Salamat kay Key at nakalusot ako. Hindi ko naman sure kung nagsuccess ako sa plano ko. Well wala naman talaga akong plano, kaya ngayon di ko na tuloy alam kung anong susunod kong gagawin.
Nagvibrate ang phone ko kaya kaagad ko itong kinuha sa bulsa ko. May nagtext.
Hubby<3
Come home before lunch
11:01
Oks
Wait bakit ang aga naman?
11 na oh
11:02
Before 1 pm. Are you okay with that?
11:02
Got it
11:03
Write message >
Sa totoo lang, medyo bored na ako dahil kanina pa ako nakaupo dito at ang awkward din dahil mag-isa lang ako. Napansin ko rin na karamihan sa mga tao dito sa park ay mga magjowa. Kainggit. Sanaol.
Hindi ako makapaniwalang nakapagpalipas ako ng isa't kalahating oras habang nakaupo ako at pinapanood ang mga tao sa paligid. Nakapagmuni muni rin ako. Hindi na ako makatiis, gusto ko nang umuwiiiii. Hindi ko pa kasi nakikita si Dice mula kaninang umaga huhu. Naglakad na ako paalis. Kahit na tanghaling tapat ay malakas ang hangin at hindi naman ganoon kainit. Dali dali akong naghanap ng masasakyan dahil hindi na kaya ng katawan ko na magtagal pa na hindi nakikita si Dice, oo na oa na.
Ang bilis ng pangyayari, kanina lamang ay tumatawid lang ako sa kalsada pero ngayon ay namalayan ko na lang na natumba na ako. At ang mas nakakagulat pa doon ay hindi ako nasaktan. Narealize ko na lang na yakap yakap pala ako dice at sa kaniya ako bumagsak. May nakahintong kotse sa tapat namin at dali daling bumaba ang driver nito para puntahan kami. Hindi naman ako nabangga or nasagasaan dahil sa pagkakasagip sa akin ni Dice pero nawalan siya ng malay dahil sa pagkakabagsak namin.
"Dice! Wake up! Are you okayyy?" Tinapik tapik ko pa siya sa pisngi pero hindi siya sumasagot. Humingi ako ng tulong para dalhin siya sa hospital at kaagad naman akong tinulungan ng ilang mga tao sa paligid para isakay siya sa kotse na muntik ng makabangga sa amin, the driver insisted kasi na pananagutan niya yung nangyari dahil siya naman daw ang may kasalanan. Nasa backseat kami ngayon ng kotse at wala pa ring malay si Dice. Parang nawalan ako ng boses nang marealize ko na bahagyang nagdudugo isang banda ng noo niya at may mga galos rin siya sa braso. Nakasandal siya sa balikat ko at kahit papaano ay nararamdaman ko pa rin ang paghinga niya.
Pagdating namin sa hospital ay kaagad siyang ipinasan ni kuyang driver. Hindi ko na maidetalye ang mga pangyayari dahil sobrang blurry na ng paligid ko at tanging nakafocus na lang kay Dice ang paningin ko. Sumusunod lang ako sa kanila. Kanina pa ako ganito, nanlalamig ang buong katawan ko. Paano kung hindi na siya magising? Paano kung hindi ko na siya makita ulit? Anong gagawin ko?
"Miss hanggang dito na lang po kayo." Namalayan ko na lang na pinipigilan na ako ng nurse dahil hindi na ako pwedeng pumasok doon sa part na iyon ng hospital. Sumusunod pa rin ang paningin ko kay Dice.
Ilang minuto pa ang nagdaan at nahimasmasan na rin ako. Kinuha ko kaagad ang phone ko saka ko tinawagan si Mama.
"H-hello? Ma?" Bungad ko.
["Why anak? Bakit ganyan ang boses mo?"]
"Ma, si D-Dice po... M-ma... nasa XXX hospital po k-kami ngayon." Halos hindi na ako makapagsalita dahil sa sobrang kaba.
["What? Anong nangyari kay Dice?— papunta na kami dyan anak maghintay ka lang."] Kaagad na ibinaba ni Mama ang tawag. Kahit papaano ay gumaan ng kaunti ang pakiramdam ko dahil nalaman kong papunta na sila rito.
Takot na takot ako.
