Chapter 4 - Chapter 3

(Harvey Ivan Point of View)

Nang narinig ko ang pangalan ni Hayleigh biglang may nagflashback sa isip ko.

Dahil 'yung isang pamilyar na nangyari sa'kin noon pero hindi man lang nagflashback sa isip ko.

"Hey, honey"

Napabalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Flirie na naglalambing. Tumingin ako sa kanya habang nakapulupot parin ang mga kamay sa braso ko.

Inalis ko naman ang nakapulupot na kamay niya sa braso ko at tumayo para kumuha ng drinks sa ref.

Ba't ganun?

Bakit mukang pamilyar ang pangalan niya sa'kin?

Bakit hindi parin malinaw sa 'kin lahat?

Bakit lagi kong napapaginipan ang pangalang 'yun?

Dahil na cucurious ako. Aalamin ko kung sino siya.

Sana hindi siya 'yun.

Napaka-imposible.

"Babe-"

Napakunot naman ang noo ko.

Argh! Napakaingay.

Bwesit akala ko iba 'to sa mga kafling ko.

Nag-iisip pa 'ko.

"Shut the fuck up and get out to my sight!"

Napasigaw ako ng wala sa oras.

Naririnig ko pa ang bahagyang tawa ng mga gago pero pinabayaan ko na lang. Basta humanda lang sila sa 'kin mamaya.

"B-babe. Diba sabi mo mahal mo 'ko?"

Kailan pa 'ko nagseryoso pagdating sa babae?

Napaka-assumera ng babae.

"I can't remember that I said I love you. B*tch"

Ayaw ko sa lahat 'yung mga assumera. Kahit hindi ko sinabi sasabihin nila na mahal ko sila.

"Babe-"

Ang sarap itapon. Panira.

"I said get out! I don't need you anymore!" Sigaw ko.

Dali-dali naman siyang umalis ng council room.

So pathetic.

"Bro. Is there something bothering you?  Baka pwede kaming makatulong" Sabi ng kupal na si Brent.

Ano naman maitutulong nito?

"Mind your own business at kailan ka pa nakakatulong?" Sambit ko sa kanya.

Nakahawak pa siya sa kanyang dibdib na kunwari nasasaktan.

Siraulo.

"Ouch bro ang shaket"

Nilapitan ko siya at binatukan

"Bro naman. Nagbibiro lang"

Pagkatapos niyang magsalita ay tumakbo siya ng mabilis.

Siraulo talaga.

Ang boring dito sa office.

Makagala na nga.

***

(Hayleigh Eve Point of View)

Sa lahat nang pwedeng ipagawa sa'kin, ito ang pinakaworse!

Ang maglinis ng cr.

Sino bang may gusto sa sinabi niya kanina?

Akala niya papayag ako sa choices niya?

Nah! Over my sexy body duh!

Pero nahihiya ako na makita ako ng iba na nakatayo rito malapit sa cr. Makikita nila ang isang diyosa na naglilinis ng cr.

Punyemas!

Sana walang pumasok dito!

Mawawala ang kasikatan ko.

Sinimulan ko nang maglinis ng cr. Mag janitor na lang kaya ako rito, total may experience naman ako rito.

May janitor naman. Ba't ako pa ang pinapalinis dito? Dahil lang ba na may nalabag akong rules?

"Leigh-"

"Ay! Punyawa!"

Napatalon ako sa sobrang gulat. Halos himatayin na nga ako rito!

Nilingon ko kung sino ang tumawag sa 'kin at and guess who? Ang mortal ko lang naman na kaaway, si chuhan. Nakangisi pa ang engot. Mukha siyang asong ulol dahil sa ginagawa niya.

"Kailangan talaga manggulat? Anong ginagawa mo dito? Babawiin mo na ba 'yung parusa mo sa 'kin?"

Nakita ko naman ang bahagya niyang pagngisi.

Lumapit naman siya sa gawi ko.

"Kailangan ba talagang magmura? Oo sana-"

WHAT? Tatanggalin na niya ang parusa?

"Really?"

Baka may condition na naman?

"Yes in one condition"

Tama nga ako. Basta wag lang ang maging kafling ko siya. Masasampal ko talaga siya gamit ang maputi kong kamay.

"What is it? Para makaalis na 'ko rito. Sira na beauty ko"

Ngumisi naman siya. Alam ko na kung  ano ang tumatakbo sa isipan niya.

"Magdate tayo"

The hell? Akala niya papatulan ko siya?

"What? Ano namang pumasok dyan sa kokote mo?"

Asa naman siya. Ba't di niya aaminin na may gusto siya sa 'kin? Di ba? Ang dali namang sabihin 'yun.

Ang hirap talaga maging maganda

[Kriiiing~Kriiing~]

"Papasok na'ko sa next subject ko" Paalam ko sa kanya 

"But-"

Wala nang excuses.

"Ayoko. In your dreams, asshole"

Inirapan ko siya at nagmamqdaling umalis.

Hinding-hindi ako magpapabitag sa'yo chuhan.

Never!

I know na ginagawa mo lang 'yan kasi bored kang hinayupak ka.

Walang-wala na ba talaga chuhan? Pero sayang, hindi ako katulad sa mga naging babae mo.

Tss.

***

Nagmadali akong pumunta sa next sa subject ko baka malate pa ko nito.

Baka madagdagan ang parusa ko. Very stressful ang araw ko ngayon dito.

Pagpasok ko sa pinto ng room ay tinawag agad ako ni Nelle.

