Chereads / The Billionaire's Switch / Chapter 3 - Chapter 1.2

Chapter 3 - Chapter 1.2

30 years have passed... [Year 2030]

Kitang-kita na prenteng nakaupo si Hade Alexandrius Romualdez sa swivel chair nito habang tutok na tutok siya na nakapangalumbaba sa mga paper works na nakapatong sa table nito.

Mula sa ipinanganak ito ay talagang malaki ang nagbago rito. 

He already finished his study lalo na at talagang may angking talino nga naman ang nasabing binata. Hindi lamang iyon dahil na rin sa napakasipag nito sa lahat ng bagay. 

At the age of twenty ay natapos na nito ang lahat ng mga kinakailangan nito sa lahat ng kurso na gusto nitong kunin. Hindi iyon naging imposible lalo pa't mayaman din sila este napakayaman ng pamilyang kinabibilangan niya.

SRU (SY-ROMUALDEZ-UY) GROUP OF COMPANIES. Ito lang naman ang tatlong pamilyang bumubuo sa kung sino man siya ngayon.

His life is just like a normal workaholic CEO ng kompanya nila. It's been almost ten years na siyang siya mismo ang nagpapatakbo ng kompanya nila at ilang negosyo meron sila.

Itong napakataas na 30-storey building na ito sa lungsod ng Maynila ang siyang kompanyang pinahawak ng sarili niyang amang si Arthur Eric U. Romualdez. 

His dad is multi-billionaire just like him ngunit higit na mayaman ito. He always reminds him na siya ang magmamana lahat ng yamang meron sila. 

Malungkot lang siya dahil kahit kailanman ay hindi na magkakaanak ang ina niya o ang dad niya. He was a surrogate child at ayaw na sundan pa siya ng mga magulang niya sa hindi nila malamang dahilan kaya nakontento na lamang siya maging kaisa-isang anak nila.

But the pressure is overwhelming lalo pa't hindi siya tanga para isiping ginusto niyang maging kaisa-isang anak ng mga ito o maging perpekto sa harap ng lahat. 

He knows how hard his life is. Mayaman sila ngunit hindi maaaaring manganib ang kompanya nila o mga negosyo nila. It's all about money that makes his company running. 

Kailangan niyang maabot ang expectations ng lahat na siya namang ginagawa niya. He done researching, making deals at halos lahat ng bagay to improve his company's assets at ang sales nila.

SRU ADVERTISING COMPANY, ito ang pangalan ng kumpanyang pinamamahalaan niya. Specialty nila ang pag-advertise ng mga malalaking brands para maging patok ito sa iba't-ibang aspeto na kaya nilang gawin. Nahahanay din sila sa paggawa ng marketing strategy at karamihan sa mga kliyente nila ay mga mayayaman at bigating mga businesses lalo na yung mga mamahaling mga restaurants at hotels. 

Dahil in-appoint siya bilang CEO ng kumpanyang ito ay kailangan niyang gawin lahat ng mga transaksyon na ito upang pamahalaan ang bawat section ng kompanya nila. SRU ADVERTISING COMPANY ay isa sa world class advertising company na ilang beses ng pinarangalan sa asya o sa europa man. Sa katunayan ay marami na siyang kilalang mga bigatin at bilyonaryong kasosyo na rin niya sa kaniyang sariling kompaya't negosyo.

Naging posible din ito dahil masisipag din ang mga empleyado niya at siya mismo ang nagda-drive sa mga ito upang paghusayan o mapabuti pa ng mga ito ang ginagawa nila. 

They don't hire a so-so employees o dahil lang bigatin ang koneksyon nila. They hire the most capable people. Every month ay may evaluation sa kompanya nila and those who didn't passed the evaluation ay automatikong matatanggal. Ganito ka-competitive ang working environment ng kompanyang pinamamahalaan niya inorder to provide the best service they have.

Malalaki ang pasahod nila kumpara sa iba na kung di siya nagkakamali ay sampong beses ang pasahod nila kada buwan kumpara sa ibang naglalakihang kompanya.

It's either the employee quit or kicked out. That's what true business image is. Pinapaswelduhan sila ng malaki kaya malaki din ang expectations ng kompanya nila. Hindi sila nag-aalaga ng mga tamad at iresponsableng tao para palamunin lamang.

Mabilis na hinilot ni Hade Alexandrius ang sentido nito. Sumasakit na naman ang ulo niya dahil sa malaking kapalpakan ng isang empleyado niya at buti na lamang ay tinanggal na niya ito sa kompanya nila. 

Nag-iisip pa siya ng solusyon para dito. Sino ba naman kasi ang hindi dahil na rin sa ayaw niyang makarating ito sa amain niya.

Kailangan niyang masolusyunan ito within this day dahil bukas ay may malaking event dito sa kompanya na para sa kaniya. Tomorrow will be his tenth year anniversary as an appointed CEO. This will be a long day for him lalo pa't hindi simple ang maging CEO for ten consecutive years.

Mahirap man ang trabaho niya ngunit gusto niya naman ito. 

...

Hade Alexandrius look himself in a mirror. Paulit-ulit niyang tiningnan ang sariling repleksyon niya sa salamin. 

Hindi niya aakalaing pinagsama ang kombinasyon ng mukha niya sa mga magulang niya. Don Arthur Eric Uy Romualdez at Donya Felecia Sy-Romualdez, ito ang pangalan ng mga magulang niya.

His a mixed race kung kaya't kakaiba talaga ang mukha at pangangatawan niya. His looks and body ay talagang pag-europa ang dating lalo pa't hindi naman purong pilipino ang mga magulang niya. They live in Europe noon at doon sila nagkakilala ng amain nito. 

There love story is phenomenal lalo pa't hindi aakalain ni Hade Alexandrius na ang ama nito ay makakatuluyan ang ina nitong mula sa angkan din ng mga mayayaman.

Masasabi ni Hade Alexandrius na malakas ang dating ng kanilang apelyido sa publiko. They are one of the influential families sa buong Pilipinas kaya hindi nakapagtataka na maingay din ang pangalan niya sa publiko.

Sa totoo niyan ay binansagan na siyang isa sa Long time Bachelor. Maraming nagkakagusto sa kaniya na mga kababaihan at sangkabaklaan but he didn't mind it.

Naniniwala pa rin siya sa true love katulad ng mga magulang niya. He knows na sa panahon ngayon ay napakaimposible ng mangyari iyon lalo pa't millennial age na ito at hindi na uso ang mga sulat-sulat o harana na tanging sa libro mo lang mababasa but his mind don't want an easy relationship na mauuwi lang naman ng sakitan ng loob kapag nagbreak sila. 

For his 30 years of age, he always protecting his heart for wicked people. Ganon naman talaga, ayaw niyang masaktan ang puso para lang sa pag-ibig na hindi naman tunay at totoo. 

Pinalaki siyang may respeto sa tao lalo na sa mga kababaihan and he did dates several times. 

Wala siyang kinakama at mas lalong hanggang kiss lang sa cheeks ang nagagawa niya sa mga dates nila. His not a playboy o a badboy to begin with dahil ayaw niyang bigyan ng kahihiyan ang pamilya nila. 

He lives in reality at hindi siya yung tipo ng taong tipikal na nababasa sa reading apps o libro na mahilig mambabae o nagpapatuliro sa alak dahil nabubuhay siya sa reyalidad.