Matapos kong makita ang pangyayaring 'yon ay dali dali akong lumayo at nagtungo sa cr. I looked at my face in the mirror.
Did Dice got hurt because of me?
Palagi bang ginagawa ni daddy 'yun sa kaniya?
I am dumbfounded.
I thought they were close... a happy family... just like mine.
Ito ba ang dahilan kung bakit parang ang distant ni Dice kay Daddy? Come to think of it, hindi ko pa nakikitang magkausap si Dice at Daddy nang normal. It's all about business, and my marriage with Dice.
I washed my face at bumalik sa sala na para bang walang nangyari. I tried so hard to stop myself from making any reaction. I acted normally, para na rin hindi mag alala si Mommy.
Dice and Daddy also came back. I scanned Dice's face, and I can see the bruises slowly appearing. Ipinagpaalam na kaagad kami ni Daddy kay Mommy.
"Aww you're leaving already?" Ani Mommy.
"Yes, hon. Pagod na sila sa byahe, they need to rest." Sagot ni Daddy.
After saying our goodbyes, Dice grabbed my hand and hurriedly went out of the mansion. Mukhang ayaw niyang makita ni Mommy kung ano ang hitsura ng kaliwang pisngi niya ngayon. He was trying to hide his face earlier, he barely turned his face to the right.
We just got down the stairs, at naglalakad na kami sa garden nang mapansin ko na dumudugo ang ilong ni Dice.
"Y-your nose is bleeding." I said. Kaagad kong inaabot sa kaniya ang panyo ko. Pupunasin na sana niya ang ilong niya pero narinig namin ang pagtawag ni Mommy sa amin.
Oh no... she will see Dice!
Hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa kamay ko, at nakatagilid pa rin siya. He doesn't want to face Mommy.
I was torn for a second. Hahayaan ko bang malaman ni Mommy kung ano ang ginawa ni Daddy kay Dice?
I looked at Dice, and saw that he is so tensed.
Think of a plan, Shihandra. Think!
Bigla akong may naalala. That's right! Ito na lang ang naiisip kong paraan... patawarin sa ako ni Dice huhu.
I grabbed Dice's face. Tumingkayad ako at hinila ko talaga ang mukha niya para maabot ko ang labi niya.
Hinalikan ko siya.
Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhh!
Don't get me wrong! I placed my thumb between our lips. Kung titingnan sa malayo, parang ginagawa talaga namin yon pero hindi talaga. This is the plan that we thought of back then noong wedding day namin.
Pinikit ko na lang ang mata ko para hindi ko makita kung anong reaksyon Dice. Hanggat hindi nagdidikit ang mga labi namin, I'm safe!
"Oh gosh, I guess I shouldn't disturb them." Rinig ko kay Mommy. Kasunod non ay ang tunog ng camera. Where did she get a camera so suddenly?
Naramdaman ko ang paghawak ni Dice sa braso ko kaya dali dali akong lumayo sa kaniya. "She's gone." Aniya.
"O-okay." Sabi ko saka mabilis na naglakad papunta sa sasakyan.
Wtf did I just do?!
Tumingin ako sa hinlalaki ko. Nabahiran pala ito ng dugo. Di ko mapigilang maisip kung gaano kalambot ang labi ni Dice.
Wait what?! Ano ba 'tong iniisip ko?!
I flinched when Dice entered the car. I looked away as soon as he looked at me.
"Why did you do that?" He asked.
"You suddenly squeezed my hand... so i figured you might not want Mommy to worry." I answered.
"You never fail to surprise me." Aniya. He doesn't seem bothered at all. Parang walang epekto sa kaniya ang ginawa ko samantalang heto ako, parang sasabog ang dibdib sa kaba.
Muntik ko nang makalimutan.
He just see me as a kid.
Nothing more.
***
Sa wakas, nakarating na kami sa condo. Inaamin ko na namiss ko ang condo namin kahit ilang araw lang kaming wala dito. My parents where out of town, working kaya di na kami nagpunta sa mansion.
Pagkatapos kong ibaba ang gamit ko sa kwarto ay kaagad akong kumaripas ng takbo palabas to look for ice. Nang makahanap ako ay kaagad ko itong inilagay sa compress. I barged into Dice's room at inabutan ko siyang nagpapalit ng damit dahil namantsahan ito ng dugo kanina.
