(Hayleigh Eve Point of View)
Yes. Dismissal na.
Nakakastress ang araw na ito.
"Bye Leigh. See you tomorrow" Sabi ni Kent at nagpaalam na.
Makauwi na nga. Pumunta ako sa parking lot ng school.
Pang minamalas ka naman.
Nakita ko kasi katabi ng kotse ni Manong ang kotse ni Chuhan.
Nakakabadtrip naman.
"Manong!" Tawag ko kay manong may kinukuha kasi siya sa backseat ng kotse.
"Ma'am Leigh"
Ngumiti ako sa kanya at kumaway.
Lumapit ako kay manong.
"Hayleigh chao"
Napatingin ako sa tumawag sa napakaganda kong pangalan.
Panira lamang ang chao.
"Sa ganda kong ito? Tatawagin mo akong chao?" Pairap akong tumingin sa kanya
Himala tinawag ako ni chuhan?
Iiyak na ba ako o tatawa?
Hindi pa ako nasisiraan ng isip para gawin iyan.
"I'm SMARTER than YOU" Sabi niya at sumakay sa kotse niyang bulok na mukhang nagmana sa kanya.
What the? Ang kapal talaga ng mukha niya.
Tss. I'm smarter than you pa siyang nalalaman. Edi saksak niya sa baga niya.
Pake ko ba.
Umalis na pala siya.
Tingnan mo chuhan hindi ako magpapatalo sa'yo.
"Ma'am sakay na po kayo"
"K"
Pinaandar na ang kotse.
******
Nakauwi na ako sa bahay na mukhang maganda. Nakita ko pa na nakaupo si ate habang nagbabasa ng libro.
Nasa kusina siguro si mama.
Anyway maka-akyat na nga.
Pagod na ako.
Gusto ko nang matulog.
"Hayleigh. Pwede bang magpatulong?"
Hihingi ng tulong si Ate?
Anong nakain niya?
"Ikaw ba iyan. ATE?" Hindi ko na mapigilan na mamangha sa kanya.
Oo nga pala graduated na si ate Olivia. Ang course niya is business management.
"Oo naman.Tss" Pairap niyang sagot
Aba't!
Nagawa pang magsungit ng loka.
Ang sarap kultusan.
"What is the problem? I need to rest now. Damm*t I'm fvcking tired" Walang emosyon kong sabi
Napapadalas na yata ang pagenglish ko.
Nasanay na yata ako.
"About business matter"
Tama nga ang hula ko.
Isa kasi siyang manager sa isang company.
Kaya lahat ng problema ay siya ang lulutas. Pero matalino naman ito at alam ko na kaya niya ito.
Pero ba't siya humihingi ng tulong?
Nagpapatawa ba ito?
"What help that I can do?" Tanong ko.
Mukhang problemado talaga siya.
Bakit kasi hindi nalang siya tulungan ng mga kaibigan o katrabaho niya.
Ang sarap tuloy pumatay ngayon.
"Help me to solve the problem in financial"
So pera nga ang problema sa company nila.
Siguro na bankrupt sila.
O
May ninakaw?
O
Baka naman nalugi?
"What kind of problem in finacial?"
Kailangan ko malaman kung anong klaseng problema ang ilulutas.
"May nagnakaw ng 2 million sa pera na nasa CFO" Panimula niyang sabi.
WHAT?
Ang laki ng ninakaw. Milyonaryo agad.
Sino naman kayang hampaslupang nagnakaw ng ganun ka halaga?
Kung sa bagay ballpen nga ninanakaw.
2M pa kaya?
"Kailan nanakaw ang pera? Ilan nalang ang natira sa pera?" Tanong ko at umupo.
Kanina pa kasi ako nakatayo at syempre hindi ba walang gamot sa varicose.
"Kanina lang namin nalaman na may nagnakaw ng pera. 4 million nalang ang natira sa pera"
So it's means 6 million lahat ang pera nila.
"Dapat matagal nang alam ng CFO na nawala ang pera. Kasi diba? Lagi na sa kanya iyong company card. So paano nawala iyon na nasa kanya lagi iyon?"
Mukhang napaisip siya sa sinabi ko.
Sa tingin ko ang CFO ang nagnakaw ng pera.
"Mukhang may point ka pero sinabi niya kanina na kanina lang daw nawala ang pera"
Mukhang may alibi ang CFO.
Ang tanga naman ng CFO.
Siya talaga nagnakaw?
Uso ang magsikap. Tinatamad lang siguro iyon kasi ang gusto niya easy money.
Ba't ganyan ang mentality ngayon ng mga tao?
Tao ba talaga sila?
