Chereads / Remember [Black Pentagon Series #1] / Chapter 14 - Chapter 13

Chapter 14 - Chapter 13

(Hayleigh Eve Point of View)

Hindi mawala sa isipan ko ang pinag-usapan namin kahapon ni chuhan. Nandidiri pa rin ako sa nalaman ko kahapon. Mabilis akong sumakay sa taxi para hindi ko na marinig ang sasabihin pa niya.

Nandito lang ako sa kwarto dahil hihintayin ko na sumapit ang hapon since hapon daw magsisimula ang party.

Sabi ni Nelle na hindi na lang daw kaming magsabay since susunduin daw siya ni chuhan. Hindi talaga ako makapaniwala na si chuhan ang partner niya.

Tamag nga ako. Patibong lang 'yun kahapon ni chuhan pero sorry na lang siya dahil hindi ako nadala.

Hindi madadala sa ganun ang isang Hayleigh Eve Rashlani.

Nagulat ako dahil nagvibrate ang aking cellphone. Wala akong nagawa kundi tingnan kung sino ang nagtext.

From: kuya Kent

Leigh. Hindi na kita masusundo ngayon. Sorry talaga nagkaroon lang ng problema

Tiningnan ko ang orasan at malapit na pala.

To: kuya Kent

Sige lang. Kaya ko naman ang sarili ko.

Pumunta ako sa banyo para maligo. Ang hindi talaga maalis sa isipan ko ay 'yung mga panaginip ko na paulit-ulit na lang.

Alam ko na ako 'yung babae pero sino 'yung lalaki?

Kilala ko ba siya o hindi?

Mabilis lamang ako natapos sa pagligo. Pumunta ako sa dressing room ko at kinuha ang aking sosoutin na dress. Casual dress lang ito at kinuha ko rin ang aking mask na silver at may feathers.

Saka light make-up lang ang nilagay ko since hindi ako 'yung tipong tao na makapal mag-make up. Nagmumukha ka daw na clown kapag makapal ka mag-make up.

Bumaba na ako sa baba at nagulat ako na nandoon si kuya Kent. Alam ko kasi ang outfit niya at kulay ng kanyang mask kasi sinabi niya sa akin.

Naka three piece suit siya with silver na mask. Ngumiti ako sa kanya.

"Kuya Kent. Hindi ko akalain na susunduin mo ako. Akala ko kasi ay hindi ka matutuloy"

Pinagbuksan niya ako ng pinto. Shems, hindi man lang niya sinagot ang tanong ko.

Nagsimula na umandar ang kotse kaya nanahimik na ako. Diretso lamang aking tingin dahil hindi ako sanay na walang kausap.

***

Nakarating kami sa venue. Hindi ko akalain na ganito kalaki ang venue. Nagsimula na kaming maglakad dalawa.

Nasaan na kaya si Nelle? Nakalimutan ko kasi siya I-text. Nasa pouch ko naman ang cellphone kaya lang tinatamad akong kunin.

Bahala na.

Umupo kaming dalawa ni kuya Kent sa bakanteng upuan at sa harap nito ay napakaraming pagkain.

Natatakam tuloy ako pero pinigilan ko lang. Kararating ko lang tapos pagkain agad ang aking target. Baka ano pang sabihin sa akin ni Kent.

"Alam mo Kent. May napapanaginipan akong isang batang babae at batang lalaki. Alam mo ba na lagi daw magkasama 'yung dalawa. Kaso iniwan ng babae 'yung lalaki sa kadahilanang lilipat sila ng bahay. Alam ko Kent na ako 'yung babae pero hindi ko alam kung sino ang lalaki. Ang weird ng panaginip ko?"

Natawa pa ako sa aking sarili dahil hindi man lang ako sinagot ni Kent.

