(Hayleigh Eve Point of View)
Ang sarap talaga nitong hagisan granada.
Kainis!
Matatakot na ba ako? Wala namang pake iyon sa'kin.
"Do whatever you want and I don't really care" Sabi ko at inirapan siya.
Asa naman siyang matatakot ako sa kanya? Sanay na ako sa mga ganito kasi nga lagi akong napupunta sa guidance noong highschool ako.
Tumino lang ako ngayong college.
Siga kasi ako o in short basagulera.
Basagulera na dyosa.
"You don't afraid to your parents?Okay madali lang naman akong kausap" Sabi niya at nagsimula nang magtype sa cellphone.
Bwiset na chuhan. Kainis.
"K. Wala naman akong parents. Opss meron pala. Si mama" Pairap ko sa kanya
Sh*t.
Malalaman ito ni mama kaya kailangan ko siyang pigilan.
May usapan kasi kami ni mama pag may issue na naman ako ngayong college. Hindi niya ako pipiliin na maging heiress sa company namin.
Simula kasi ng nawala si papa parang naging matigas na ulo ko and I admit that
"Kailan ako maglilinis?"
Napahinto naman siya sa pagtype sa cellphone niya at humarap sa akin.
Nag smirk pa ang chuhan. Akala mo ang gwapo niya.
"Takot ka pala sa parents mo. Opss sa mama mo" Asar sa akin ni Brent.
"Shut up kingkong!"
Tumawa naman ang mga kaibigan ni chuhan.
Makaalis na nga dito. Puro mga kalahi ni kingkong lang naman ang nandito.
I need fresh air.
"Where are you going?"
Napahinto ako sa pag-alis nang marinig ang boses ni chuhan.
"Aalis. Bakit gusto mo bang nandito ako?"
Pero nakatalikod parin ako sa kanya.
"Nope. A girl like you is not my type"
Tsk. Talaga lang? Ngumisi ako kahit nasa likuran ako.
"Don't worry the feeling is mutual" Sabi ko at umalis na doon.
Hindi ko na kasi matiis.
Paulit-ulit nilang sinasabi ang salitang parents. Nasasaktan ako pag naririnig ko ang ganung salita.
Naiingit nga ako sa iba dahil kumpleto pamilya nila. Masaya sila at kami naman ito parang hindi kami pamilya.
Miss ko tuloy si papa
Maglilinis ka na naman Leigh kaya tatagan mo ang sarili mo.
*******
(Shanelle Hera Point of View)
Ang tagal naman ni Leigh. Ang awkard kaya kami lang ni Kent ang nandito.
Saka hindi ko naman ito masyadong kilala.
"Ang tagal naman ni Leigh" Bulong ko.
Ang tahimik kaya nitong kasama ko.
"Marami yatang sinabi sa kanya ang president ng student council" Biglang sabi ni Kent.
Mabuti pa si Leigh nakausap niya ng matagal si Ivan. Samantalang ako hindi pa.
Third year palang mag-classmate na kami pero never pa niya ako kinausap. Ang sarap rin siguro gumawa ng labag sa rules.
Kumain nalang kami. Sayang ang libre hindi matitikman ni Leigh.
Happy pa naman iyon pag may naglilibre sa kanya.
"Saan pala kayo nagkilala ni Leigh?" Ask ko sa kanya.
Nag-angat siya ng tingin.
"Sa daan"
Ang grabe naman ng dalawang ito. Sa daan nagkilala.
Ibang klase.
"Sa daan?"
Hindi ko kasi masyadong nakuha ang sagot niya.
"Niligtas ko siya mula sa mga lalaki na nambabastos sa kanya"
So ganun pala.
Ang bait naman pala ni Kent. Knight shining armor ni Leigh itong si Kent.
"By the way tapos ka nang kumain?" Tanong ko.
Tumango naman siya.
Binilisan ko ang pagkain kasi tapos na pala siya.
Ang tagal ni Leigh
*******
(Hayleigh Eve Point of View)
Nakakahiya pinagtitingnan ako ng mga tao sa paligid.
Sh*t
Masyadong akong expose dito sa field.
Saan ba naman kasi kayo nakakita ng isang diyosa na naglilinis sa field?
["OMG! Anong nangyayari kay Leigh?"]
["Oo nga. Mukhang naparusahan siya"]
["Bagay lang iyan sakanya. Feeling maganda kasi"]
Napentag ang tenga ko sa narinig. Ang sarap tuloy bumalik sa dating gawi.
Iyong mang-away ng mga chismosa.
Lumapit ako sa tatlong babae na nakaupo sa bench dito sa field.
"Do you have a problem to me?" Sabi ko at binitawan ang walis na hawak ko.