"Leigh"

Hindi man lang hinintay na makaupo ako.

"Bakit Nelle?"

Mukhang nag-aalala siya sa'kin. Why? 

"San ka ba galing? Hindi kita nakita kanina?"

Ay hindi niya pala alam 'yung nangyari sa'kin kanina. Argh!

"Wala-wala basta"

Mukhang sumang-ayon naman siya.

"Sige"

Umupo na kami sa kanya-kanyang upuan kasi paparating na ang prof namin.

"Class. I have an announcement. Next week magkakaroon tayo ng acquaintance masquarade ball. Every students dapat may partner"

Pagkatapos agad ni-announce ni prof tungkol sa acquaintance masquarade ball ay nagbulong-bulungan na agad sila kung sino ang gusto nilang makadate lalo na iyong mga girls.

"OMG. Sana makadate ko si Ivan"

"Oo nga?"

"Yieee. Ivan I'm here pwede mo kong idate anytime"

Sige hatiin niyo si chuhan. Para mawala na siya landas ko. BWAHAHAHA 

Gutay-gutayin niyo siya para isa-isa kayong makadate niya.

Mga hinayupak.

Teka?

Ba't ako nagagalit? Argh! Kasalanan niya 'to! Kasalanan ng hinayupak na 'yun kung bakit ako na-sstress ngayon.

"Leigh. Sino kaya ang makadate ko sa ball? Sana si Ivan na lang yiee" Sabi ni Nelle habang kilig na kilig.

Binatukan ko naman siya.

"Isa ka pa Nelle. Puro chuhan na lang"

Naiinis na 'ko. Kanina pa siya puro chuhan.

"Bes naman. Syempre si Harvey Ivan Manza 'yun. Siya hearthrob dito, kaya lahat ng girls dito sa campus gusto siyang makadate at syempre chance na din nila yun. Kaya bes suportahan mo naman  ako" Sabi niya habang naka-pout

Susuportahan ko lang naman siya sa matinong lalaki. Pero kay chuhan? No.

Big NO!

"Oo na! sige na nga" Sambit ko na ikinangiti naman niya

Napansin kong wala pala rito ang chuhan na 'yun. Saan naman kaya 'yun?

May nahanap na siguro iyong kafling.

*Discussed*

[Kriiing~ Kriing~]

Yes uwi-an na. Salamat at makapagpahinga na rin ako!

Ang dami ba namang nangyari ngayong araw.

Niligpit ko na sana 'yung mga magamit ko nang biglang tumunog ang phone ko.

I need you girl

Wae honja saranghago

honjaseoman ibyeolhae

I need you girl

Wae dachil geol almyeonseo jakku

niga piryohae~

Sino naman kaya 'to?

Pagtingin ko sa caller name 

Si Ate pala.

Ba't naman siya tumawag?

Sinagot ko ito ng walang gana.

"Ano?"

Tss.

"L-leigh? Si Mama-" nauutal na sabi  niya mula sa kabilang linya.

Bigla naman akong kinabahan.

"A-anong nangyari kay mama?"

"Nasa ospital kami. Pumunta ka na lang dito. Itetext ko sa'yo 'yung ospital" Sagot niya habang humihikbi. 

Nilingon ko si Nelle na inaayos pa ang mga gamit niya.

"Okay" Sabi ko sa kanya at ibinaba na agad ang phone.

"Nelle. Ma-uuna na akong umuwi. Emergency kasi" Paalam ko kay Nelle.

Tumango naman siya tsaka ngumiti.

"Oo basta mag-ingat ka bes"

Nagmamadali na akong umalis ng room.

Ano kayang nangyari kay mama? Kinakabahan na ako.

***

(Shanelle Hera Point of View)

Sana ako na lang ang maging ka date ni Ivan. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin 'yung about sa ball.

Tumingin ako kay Leigh.

Mukhang may kausap siya sa phone niya.

Sino kaya 'yun?

"Nelle. Ma-uuna na akong umuwi. Emergency kasi" Paalam niya sa 'kin

Emergency?

Hindi ko na lang siya tinanong baka tungkol 'yun sa family niya. Ayoko na lang maki-alam.

"Oo basta mag-ingat ka bes"

Nagmamadali siyang umalis.

Niligpit ko na sana yung notebook ko nang makita ang wallet ni Leigh.

Shia.

Nagmamadali na 'kong naglipit para habulin sana siya pero nabigo ako, hindi ko na siya nakita.

Nakaalis na siguro 'yun.

Leigh naman.

***

(Hayleigh Eve Point of View)

Nasa kabilang highway na ako.

And yes! Nagcocomute ako. What's the big deal? Hindi pa 'ko binilhan ni mama ng kotse at tsaka ayoko ng may driver duh. 

Kruuu~

Napahawak naman ako sa tyan ko.

What? Argh! Bakit ang bilis kong magutom! Kainis!

Tapos wala pa 'kong nakikitang ilaw rito.

Ang dilim nga.

Kinapa ko  ang pocket ko pero wala akong nafeel.

T-Teka? Nasa'n na ang wallet ko?

Shia! Naiwan ko siguro sa school. Ang layo na ng nilakad ko at tsaka ayoko ng bumalik dun.

Wala na 'kong load kaya Hindi ko matawagan driver namin.

Kainis!

Sumpa ba 'to?

Hinanap ko ang wallet ko sa bag pero wala talaga.

Pa'no ako makapunta sa ospital nito?

Maglalakad?

Dinaig ko pa ata si dora pag-ganun.