Napaiwas ako ng tingin. Ayokong tumingin sa katawan niya dahil may kakaiba akong nararamdaman kapag nangyayari iyon.
"Dinalhan kita ng cold compress... you have a bruise in your left cheek." Sabi ko.
"Thank you." He said.
Lumapit siya sa akin... then i extended my hand to give him the cold compress. To my surprise, he grabbed my hand and put it on his cheeks.
"Do it." Aniya.
"D-do what?" Tanong ko. Sinasabi ba niya na ulitin ko yung ginawa ko kanina?
Kabang kaba kong inilapit ang mukha ko sa kaniya. Masyado na akong marupok!
"Anong ginagawa mo?" He asked nung malapit na ang mukha ko sa kaniya.
Wait. Yung compress yung tinutukoy niya! Gusto niya na akong ang maglagay sa mukha niya!
"I c-can't see kasi! You're so tall, pano ko makikita at mailalagay 'to?" Palusot ko.
"Hmm. You have a point. Akala ko hahalikan mo na naman ako." Biro niya. He sat down on his bed.
"H-hindi no!" Hinampas ko siya sa braso. Nagulat ako dahil... oo nga pala! He still isn't wearing a top! Napakagat labi na lang ako. Sa tingin ko ay namumula na ako na parang kamatis.
"Ginawa ko lang 'yun kanina kasi wala nang choice! Dapat nga magpasalamat ka pa sakin." Sabi ko habang patuloy na umiiwas tingnan ang katawan niya.
"Yeah, I thank you for that." Sagot niya.
"Can I ask... where did you get that bruise?" Tanong ko na para bang hindi ko nakita ang nangyari kanina.
"I..." he paused. "I went to the study with Dad, remember?"
I nodded.
"I lied down for a bit on his couch, but a book suddenly fell on my face from the shelf beside the couch." He said without batting an eye. He lies so well. Maniniwala na sana ako... kung hindi ko nakita yung nangyari kanina.
"Is that so... ang malas mo naman." I said.
Alam kong may dahilan kung bakit ayaw niyang sabihin sa akin ang totoo. Hihintayin ko na lang na siya ang unang magsabi sa akin. Magpapanggap na lang ako na parang wala akong nakita. If I told him that I know, he might feel bad. Knowing him, he has a tower huge pride. That's why, I'll wait till he's ready.
"Ikr. I'm one unlucky child."
No. You're one tough child.
That's what I wanted to say.
"Aww."
"Oh, sorry. My bad." Sabi ko matapos kong sadyaing diinan ang compress sa mukha niya. That's his punishment for not telling anyone about what happened.
"Oo nga pala, anong plano mo this Christmas?" Tanong niya.
"Huh?"
"There's still 2 days left before Christmas, don't tell me you forgot?" Dagdag niya.
I. Completely. Forgot.
"Ano bang dapat kong gawin sa pasko?" I asked. Bilang lang sa isang kamay kung gaano kadaming beses ko nakasama sina Mama at Papa tuwing pasko. I always eat and celebrate alone so I decided to not wait for Christmas eve.
"Mom and Dad are going on a trip, and your parents won't be home either." He said. "We'll be on our own."
"S-so?"
What it this? Is he asking me to spend Christmas with him?
"Why don't we invite your friends? I'll also tell Key to come."
I couldn't help but get excited. Sobrang nagalak ang puso ko dahil sa sinabi niya.
"I'm gonna go ask Erine and the others." Sagot ko habang pinipigil ang ngiti sa mukha.
He then pat my head.
Parang nagliparan ang mga paro-paro sa loob ng sikmura ko dahil sa ginawa niya. It's suprising how his hands can still reach my head even though I'm standing and he's sitting.
"Will... you cook?" He asked while averting my eyes.
"O-oo. Masarap sa noche buena and lutong bahay." I said.
"I'm looking forward." He said with a smile.
Hinawakan niya ang magkabilang braso ko to push me gently away from him 'cause he's gonna stand up.