Ang sarap manampal. Pigilan niyo ako!
"No. We are just concern to you" Sabi niya habang nakasmile pa
Napaubo ako sa sinabi nila.
Bitch!
Kailan pa sila naging concern sa akin. Hindi talaga maiwasan na may plastic sa paligid mo. Tama talaga iyong kasabihan na 'plastic minsan concern minsan hindi'.
"Really? But I heard a while ago that you are stabbing me at my back" Sabi ko at nagfake smile pa sa kanila.
Para madama nila na hindi ako natutuwa.
Mga salot sa lipunan.
Ba't may word pa na pakialamera.
Kalokang mundo.
Nakita kong kinakabahan sila sa akin. Aba'y dapat lang kung ayaw nilang makatikim sa kamandag ni Leigh dyosa the great.
"Hindi ka namin sinisiraan,Leigh" sabay nilang sabi.
Pansin ko lang.
Sadyang sabay-sabay talaga sila magsalita?
"Alam niyo ang ayaw ko sa lahat iyong pinag-uusapan ako ng hindi maganda. Kung may problema ka sa'kin sabihin mo hindi iyong nagpaparinig ka. Coward" Sabi ko at nagsmirk pa.
Umalis agad sila sa inuupuan nila.
Anyway kailangan ko na itong matapos para makapasok ako sa mga klase.
Dinampot ko ang walis at nagsimula na maglinis.
*****
Sa wakas natapos na din.
Dumiretso lang ako sa room namin at bago iyon kailangan malinis ako at mabango.
"Leigh. Ang tagal mo" Sabi sa akin ni Nelle.
Oo nga pala hindi nila alam na naglinis ako sa field.
"May ginawa kasi ako. Pinagawa sa akin ng isang tao na ang sarap tirisin"
Umupo ako sa upuan ko at mabuti nga lang hindi nakikinig si Kent sa usapan namin ni Nelle. Naka headphone kasi siya.
"Sino naman iyon?"
Ang kulit talaga ni Nelle.
"Basta. Huwag mo ng alamin. Okay?"
Baka kampihan pa niya pag nalaman niya na si chuhan ang pinapatamaan ko.
Anyways hindi naman ako natatakot kay chuhan.
Makafacebook na nga.
Facebook Lite
[I want to kill a bastard but I can't]
Just Now
Like Comment Share
Shame on you chuhan.
Ang sarap mo talagang patayin
Pero huwag na.
Ayaw kong sayangin ang oras ko para sa mga unimportant person.
Kung iba natutuwa sa kanya
Oo natutuwa sila kasi mukha kasi siyang clown
Ba't ang tagal ng prof namin? Kainis gusto ko ng umuwi! Pagod na ako.
[Wonhae manhi manhi manhi
manhi
Wonhae manhi manhi manhi
manhi manhi manhi
Wonhae manhi manhi manhi
manhi
Wonhae manhi manhi manhi manhi manhi manhi]
Akala ko Got7 lover si Nelle. Aba'y bakit nakikinig ito ng BTS music.
"Hoy Nelle. Ano iyan?"
Huli kang gaga ka.
Wagas makapanglait ng BTS tapos iyon pala may gusto rin sa BTS.
"Ano iyon Leigh?"
Nagawa pa niyang mag-maangan.
Ibang klase pero huli ka na sa akto.
"Bakit ka nakikinig ng BTS song? Diba ikaw ang no.1 hater nila?"
Nagulat siya sa sinabi ko at chineck niya ang cellphone niya. Aba'y akala siguro niya nasaksak ng maayos ang wire ng headset sa cellphone niya.
Nag headset siya pero rinig naman ng iba.
"Ah-ah-eh kasi memory card ito ng kapatid ko"
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"Hoy wala kang kapatid. Tsk"
Gagawa nalang ng palusot iyong palpak pa.
"Sa kapitbahay ko ito tinatawag ko na kasing kapatid ang kapitbahay namin"
Sa yaman nilang iyan? Nanghihiram pa siya ng memory card at ang tanong ko lang kailan pa nakipag-usap si Nelle sa kapitbahay nila. Ayaw nga niyang lumabas sa bahay nila.
Napakagaling mag-isip ng palusot pero palpak naman.
"Oo nalang. Nelle" Sabi ko kunwari lusot siya sa palusot niya
Pero naiinis pa rin ako sa chuhan na iyon pasakit sa ulo
Dami ko na ngang problema padagdag pa siya!
Teka?
Ano pang pinoproblema ko?
Ay bahala na nakakatamad mag-isip ngayon.
Nakakapagod talaga ang araw na ito.
Kasalanan ito ni chuhan.