Chereads / The Billionaire's Switch / Chapter 8 - Chapter 2.2

Chapter 8 - Chapter 2.2

"Yes I know it. But Ate Clara, you are supposed to tell me diba, Ate kita right? Bakit mo nagawang ilihim iyon? Di ko napaghandaan ang pasabog ni Dad."

"I have no choice Sir Hade, isa lang akong secretary na hinire ng Daddy mo. Alam mong pag sinaway ko ang utos niya ay pupulutin ako sa kangkungan. Maraming umaasa sa akin lalo na ang mga kapatid ko't pamilya ko!" Sambit ni Ate Clara habang kitang-kita sa mga mata nito ang magkahalong emosyon pero lamang ang kalungkutang nadarama nito.

"I know Ate Clara. Inorder to protect you from any of this ay sana pumayag kang palitan ka bilang secretary ko."

Hindi naman nakakibo si Ate Clara at mukhang alam niyang susuwayin ni Hade Alexandrius ang dad nito. Mukhang matinding giyera ito na hindi niya gustong mapagitnaan ng dalawang malaking taong ito. Isa lamang siyang hamak na sekretarya kung kaya't mabilis siyang nakapagdesisyon.

"Tinatanggap ko po Sir Hade. Maraming salamat po. Makakaasa kang hindi ko sasayangin ang oportunidad na ito." Lumuluhang sagot ni Ate Clara habang nakatingin kay Hade Alexandrius.

Kahit naman para silang aso at pusa ni Hade Alexandrius ay makikitang nirerespeto pa rin niya ito as a boss niya. Alam niya kasing hindi naging madali ang buhay nito lalo na noong naging baguhang CEO ito.

Saksi siya lahat ng frustrations, disappointments at mga masasamang bagay na nangyari rito. As his secretary, alam niyang siya lamang ang naging kasangga nito sa lahat ng bagay lalo na sa tambak na trabaho nito at pakikipagmeeting sa lahat ng bigating clients nila. 

As a secretary, ramdam niya ang mga iyon lalo pa't hindi simple ang trabaho niya ano pa kaya kung siya ang nasa posisyon nito? Siguro ay hindi niya kakayanin.

Dapat gumising sa reyalidad na hindi lahat ng tao ay pinangarap na maging mayaman o maging CEO, it's just that the pressure are so immense at to think that Hade Alexandrius do it wholeheartedly ay alam niyang kakayanin nito.

Hindi na rin ito bata at alam niyang may sarili na rin itong desisyon. He might be stubborn pero sinusuportahan niya ito sa anumang desisyon nitong gawin. 

Pero takot siyang samahan ang binatang ito, alam niyang magiging pabigat at chess piece lamang siya kung sakaling didikit pa siya kay Hade Alexandrius. It is for her own good and for his own good.

Sana lang ay tama ang desisyon nito.

...

Maagang nagising si Hade Alexandrius sa araw ding ito. Kahapon niya sinabihan si Ate Clara patungkol sa huling araw ng trabaho nito and if his guess is correct malamang ay nailipat na ito ng ama niya sa iba pa nilang kompanya. 

His father will never get rit of Ate Clara at iyon ang masasabi niya. Sa oras ding ito ay mas angkop ng sabihing Ms. Clara na to avoid any unnecessary things lalo pa't gusto niyang kontrahin ang desisyon ng mga magulang niya.

Nagsimula na si Hade Alexandrius sa morning routine niya at nasa loob na siya ng kaniyang sariling sasakyan sa mga oras na ito upang magmaneho patungo sa Romualdez International Clothing Company.

Isang world class clothing line ang kompanyang ito na pinapatakbo ng ina niyang si Donya Felecia. Hindi niya maipagkakailang isang fashion designer ang ina nito at isang marketing director na rin. 

Sinong mag-aakalang sa mga oras na ito ay nakaramdam ng kaba si Hade Alexandrius to clear things up to his parents.

Ayaw niyang matali lalo pa't sa isang mayamang Montreal na nasa United Kingdom ito. 

He search for Montreal Family at masasabi niyang nasa hanay ng royal family ito. Those family are reserved at iniingatan ang imahe ng mga ito.

Even pictures of one of those Montreal's ay wala siyang makita. Tanging descriptions lamang. At mas lalong wala siyang balak paimbestigahan ang mga Montreal dahil delikadong mga tao ang mga ito. They are more influential than they are. Ano ang laban niya sa mga ito dahil kahit magsumikap pa siya para magpayaman pa ay wala siyang binatbat sa kapangyarihan ng mga ito.

Hindi niya namalayan na nakarating na siya sa tapat ng Romualdez International Clothing Company. 

Mabilis na nagsiyukuan at bumati ang mga empleyado ng kompanyang ito na kilalang-kilala siya. Although magkaiba ang kompaya niya at kompanya ng ina niya ay binigyan siya ng awtoridad upang irespeto siya ng mga empleyado niya. Unlike his dad in his company, alam niyang sa kaniya pa rin tapat ang mga empleyadong nagtatrabaho sa kaniya kahit na siya ay isa ng CEO. 

Mabilis namang nakarating si Hade Alexandrius patungo sa pinakataas ng floor, ang 20th Floor. Hindi niya aakalaing napakagalante ng kompanyang ito at talagang maayos ang bawat floor. As expected to his mother, alam na alam nito ang taste ng mga higher class katulad niya.

Kumatok muna siya bago pumasok sa loob. 

Doon niya nakita ang mga magulang niyang prenteng nakaupo sa sofa.

Tiningnan pa ng ama nito ang oras at saka nagsabing. 

"You're 10 minutes early. As expected for my son, an early bird." Masayang wika ni Don Arthur habang makikitang masaya ito.

His mother ay ganoon din but now he thinks that everything he sees is just an illusion. 

Para bang kailangan niyang maging perpekto sa lahat, kailangan niyang mauna sa oras at gawin ng mahusay lahat ng dapat niyang gawin.

His smiling face become blank and now he seems feel this negative feeling.

"I will not accept my marriage." Iyon lang ang naiwika nito bago pa tuluyang makalapit sa kaniya ang mga magulang niya.

It not a question but a sentence. He just speak out what he wants to. 

Biglang napaatras ang ina nito buti na lamang at nasalo ito ng ama niyang nasa likod lamang nito. He find it OA actually. 

"Ano'ng sinabi mo?!" Seryosong tanong ni Don Arthur habang makikitang tila mali siya ng rinig ngunit kitang-kita sa mukha nito na hindi ito natutuwa sa narinig.