Chereads / Hey, Kid! (TAGALOG) / Chapter 19 - Chapter 15: Weekend (1)

Chapter 19 - Chapter 15: Weekend (1)

Lumabas ako para bumili ng mga kailangan namin sa malapit na grocery store. Nakasakay ako ngayon sa tricycle at pauwi na.

"Manong, dito lang po." Sabi ko saka kaagad bumaba at nagbayad. Tutulungan pa sana akong magbuhat ni Manong kaya lang sinabi ko na kaya ko na dahil kaunti lang naman ang dala ko.

Hapon na rin ngayon at halos kulay orange na rin ang paligid. Kaagad akong nagtungo sa condo namin. Bago ko buksan ang pinto ay parang may naririnig akong nag-uusap. Kaagad ko namang itinype ang password at pumasok sa loob. Tumambad sa akin sina Dice at Julie na nag-uusap sa tapat ng pinto. Nandito na naman siya?

"Sumama ka na kasi sakin, bumalik na tayo sa States!" Pagkumbinsi ni Julie kay Dice.

"Alam mong hindi pwede." Sabi naman ni Dice.

"E-ehem." Umubo ako, dahil mukhang hindi nila ako napapansin.

"Bakit? Dahil ba sa babaeng 'to? Why don't you tell her I'm your girlfriend." Julie said.

"Julie, stop." Sabi ni Dice.

"Bakit totoo naman diba?" Gatong pa ni Julie.

"Totoo ba?" I asked. Hindi naman nakasagot si Dice. At kahit na ganoon ay nagets ko pa rin. "So ano ako dito?" Dagdag ko pa. Ang sakit, para akong tinutusok.

"Bakit parang affected ka? Nagpakasal kayo dahil sa mga magulang niyo, wag mong sabihin na you like him? Kase ako I LOVE HIM." Hirit ni Julie.

"Julie tama na, itigil mo na 'to kung gusto mong ako mismo ang magpalabas sayo dito." Ani Dice.

"Bakit hindi ka makasagot, ha? Shi? Tama ako dib—"

"Yes. I like him." Sabi ko habang nakatingin sa baba. Sa wakas nasabi ko na rin, pero hindi pa rin ako ganoon katapang na tingnan ang reaksyon ni Dice.

"You like him? HAHA. As if. Hindi mo nga siya kilala. Hindi mo alam na namatay si Tita Daisy dahil sa car accident kasama ang totoong tatay ni kuya Key. Marami akong alam na hindi mo alam, dahil ako ang mas nararapat para kat Dic—" hindi na naipagpatuloy pa ni Julie ang sinasabi niya.

"Sabing tama na." Maawtoridad na sabi ni Dice. Kaagad niyang sinabihan si Julie na umalis na at inis na sinunod naman siya nito. Naiwan kami ni Dice na nakatayo pa rin sa kinatatayuan namin kanina.

"Totoo 'yung sinabi ko kanina." Sabi ko. Hindi naman siya sumasagot. "I... really like you."

"No, you don't. You're just confused." Tanong niya.

"C-confused?" Ulit ko. Nainis ako dahil sa tanong niya. Dapat pa bang itanong 'yon?

"Pag-isipan mo ulit, baka nalilito ka lang. You're too young." Akala ko nagbibiro siya pero nang tingnan ko siya ay nakita ko naman na seryoso siya.

"Hindi kita maintindihan..." i said.

"Dahil ba naging mabait ako sayo nitong mga nakaraang araw? Dahil ba kay Julie? Dahil saan? You're just a kid, paano maintindihan?" Paglilinaw niya.

"Totoo ang sinasabi k—"

"Kid, love is— childish."

"So that's your answer... right... you only see me as a kid."

---

Sa mga sumunod na araw ay nagbago ang pakikitungo namin sa isa't isa. Hindi ko rin siya magawang kausapin pa dahil sa nangyari. Nangako rin kasi ako sa sarili ko na siguro ay dapat muna akong lumayo para bigyan siya ng space at para rin hindi ko muna siya maisip. Malapit na rin kasi ang exams namin kaya 'yon lagi ang idinadahilan ko. Hindi ako sumasabay sa kaniya sa pagkain buong araw at nauuna rin akong pumasok, at umuwi. Sumasakay ako ng tricycle at minsan ay naglalakad. Isang araw ay sinabihan kami nina Mommy at Daddy na magstay muna sa kanila sa weekend.