At this moment, I realized that my face is in the same level as his chest. Hindi ko maiwasang manlaki ang mata at mapatitig sa katawan niya. Naalala ko tuloy yung nangyari sa attic.
Ackkk! Erase, erase! Di naman niya sinasadya yun, aksidente lang huhu.
"Bakit natulala ka?" Nakabalik ako sa realidad dahil sa tanong niya.
"W-wala! May naalala lang." Palusot ko.
I'm a big simp.
KINAGABIHAN matapos naming kumain ng dinner at gawin ang mga kaniya kaniya naming gawain bago matulog, I saw him in the salas typing something on his laptop. Pumunta na rin ako sa salas dahil hindi ako makatulog. Naupo ako sa sofa at pinaandar ang TV.

Pero paano naman ako makakapokus sa pinapanood ko kung ganito ang kasama ko. Nakasuot siya ng bathrobe dahil kakatapos lang yata niyang maligo.
Masyado ka nang nakakamatay, Sir.
Parang mas maganda pa yatang panoorin si Dice kaysa sa pinapanood kong movie. Sobrang focused niya sa ginagawa niya kaya hindi niya napapansin na all this time, sa kaniya lang ako nakatingin.
Hindi rin siya nadidistract sa tunog ng TV, na nilakasan ko pa nga ang volume dahil natatakot ako na marinig niya ang tibok ng puso ko. Alam kong OA pero ako kasi naririnig ko ang tibok ng puso ng iba kapag masyadong tahimik ang paligid.
Total hindi naman niya napapansin, kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ng pajamas ko at pasikreto siyang kinuhaan ng picture. Syempre hindi ko papalampasin ang ganito kagandang tanawin.
"You... didn't do well in my subject." Sabi niya nang hindi man lang tumitingin sa akin. Kaagad kong itinago ang phone ko.
"It's because I find it hard memorizing formulas." I said. "Pero di naman ganoon kababa ang mga nakukuha ko no!"
"Yeah, but you barely passed, especially your final periodical test for the first sem." Dagdag pa niya.
"It's because your test is hard." I whispered while pouting.
"Kid, you shouldn't just memorize the formula, you need to understand it. You should be able to solve the problem kahit pagbalibaliktarin pa." Payo niya.
"I know... it's just too much for me." Dahilan ko pa.
"What a shame. You excel in all the other subjects but sucks at your own husband's subject." Pangungunsensya niya.
"Ano ba kasing dapat kong gawin?" I asked.
Hindi ko naintindihan ang sinasabi mo sa klase dahil nakakadistract ka.
"Lemme ask you first... bakit ka ba nag ABM?"
Hindi ako makasagot.
"See? You can't do well because you don't have a goal." Paliwanag niya. "I took all the courses I found interesting, which is not good and good at the same time. Don't be like me."
"How about you? What is your goal?" Tanong ko pabalik.
Hindi rin siya nakasagot.
"Why did you became a teacher?" Dagdag ko pa.
"To teach." Walang reaksyon niyang sagot.
Did I just step on a landmine?
"Anyway, so... I received a memo. I'll replace Mr. Vergara as your teacher in business finance." He said.
What?
Whaaaaat?
Hindi ko alam kung matutuwa ako or mag aalala dahil baka di na naman ako makapokus sa subject na ito.
"And I want to teach you the things you didn't understand in my previous subject." He added.
Waaaaaaaah!
This is too much to take in!
Pwede kaya start na ngayon? Char!
Matapos ng usapang eskwela, bumalik na siya sa ginagawa niya habang ako naman ay nanonood lang ng kung ano ano sa Netflix. I had this urge kasi to stay with him until he's done. Is this because of my wifey instinct? Lols.
***
Wifey instinct ka dyan.
Nagising na lang ako sa kwarto ko kinaumagahan. Eto ba yung sinasabi nilang magic? Yung nakatulog ka sa sofa habang nanonood ng TV tapos magigising ka na lang sa kwarto mo? Teleportation? Whoa.
Tommorow is Christmas eve. Dali dali kong tinawagan sina Erine, Snow at Ciro para tanungin kung may plano na sila bukas. Hindi pa ako naghihilamos at nagtotoothbrush at para akong bata na excited na excited. It's my first time spending Christmas eve with the people close to me.