Ilang sandali pa ay tinawag na ako ng doctor at kaagad nitong sinabi na okay lang naman daw ang lagay ni Dice at nawalan lang ito ng malay dahil sa malakas na impact. Bukod sa kanang braso niya ay wala naman daw masyadong komplikasyon. Pwede na rin daw kaming umuwi kapag dumating na ang resulta ng ilan sa mga test para masigurado ang kaligtasan niya. Pagkatapos akong kausapin ng doctor ay kaagad kong pinuntahan si Dice na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.
Maya maya pa ay dumating na rin si Mama at kasama niya si Manang Juling at pati na rin si Mommy. Si Papa raw ay nasa Manila at ganoon rin si Daddy. Sakto naman kasing nasa bahay si Mama kaya siya nakarating.
"Teka nga my dear daughter? You're crying?" Hinawakan ako sa magkabilang balikat ni Mama. "Kaya naman pala iba ang boses mo kanina, anak wag kang mag-alala, okay na si Dice."
Agad agad naman akong humawak sa pisngi ko at naramdaman kong basang basa ito ng luha at hanggang ngayon ay umaagos pa rin ito. Kanina pa ba ako umiiyak?
"Nag-alala lang siguro siya masyado sa anak ko, alam mo na, ganon din naman tayo sa mga asawa natin, right? Sandra?" Ani Mommy. Nagkatinginan naman silang dalawa. "Kami na lang ang magbabantay kay Dice, you should go home and rest."
"Okay lang po ako Mommy, hihintayin ko po siyang magising." Sagot ko naman.
"My dear daughterrrrr, don't cry na. You know, i remember the last time you cried... ay noong nawala ang Lola mo, don't worry, hindi naman mawawala si Dice." Niyakap ako ni Mama.
"W-why is he not waking up?" hindi ko mapigilan ang pag-iyak. Alam kong medyo OA pero sobrang kinakabahan talaga ako. "It's my fault, M-ma, kasalanan ko lahat." Oo, tama yon, dahil kung hindi ako tatanga tanga sa pagtawid, hindi mangyayari 'to at Kung hindi lang sana ako umalis ng bahay para sa selfish reasons ko, edi sana ayos ang lahat.
"No, it's not your fault, Shihandra, at saka ayos na si Dice. Look..." Sabi ni Mommy, napatingin naman ako kay Dice. Di na siya unconcious. Nagkatinginan kami at kaagad naman akong lumingon sa ibang direksyon para punasan ang luha ko.
"I'm not dead... yet." He said. "So stop crying."
Inilapit ako ni Mama kay Dice pero hindi pa rin ako makatingin sa kaniya dahil sa hiya. I'm so stupid! Bakit ba bigla na lang akong naging iyakin?
"I'm okay... so don't worry." Hinawakan niya ako sa braso kaya napatingin ako sa kaniya. "You're a crybaby." Pang-aasar niya. Dahil do'n ay tinabig ko ang kamay niya at kaagad naman siyang napaaray.
"S-sorry." I said. Yung ipinanghawak pala niya sa braso ko ay yung kanang braso niya na may benda, yung napinsala ng aksidente kanina.
Maya maya pa ay lumabas na sina Mama at Mommy at naiwan kaming dalawa ni Dice sa loob ng private hospital room na kinaroroonan namin.
"Seriously... can you stop crying already?" Humawak si Dice sa batok niya them tumingin sa ibang direksyon.
"Huh? Am I still crying?" I asked. Hinawakan ko ulit ang pisngi ko, basa pa rin ito kaya kaagad kong pinunasan gamit ang kamay ko.
"Is it true?" He paused then binalik niya ang tingin niya sa akin. "...that the last time you cried..."
"I actually don't remember." Sagot ko. "I think that's not the truth, haha. I cried, so many times noon but i hid. Gusto ni lola na mging masaya ako."
"But you don't look... happy" pagkatapos niyang sabihin iyon ay para akong tinamaan ng bato. Hindi ko maintindihan kung bakit pero parang may part na tama ang sinabi niya.
"But I'm happy now." Sagot ko. Sa tingin ko naman mas naging masaya ako simula noong nakilala ko siya?
"Dahil nakaratay ako dito?" Napakunot ako sa tanong niya.
