Chereads / The Billionaire's Switch / Chapter 2 - Chapter 1.1

Chapter 2 - Chapter 1.1

UWAHHH! UWAHHH! UWAAHHH!

Maluha-luhang kinakarga ng isang magandang ginang ang isang sanggol na nasa loob ng crib.

Hindi pa rin siya makapaniwala na mayroon na silang anak ni Arthur. Sino ba naman kasi ang hindi. Noong una ay pinangarap niya lamang ang ganitong klaseng buhay, ang magkaroon ng buo at masayang pamilya.

Sa dami-dami ng nangyari sa buhay nila lalo na ang pagkakaroon nila ng anak ang isa sa pinakahinahangad niyang magkaroon.

Aaminin niyang hindi siya nagkaroon ng pagkakataong magdalang-tao ngunit dahil na rin sa makabagong mundong ginagalawan nila lalo na at sa tulong ng makabagong teknolohiya ay naging posible lahat ng hiling niya.

Hindi niya mapigilang umiyak hindi dulot ng kalungkutan kundi ibayong kasiyahan.

Dito niya napagtanto na ang pagiging isang ganap na magulang ang isa sa minimithi niya, ang maging isang ina sa magiging anak nito.

Iba pa rin pala kapag sariling anak niyo kahit na surrogacy lamang ang naging pamamaraan nila upang maging ganito kaposible ang lahat. Hindi man sa natural na paraan at masasabing wala na siyang pakialam pa. 

Ang ospital na ito na siyang nakapangalan pa sa lolo ng asawa niya (Don Tierro G. Romualdez Hospital) ang naging daan upang matagumpay ma mailuwal ng naging surrogate mother ng anak niya.

ERRCCCK!

Ngunit hindi namamalayan ng nasabing magandang ginang na biglang bumukas ang pinto sa loob ng room na ito na maraming mga batang tila umiiyak na. 

Pumasok roon ang dalawang nurse habang makikita ang labis na gulat at pag-aalala.

"Donya Felecia, walang galang na ho pero pwede niyo po bang pakilagay ang anak niyo po? Time na po for breastfeeding." Nahihiyang sambit ng isang magandang nurse na mayroong maliit na plakang nakasabit sa kaliwang dibdib nito na A. Santos. 

Parang ayaw at nag-aalinlangan pa sana ang nasabing ginang ngunit mabuti na lamang at dumating kaagad ang isang lalaking nasa middle 30's na rin ata na halos kaedad ng ginang. 

"Magadang tanghali po Don Arthur!" Magalang na wika ng dalawang nurse ng sabay-sabay habang makikitang tila maiiyak na mga ito.

Alam nilang malaki ang pagkukulang nila lalo pa't hinayaan nilang may makapasok sa loob ng private room na ito na isang incubation para sa mga babies.

Napakagwapo pa rin nito ngunit halatang nasa magandang ginang lamang ang atensyon nito.

"Felecia, ano'ng ginagawa mo dito?! Di ka ba nag-iisip na bawal ang ginagawa mo ha?!" Nagpipigil sa inis na wika ng bagong dating na lalaki.

Mabuti na lamang at nag-inform kaagad sa kaniya ang isa sa pinagkakatiwalaan niyang mga empleyado rito sa loob ng ospital na ngayon ay siya na ang nagmamay-ari.

Hindi niya mapigilang mainis dahil sa ilang buwan na tila wala sa sarili ang nasabing asawa nito. 

Kahit sino naman ay maiinis ngunit mas lamang pa rin ang pagmamahal niya kay Felecia. Subok na ng panahon ang katatagan nila lalo na ang pagmamahal niya rito. 

Aaminin niyang ginusto niya rin noon ang magkaanak ngunit dahil sa komplikasyon ng pangangatawan ng asawa nito na si Felecia lalo pa't iba't-ibang doktor na ang pinuntahan at pinatingnan ay kung pipilitin nilang magdalang-tao ito ay baka ikamatay lamang nito st ng magiging baby nila. 

Ayaw i-risk ni Don ang buhay ng asawa dahil mahal na mahal niya ito at ayaw niyang mahirapan man lang ito sa kahit na anong aspeto.

Ipinangako niyang aalagaan niya ito at di pasasakitan ngunit mukhang desperada na ang asawa nitong si Donya Felecia na magkaroon sila ng sariling anak. 

"Arthur, napakagwapo ng anak natin, mana sa'yo. Halika dito." Tanging nasambit lamang ni Donya Felecia habang karga-karga pa rin nito ang isang surrogate baby na mayroon pang puting papel na nakakapit sa palapulsuhan ng bata.

Lumapit naman si Don Arthur sa kaniyang sariling asawa. Hindi niya aakalaing gagawin ito ng asawa niya para lang makita ang magiging anak nila.

Sinenyasan niya muna ang dalawang nurse na nakatunganga lamang sa gilid at mabilis na umalis nang maintindihan nila ang ipinapahiwatig ng Don.

Nang makaalis na ang mga ito ay saka naman nakalapit si Don Arthur sa kaniyang mahal na asawa.

Nagalak naman ang puso ni Don Arthur lalo pa't kamukhang-kamukha niya ito ngunit may ilang features ng mukha nito na hawig sa asawa niya lalo na ang balat ng samggol na may kaputian.

Hindi na rin iyon nakapagtataka dahil mixed european race sila ng asawa niya at hindi na nila matrace ang lahi nila. Ang lamang lamang sa lahi nila ay lahing french lalo pa't half french, 1/4 Filipino at ¼ american ang asawa niya habang siya naman ay half scottish 1/4 Filipino at 1/4 American. 

Hindi talaga sila laking pilipinas ngunit ang maimpluwensyang angkan niya ay nandito lalo na ang half of their family business ay nasa pilipinas kung kaya't hindi na rin nakakapagtaka na dito na sila nanirahan alinsunod sa ama nitong namayapa na. 

Ang mga kapatid ng ama niya ay hanggang ngayon ay mga inggit sa kanila lalo pa't his great father is his grandfather's most favorite son.

Hindi dahil sa paborito ito ay sa ama lamang nito halos lahat ipinamana kundi ito ay dahil sa kasipagan at determinasyon nitong palaguin pa lalo ang businesses nila hindi lamang sa buong Pilipinas kundi sa iba't-ibang parte ng Asya at Europa. 

Agad na inakay niya palabas ang asawa nito habang humihikbi pa. 

Masaya ang puso nilang mag-asawa na magkaroon sila ng sarili nilang anak.

Tiningnan pa nito sa huling sandali ang maliit na pangalang nakasulat sa maliit na higaan ng anak nito. 

HADE ALEXANDRIUS S. ROMUALDEZ

Iyon ang pangalan ng anak nila. Sa wakas ay may tagapagmana na siya sa yamang meron sila at ipinapangako niyang magiging mabuting ama siya para rito.

...