Chereads / The Billionaire's Switch / Chapter 7 - Chapter 2.1

Chapter 7 - Chapter 2.1

"Ano ba ang ginagawa mo Alexander? Tutunganga ka na lang ba diyan? Hindi ka ba babangon diyan ha?!" Malakas na wika ni Ate Clara.

"Ano bang magagawa ko Ate Clara? I'm not someone na kagaya mo kaya pabayaan mo ko!

"Hoy Sir Hade, hindi ko sinasabi ito para lang sa kapakanan mo kundi sa kapakanan ng lahat ng empleyado mo."

"May concern ka ba talaga sa akin Ate Clara? Mukhang wala eh, di ko ramdam.

Malakas na binatukan ni Miss Clara si Hade Alexandrius na tila nagdadrama.

"Tigil-tigilan mo ko sa kakadrama mo diyang bata ka. Tumayo ka na diyan dahil kung hindi ay magagalit ako sayo!"

"Wala akong pakialam Ate Clara sa pinagsasabi mo. Masyadong masakit ang puso ko dahil sa hinanakit na meron ako sa magulang ko!"

"Pero Sir Hade, intindihin mo na lamang sila. You're already 30 years old at malaki ka na. You must know how to deal with your situation. Alam mo naman na andito lang kami upang suportahan ka sa kung anumang desisyon mo sa buhay."

"Salamat Ate Clara but my life is at the end na yata. Sa limang araw na ito nang malaman ko ang patungkol sa arranged marriage na iyan ay hindi ko na alam kung may dahilan pa ba ko kung bakit ako nabubuhay? Wala."

"Ikaw talagang bata ka. Mag-ayos ka diyan at ng makapag-usap tayo ng maayos. Aba'y hindi ako si Ate Clara mo kung di kita matutulungan noh!" 

Tila kumislap naman ang mga mata ni Hade Alexandrius Romualdez sa narinig niya. Hindi niya namalayang umalis na sa malaking kwarto niya si Ate Clara.

Nagsimula na siyang gawin ang morning routine niya at ayusin ang sarili niya. Naisip niyang walang magagawa kung magmukmok lang siya magdamag. Hindi din siya pinalaking tatamad-tamad o kukupad-kupad. 

Mula sa second floor ng mansyong bahay niya ay nakita niya roon si Ate Clara.

Matagal na siyang nakabukod sa mga magulang niya at masasabi niyang isa iyon sa pinakabest decision niya lalo pa't malaya niyang magagawa ang mga bagay na sa sarili niya lamang. Hindi naman habang buhay ay titira siya kasama ang mg magulang niya isa pa ay nasa 30 years old na siya noh. 

Tumira siya dito sa mansyong pagmamay-ari niya mismo. Galing ito sa dugo't pawis niya noh anupa't naging CEO siya kung aasa lang siya sa mana mula sa mga magulang niya. It will not be sooner lalo pa't malakas pa ang mga magulang niya na kaya pa siyang ipa-arranged marriage sa kasosyo nila sa trabaho.

Sa isang subdivision siya dito sa lungsod ng maynila at ilang minuto lamang ay mararating na niya ang kompanya nila. 

Isang 3-storey mansion house ito. Hindi lang basta-bastang mansyon ito dahil lahat ng mga bagay na makikita rito maging sa design ng bawat kagamitan ay customized talaga. 

Talagang pinagkagastusan niya ito upang mas pagandahin pa lalo unlike sa iba na gusto lang ng simple at mukhang di pa metikuloso sa pagpili ng mga materyales. Sound proof ang bawat kwarto at mayroong iba't-ibang room na may iba't-ibang functions. Library Room, Music Room, Movie Room, Fitness Room at iba pa na masasabing kompleto ang lahat. 

