Chapter 21 - Epilogue

(Olivia Urlyn Point of View)

Maaga akong umalis para pumunta sa isang importanteng lugar. Ang ilang years rin ang nakalipas at hindi ko matanggap ang nangyari.

Pero bago ako pumunta sa lugar na 'yun ay bumili muna ako ng bulaklak.

Dahan-dahan ako lumapit sa isang puntod. Hindi ko maiwasan na mapaiyak.

Hayleigh Eve Rashlani

Born: August 27 1995

Died: October 6

Nilagyan ko ng bulaklak ang puntod ng taong importante sa akin.

"Sorry Leigh if hindi kita natulungan. Ang sakit na maaga kang nawala sa amin. Sana mapatawad mo ako sa mga naging kasalanan ko sa'yo. Hindi ko pa rin matanggap na wala ka na. Iniwan mo kami ng walang paalam"

Dead on arrival sila. Hindi agad sila naisugod sa ospital dahil sa nagkagulo ang mga tao.

Tiningnan ko rin ang katabi niyang puntod.

Harvey Ivan Manza

Born: June 4  1995

Died: October 6

Pareho silang namatay ni Ivan. Naalala ko pa dati na lagi akong tinatawag na ate ni Ivan noon.

Alam ko na namatay na sila pero nanatili silang buhay sa puso namin. Nakulong si Nelle dahil sa ginawa niya at mukhang nabaliw siya sa ginawa niya.

Niyakap ko ang hangin na yumakap sa akin. Tumayo ako saka pinagmasdan ang paligid.

"Rest in peace Hayleigh and Harvey"

The End

***