Chapter 6 - Chapter 5

(Olivia Urlyn Rashlani Point of View)

"Melinda. Pakitawag nga si Leigh sa taas. Sabihin mo kakain na kami" Utos ni mama kay manang.

Hanggang ngayon ay hindi malapit ang loob namin ni Leigh.

"Opo madam" Sagot naman ni manang at umakyat na sa taas.

Tumango naman si mama.

"Hanggang kailan ba maging ganun ang kapatid mo. Olivia?"

Nagkabit balikat ako tsaka napaisip.

"Hindi ko nga rin alam ma. Wala nga akong maisip na paraan para mapabago 'yang si Leigh" Sagot ko kay mama at marahan naman siyang napailing.

Leigh magbago ka naman.

"Madam. Natutulog na po si ma'am Leigh" Sabi ni manang.

Ayaw nga niya sumabay sa'ming kumain.

"Sige Melinda. Salamat" Sambit ni mama.

Kumain na lang kami ni mama.

**"

Pagkatapos naming kumain ay umakyat na kami sa kanyang-kanya naming kwarto para makapagpahinga na.

Inayos ko muna ang higaan ko bago inihiga ang sarili ko sa kama.

By the way ako nga pala si Olivia Urlyn Rashlani the big sister of Hayleigh Eve.

Hindi ko alam kung bakit ganun ang trato ni Leigh sa'kin— Oo nga sa'kin dahil siguro sa nangyari iyon. 3 years ago 'yung accident na kung saan ako 'yung dahilan kung bakit hindi namin kasama si papa ngayon.

Si Leigh kasi daddy's girl kaya ganun na lang ang trato niya sa'kin simula nung nangyari 'yun.

Iyong naaksidente kami.

Isang car accident. Kasama ko sina daddy at Leigh.

Argh! Ayoko ko ng isipin ang pangyayari 'yun.

Napansin kong namasa-masa 'yung mga mata ko.

Umiyak na pala ako. Ano ba 'yan.

Hindi ko maiwasan ang kasalan ko nun na matagal ko ng pinagsisihan sa kadahilanang na layo ang loob ng kapatid ko sa'kin.

Ipinikit ko na ang mata ko at inihintay na dalawin ako ng antok.

Patawarin mo sana ako Leigh.

***

(Hayleigh Eve Point of View)

Nakaupo ako sa munting bahay na ginawa namin.

Inaayos ko muna ang loob nito at may kinuha ako na isang notebook na kung saan na roon ang pangalan niya na sinulat ko kahapon.

May lumapit na batang lalaki na nakangiti sa 'kin kaya ningitian ko rin siya. Tinago ko ang notebook para hindi niya makita pero napansin siguro niya 'yun kasi nakatingin siya sa kamay ko.

"Lele. Naayos mo na ba ang bahay natin? Ano 'yang hinahawakan mo? Patingin nga" Sabi niya at aakmang kukuhanin niya sa'kin ang notebook.

No way. Nandoon pangalan niya baka baka malaman niya na crush ko siya.

"Wala" Pag-dedeny ko.

Napanguso naman siya.

"Weh? Kung wala lang 'yan ba't mo tinatago sa'kin? Patingin na kasi" Pagmamakulit niya sa'kin

Baka malaman niya ang tinatago ko.

"Kasi may mababasa kang kakaiba rito. Oo tama"

"Hindi nga? Hindi ka nga marunong sumulat ng mga alphabets"

"Marunong kaya ako" Sambit ko.

Ang kulit talaga niya.

"Ano pala nakasulat d'yan? Di ba bestfriend tayo? Tapos di ba dapat ang magbestfriend hindi nagtatago ng secret?" sabi niya.

Anong sasabihin ko?

Nag-iisip ako ng dahilan.

Ano nga ba?

Aha!

"Kasi nakasulat dito 'yung pangalan ng alaga kong tuta. Oo tama tuta"

Sana gumana ang palusot ko.

"Talaga? Anong pangalan niya? Ba't hindi ko siya nakikita sa bahay niyo?Pwede bang isama mo siya rito bukas?" Sunod-sunod niyang tanong.

Ang kulit talaga.

"Ang kulit mo talaga Vanvan. Dandan ang pangalan niya. Hindi mo siya nakikita nun sa bahay kasi niregalo sa 'kin 'yun ni daddy nung nakahonor ako. Oo naman pwede ko siyang isama" Sagot ko naman sa mga tanong niya

"Ganun ba"

Yes!

Naniwala siya.

Ang landi-landi ko na ba?

Pero hindi ko maiwasan. Na-fall na ako baka siya na nga.

***

Bumalikwas ako sa pagkabangon at hinawakan ang ulo ko.

Ang sakit.

Ba't lagi ko siyang napapaginipan?

Vanvan?

Wala akong maalala na Vanvan.

Tapos hindi pa rin malinaw ang mukha niya.

Tiningnan ko yung orasan

[6:30 am]

Niligpit ko na ang higaan ko para makapaghanda na para hindi na naman ako male-late.

Mabilis akong pumasok sa banyo at naligo.

Bumaba na ako para makapag-almusal na.

Mukhang hindi pa pala gising sina mama at ate.

"Ma'am Leigh. Ipaghahanda ko na po kayo ng almusal" Sabi ni manang

Tiningnan ko siya tsaka binaling sa harapan ang tingin.

"Sige manang. Salamat"

Tumango naman siya at umalis na.

Ilang sandali pa lamang ay bumalik na si manang na may dalang pang-almusal.