"No, that's not what I meant. Naging mas masaya ako... simula noong nakilala kita." Napatakip ako sa bibig dahil sa nasabi ko. Aaaaaaa! Bakit ba sinabi mo 'yon Shiiii? Ang cornyyyy and isipin mo na lang ang magiging reaksyon ni Dice, baka isipin niya na patay na patay ka sa kaniya!
"Me too." Nanlaki ang mata ko. Me too? Ibig sabihin masaya din siya na nakilala niya ako?
"Uhm. I'm really sorry dahil sa nangyari, saka thank you for saving me." Yumuko ako dahil ineexpect ko na na aasarin niya ulit ako.
"Wait, bakit nga pala hindi mo kasama si Key? Iniwan ka niya ng ganon ganon lang? He didn't bother to drive you home?"
Paktay. Paano ko ba ipapaliwanaaaag?!
"Ano kase— uhm... Nagkaemergency kasi siya kaya di na niya ako naihatid. Hehe." Another lie. Nagiguilty tuloy ako huhu. "Buti na lang talaga nandoon ka."
"You should serve me from now on. I saved your life!" Hindi ko alam kung biro iyong sinabi niya dahil sa ekspresyon ng mukha niya.
"Yes Sir." Sabi ko na lang.
Papalubog na ang araw nang makauwi kami sa condo. Nagpadeliver na lang kami ng pagkain for dinner dahil late na para magluto pa ako. Habang kumakain kami ay napansin ko na ang bagal kumain ni Dice, narealize ko agad na nahihirapan siyang hawakan yung spoon dahil nainjure nga pala ang kanang kamay niya.
"Want me to help you?" Tanong ko. Nasamid ako nang marealize ko 'yung sinabi ko. That's what couples do!
"No, thanks." He answered. Kahit na nahihiya ako ay gusto ko pa ring subukan kaya tinitigan ko siya na para bang nagpapaawa. Napabuntong hininga na lang siya. "Fine, feed me."
Aaaaaaaah! Pakiramdam ko tuloy totoong couple kami ngayon at nagdedate kami. Sinusubuan ko lang naman ng pagkain si Dice pero kung saan saan na nakarating ang imagination ko.
Kinagabihan, bago pa man pumasok ng CR si Dice bago maligo... "Sabi ni Doc bawal mo daw muna basain ang kamay mo." I said.
"Got it."
"Wait!" Pigil ko, "make sure hindi mababasa ah."
"Wanna help me take a bath?" He smirked. Naramdaman ko ang mabilis na pag-init ng pisngi ko.
"Are you kidding me?"
"Nope, Im serious." Mabilis na nagbago ang facial expression niya into being serious. How am I supposed to react to this? Im weaaaaak! Hindi ako makasagot, nakatitig lang ako sa kaniya. Natawa naman siya bigla. Kaya inirapan ko na lang siya.
"Help yourself." Pagdadabog ko. Malaki na siya kaya kaya na niya yan.
Kinabukasan naman ay hindi na siya nagpatulong sa akin na kumain dahil kaya na daw niya. Sus. Nahihiya lang siguro sa akin hahaha. Tinulungan ko na lang siya paglilinis ng sugat niya sa noo at kaunting galos sa siko.
Lunes na. Pinilit pa rin niyang pumasok kahit na ganoon. Marami na namang mga students at teachers na umaaligid sa kaniya, asking him what happened. Kainis.
Kinuwento ko na rin kay Erine na sa tingin ko ay hindi umeepekto ang mga tinuro niya sa akin kaya hindi ko na ipinagpatuloy. Naging reason din kasi iyon para mapahamak si Dice.
Sa last period naman namin, which is si Dice ang teacher namin ay napuno na naman ng questions ang buong paligid kung anong nangyari sa kaniya.
"I saved a cat. Muntik na kasi masagasaan." Kwento niya. A cat? Mukha ba akong pusa? Hangang hanga naman ang mga classmate kong babae sa kaniya. Sinamaan ko na lang siya ng tingin nang dumapo ang paningin niya sa akin.
Then nagpatuloy na ang discussion. Napansin ko na naman na nahihirapan siyang hawakan ang marker at mas lalong nahihirapan siyang gamitin ito sa board. Nagiguilty na naman ako, huhu.
Pati sa pagdrive ng kotse, nahihirapan din siyang gamitin ang right hand niya, kung pwede lang, ako na sana ang nagdrive.