ko ang lahat o dapat 'di ko na lang naalala. Kasi ngayong naalala ko na mas nasaktan pa ako sa mga nangyayari. Pero at the same time natutuwa din ako dahil nakita ko kayo at nakasama rin. Tapos nalaman kong buhay si Hiro. Ayos na rin siguro 'yon kasi alam kong ligtas na siya." She's so soft and kind hearted.

Niyakap namin siya.

"We're here always! Okay!"

Nagtaka kami ng lumapit sa amin 'yong Lion.

"Xian!" Si Leigh ang lumapit sa kanya at I remember that Lion.

"You do understand him?" Tumango naman si Leigh sa akin.

"Mukhang tama ka nga sa sinabi mo. Consequences 'yon kaya 'di matatandaan ni Hiro ang lahat. Nabuhay siyang muli pero kapalit non ang mga ala-ala nating lahat na pinagdaanan dito. Only our name ang matatandaan n'ya. Syempre ako natatandaan n'ya rin pero lahat lang ng mga napagdaanan namin 'yon sa labas ng mundong 'to. Pero lahat ng ala-ala dito na naiwan hinding hindi n'ya na matatandaan pa." Kitang kita ko ang pag patak ng luha ni Wayne.

"Okay na ako dun. Tara na gusto ko na makita ang Charhelm ulit." Ngumiti kami sa isat-isa.

"Let's go guys!" Tawag namin sa mga boys..

Sa wakas makikita na namin ulit ang Charhelm.

*****

The End...