Naiisip niya palang na gawin iyon ay hindi na niya magawa dahil mahal na mahal niya ang magulang niya. His mother has a weak heart and his father is a good man. Kapag nakita pa lamang niyang malungkot ang mga ito o disappointed ay talagang makakaramdam siya ng ibayong guilt at di siya patutulugin ng konsensya niya.
True Love Exist. Yan ang sinasabi ni Hade Alexandrius sa sarili niya habang nagpose pa ng iba't-ibang posisyon para paghandaan ang event na gaganapin sa ngayon.
Ito na ang gabing inaabangan niya. Siguro naman ay bibigyan na siya ng ama niya ng mahabang bakasyon o di kaya ay trip to Europe na ipinangako nito noon pa man.
O baka naman gagalaw na ang tadhana upang makita niya ng personal ang nasabing makakatuluyan niya. Baka sa party mamaya? O sa gilid ng kalsada o di kaya ay sa hagdanan? Yun bang maramdaman niya yung spark pagkahawak pa lamang ng kamay sa babaeng makakatagpo niya.
Hindi mapigilang makaramdam ng kasiyahan at kaunting kilig si Hade Alexandrius nang maisip niya ito. Yung tipikal na nabasa niya na nobela na naman ang pumasok sa isipan niya.
Maya-maya pa ay bumukas ang kwartong kinaroroonan niya at nakita niya ang magandang sekretarya niya na papasok.
Elegante ang kasuotan nito at masasabing may katandaan na din ito. Nasa 40 na ito at may pamilya na rin. Ito lang ang babaeng personal na pinili ng ama niya para sa kaniya upang maging secretary. Isa ito sa apat na personal na secretary ni dad na nagtatrabaho na rin ng matagal na sa SRU ADVERTISING COMPANY. Mabuti na yun para puro trabaho ang asikasuhin ni Hade Alexandrius at allergic siya sa malalandi na inuuna pa ang kalandian sa oras ng trabaho.
Marami na din siyang napaalis sa trabaho na karamihan ay malalandi at wala namang taglandi na klima sa Pilipinas. Imbes na trabaho ang uunahin upang may pangkain sa pamilya ay kakatihan ang inuuna. Hayst!
"Tapos na po ba kayo Sir Hade? Nandyan na kasi yung mga magulang niyo po sa ibaba, kararating lang." Simpleng saad ng nasabing ginang habang makikitang namangha sa kaanyuan ng CEO na pinagsisilbihan niya.
Napasimangot naman si Hade Alexandrius sa tinging ipinupukol ng sekretarya niya. Alam na niya ang ganitong klaseng tingin. Malakas talaga ang paningin ni Ate Clara niya.
"Naku Miss Clara, tigil-tigilan mo ko sa katitingin mong yan. Hindi ko pa nakakalimutan ang huling babaeng ipina-date mo sakin hmmp!" Halos umusok sa inis na wika ni Hade Alexandrius.
"Nakung bata ka, Miss Miss ka diyan eh Ate naman tawag mo sakin. Ayaw mo nun, may date ka na, may driver ka pa hahahaha!" Malakas na sagot naman ni Ate Clara habang himagalpak pa ng tawa.
Paano ba naman eh isang tibo pala ang ipina-date niya kay Hade Alexandrius at talagang gusto lang makakita ng pera upang ihatid ito pauwi. Isang taxi driver iyon.
Napaka-awkward nun at masasabi ni Hade Alexandrius na na-turn off siya. Aaminin niyang nagandahan din sa seksing babaeng iyon noh. Yun lang, ayaw niya ang sobrang pagka-practical nito na pati date nito ay gusto pa nitong gawing pasahero at pagkakitaan.
Huminga ng malalim si Hade Alexandrius upang ikalma ang sarili dahil ayaw niyang nagagalit o naiinis siya. Alam naman niyang talo siya sa nasabing ginang dahil napatunayan niya na malakas ang kapit at tiwala ng ama niya rito. Isa pa ay hindi na rin iba si Ate Clara sa kaniya, yun lang ay hindi niya masabayan ang trip nito sa buhay at dinadamay pa siya sa paggawa nito ng kalokohan.