"Ganito nalang ang naisip kung paraan. Alamin mo ang bawat kilos ng CFO kasi siya lang ang naiisip ko na may kayang kumuha ng pera"
Tumayo ako.
Matutulog na ako at dapat hindi ako malate bukas.
Umakyat na ako at pumasok sa kwarto ko.
I'm so d*mn tired
***
Papunta pala ako sa bahay ni Vanvan. Ang bestfriend kong lalaki.
Pagkarating ko sa bahay nila.
"Vanvan. Nandito na ako sa labas ng bahay niyo!"
Para naman marinig niya ang boses ko.
"Ang aga aga mo namang nangising. Lele" Sabi niya habang kinukusot kusot ang mata niya.
Parang kagigising lang niya.
"Anong maaga? Hoy 6:30 na kaya ng umaga" Sabi ko at nag cross arms.
Sabi niya maaga akong pumunta sa kanila kasi maglalaro kami tapos siya pala ang mabagal.
"Mag ready ka na. Tuturuan kita sa Math"
Ang sungit talaga ni Vanvan.
---
Napabalikwas ako sa pagkakatulog.
Bakit lagi akong nanaginip ng isang batang babae at batang lalaki?
Sino ba sila?
Paulit ulit nalang.
Makatulog na nga ulit.
*******
Papasok na pala ako sa school
Hbang naglalakad ako napapatingin sa akin ang mga tao.
Kasi naman rumampa ako papasok sa school. Dinaig ko pa yata ang sumasali sa beauty pageant.
Mabuti nga lang ginising ako ni Ate kanina. Kung hindi niya ako ginising malamang late naman ako.
Nagpapasalamat na ako sa kanya
Peste kasi iyong napanaginipan ko. Lagi nalang ganun ang laman ng panaginip ko.
Pagpasok ko sa room ay kaunti lang ang tao.
Parang apat lang yata kami.
Ako, iyong kaklase kong babae at lalaki at si chuhan.
Ang aga.
Umupo na ako at nilabas ang cellphone ko
Hindi naman sa pinagamayanbang pero cellphone ko is Iphone 10.
Who cares?
Machat na nga si Nelle.
Leigh Dyosa
[Hoy Nelle. Nasaan ka nang Nelle cutter ka?]
Sent!
Pumunta ako sa news feed. Ano naman ito puro black pentagon ang laman ng news feed ko.
Sakit sa mata.
Ang talande talaga ng mga kabataan ngayon. Imbis na pag -aaral ang antupagin. Iba ang inaantupag. Kaya lumalaki ng lumalaki ang populasyon ng pilipinas.
Nagreply na si Nelle
From: Nelle cutter
[On the way na ako Leigh]
Oo on the way sa CR.
Alam ko na iyan.
Nakahinga ako ng maluwag akala ko mag-aabsent siya.
Subukan lang niya mag-absent makakatikim siya ng batok sa akin.
May nagpop up sa friend request ko.
Kent Yasser Almeria
Confirm Delete Request
Ma-accept na nga.
Accepted!
May nagchat sa'kin.
Naku!
Baka si Nelle ito.
Mabuksan na nga.
From Kent:
[Hi Leigh.Thanks for accepting my request]
Nagchat pala sa akin si Kent.
Kinikilig ako.
Ang talandi ko talaga. Wagas akong makasabi na malandi ang iba ganun rin pala ako.
"Leigh ang ganda ng ngiti"
Binatukan pa ako ni Nelle.
Dumating na pala siya.
"Nagchat kasi si Kent" Sabi ko at tumingin sa cellphone ko.
From: Leigh
[You're welcome. Can i call you kuya?]
Naramdaman kong umupo si Nelle sa tabi ko.
"Ayay ka! Lumalablayp ka na" Asar sa akin ni Nelle
Porket nagchachat lumalablayp na agad?
Hindi ba pwede na nakipagfriends lang?
Ang mga tao talaga.
Iba na talaga mag-isip ang mga tao ngayon. Imbis na ang kiligin ang pinapakilig mas kikiligin ang nanonood.
Ibang klase!
From: Kent
[I'm on my way. On my way to your heart and you can call me kuya]
Kinikilig si Nelle at panay hampas sa akin. Ibang klase itong kiligin nanghahampas ng ibang tao.
Panay rin ang lumalabas sa bibig niya ay 'Ayiee forever na iyan'
Para sa akin.
WALANG FOREVER!
Napanghalatang bitter
Ang landi pala nitong si Kent.
On my way to your heart daw.
Pero kanina napansin ko ang matalim na tingin ni chuhan.
Ano kaya ibig sabihin ng kanyang matalim na titig?