Chereads / Hey, Kid! (TAGALOG) / Chapter 9 - Chapter 7: He's Sick

Chapter 9 - Chapter 7: He's Sick

Alas dos na ng madaling araw. Nagising ako dahil nawiwiwi ako. Pagkatapos kong umihi ay napansin ko na nakabukas ng kaunti ang pinto ng kwarto ni Dice. Sa sobrang curious ko ay parang kusang gumalaw ang kamay ko para itulak ang pinto.

Nakapatay ang ilaw sa kwarto niya.

Ikinagulat ko ang susunod na nangyari dahil biglang may natamaan ang pinto dahilan para hindi ito bumukas ng tuluyan. Mukhang may nakaharang.

Goooooosh!

Si Dice pala ang natamaan ko ng pinto at nakahandusay ito sa sahig!

"Hey! What happened!? Ayos ka lang ba?" Tanong ko habang nagpapanic. "Huy! Gising!" Niyugyog ko si Dice hanggang sa magmalay na siya.

"That hurts..." Sabi niya.

"Ow. Sorryyyyy, what happened ba?" Tanong ko habang tinutulungan siyang makatayo.

"I don't know, I think a have a cold." Sa boses niya, halatang nanghihina siya. "I just need to rest, so go."

"Bakit, nag-aalala ka ba na mahawa ako sayo?" Biro ko pa.

Ipinatong ko ang braso niya sa balikat ko, sa bale parang nakaakbay siya sa akin.

"No. Taking care of a sick kid will surely be bothersome."

"Tss."

Tinulak ko siya sa kama niya sa inis.

"Bahala ka nga jan." Sabi ko saka umalis.

Hay! Nakakainis talaga ang lalaking 'yon! Pero... Hindi ko naman siya pwedeng iwanan lang na ganoon.

Ugh!

Pumasok ako sa kwarto ko para kumuha ng gamot sa first aid kit na pinrepare ni Mama noon bago ako lumipat dito. Kumuha na rin ako ng tubig sa kusina saka bumalik sa kwarto ni Dice.

"Inumin mo 'to." Utos ko.

Hindi siya sumagot kaya iniwan ko na lang  'yung gamot sa ta maliit na lamesang nasa tabi ng kama.

Bumalik na ako sa kwarto ko para hayaan siyang magpahinga.

Halos isang oras na ang lumipas pero hindi pa rin ako makatulog. Maya maya pa ay hindi na ako nakatiis, bumalik ako sa kwarto ni Dice. Nanginginig siya sa ginaw kaya kinumutan ko siya. Hinawakan ko ang noo siya, nagulat ako dahil sa sobrang init nito. Muli sana akong aalis para kumuha ng maligamgam na tubig pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"N-nay... W-wag mo a-kong iwan." Aniya.

NAY? MUKHA BA AKONG NANAY NIYA?

"Hindi ako ang nanay mo." Sabi ko naman.

"Ah." Sabi niya saka umayos ng higa. Weird.

Lumabas ako saka nag-init ng tubig sa kusina. Nilagay ko ito sa isang palanggana saka naglublob ng bimpo.

"Pupunasan lang kita ha." Pagpapaalam ko. Teka bakit ba ako nagpapaapam? E asawa ko naman siya? Tsk.

Ang awkward nitong gagawin koooo. Ang cliché din dahil ganito palagi ang mga eksenang napapanood ko sa mga drama. Oo, tama, kailangan ko lang namang hubarin yung damit niya diba?

0///////0

Nakasuot siya ng oversized na white T-shirt. Nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang mabilis lang naman itong hubarin.

Sisimulan ko na.

Napalunok ako habang inaangat ko yung damit niya. Mukha namang hindi niya nararamdaman kaya nagpatuloy lang ako. Kinakabahan ako, sobra. Naisip ko tuloy kung anong gagawin ko kapag nagising siya kaya ibinalik ko na lang sa dati ang damit niya. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko, naloloka na yata ako.

Pero parang mali naman kung pababayaan ko na lang siya 'di ba? Ginagawa ko lang 'to dahil may sakit siya, walang malisya. Iisipin ko na lang na nurse ako, at siya ang pasyente. Right. Ganoon nga.

May nakita akong gunting sa table kung saan nakalagay ang laptop at iba pang gamit niya. Kinuha ko ito dahil nakaisip ako ng magandang ideya.

Ginupit ko yung damit niya para mas madali. HEHEHEHE. Half naked siya ngayon. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, kung dapat ba akong pumikit para hindi makita o pagmasdan lang ito. Buti na lang hindi pa siya nagigising, dahil kung makikita niya kung gaano kapula ang pagmumukha ko ngayon, tiyak na iinisin na naman niya ako. At higit pa 'don, siguradong magiging anyong dragon na naman siya kapag nalaman niya ang ginawa ko sa damit niya.