Sabado ngayon at nandito kami sa bahay nina Dice. Nasa sala kami ni Mommy Grace habang si Dice naman ay kasama ang Daddy niya.

"Heto si Dice noong nasa elementary siya, ang cute niya diba?" Sabi ni Mommy habang ipinapakita sa akin ang isang lumang album.

"Oo nga po hahaha, parang ang bait bait niya." Sabi ko naman.

"Bakit? Hindi ba mabait ang anak ko?" Tanong niya. Oops.

"Hindi p— I mean mabait naman po siya." I said. "Pang-asar lang po minsan."

"Kumusta naman ang pagsasama niyo?"

"Okay lang naman po Mommy, medyo tamad lang po si Dice sa gawaing bahay." I answered. "Ah, Mommy, bakit po walang picture si Dice noong baby pa siya?"

"Napansin mo 'yon?" Ani Mommy. Natawa pa siya ng bahagya. "Siguro ay alam mo na kung sino talaga ang totoo niyang Nanay."

"Si Nanay Daisy po?" Tanong ko naman.

"Oo, nasabi na pala sayo ni Dice." Mommy said.

"Hindi pa po, Hindi lahat." I paused. "Pwede niyo po bang sabihin sa akin kung sino si Julie?"

"Si Julie na kapatid ni Key?"

"Opo."

Nagflashback ang sinabi sa akin ni Julie noon.

"Si Julie ang unica hija ng pamilya ng mga Ajero. Si Mikey naman ay adopted." Sagot ni Mommy.

"Hindi po iyon ang tinutukoy ko, gusto ko pong malaman kung ano ang relasyon niya kay Dice." Putol ko sa sinasabi ni Mommy.

"Hindi ko alam, wala namang nasasabi si Dice. Ang alam ko lang ay bukod kay Key na laging kasama ni Dice noon ay madalas ding nakabuntot si Julie sa kaniya." Mommy answered.

"Then, adopted din po ba si Dice?" -me

"Iba ang sitwasyon niya. Anak siya ng Dad niya sa ex niya na si Daisy na namatay dahil sa isang car accident with Mikey's real father." Nabigla ako sa sinabi ni Mommy, pero paano iyon? Diba mayroon pang mas nakatatandang kapatid si Dice? Ibig sabihin, kasal na sina Mommy at Daddy at may anak na sila bago ipanganak si Dice? "Alam ko ang iniisip mo... Tama ka."

"Bakit po tinanggap niyo pa rin siya na parang tunay niyong anak? Hindi po ba kayo nasaktan?" Tanong ko.

"Syempre, masakit para sa akin. Wala akong kaalam alam noon, nalaman ko lang noong namatay si Daisy. Katulad ninyo ay ipinagkasundo lang din kami ni Anton, at hindi rin namin gusto ang isa't isa noon. Pinilit kaming magkaroon ng isang anak at ginawa naman namin, hindi ko naman alam na may ibang mahal si Anton." Huminto siya saglit at huminga nang malalim. "Siyam na taon si Anthony, ang kaisa isang anak namin nang magkaroon siya ng isang malubhang sakit. Kailangan niyang salinan ng dugo pero hindi na rin maganda ang kalagayan ko para maging donor, at hindi naman nakapasa sa isa sa requirements si Anton para magbigay ng dugo. Sobrang rare ng blood type ni Anthony kaya nahirapan kaming maghanap ng donor. Doon umamin sa akin si Anton na mayroon pa siyang isang anak, at imbes na magalit ay natuwa ako dahil posibleng magmatch ang dugo nila at mabuhay pa ang anak ko."

Nakikinig lang ako sa kwento ni Mommy at nakafocus sa bawat salitang binibitawan niya.

"Madali lang naming nakita si Daisy pero ayaw niyang pumayag na makita ni Dice ang tunay niyang Ama dahil ayaw niya na masangkot pa sila sa buhay ng mga mayayaman. Ayaw niya na matulad ang anak niya sa tatay ng anak niya na parang puppet na nakakulong sa hawla at kontrolado ng pera at ng mga magulang nito. Naintindihan ko naman siya pero desperado na ako, ginawa ko ang lahat para mabuhay ang anak ko. Kahit na nagmakaawa ako sa kaniya, hindi pa rin siya pumayag. Hanggang sa himala pang umabot si Anthony sa 10th birthday niya pero noong araw ding iyon ay nagcollapse siya. Siya na lang ang kaisa-isang lalake sa angkan namin na magtutuloy ng apelyido ni Anton kaya pati ang lolo niya ay ginagawa ang lahat para makumbinsi si Daisy. Isang araw ay nabalitaan ko na lang na pumanaw na si Daisy dahil sa isang aksidente. Gumuho ang mundo ko nang malaman na kasama ang anak niya sa aksidente pero laking gulat ko nang malaman na nabuhay ito. Doon ko nakilala si Dice. Traumatized siya dahil sa nangyari, dahil nakita mismo ng dalawang mata niya kung paano namatay ang Nanay niya. Kahit sino naman siguro matatakot hindi ba?" Dagdag pa ni Mommy.

