Chereads / Remember [Black Pentagon Series #1] / Chapter 15 - Chapter 14

Chapter 15 - Chapter 14

(Hayleigh Eve Point of View)

Hindi ako makapaniwala sa nangyari kahapon. Saka doon ko lang na-realize kahapon na nahuli ng dating sa venue si Kent.

Mabilis akong umuwi kahapon dahil sa kahihiyan. Peste kasi ang chuhan na 'yun.

Lunes ngayon pero mukhang sabog ang aking mukha. Sa dalawang araw na nakalipas ay ang aking ginawa lamang ay kumain at magpasound track.

"Leigh, ba't ganyan ang mukha mo?" Bungad sa akin ni Nelle.

Nakapasok na kasi ako sa room at napansin ko na pinag-uusapan ako ng mga classmates namin.

Umupo ako sa aking upuan at sumunod sa akin si Nelle.

"Bes! Hindi mo sinagot ang tanong ko. Anong nangyari sa'yo? Tatawag na ba ako ng albularyo"

Napairap ako sa mga pinagsasabi ni Nelle. Ano naman ngayon kung tatawag siya ng albularyo.

"Anong albularyo? Sira. Hindi ako sinaniban. By the way hindi ka ba galit sa akin?" Tanong ko sa kanya.

Napakunot naman ang kanyang noo. Feeling ko kasi ay inagaw ko sa kanya si Ivan.

"Hindi. Bakit naman ako magagalit sa iyo. Huwaaa! Hindi ako nakapunta sa party noong biyernes" Pagdadrama niya.

Wait, hindi siya nakapunta kahapon? Pero, sabi niya susunduin siya kahapon ni chuhan.

"Seryoso? Saan ka pala pumunta? Diba ikaw pa ang excited sa party na 'yun?"

Hindi niya ako pinansin bagkus pinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa. Pumasok si chuhan na nakangisi at kumindat sa akin.

Hindi na naman yata siya nakakainis ng dog food. Pero, bakit ang bilis ng tibok ng puso ko sa peste niyang pagkindat.

"Leigh. Sayang ang opportunity ko na mapansin ni chuhan. Alam mo naman kung gaano ko siya kagusto diba? Saka love ko na yata siya"

Ewan ko kung bakit naawa ako kay Nelle. Feeling ko kasi may kasalanan ako.

"Sus, okay lang 'yan saka aral muna"

Wala talaga akong kakwenta mag-advice. Nagulat ako dahil tumayo siya at binatukan ako.

"Sira. College na tayo at ilang buwan na lang ay graduate na tayo. It's time na hahanap na ako ng boylet"

Napailing na lang ako sa sinabi niya. Naramdaman ko ang pagvibrate ng aking phone.

From: Chuhan

Kumusta my Chao? Tingnan mo lang ako kompleto na ang araw mo.

-X

Pesteng x 'to. Ano ba ang meaning niyan saka ang yabang naman ni chuhan.

"Nelle" Tawag ko kay Nelle.

Lumingon siya sa akin at halos matawa na ako sa itsura niya. Mukha siyang babae na broken hearted.

"Ano? Tawang-tawa ka Leigh?"

Umiling na lang ako. Shems! Natatawa ako sa itsura niya.

"Hindi kaya. Alam mo ba ang ibig sabihin ng X? Saka diba makikita 'yan sa math?"

Sinamaan niya ako ng tingin. Ano kaya ang problema niya?

"Malamang nasa math 'yan pero hindi lahat katalinuhan ang gamitin. Saka importante ang x sa mga babae"

Mga babae? Pero bakit ginagamit ni chuhan? Gay ba siya?

"Talaga? Anong ibig sabihin?"

Hinampas niya ako sa braso saka napanguso.

"Bes. X means kiss, ginagamit 'yan na emoji ng mga babae. Pero may mga lalaki na gumagamit rin ng ganyan. Bakit mo natanong?"

Halos mamilog ang aking mata sa nalaman. Kaya pala bigla akong hinalikan ng chuhan na 'yun saka malay ko ba na ginagamit 'yan na emoji.

Hindi naman ako gumagamit ng emoji.

"Wala lang. Saka nabasa ko lang sa facebook"

Napatingin ako sa aking notebook. Sh*t! Bakit niya ako hinalikan? Hindi ko naman hahalikan ang isang tao kapag walang reason diba?

Ano 'yun trip niya? I need to talk with that chuhan.

Dumating ang teacher namin pero pinagtataka ko na wala si Kent. Baka may importanteng pinuntahan. Matext nga mamaya.

Ilang oras ang nakalipas at recess na namin. Sasabay sana ako kay Nelle kaso pinatawag siya ng teacher namin.

"Musta my chao?"

Nilingon ko ang taong laging tumatawag sa akin ng ganyan.

"Ano na naman? Alam ko na ang ibig sabihin ng X? Potek! Ano naman ang kailangan mo?" Gigil kong tanong.

Napansin ko na kami lang pala ang tao sa room.

"Chillax babe, saka nandito ako para kumustahin ka pero mukhang bad mood ka. Sabi ko sa'yo diba na tumingin ka sa mukha ko sasaya ang araw mo"

Hanep sa kapakalan ng mukha. Singkapal ng dictionary.

"Siyempre sino naman ang hindi sasaya kapag nakita nila ang mukha mong nakakatawa. Saka kung trip mo ako pwes tigilan mo na dahil hindi na nakakatuwa"

"Sino bang maysabi na trip lamang kita? Hindi kita trip Hayleigh"

Sinong niloko niya? Alam ko na ang mga galawan niya.

"Tapos ka na ba? Kasi sinasayang mo ang oras ko sa mga kapakalan mo. Piece of advice hindi ako mahuhulog sa'yo. Itaga mo pa sa bato" Mataray kong saad.

Hindi ko alam kung bakit naging malungkot ang kanyang mukha.

"Wala akong pakialam kung trip lang ang tingin mo sa ginagawa ko. Remember this Hayleigh. Remember me and i remember you"

Puro siya remember tss. Aalis na sana ako kaso narinig ko pa ang huli niyang sinabi.

"I rewind my girl, baby come back to my world"

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya bagkus at umalis na lang para hintayin sa cafeteria si Nelle.

Parang may meaning ang sinabi niya at parang may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya kaya.

Nakarating ako sa cafeteria pero napatigil dahil sa babae na humarap sa akin.

"Halyeigh Eve Rashlani, right? By the way my name is Gilizel Irish Reigh Lazaros. Can we be friends?"

Nilahad niya sa akin ang kanyang kamay kaya naman tiningnan ko.

"Friends"

Tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay. Maganda siyang babae at laging nakangiti.

"By the way, paano mo nalaman ang pangalan ko?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya ng makahulugan.

"I have my ways. Saka classmate kaya tayo"

As in? Pero kailan siya nagpakilala?

"Talaga? Kailan pa?"

"Noong thursday"

Inaya ko siyang umupo sa upuan kasi ang weird na nag-uusap kami pero nakatayo kami at sa tapat ng pintuan mismo.

"Absent kasi ako noong thursday. Bakit ka nag-transfer dito?" Tanong ko.

Ngumiti siya ng malungkot sa akin habang nakahawak sa mineral water niya.

"Gusto kasi ng magulang ko na sa private school ako mag-aral kasi galing ako sa public school noon"

Napatango na lang ako. Nasaan na kaya si Nelle?