Isinantabi ko muna lahat ng naiisip ko saka nagsimula nang punasan ang katawan niya. Nagsimula ako sa mukha, dahilan para mapagmasdan ko kung gaano kaamo ang mukha niya kapag natutulog. Mula sa medyo singkit niyang mga mata, sa matangos niyang ilong, hanggang sa labi niya, looks perfect. Alam kong walang perfect sa mundo pero sa paningin ko, mayroon.

Isinunod ko namang punasan ng bimpo na may maligamgam na tubig ang katawan niya. Hindi ko maiwasang mapatingin sa pigura niya. Ang lean ng katawan niya. Parang anime character na nabuhay at napunta sa totoong mundo. Similar 'yung built ng katawan niya kay Lee Jong Suk. Oo, may abs din siya. Sanaol.

Enough. Tama na ang pagpapantasya. Kung anu-ano na ang naiisip ko, hindi na 'to tama!

Kaagad akong humanap ng damit sa closet niya. Pumili ako ng damit, buti na lang may nakuha akong long sleeves. Bigla tuloy akong napaisip, paano ko ito maisusuot sa kaniya? Hindi ko naman ito pwedeng gupitin huhu.

Naisipan ko na lang na gisingin siya kaysa magising siya habang sinusuot ko sa kaniya 'yung damit niya, baka kung anong isipin niya. Saka, mukhang wala pa siya sa tamang pag-iisip dahil sa lagnat niya. Hindi pa rin kasi niya naiinom 'yung gamot na dinala ko kanina.

Tinapik ko siya nang bahagya pero hindi pa rin siya nagigising. Sa bagay, kanina pa ako nandito pero hindi niya pa namamalayan.

"Ehem, D-dice, gising, huy!" Sabi ko. Ang weird ki talagaaa. "Hindi mo naman ininom 'yung gamot."

Hindi pa rin siya gumigising.

Hala.

Hindi kaya patay na siya? Waaaaa!?

Mainit pa naman ang katawan niya kaya hindi pa siya patay. Buti naman huhu. Teka, paano kung hindi na siya humihinga? Paano kung hindi na pala tumitibok ang puso niya?!

Nilapit ko ang tainga ko sa dibdib niya para pakinggan kung tumitibok pa ang puso niya. Hindi ko marinig, anong ibig sabihin nito?! Ay, sa kanang dibdib pala nakatapat yung tainga ko. Pakikinggan ko pa sana sa kabilang chest niya pero bigla siyang gumalaw. Dahan dahan kong iniangat ang ulo ko nang makita ko siyang nakatitig sa akin. Darn.

"What are you doing?" Tanong niya. Mukhang hindi pa niya namamalayan na nakahubad siya.

Buti na lang nakapatay ang ilaw, kung hindi, hindi ko na alam kung anong gagawin ko kapag nakita niya ang mukha ko ngayon.

"Ginigising kita k-kanina pa, hindi ka k-kasi gumigising kaya akala ko patay ka na. I was just checking kung buhay ka pa." Sa lahat ng oras, bakit ngayon pa ako nautal? Nagmukha tuloy akong nagsisinungaling.

"Is that so..." Aniya.

"Another thing, hindi mo pa iniinom yung gamot. Ang sabi ko kanina diba inumin mo?" Nagpanggap akong galit para hindi niya mahalata na sobrang hiyang-hiya ako.

"Hindi kasi ako makatayo." Sabi niya.

"Ganoon? Bakit? Nahihilo ka ba? Anong masakit?" Sunod sunod na tanong ko. "Tulungan kita."

Inilahad ko 'yung kamay ko at dahan dahan naman niya itong inabot. Inalalayan ko siyang makaupo. Iniabot ko yung gamot sa kanya pati yung tubig. Ininom naman niya ito.

"So cold~" Aniya. "Wait, bakit ako naka—"

Bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay isinuot ko sa ulo niya 'yung damit na kinuha ko kanina. Hay, buti na lang napigilan ko siya.

Nanlalambot pa ata siya kaya hindi siya gumagalaw. Nakasuot pa rin sa ulo niya yung damit, natatakpan ang mukha niya kaya hindi ako sigurado kung nakatulog na ba siya.

"Tsk." Napapalatak na lang ako.

Isinuot ko sa kaniya yung damit. Para naman siyang bata kapag may sakit hahaha. Nakaupo siya sa kama habang ako naman at nakaluhod. Ang tangkad kase.

