Chapter 5 - Chapter 4

(Hayleigh Eve Point of View)

Habang palakad-lakad ako sa isang madilim ma eskinita

"Witwiw"

May narinig akong sumipol kaya tumingin ako sa kaliwa't kanan ko hanggang sa nainagan ko ang dalawang lalaki na papalapit-lapit ata sa 'kin

"Pre chicks" Sabi ng isang lalaki sa kasama niya.

Lumapit sila sa 'kin.

Teka, may kailangan ba sila sa'kin?Pero wala akong pera kaya wala silang makukuha sa'kin.

"Hi miss. Ang ganda mo naman" Papuri niya sa'kin.

Tss. I know right

Inirapan ko lang sila.

"Sama ka naman sa 'min. Shot tayo" Pag-aanyaya nila.

Ba't naman ako sasama sa kanila? Hindi nga ako umiinom ng beer or wine.

"No thanks"

Inirapan ko ulit sila. Mukha ba 'kong papatol sa kanila?

"Sige na. Sandali lang naman miss" Pagpupumilit nila.

Hinawakan niya ang braso ko. Binalibag ko naman ito at aakmang tatakbo para makalayo sa kanila but I failed.

Nahuli nila ako. Fvck

Marahas niya 'kong hiniharap sa kanya.

Pinalupot niya ang braso niya sa beywang ko.

Kadiri.

"Let me go! Ano ba?!" Sambit ko habang tinutulak siya palayo sa'kin.

Ang isa naman ay ngumingisi.

Dahil sa ginawa ko mas lalo niya pa itong hinigpitan.

What's wrong with this people?

And now, I can feel his thing. Fvck this pervert.

"Wag ka na kasing pakipot miss. Magugustushan mo rin 'to baby"

Napapikit ako dahil sa sakit ng pagkakahawak niya sa'kin

Ilang sandali pa lang ay naramdaman kong lumuwag nag pagkahawak niya at natumba siya.

Dinilat ko ang mata ko at hinanap ko kung sinong gumawa nun sa kanya.

Isang lalaki.

Siya na ba? Ang ka-forever ko-este ang knight and shining armor ko?

Hindi ko makita angĀ  mukha mukha dahil sa liwanag na nanggaling sa likod niya.

Tinadyakan niya ang lalaking nambatos sa'kin at tumakbo naman sila ng mabilis na parang mga aso.

Nagsoslow move ang mundo ko nang papalapit siya sa'kin.

Unti-unti ko ng na-inagan ang mukha niya.

Shia! Isang anghel nga!

Napakagwapong nilalang. Akalain mo 'yun? May nabubuhay pa lang ganitong nilalang?

Hindi katulad ng chuhan na 'yun.

Perfect at masasabi mo rin na isa siya sa ideal boy ng mga girls ngayon.

Inilapit niya ang mukha niya sa'kin

Kung dahil sa kanya hindi pa na chuchugi ang ganda ko.

May ini-abot siya sa'kn na panyo

T-teka panyo? Seriously?

"Miss. Punasan mo muna laway mo" Ani niya tsaka ngumiti.

Hinawakan ko naman ang bibig ko.

Shia! Basa nga!

This is so embarrassing at sa harapan niya pa.

Ano ba Hayleigh! Taena mo naman.

"S-sorry"

Agad kong pinunasan ang laway ko gamit ang panyo ko.

Hindi ko inabot ang panyo niya dahil sa kahihiyan. Hindi na nga ako makatingin sa kanya ng maayos.

Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa.

"Are you okay miss? May masakit ba sa'yo?" Concerned niyang mga tanong.

Nahihiya tuloy ako sa kanya kaya napayuko na lang ako.

"A-ah o-oo okay lang ako"

Paano ako maging maayos?

Ang tanga-tanga ko talaga.

"What are you doing here? Hindi ka dapat dumadaan dito kasi maraming adik dito na tumatambay"

Mafafall na ata ako sa kanya.

Pafall kasi.

Parang kung makapagsalita siya ay parang dati ko na siyang kilala.

Siguro ganun lang talaga siya. Concerned sa ibang tao

"Pupunta kasi ako ng ospital. Emergency lang tapos naiwan ko pa ang wallet ko"

Nakita ko ang bahagya niyang pagtango. Nakita ko pa ang paggalaw ng kanyang adams apple.

"Kung ganun. Angkas ka na sa'kin. Ihahatid kita" Pag-aanyaya niya

"S-sigurado ka?" Nauutal na sabi ko.

"Yes. Isuot mo 'to"

Isinuot ko naman ang inabot niyang helmet.

Nauna siyang sumakay sa motor niya at pinaandar ito.

Teka, kakayanin ko ba 'to? Haish.

Sumakay na rin ako sa motor niya at maya-maya'y pinatakbo na niya ito.

"Humawak ka nang mabuti"

Humawak naman ako sa beywang niya.

Bakit kaya ang bait niya?

Sana marami pang katulad niya rito sa mundo.

Hindi katulad ni chuhan na saksakan ng kayabangan. Akala mo kung sinong gago.

***

(Someone Point of View)

Habang umiinom ako ng kape.

(Kriiingg...)

Narinig kong tumunog ang telepono sa tabi ko.

Mukhang sila nga 'to. Nagawa ba nila talaga 'yung pinapagawa ko?

"Musta?" Tipid kong panimula.

Hinintay ko na magsalita ang nasa kabilang linya.

"Master success po iyong pinapagawa niyo" Balita nila sa kabilang linya

Napangisi na lang ako.

"Do you still remember what I've said earlier?"

Dapat lang na tandaan nila ang hinabilin ko kanina.

