Chereads / The Billionaire's Switch / Chapter 16 - Chapter 6.2

Chapter 16 - Chapter 6.2

Kahit kailan talaga, medyo buang ang kapatid niyang yun but her twin's idea and jolliness makes her smile.

Alam niyang ito lamang ang tunay na nagmamahal sa kaniya. They are bond to look for each other. Never siyang malulungkot sa lukaret niyang kakambal. Imbes na magbakasyon mag-isa sa ibang parte ng Pilipinas ay doon na lamang siya sa kapatid niya though di naman siya welcome doon.

...

HELLO UNITED KINGDOM, HERE I COME!!!

Malakas na saad ni Alice habang hindi magkandaugaga ito sa paghila ng isang malaking maleta nito palabas ng Airport dito sa United Kingdom.

Pinagtitinginan naman siya ng mga kaliwa't kanang mga tao dito sa labas ng airport ngunit winalang-bahala niya na lamang.

Paki ba naman ng mga ito eh gusto niyang sumigaw dahil masaya siyang makapunta at makatapak dito sa UK.

Aba-aba, hindi naman siguro siya tiningnan ng mga ito dahil sa mukha niya diba?!

Naglakad siya at umupo sa tila classic chair na napapanood niya lamang na mga European Movies. Gusto niya talaga itong maranasan lalo na kung ano ang feel na maupo dito.

Buti na lamang at may malaking parke dito at ang bongga dito ha. Mukhang palaban din itong parke na ito at napakamodernize yet classic and romantic din.

Ito na naman siya nagde-daydream pero in-erase niya agad ang naisip niyang di maganda kahit magandang memories iyon ng kahapon.

Inilibot niya ang paningin niya sa napakalawak na bonggang park na ito. Pa-sosyal siya dapat at bawal muna mag-emote, mahihiya ang magagandang bulaklak at luntiang damo rito na mukhang ang gaganda pa naman, mahihiya ang dugyot niyang luha kapag ganon.

Feeling positive siya dapat ngayon. Ilang araw din siyang panay iyak at mukmok lang ang ginawa niya sa maliit na bahay nila noh. 

Medyo natauhan siya na walang magagawa ang pagmukmok niya o ang pagiging unproductive niya. It was not nice thing to do.

Naisipan niyang i-on ang phone niya at dahil girl scout siya, she use the sim she buy noong nakaraang araw noong magbook siya ng flight sa airport. It was costly yet it's convenient lalo pa't legal naman iyon.

She registered it and do some clicking those terms and conditions. Andami pero yes yes lang lahat. Parang dumugo utak niya sa englishan. Sa palagay nga niya ay may ibang language pa dito at mga bonggang accent. Aba aba alagang Sleia ang kaniyang English Skills noh and take note with accent pa. Kaya noong nag-aaral pa siya noon ay favorite niya ang subject na English and she aced it.

Tinype at tinext niya naman si Sleia sa bagong numerong ito ng cellphone niya.

"Hello? Who's this? If you're a scammer or stalker, I'll sue you! You d-----!" Ani ng pamilyar na boses ng babae sa kabilang linya matapos nitong pindutin ang answer button ngunit hindi natapos ang pinagsasabi nito.

"Kalma Sleia, ako lang to. I'm you're twin gurl!" Malakas na saad ni Alice para patigilin ang mala-armalite na bibig ng kakambal nito.

"ALIIIIICCCCEEEEEEEE!!!!!" Ani ng babae na tila tumili pa.

Lumayo naman si Alice sa hawak-hawak nitong cellphone palayo sa tenga niya.

"Makatili ka naman girl. Excited yarn?!"

"Hoy Alice my girl, girl-girlin ko yang leeg mong babaita ka. Di mo sinabing nakarating ka na. Nagbeauty rest lang ako sandali ay lumapag na pala yung sinasakyan mo. Based sa previous flight ay fifteen minutes ka ng nakalapag gurl. Di ko to keri!" Tila aligagang saad ni Sleia na mukhang nabudburan ng asin sa kabilang linya.

Rinig niya pang may nabasag na kung ano at nalaglag pa na kung ano.

"Kalma ka nga muna kambal. Ayusin mo muna sarili mo. Dito lang ako sa parke na malapit sa Airport. Talagang ilang tumbling lang ay nandito na ko. Sorry na gurl, wag kang praning diyan."

"I'm so sorry kambal. I'm just so tense and excited to see you. You know naman, my god, I always missed you!" Malumanay na saad ni Sleia sa kabilang linya na animo'y concern at nanlalambing ito.

"Ay nanlalambing ka gurl? Okay lang talaga ako. Take your precious time at hihintayin kita dito. I miss you too!" Malambing na wika ni Alice sa kapraningan ng kakambal nito. She always miss her twin, she was her twin and she love her pero babatukan niya talaga ang kapraningan nito kahit pa black belter ito.

And their call ended just like that. She knows that something is off in her twin.

Parang ngayon niya lamang itong nakitang parang lutang o sobrang oa ang pagkakasabi. She knows her na kahit utot nito ay alam niya. I-interrogate niya talaga ito sa girl talk nila.

Siguraduhin niya lang na matatakpan nito ang problema nito dahil hindi niya palalampasin ito.

Nahawa na siguro siya sa kapatid niya yun lang ay malakas ang sense of awareness niya sa mga tao sa paligid niya noh lalo na kapag kausap niya ito.

BS Psychology kinuha niya noh. Siguro it was her strength with dealing her emotion. Di naman siya nakatapos ng kolehiyo na walang nalalaman. Di niya sinasayang ang learnings niya at nagtapos na mangmang.

Nagsimula na silyang maglibot-libot sa malawak na parkeng ito. It was enjoyable lalo pa't buhay na buhay pa ang park na ito.

Isa sa nakakuha ng atensyon niya ay ang malaking fountain na mala-singapore din ang dating nito, yung sikat na fountain na may kalahating sirena at Leon ba yun.?!

Isang wishing fountain ito dahil kitang-kita niya na maraming turista o mga taong nagbabato ng coins sa loob ng Fountain.

Nilapitan niya ang fountain at nagulat siya dahil maraming mga coins sa ilalim ng malinaw na tubig.

"Saan kaya may pansalok dito? Andaming coins hehe." Nakangising wika ni Alice sa isipan lamang habang may naiisip na plano.

Gusto niyang salukin yung coins kaso nahiya siya bigla dami ding mga tao dito. Ang mahal pa naman ng value ng pound sterling (£) sa peso coin. Aba mayaman na siya pag nagkataon yun.

Kaya lumayo siya at baka ma-tempt siyang kunin ito. Agad naman niyang iwinala ito, kung ano-anong krimen na naman ang naisip nito palibhasa ay tila nahawaan siya ni Sleia sa pagiging weirdo nito mag-isip.

Ngunit nabigla na lamang siya ng may naramdaman siyang may yumakap sa kaniya ng mahigpit sa kaniyang likuran.