Nang matapos ko na itong isuot sa kaniya ay napansin kong nakatitig siya sa akin.

"Bakit?" Tanong ko. Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang kamay ko para hawiin ito. Ipinatong ko ang kamay ko sa noo niya para icheck ang temperature niya. Wala pa ring nagbabago dahil katulad pa rin ito ng dati.

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang braso ko. Bigla siyang napahiga kaya nahila ako.

"W-why?" Tanong ko. Nakasubsob ako ngayon sa dibdib niya, at hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw.

(0///////0)

Iniangat ko ang ulo ko at nakita kong nakatulog lang pala siya kaya natumba siya kanina. Kaagad naman akong tumayo at saka dumiretso sa swivel chair na nasa tapat ng table na pinagkuhanan ko ng gunting kanina. Dumukdok ako sa table para itago ang namumula kong mukha.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at para itong pinipiga. Hindi ako makahinga. Ano ba itong nararamdaman ko? Wala na akong naiintindihang kahit ano, ang alam ko lang ay... ngayon ko lang naramdaman ang lahat ng 'to.

...

Nagising ako habang nakadukdok pa rin sa table. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako.

"Arayyyy." Mahinang bulong ko. Ang sakit kasi ng katawan ko at dahil siguro 'yon sa position ko.

Namalayan ko na lang na may nakapatong na kumot sa likod ko. Teka, hindi naman ako gumamit ng kumot kagabi ah? 'Wag mong sabihing... Hehehe.

Tumayo ako at nag-inat. Napansin kong wala na pala si Dice sa higaan niya. Lumabas ako para hanapin siya pero wala. Wala siya sa Sala, sa kusina, sa balcony at sa labas.

Nagpunta ako sa CR. Magccr sana ako pero naalala ko yung pinagkasunduan namin ni Dice kahapon kaya kumatok muna ako pero walang sumagot.

Hahawakan ko na sana ang doorknob para pihitin ito pero biglang bumukas ang pinto. Nasa loob pala si Dice. Tumingala ako para tingnan siya pero bigla na lang siyang bumagsak sa akin. Buti na lang malakas ako at nasalo ko siya. Nakapatong ang ulo niya sa kaliwang balikat ko, at nakaharap ang katawan niya sa akin. Sobrang tangkad ng taong 'to kaya siguradong akong hindi ko matatagalan ang bigat niya. In fact nangangawit na ako.

Naglakad na lang ako patalikod para mahila siya. Ang hirap, parang matutumba kami. Adrenaline rush na lang siguro ang dahilan kung paano ko nakayanang dalhin siya sa kwarto niya. Para akong nagbuhat ng bangkay dahil halos hindi siya gumagalaw. Pasabi sabi pa siya na he's babysitting me and it's troublesome daw pero siya ngayon yung inaalagaan ko. Pakiramdam ko tuloy may karapatan na akong tawagin siyang kid.

Ginalaw galaw ko ang leeg ko dahilan para lumagutok ako. Ganito pala kahirap mag-alaga ng may sakit. Im exhausted.

Alas sais na pala ng umaga. Dahil natutulog pa si Dice, nagpasya ako na maligo muna bago magluto. Hindi na kami makakapagsimba ngayon dahil sa kondisyon niya.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay nagsimula na akong magluto ng breakfast namin. Naisip ko na soup na lang ang iluto para kay Dice dahil mas magiging mabuti ang pakiramdam niya dahil doon. Rice porridge na nga lang, iyon kasi ang lagi kong napapanood sa mga anime.

"Huy, kumain ka." Sabi ko kay Dice. Ayaw kasi niyang kumain.

"Don't want." Sagot naman niya saka nagtalukbong.

"Do you want me feed you?" Suhestiyon ko.

"Iwan mo na lang jan." He said.

"Ayoko, hindi mo naman 'to kakainin." Sabi ko naman. "Ano bang gusto mo? Kumain ka na kasi, gusto mo bang lumala yang lagnat mo?"

Hindi na siya sumagot pa.

"O sige, I'll do all the chores for three days basta kumain ka lang." Pagmamakaawa ko. "Ako maglalaba kahit pa yung mga damit mo, maghuhugas ng pinggan, magluluto, maglilinis ng bahay pati kwarto mo, lahat lahat na. Ano kulang pa ba?"

Hindi pa rin niya ako pinapansin.

"How about, for one week?" Tanong ko ulit.

"Three weeks." Aniya.

"Three weeks? Grabe naman, ginagawa mo naman akong yaya!" Reklamo ko.

"Then, one month." He said.