"Ito na po ma'am"

Ngumiti ako sa kanya ng tipid.

"Salamat po manang"

"Walang anuman po ma'am" Nakangiti niyang sabi at bumalik na siya sa paglilinis.

Sinimula ko ng kumain.

Ang sarap naman nito.

***

Pagkatapos kong kumain at mag-ayos sa sarili ko ay lumabas na 'ko ng bahay at tumingin sa relo ko.

[7:15 am]

Maaga pa naman at umalis na 'ko. Sakto naman na nakita ko si mang Danilo iyong driver namin. Nakabalik na pala siya.

"Ma'am Leigh. Ihahatid ko na po kayo" Sabi niya

Tumango ako.

"Kamusta kayo mang Danilo?"

Napakamot naman siya sa kanyang batok na animo'y nag-iisip kung anong sasabihin niya.

"Maayos naman po ma'am. Kakalibing lang po nang tiyuhin ko kahapon kaya bumalik na agad ako rito kasi sayang naman po 'yung sweldo ko" paliwanag niya

Nakamove on na kaya siya sa pagkamatay ng tito niya?

"Sige po. Tara na po" sabi ko at sumakay na 'ko ng kotse.

***

Bumaba na 'ko ng kotse at lumakad na papunta sa room namin

Tumingin ulit ako sa relo ko.

[7:20 am]

Okay 10 minutes pa bago mag-start ang klase namin.

Habang papunta na 'ko sa room ay nakita ko si Nelle.

"Nelle!" tawag ko sa kanya at mukhang narinig niya naman ako.

Kasi lumingon siya at nakangiti pa.

"Oy bes! Ang aga naman natin" sabi niya at kinurot ko naman sa siya sa pisngi.

Nagpout naman siya pero inirapan ko lang siya.

"Aray naman. Teka may ibibigay pala ako sa'yo" sabi niya na ikinunot ng noo ko.

Baka pagkain ibibigay niya?

"Ano na naman 'yun?"

Mukhang may hinahanap siya sa bag niya.

"Naiwan mo 'yung wallet mo sa room nung nagmamadali kang lumabas. Ikaw talaga"

Inabot sa'kin iyong wallet ko. Buti siya iyong nakakita ng wallet ko.

"Salamat Nelle" pasasalamat ko sa kanya.

Ngumiti naman siya at tinapik ako sa balikat.

"Wala 'yun,Leigh. Halika na pasok na tayo room" aya niya at pumunta na kami ng room.

Pagpasok namin sa room ay nagkakagulo ang mga kaklase namin.

May nag-chichismisan ganun.

'Yung mga lalaki naman mukhang may ginagawang kababalaghan kasi panay tawa nila habang may pinapanood sa cellphone.

I smell something fishy. Ang aga-aga pa may ginagawa ng kababalaghan.

Mukha pa silang grade school dahil sa ka-ingayan nila.

Umupo na  kami ni Nelle

"Bes may chismis ako"

Ano naman nakalap nitong chismis?

"Lagi ka naming may chismis. Ano naman 'yun?" natatawa kong sabi.

Kinilig naman siya.

"May bagong transferee raw ngayong midterm, Leigh. Lalaki at gwapo raw"

Transferee? Na naman?

"Transferee?"

Sino naman kaya? Sana naman hindi katulad ni chuhan na mayabang.

"Yes Leigh at-"

Kriiing~Kriing~

Hindi na tuloy ang sasabihin ni Nelle nang tumunog na ang bell.Umayos naman kami ng upo.

Dumating na agad ang prof namin na si Mrs.Wilson.

Ba't ba ang bilis ng oras?

"Okay class before we start. May I introduce to all of you that you have a new classmate. Pumasok ka" panimulang sabi ni ma'am at tinawag niya 'yung 'transferee student' sa labas.

Nagbulong-bulungan naman ang mga kaklase namin.

"Sino na naman kaya 'yun? Sana fafa"

"Sana lalaki siya. Kyaaah"

"Gwapo kaya siya? Katulad sa members ng black pentagon?"

Napatingin naman ako kay Nelle na nakatigin din sa'kin at nagtaas baba ang mga kilay niya at nakangiti ng malapad kaya hindi ko maiwasang matawa sa kanya.

Papasok na sa 'yung transferee student at parang biglang nag slow move ang lahat ng makita kung sino 'yun.

Ba't ganito?

Parang naramdaman ko na 'to?

S-siya? Iyong lalaking nagligtas sa'kin?

Kagabi?

Hindi ko namalayan na nasa harapan na pala namin siya.

"Hi classmates. My name is Kent Yasser Almeria" sabi niya at nagbulong-bulungan na naman sila at iyong iba ay tumitili pa.

"Omg. Fafa nga"

"Ang gwapo sheyt"

"Akin ka na lang fafa"

"Kyaaaah"

Tumingin ako sa kanya at mukhang nakita niya rin ako kasi ngumiti ata siya sa 'kin.

Pagkatapos niyang pagpapakilala ay lumapit naman siya malapit sa kinaroroonan ko.

Tiningnan ko naman si Nelle at mukhang kumikinang ang mga mata niya. Baliw talaga 'to.

"Can I sit here?" tanong niya sa'kin.

Habang tinuturo ang upuan sa tabi ko.

"Sure"

Umupo naman siya.

Sumulyap ako sa kinaroroonan ni chuhan at mukhang wala siyang pakialam sa nangyayari kasi nakasalpak pa ang kanyang earphone at nakapikit pa.

Hindi ko talaga inexpect 'to

We met again!