Mayroong limang mga kasambahay rito na pinagkakatiwalaan ni Hade Alexandrius. Pero si Manang Rosa ang pinakatitiwalaan nito. Sayang lamang at umuwi ito ng probinsya at sa susunod na buwan pa ang balik nito. Nagkasakit kasi ang bunsong anak nito at naintindihan naman ito ni Hade Alexandrius kung kaya't walang pag-aalinlangan nitong pinauwi sa kanila at sinagot na ang expenses nito. Di lang iyon dahil binigyan pa niya ito ng pera pampasalubong at pagpagamot na rin sa bunsong anak nito.

Parang pamilya na rin niya kasi Manang Rosa habang ang ibang kasambahay niya ay ganoon din. Hindi niya pinababayaan ang mga ito at di niya binibigyan ng cold treatment ang sinuman sa kanila.

He wants to treat them equally at mas lalong dapat silang respetuhin dahil sila ang kasama niya sa pamamahay niya. Ipinalaki siyang mabuti at may respeto sa kapwa dahil babalik din ang lahat ng karma sa'yo kapag di mo sila tinrato ng tama.

Maybe, he was a strict boss sa work pero walang personalan iyon. He was just abiding what a boss should act and behave dahil minsan mayroon talagang taong aabusuhin ka kapag sobra kang caefree and they will not Respect you eventually.

Nasa second floor ang kwarto niya at kita niya sa dining room ang tila feel at home na si Ate Clara habang ganado itong kumakain.

Mukha talagang mayordoma ang nasabing sekretarya niya. Aakalain mo talagang mayaman ito kung paano ito kumain at kumilos.

Aligaga naman itong tumigil sa pagkain na siyang nahawaan naman nito ang isang kasambahay ko rito na si Julia. If I know, itong Julia na ito ay kasintahan ng isa kong personal driver. 

Hindi ko naman sinasaway at malaki na rin ito upang sawayin pa. They have personal life anyway at ayokong makisawsaw sa buhay ng may buhay. Buhay ko nga di ko maayos, buhay pa kaya nila?!

"Hay mabuti naman at bumangon ka na Sir Hade, akala ko ay paghihintayin mo pa ko ng sobrang tagal!" Wika ni Ate Clara na animo'y walang ibang tao rito dahil napakalakas ng pagkakasabi nito.

"Mukha ka talagang tanga Ate Clara. Wala tayo sa bukid at mas lalong hinay-hinay sa pagnguya akala mo di ko nakita!" Pambabara naman ni Hade Alexandrius na kitang-kita ang nakakaasar nitong ngisi.

"Psh, panira ka talaga Sir Hade kahit kailan. Ang aga-aga binabara mo ko!" Pagmamaktol naman ni Ate Clara na kitang-kita na inis na ito kay Hade Alexandrius.

"Inunahan mo kasi kaya magdusa ka!" Asik na wika naman ni Hade Alexandrius habang nagpipigil ito ng kaniyang tawa.

Normal naman kasi ang barahan at tuksuhan sa kanila. Parang nakakatandang kapatid na rin ang turing niya kay Ate Clara. May edad na rin ito at hindi na sila pabata ngunit ang pinagsasabi nila sa bawat isa ay talaga namang nakakawalang respeto minsan ngunit ganito lang talaga sila magbonding lalo na kapag gusto nilang mang-asar o bored silang pareho.

Nang makababa na si Hade Alexandrius tsaka niya nakita ang tahimik na si Ate Clara. Wala na rin ang dalagang kasambahay sa Dining table dahil mukhang sinabihan ito ni Ate Clara.

"Ano na namang ganap ito ha?!" Panimula ni Hade Alexandrius dahil biglang natahimik si Ate Clara.

"May serious talk lang tayo dito Sir Hade. I mean is umupo ka muna." Kabadong wika ni Ate Clara na kakikitaan ng kaseryosohan ang mukha nito.

Nang makaupo na si Hade Alexandrius sa makintab na silyang upuan ay tumingin sa gawi ni Ate Clara.

"Siguro naman ay may alam ka na sa pinaplano ng parents ko right Ate Clara?!" 

"Aaminin kong from the start ay alam ko na ang plano ng mga magulang mo Sir Hade. Yun lang ay wala ako sa posisyon upang sabihin sa iyo. I'm sorry Sir Hade!"