"Wait, na-nanaginip lang ako hindi ba-shhh?!" Malakas na wika ni Anton Kiel habang kumakain ito na animo'y walang bukas. Halatang gutom na gutom talaga ito.
Ito siya ngayon, kumakain at mukhang walang tigil sa pagkakatitig sa kaniya ang matipunong lalaki na kamukhang-kamukha niya.
"May du-mi pa ko sa mukha?" Tila naconscious na sambit ni Anton Kiel.
"Just please continue your eating and Don't do the talking. Am I just seeing myself eating hungrily like there's no tomorrow, so gross!" Tila nandidiring sambit ni Hade Alexandrius sa malakas na pamamaraan.
He just can't wait to breathe at umalis na sa pwesto ni Anton Kiel.
Anton Kiel T. Dela Torre, ito lamang ang alam niya sa nilalang na ito na pinakain niya muna. Nandito siya sa guest area upang lumayo sa kumakain pa rin na si Anton Kiel or whatever.
To think na kamukha sila at kumakain ito na parang walang bukas ay halos bumaliktad ang sikmura niya. It was disgusting at hindi niya maimagine na maging ganon siya.
Hinabaan niya lamang ang pasensya niya and he makes it understandable dahil mukhang ilang araw na itong walang kain. He just want to quiet down, it must be tough for him.
...
Isang mahabang katahimikan ang namuo kanina pa. Magkaharap si Anton Kiel at si Hade Alexandrius sa kasalukuyan.
Walang nagbalak na gumawa ng ingay sa kanila dahil titig na titig ang mga ito sa bawat isa.
Gumalaw pakanan si Hade Alexandrius at ganon din si Anton Kiel. Marami pang iba hanggang sa si Hade Alexandrius ang bumasag sa mahabang katahimikang ito.
"Paano'ng magkamukhang-magkamukha tayo?!" Takang tanong ni Hade Alexandrius.
"Aba'y malay ko? Magkapatid siguro tayo?!" Sagot naman ni Anton Kiel na tila nanghuhula.
"Sure ka? Since birth ay nag-iisa lang ako. My parents are high class, di naman nila siguro itatapon ang isang kapatid ko hindi ba?!. So wala kang pamilya?!" Puno ng katanungang wika ni Hade Alexandrius.
"Meron pero mahirap lang kami eh. Salamat pala sa pagkain ha. Nabusog ako." Masayang turan naman ni Anton Kiel.
"Ah okay. It's my pleasure to think na satisfied ka sa pagkaing pinahain ko." Masayang sagot ni Hade Alexandrius.
"Maraming salamat talaga. It's not my thing to stay here lalo pa't wala akong pambayad sa'yo. Pwede utang muna?!" Makulit ngunit nahihiyang saad ni Anton Kiel.
"Sure no problem. But do you mind sharing what you're life here in the city? Sabi mo sa probinsya magulang mo?!" Panimula ni Hade Alexandrius dahil medyo curious ito sa buhay ni Anton Kiel.
"It was a long story but I think naloko ako dito sa maynila. Lumuwas lang ako para sa wala. My wallet is empty at na-snatch pa yung cellphone ko and my valuable things are stolen. I'm nowhere to go actually." Prangkang sagot naman ni Anton Kiel rito. It's either to say the Truth or lie to this person.
"I like an honest person like you are. Kung gusto mo ay mayroon akong iaalok na trabaho na hindi mo matatanggihan. It will be temporary nga lang and not permanent. Game ka ba?!" Walang kaabog-abog na sambit ni Hade Alexandrius.
Nabuhayan naman ng loob si Anton Kiel. It was a tough life for him lalo na sa lungsod na mabilis ang takbo rito ng pera. He needs to find work sa lalong madaling panahon. Kailangan niyang magkapera para sa sarili niyang gastusin at para sa pamilya niya sa probinsya. His father is bedridden at kailangan din ng panggastos ang ina niya maging ang kaniyang nakababatang kapatid.
"Sure, interesado ako. Ano ba yun? Kailangan ko din ng pera para sa pamilya ko." Interesadong wika ni Anton Kiel.
"It's just simple, all you need to do is switch place for me. Your face and body is on par on mine and no one will suspect us." Nakangiting turan ni Hade Alexandrius habang direkta nitong sinabi ang gusto nitong sabihin.
"Switch places? Baliw ka ba? It's not like gusto mong maging ako?!" Hindi makapaniwalang saad ni Anton Kiel.
"Of course not, may malaki lang akong problema that's why I offer this job for you and only you can do it by the way." Ani ni Hade Alexandrius.
"Malaking problema? Mukhang bigatin ka nga eh. It's not something na ako ang makakatulong sa'yo. Di ka naman siguro nag-aadict o mamamatay tao hindi ba?!" Curious na saad ni Anton Kiel na nakangiwi.
"Oh god, masyado mong pinapababa ang sarili ko sa sinasabi mo. Of course I'm not an addict or murderer that you're head are keep imagining those horrible things." Pagkaklaro ni Hade Alexandrius habang nakahawak sa noo nito.
"Switching places and that's it? Wala ng mas hihirap pa diyan?!" Simpleng sambit ni Anton Kiel. It's so simple for him.
"Hahaha... Then switch place for me for six months. Run my company and do things that I usually do and marry a lady from United Kingdom. It was so easy peasy for you right?!" Paghahamong wika ni Hade Alexandrius habang nakangiti.
Nakanganga naman si Anton Kiel habang nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin kay Hade Alexandrius.
Wait ano nga ulit ang pangalan mo?! Hade what?!" Takang tanong ni Anton Kiel.
"Hayst. Be sure to listen again tough guy. I'm Hade Alexandrius Romualdez, son of Don Arthur Eric U. Romualdez and Donya Felecia S. Romualdez. I'm the CEO of multi-billion company, the SRU ADVERTISING COMPANY. This year is marked as my 10th Year being the Best and multi-award CEO across Asia and Europe. Got it?!" Pagmamalaking wika ni Hade Alexandrius.
"Woah, chill muna pre. Binibigla mo naman ako.
Dapat na ba akong matakot na bilyonaryo ka? Ba't di mo naman sinabi. Bigatin ka talaga hayst." Sambit ni Anton Kiel habang hindi nito mapigilang mabigla.
Tila sumakit ang ulo niya kakaisip nito. Loading processing at tila na-stock up ang brain cells niya sa sinasabi ng kamukha niyang ito.
Oh God, sa lahat ba naman ng kamukha niya ay isa pang bilyonaryo. Pang 1 billion ba ang mukha niyang to?! Malamang oo. Hindi naman siguro nagsisinungaling ang lalaking nagngangalang Hade Alexandrius Romualdez na ito. Pamilyar nga siya sa apelyido nitong Romualdez dahil matunog nga ang apelyidong ito.
SRU ADVERTISING COMPANY, iyon yung isang dream job niya na gustong applyan at yung SRU International Marketing Company talaga ang plano niya dahil BSBA ang kinuha niya major in Marketing Management. Kung nakapagtapos lang sana siya. Puro naman siya what if's eh.
Pero talagang ang layo ng estado ng buhay niya sa kamukha niya. Langit ito samantalang nasa putikan siya. Napakayaman nito habang siya ay napakahirap. CEO ito ng malaking kompanya, siya kahit stall man lang ni wala siya. How unfair this kind of life he has.