"Haaaa? Abuso ka naman ata." Angal ko.

"Two mo—"

"Oo na, okay na ko sa one month!" Sabi ko. Dahil kapag umangal pa ako, baka dagdagan na naman niya ng dagdagan.

"Deal." He said. "Iwan mo na lang jan, I'll eat it later."

"Liar." Hinila ko 'yung kumot niya. "I'll feed you."

Nakapikit pa rin siya, na parang hindi ako naririnig.

Nilagay ko ang kaliwang kamay ko sa pisngi ko at ang kanan naman sa pisngi niya. Mas mababa na ang temperature niya kaysa kagabi. Ang galing ko talagang nurse! Wala na lang battery ang thermometer na nasa first aid kit kaya nagplano ako bumili mamaya.

"Alam kong gising ka." I said, pero wala pa rin siyang response. "Ayaw mong gumising ha?"

Tinakpan ko 'yung bibig niya saka piniga ang ilong niya para hindi siya makahinga.

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

Ilang segundo pa ay dumilat na rin siya. Kaagad niya inalis ang kamay ko saka umupo.

Sinimulan ko nang pakainin siya.

Heto na naman. Para na namang pinipiga ang dibdib ko. Hindi ko na rin mahabol ang tibok ng puso ko dahil sa sobrang bilis nito.

Tahimik lang kami at halos walang umiimik.

"Oh diba, ang bilis lang." Sabi ko pagkatapos siyang subuan. "Sige, magpahinga ka na."

Lumabas na ako sa kwarto niya pagkatapos ko siyang painumin ng gamot. Dahan dahan kong sinara ang pinto. Sa sobrang tahimik sa loob ng kwarto niya, nag-aalala ako na baka narinig niya ang tibok ng puso ko.

Pumunta ako sa kusina para hugasan ang pinagkainan niya pero bigla ko naman itong naibagsak. Dali-dali ko itong pinulot dahil sa pagkataranta.

"Ah!" I gasped. Nahiwa ako. Ayyyy, ang tanga ko talaga. Nasugatan tuloy ang right hand ko, sa hintuturo to be exact. I think I'm spacing out dahil sa mga nangyayari, at sa nararamdaman ko. Could it be... that I, towards Dice...

Pagkatapos kong iligpit ang nabasag na mangkok ay kaagad ko itong itinapon sa basurahan.

Natulala ako sandali.

Could it be?

Hindi.

No, please no.

I think im catching feelings for that guy.

Again, i gasped for air dahil sa pagkagulat. May nagdoorbell kasi. Nagiging magugulatin na ako, bakit kaya?

Nagtungo ako sa pinto para tingnan kung sino ang nagdoorbell. Pagbukas ko ng pinto ay nagtaka ako dahil tumambad sa harapan ko ang isang lalaking hindi pamilyar sa akin.

"Hi. Dito ba nakatira si Dice Lucrenze?" Tanong nito.

"Ah, yes." Sagot ko.

"I am Mikey, Dice's friend." Pakilala nito.

"Ah," binuksan ko ang pinto saka sinenyasan siyang pumasok. Naupo siya sa sa sofa sa sala. Habang ako naman ay nagpunta sa kusina para kumuha ng maiinom.

Nagulat na lang ako dahil nasa likod ko na pala siya.

"Kung hindi ako nagkakamali, ikaw si—"

"Shihandra, Dice's.." Pagputol ko sa sinasabi niya.

"...wife. I know." Dagdag niya. "Teka, dumudugo yung kamay mo." He said saka hinawakan ang kamay ko.

Bigla naman itong inagaw ni Dice na nasa gilid ko na ngayon.

"Why are you touching someone else's wife?" Ani Dice. Natawa naman si Kuya Mikey. Tinapat ni Dice ang kamay ko sa sink saka ito hinugasan. Napansin ko tuloy na parang hindi siya nasa usual self niya ngayon.

"Hindi mo ba ako kakamustahin? Mahigit four months na tayong hindi nagkikita." Kuya Mikey said.

Napabuntong hininga naman si Dice. "Hindi na kailangan, you look more than fine." He answered. Ibinaling naman niya ang tingin niya sa akin. "Kukuha lang ako ng band-aid."

"No need, ako na ang kukuha." Sabi ko naman. Iniwan ko muna sila saka dumiretso sa kwarto ko para kumuha ng band-aid.

Sinampal ko ang sarili ko. Ano ba ang nangyayari sa akin? Sa simpleng paghawak lang niya ng kamay ko ay parang may kung ano na ang naglalaban sa dibdib ko. Buti na lang ay nakaalis na agad ako doon.

I'm so stupid.