So 'yon pala ang sinasabi ni Dice noon tungkol sa Nanay niya na hindi niya makalimutan. Naawa tuloy ako bigla kay Dice.

"Nasa ospital si Anthony at halos doon na siya nag-sstay. Naroon din si Dice sa hospital na 'yon, at ayaw siyang palabasin ni Anton dahil tama ang hinala namin, nagmatch ang dugo nila. Noong naging mabuti na ang kalagayan ni Dice ay kinumbunsi siya ni Anton na magdonate ng dugo kay Anthony at kapalit no'n ay makikita niya ang Nanay Daisy niya. Agad naman namang pumayag si Dice. Noong una ay tutol ako dahil alam ko na wala na si Daisy at hindi man lang nakita ni Dice na ilibing ang Nanay niya pero buhay naman ng anak ko ang nakasalalay. Pagkatapos ng pagtatransfer ng dugo kaagad hinanap ni Dice ang Nanay Daisy niya, at nang malaman niya na wala na ito... Nagwala siya kakaiyak. Makalipas ang ilang araw ay napag-alaman namin na wala nang ibang kamag-anak si Dice kaya nagpasya na rin kaming kupkupin siya. Pumayag naman ang Dad ni Anton pati na rin and Dad ko sa gusto ko na iadopt si Dice at gamitin ang pera namin para palabasin na tunay namin siyang anak. Malaki ang pasasalamat ko kay Dice dahil siya ang dahilan kung bakit buhay at malusog si Anthony ngayon. Kaya nangako ako sa puntod ni Daisy na aalagaan ko ang anak niya. Umiiwas pa si Dice sa amin noon dahil hindi pa niya kami kilala pero hindi nagtagal ay napaamo ko na rin siya. Nagustuhan din siya ng buong angkan dahil sa taglay niyang talino. Sinabi ko ito sayo dahil parte ka na ng pamilya namin, at dapat mong malaman ang totoo."

"Thank you po dahil pinagkatiwalaan niyo ako." I said. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit ganoon na lang ang pagmamahal ni Dice kay Mommy kahit na hindi siya ang totoo niyang ina.

"Do you like my son?" Tanong ni Mommy, naghang pa ang utak ko saglit pero kaagad naman akong natauhan. Alam na din naman ni Dice kaya wala na akong dapat itago.

"O-opo." Kabado akong sumagot.

"Talaga?! YES! I knew it!" Hinawakan ni Mommy ang dalawang kamay ko. Bakas sa mukha niya ang kasiyahan.

"Pero... Sa tingin ko po, hindi niya ako gusto." Sabi ko, nakangiti pa rin ako dahil ayokong sirain ang kasiyahan.

"That's not true! I'm sure magugustuhan ka rin niya." Kontra ni Mommy. Sana nga totoo ang sinasabi niya. "Tutulungan kita."

"Po?"

"Napansin ko kasi na hindi kayo nag-uusap... Nag-away ba kayo?" Asked Mommy.

"Hindi naman po kami nag-away, parang magtalo lang po." Paliwanag ko.

"Ah, basta. Gagawa ako ng paraan para masolo mo siya. Isusuggest ko na dito na kayo magstay hanggang bukas." Sa ngiti ni Mommy, hindi ko maiwasang hindi tumanggi. I trust you Mommy, sana magtagumpay kaaaa.

"Talaga po?" Pagkokompirma ko.

"Oo, basta ang dapat mo lang gawin ay um-oo at makisakay sa plano ko, okay?" Tanong niya.

"Got it."

Sabay sabay kaming kumain ng tanghalian. Ang saya ng tawanan nilang pamilya, malayo sa family ko na minsan lang magkita dahil palaging nasa trabaho ang parents ko.