"Gusto ko maging masaya kaso hindi ko kaya kasi si mama laging si ate ang gusto niya dahil matalino daw at talentado. Samantalang ako ay pawang top 2 lang. Pagod na ako sa ganun saka magiging top 1 naman ako kung hindi lang dumating ang chuhan na si Harvey Ivan Manza"

Patuloy pa rin ako sa pagkwento kahit wala akong natatanggap na sagot kay Kent. Mas maganda daw kasi na mailabas mo ang iyong sama ng loob.

"Siguro kung buhay pa si papa. Hindi magiging ganito ang pamilya namin. Puro lang kasi si ate si mama at business. Nakalimutan nila na may anak silang dyosa na si Hayleigh"

Wala akong pakialam kung nag-umpisa na ang program. Hindi ko kasi magawang maging masaya kung may dinadanas akong kasakitan.

"Tapos dumagdag pa ang pesteng si chuhan. Kung makapagsalita akala mo kung sino. Alam ko na trip lang niya ako dahil bored ang hinayupak na 'yun. Pero, sorry na lang siya dahil hindi ako madadala sa kakupalan niya. Sana katulad ka na lang niya Kent hindi 'yung nanakit siya ng ibang babae. Hindi ba niya alam na a women is like a diamond which means aalagahan mabuti"

Nagising conyo na yata ako. Pinunasan ko ang aking luha na tumakas sa aking mata. Pero, inagaw sa akin ni Kent ang panyo at pinunas sa aking mukha.

Napangiti na lang ako. Baka kasi mafall ako sa kanya pero kuya lang ang turing ko sa kanya at hanggang doon na lang.

Tumayo kaming lahat para mag-umpisa sa sayaw. Nagsimula na kami sumayaw kaso may napansin ako.

Kailan pa naging tahimik si Kent? Pero, baka surprise lang niya o trip.

Alam mo naman ang mga tao na may kanya-kanyang trip sa buhay.

"Alam mo ba na gusto ko ang BTS at si Jungkook ang bias ko sa kanila. Kaso kamukha ng chuhan na 'yun si Jungkook. Gusto-gusto ko ang kanta ni Jungkook na euphoria. Ang ganda kasi ng meaning"

Tumango lamang si Kent sa sinabi ko. Shems, nalaman niya na army ako pero di bale na lang. Namimiss ko na tuloy ang panonood ng bts boyage at 'yung mga shows nila.

Basta mag-update ako sa kanila pag may time na ako.

Once a fan girl, always a fan girl.

"Deep inside of me, a priori

I became happy to the point of being unable to breathe.

The surroundings, bit by bit, become clearer

The sea can be heard from away

By crossing the dream and going over the woods

Go to the place that is becoming vivid

Take my hands now,

You are the cause of my euphoria

Euphoria

Euphoria

Take my hands now

You are the cause of my euphoria"

Wait, diba 'yan ang english version ng euphoria ni Jungkook. Pero paano niya nakanta ang ganun.

"Army ka pala Kent" Asar ko kay Kent.

Nagulat ako dahil mag-aanounce na ang announcer.

"May twist sa masquerade party na ito para maganda. Kailangan niyo tanggalin ang mask niyo para makilala niyo ang inyong partner"

Tss. Malamang kilala namin ang partner namin.

Tinanggal ko ang aking mask at nagulat ako sa taong inaakala kong si Kent.

"Chuhan?!"

Taena. Paano naging siya si Kent? Saka same outfit sila.

"Surprise"

Pesteng chuhan. Nasaan na ba si Kent?

"X"  Sabi niya at tinuro ako.

Napairap na lang ako.

"Alam ko ang x chuhan ka. Diba 'yan ang ginagamit sa math. Pati ba naman sa party at dadalhin mo ang kayabangan mo. Ano ang tingin mo sa akin hindi matalino?"

Wala akong pakialam if marinig ng iba ang sinasabi ko.

"X"

Nagulat na lang ako dahil bigla niya akong hinalikan.

Alam niyo ba kung ano ang pinakaworse.

Sa harapan ng ibang tao.