"His vitals are normal and no signs of injury or internal bleeding. Rest assured na maayos ang kondisyon niya. Sadyang pagod lang at gutom ito kung kaya't nahimatay." Tanging nasambit ng personal doctor nito kay Hade Alexandrius.
May katandaan na rin si Dr. Hermosa at nanlalabo na siguro ang mga mata nito but he is very thankful dahil naging personal doctor niya ito. Wala pa naman siyang alam sa pagligtas ng buhay or such treating someone with critical illness. Lodi niya kaya si doc at ito rin ang nagturo ng mga first aid practices sa kaniya which is di rin naman niya nagagamit. Muntanga din minsan siya sa pinagsasabi ni Dr. Hermosa na term na tango-tango lang ang isinasagot niya kahit hindi naman talaga niya naintindihan.
Agad namang nakahinga ng maluwag si Hade Alexandrius dahil sa sinabi ng doctor. Akala niya talaga ay kung ano na.
He acted like his mom na medyo praning din kapag health na ang pinag-uusapan. It was a relief for him though.
"Salamat doc, you just save me from this heart attack!" Pagpapasalamat na wika ni Hade Alexandrius sa personal doctor nitong si Doctor Hermosa.
"Kaano-ano mo nga pala ito. Kaibigan o kakilala."
"Boyfriend doc!" Walang kagatol-gatol na wika ni Hade Alexandrius dahilan upang manlaki ang mata ni Dr. Hermosa.
"Jusko kang bata ka, hindi ko aakalaing ganon ka p----!"
"BWAHAHAHA boy friend doc. Medyo bingi ka na ata doc. Sabi ko lalaking kaibigan. Patawa ka doc hahaha!"
"Loko-loko kang bata ka. Kala ko talaga totoo. Kala ko ay kapatid mo ito dahil magkamukha kayo aheheh!'
"Malabo na ata mata mo doc. O siya hatid na kita doc dahil mukhang may pupuntahan ka pa."
"Alam na alam mo talaga akong bata ka. Ipapasyal ko pa ang anak kong kakadating lang mula abroad. You know family bonding!"
Biglang nalungkot naman si Hade Alexandrius ngunit mabilis na pinasigla ang ekspresyon ng mukha upang di magduda si Dr. Hermosa. Kilala kasi nito na almost perfect family sila kaya magaan ang loob nito sa kaniya.
It supposed to be a happy day for Dr. Hermosa at parang tatay na niya ito. He must be happy lalo pa't minsan niya lang itong makitang masaya kahit na broken family ito. Basta ang complicated ng buhay ni doc. It wasn't easy at naintindihan niya ito.
Masaya silang nag-uusap ni Dr. Hermosa habang pasakay sila sa elevator pababa hanggang sa parking lot. Game na game din kasi itong makipagkwentuhan sa kaniya. Aba'y malakas siya kay doc noh.
Talagang pinagtripan niya talaga si doc and Dr. Hermosa seems to be excited.
...
Nang maihatid niya na si Dr. Hermosa ay mabilis na tumungo siya sa higaan ng estrangherong dinala niya rito upang gamutin.
He inspect carefully those facial features at dito niya napansin na kamukha niya ito.
Yes, it was not obvious to begin with dahil napakaputi niya habang ang mahimbing na natutulog na estranghero ay kulay kayumanggi. Sunkiss kumbaga ang balat nito but he is not seeing anything but his face to the stranger.
Alam niyang napakaimposible ito but kamukha niya talaga ito.
Magkasingkatawan din sila at ang medyo may kahabaan nitong buhok at kulay ng balat lamang ang kaibahan nila.
Dali-dali siyang pumunta sa loob ng mini-office niya at in-open niya ang sariling laptop nito.
Dito ay nagresearch siya patungkol sa magkamukhang estranghero.
Dito niya nalaman ang teorya at research patungkol sa pagkakamukha ng tao. There are some intances na mayroong pitong nilalang sa mundong ito na kamukha mo. It was not a lie at mayroon talagang ganitong cases.
Dahil dito ay nabuhayan siya ng loob. Isang pag-asa ang umusbong sa puso niya.