Pagkatapos kumain ng lunch ay nagpahinga lang kami ng kaunti at naglaro na kami ng board games kasama si Mommy habang si Daddy naman ay bumalik na sa office niya. Pagkatapos naman naming maglaro ay sinabi ni Mommy kay Dice na gusto kong makita ang park na malapit dito kung saan siya palaging naglalaro noong bata pa siya. Um-oo na lang ako dahil iyon ang bilin sa akin ni Mommy.

Nandito na kami ngayon sa park at di nakakapagtaka na maraming tao dito dahil sobrang ganda dito. Masarap ang simoy ng hangin dahil sa naglalakihang puno ng akasya na sa tingin ko ay maraming dekada nang nabubuhay dito. Ang ganda rin ng mga landscapes at mga mga bulaklak na nasa paligid. Karamihan sa mga tao dito ay nakaupo sa luntiang damuhan da ilalim ng lilim ng mga puno ng akasya at ang ilan naman ay nakaupo sa mga bench. Marami ring mga bata na naglalaro sa playground. May malaking fountain sa pinakagitna ng park at napakaganda nitong tingnan.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kinakausap si Dice dahil na rin sa nahihiya ako at hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin pagkatapos ng nangyari noon.

May nakita akong nagtitinda ng ice cream at kaagad nitong napukaw ang atensyon ko. Napalunok ako dahil bigla akong nagcrave. Kukuha sana ako ng pera para bumili pero naalala ko na naiwan ko pala ang wallet ko sa mansion nina Mommy. Huhu bakit ngayon paaaa. Gusto ko ng ice creaaaam!

"You want?" Tanong ni Dice. Tumango naman ako. Natawa naman siya dahil sa bilis ng pagtango ko. Siguro naisip niya na para akong bata kagaya ng palagi niyang iniisip. Hmp! Nagtungo siya doon saka bumili. "Here" he said. Kaagad ko naman itong hinablot sa kamay niya. Natawa na naman siya. Talaga Dice? Nakakatawa ka pa?

Pagkatapos kong kainin 'yung ice cream ay aayain ko sana siya sa play ground nang makita ko na wala nang batang nakasakay sa swing kaya lang I remembered na hindi ko nga pala siya pinapansin. Kaagad akong tumayo sa kinauupuan namin saka nagtungo sa bakanteng swing. Nakita ko naman sinundan niya ako ng tingin. Kaagad akong umupo sa swing at inugoy ang sarili. Feel na feel ko 'yung hangin habang tumatama sa mukha ko. Hindi ko tuloy mapigilang kumanta...

"Hindi ko maintindihan~

Ang aking nararamdaman~

Bakit ba ikaw ang laman ng isipan~

Kahit na malabong ako'y iyong ipaglaban~" Napatakip ako sa bibig ko nang mamalayan kong kinakanta ko na pala ang huling kanta na kinompose ni Lola bago siya mamatay. Oo nga pala, hindi na dapat ako kumakanta.

"You can sing?" Tanong ni Dice na nasa kabilang swing na pala ngayon.

"Ano sa tingin mo." Pagsusungit ko.

Nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin pa rin siya sa akin kaya nilakasan ko ang pag-ugoy. Naramdaman ko naman na may tubig na pumapatak sa katawan ko kaya agad akong napatigil. Palakas ng palakas ang ulan at tumatakbo na ang mga tao sa park para humanap ng masisilungan. Hinawakan naman ni Dice ang kamay ko saka hinila ako. Hinayaan ko na lang sarili ko na sumunod sa kaniya habang pinapanood ang likod niya na mabasa ng mga patak ng ulan. Nagiging see through na ang damit niya, at di ko mapigilang abangan na mabasa ang buong katawan niya. Napailing ako at tumingin sa iba. Napansin ko na pinagtitinginan na ako ng ilan sa mga nakakakita sa amin.

Nang nakakaita na kami ng masisilungan at agad kaming nagtungo dito. Bigla may lalaking pumito sa di kalayuan, medyo naanxious ako dahil nakatingin ito sa akin. Mukha naman napansin ito ni Dice, nagkatingin pa kami saglit nago manlaki ang mata niya.

Para naman akong nakuryente nang bigla niya ang yakapin, dahilan para masubsob ako sa dibdib niya. Nagwala na naman ang puso ko dahil doon at halos kumawala na sa dibdib ko.

Bakit mo ba ginagawa sakin 'to, Dice? Bakit ba palagi mo na lang pinapabilis ang tibok ng puso ko?