"Yes naman Master. Wala po siyang ni-isang galos at sugat. Tinakot lang po namin siya. May lalaki po na dumating at iniligtas siya. Kasama po ba siya sa plano?"

Knight shining armor?

"Good. Sa oras na makita ko na may sugat siya. I will kill you all. Mind your own business son of a bitch" Pagbabanta ko sa kanila

Dapat lang na matakot sila sa'kin.

"Y-yes master. Basta sabi niyo kanina dodoblehin niyo po iyong pera-"

Mga mukhang pera. Pera lang naman ang kapalit sa mga tanga.

"K. Ipapadala ko na later"

Tss.

"Salamat mas-"

Binaba ko na ang telepono. Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya.

Ininom ko ulit ang kape na nasa mesa.

Balang araw pasasalamatan mo rin ako sa huli.

Hayleigh Eve Rashlani

***

(Hayleigh Eve Point of View)

Minutes passed.

Nandito na kami sa harapan ng ospital

"Dito na lang" Sabi ko.

Huminto naman siya at bumaba na 'ko.

"S-salamat sa lahat ah" Sabi ko ulit at hinubad ko na sa ulo ko ang helmet niya at ganun din sa kanya.

Hindi nga 'ko nagkakamali mukhang nga siyang anghel.

"Welcome. I'm Kent by the way" Sabi niya tsaka ngumiti.

Kahit pala mukhang gangster ang mukha niya ay mabait naman pala siya.

Iniabot niya sa 'kin ang kamay niya kaya iniabot ko rin ito.

"I'm Leigh"

*shakehands*

Ang lambot ng kamay niya.

"Mauna na 'ko. May nag-aantay kasi sa'kin sa loob. Salamat" Paalam ko sa kanya at sinuot niya naman ulit ang helmet niya.

Kumaway siya sa'kin bilang paalam kaya kumaway rin ako at pinaandar niya ang motor niya at umalis.

Salamat talaga sa kanya nakapunta ako rito ng maayos.

Pumasok na 'ko sa ospital at nakita ko sina mama na kausap ang doctor.

"Ma? How are you What happened? Pasunod-sunod kong tanong.

Kahit mas paborito niyang anak si ate ay nag-aalala pa rin ako sa kanya.

"Hindi kasi nagpapahinga si mama. Natagpuan na lang naming siyang na nakahiga sa osipisina niya kaya dali-dali naming idinala siya rito" Paliwanag ni ate.

Patango-tango ako habang nagsasalita siya

"Ma. Dapat nagpapahinga ka rin minsan. Maiksi lang ang buhay" Sabi ko na tinatago ang pagka-concerned ko.

Kahit kalian hindi naman siya naging concerned sa'kin simula noong-fvck ayoko nang isipin 'yun.

"Ok na 'ko Leigh" Sabi ni Mama.

Tumango naman ako.

Mabuti naman kung ganun.

"Dok. Pwede na po bang ma-discharged si mama?" Tanong ni ate sa doctor

Nakatayo lang ako.

"Yes ma'am. Basta iwasan niya lang ang magpagod. Kasi tumataas ang blood pressure niya" Paliwanag ng docktor at nagpaalam na kasi may aasikasuhin pa raw siya.

Palabas na rin kami ng ospital

"Ma? San si mang Danilo? Hindi mo ba siya tinawagan para sunduin tayo?" Tanong ko kay mama.

Napansin ko na wala pa si mang Danilo rito para sunduin kami.

"Patay raw kasi ang tiyuhin niya kaya bumalik siya probinsya. Baka babalik na 'yun bukas. Mag-cocomute na lang muna tayo"

Hindi na bago sa'min ang mag- commute.

Kasi hindi kami inii-spoil sa mga bagay-bagay para hindi kami naging inogrante sa mga bagay na nakapalibot sa'min pero 'yun nga lang hindi pantay ang pagmamahal nila sa'min.

May favoritism.

Saktong may huminto na taxi sa harapan namin at sumakay na kami.

"Leigh. Kamusta ang pag-aaral mo?"

Out of the blue na tanong ni mama sa 'kin.

Seriously?

"Why do you ask? Himala ata concerned ka sa pag-aaral ko"

Inirapan ko naman siya. Kahit kailan hindi niya ako nagugustuhan.

"Leigh umayos ka" Banta ni ate.

Napairap naman ako sa kawalan.

"Maayos naman ako. Mas maganda pa nga ako sa'yo"

Sinalpak ko sa tenga ang earphone ko.

"Aba't!" Sumbat niya sa'kin.

Hindi ko na lang siya pinansin. Nagpa-music na lang ako kaysa makinig sa kanila.

Minute passed.

Nandito na kami sa harapan ng bahay slash mansion namin.

"Ate. Ikaw na lang magbayad sa'kin nawala kasi ang wallet ko. Thanks" Sabi ko sa kanya at nauna ng pumasok sa bahay.

Hays! Nakakapagod ang araw na 'to.

Haggard na beauty ko.

Umakyat na 'ko papunta sa kwarto ko kasi gusto ko nang matulog.

Iniligpit ko muna ang higaan ko at pagkatapos ay humiga nako at tumingin sa kisame at inaalala ang mga nangyari ngayong araw.

Ang hindi ko malilimutang pangyayari kanina ay may isang lalaki na nagligtas sa'kin.

Kailan ko kaya siya makikita ulit?

Kinuha ko muna ang cellphone ko at ini-open ang facebook

Makapost nga.

Facebook Lite

[Just got home.Thanks you for saving me from those fvking bastards. I owe you a lot. And you know who you are]

One second

Like react comment share

Binaba ko na ang phone ko at hinayaan kong dalawin ng antok.