"Thank you doc, akala ko ay malabo lang ang mata mo pero malakas ka pa pala sa kalabaw kagaya ng sabi mo!" Tila masayang pagkakasabi ni Hade Alexandrius sa sariling isipan nito.
He wants this time to make amend of his plan or it will be a change of plan for him actually.
He will make sure that this time it will be different and it will work pero kinakailangan niya ang kooperasyon ng lalaking nakahiga sa kama na kamukhang-kamukha niya.
Kukunin niya ang loob nito by hook or by crook. It was way too much but it will be worth it.
...
"Anton! Anton! Anton! Wag ka ng umalis please, this will work I promise!"
Malakas na saad ng isang pamilyar na babaeng boses sa kaniya dahilan upang mapabalikwas siya ng bangon.
Ngunit hindi niya inaasahan ang mabubungaran niya nang imulat niya ang mga mata niya mula sa mahimbing na pagkakatulog niya.
Pero mas lamang ang mga naiisip niya patungkol sa babaeng palaging laman ng pag-ibig niya.
Anton Kiel T. Dela Torre, that is his name. It was a name given by his parents doon sa probinsya ng Guimaras.
Payak at payapa ang pamumuhay nila sa probinsya but life is tougher than he thinks about it.
Third Year College lang ang natapos niya dahil sa problemang pinansyal. It was a nerve wrecking year lalo pa't muntik pa siyang di makapasa nung time na yun. Ginapang siya ng mga magulang niya but his father got an accident na naging dahilan ng paghinto niya dahil naging bedridden ito.
Hindi tuloy-tuloy ang pag-aaral niya sa kolehiyo. His life is tougher and difficult that a normal student can be. 30 years old na siya pero naubos na ang inipon niya dahil sa matinding gamutan ng ama nito.
Pinasok na niya ang lahat ng trabaho sa probinsya and breaking up to his first girlfriend or you can say childhood Bestfriend.
It wasn't easy lalo na't mas pinili niyang lumayo rito at magtrabaho dito sa lungsod ng maynila. From Visayas going to Luzon is a hard thing to do lalo pa't ignorante pa siya sa makabagong mundong ito na nasa loob ng siyudad.
Isang malaking step ito para sa kaniya at mas lalong hindi madali ang pagpunta niya rito. Two days na siyang nagpalaboy-laboy rito sa siyudad lalo pa't tumakas siya sa bar na sana ay pagtatrabahuan niya. It supposed to be a factory worker ayon sa recruiter na nagrecruit sa kaniya but It wasn't. Talagang illegal pala ang pakikipagtransaksyon ng mga ito at pagpuslit ng mga tao galing pang probinsya para sa modus ng mga ito.
Di makayanan ng sikmura niya ang magtrabaho sa maingay na bar na iyon at maging lalaking prostitute. This life is not for him and he will not swallow his pride for thus dirty job. May iniingatang puri at dignidad pa rin si Anton Kiel para sa sarili niya.
Tila bumalik ang alaala niya kagabi nang may nakabanggaan siya. Pagod at gutom na gutom siya kagabi and having a good sleep ay nakatulong iyon upang makasurvive siya. Tubig at tinapay lang ang kinain niya sa dalawang araw, mahirap ngunit kakayanin upang hindi siya umuwing luhaan sa pamilya niya.
Ayaw niyang umuwi doon para lang sa pagkakamali niyang ito dahil kahit gustuhin niya man ay wala naman siyang pera.
Speaking of pera...
Agad na napabangon si Anton Kiel lalo pa't nasa hindi siya pamilyar na lugar. Mukhang magarang condo pa ito na nakikita niya sa telebisyon.
Dito ay halos mapamura si Anton Kiel. Paano na lamang kung singilin siya ng may-ari ng condong ito? Anong ipambabayad niya? Halos mabaliw na siya kakaisip kung kaya't isa lang ang naiisip niya at iyon ay ang tumakas.
Akmang aalis at bubuksan na niya ang magarang pintuan nang bumukas ito at niluwa ang isang matipunong lalaki.
"And where do you think you're going?!" Sambit ng pamilyar na baritonong boses habang nakatingin ito sa kaniya.
Mas nanlaki ang mga mata ni Anton Kiel sa kaniyang nabungaran nang madako ang mga mata nito sa mukha ng estrangherong nilalang ito.