"Umalis ka na nga Ate, susunod ako mamaya." Sambit naman ni Hade Alexandrius sa
"Bilisan mo diyan Sir Hade, ayaw pa naman ng ama mo na pinaghihintay." Remind naman ni Ate Clara habang nakatingin sa likuran ni Hade Alexandrius.
"Yes Miss Clara, masusunod ang iyong nais!" Wika ni Hade Alexandrius habang nagpipigil ng inis rito. He knows na kinukulit lang siya ni Ate Clara.
"Ikaw talagang bata ka, o siya aalis na ko babush!" Mabilisang turan ni Ate Clara habang makikitang mabilis itong umalis sa kinaroroonan nito.
Napatampal na lamang si Hade Alexandrius sa pagiging kwela at makulit ni Ate Clara. Alam talaga nito kung paano siya inisin.
Palagi naman nitong ginagawa eh lalo na kapag walang trabaho. Mabait naman talaga si Ate Clara yun lang ay seryoso talaga ito kapag nasa trabaho. Di niya alam kung sino ang mas workaholic sa kanila.
Inayos na ni Hade Alexandrius ang sarili at mabilis na ring sumunod pababa.
...
Pagkababang-pagkababa niya ay doon niya nasilayan ang napakaraming bisitang dumalo sa party niya. King O' Real Hotel ang venue ng party kung saan siya.
Ano pa ang ini-expect niya sa 7 Star Hotel na ginaganapan ng party niya. Personal na mga magulang niya ang naghanda ng lahat kaya nga easy peasy para sa secretary niya na inisin siya.
Talagang hindi niya na nakita pa si Ate Clara dahil mukhang iba ang agenda nito sa party niya. Hindi niya alam kung secretary niya ba talaga ito o hindi.
Magkagayon pa man ay nakita niya ang mga magulang niya sa dulo ng hagdanan pababa.
Talagang iba talaga ang pakiramdam ng isang 7 Star Hotel na itong kinaroroonan niya dahil lahat ng bagay rito ay kumikintab at mamahalin.
Maganda ang pagkakagawa sa hagdanan at masasabi niyang dinisenyo ito ng arkitekto ayon sa kagustuhan ng mga magiging bisita ng hotel na ito.
Click! Click! Click!
Talagang may media pa na personal na kinuha ang mga magulang nito. Isa din itong promotion noh lalo pa't kilala ng ama niya ang nagmamay-ari ng King O' Real Hotel na ito.
Siguradong dadami naman ang mga guests ng hotel na ito dahil sa kaniya. Hindi maipagkakailang marami pa rin ang mga taong nagkakagusto sa katulad niya at ginagamit niya din ito dahil kalakasan din niya ito upang mas lalong umunlad ang kompanya nila noh.
Wealth, Power and Fame. Iyan ang meron siya lalo pa't ipinanganak siyang isang Romualdez. This three are his unique qualities.
Hindi namalayan ni Hade Alexandrius na nakababa na siya sa pa-spiral na hagdanan. Nasa second floor lang siya at masasabi niyang satisfied na siya sa serbisyong hatid ng hotel na ito.
Mabilis siyang niyakap ng inang si Donya Felecia habang niyakap rin siya ng ama niya kasama ang hindi pa naghihiwalay na ina nito.
Humiwalay naman kalaunan ang ina nito at ama.
"Congrats Young man!" Sambit ng ama nito kay Hade Alexandrius habang nakangiti pa ito ng malawak.
"Salamat Dad!" Napangiti rin ng malawak si Hade Alexandrius habang sinasabi ito lalo pa't ayaw niyang ipahiya ang ama nito.
Gwapo at magaganda ang kasuotan ng mga magulang nito. Halatang inlove na inlove pa rin ang mga ito sa isa't-isa.