Chereads / THE SEARCH: Beryl / Chapter 38 - 35

Chapter 38 - 35

CHAPTER 35

"Marcus?" Tanong kong muli.

"What the fuck, Verulia?"

Nagsitaasan ang mga balahibo. Ang malamig na hanging tumama sa aking balat ay tila lumakas dahil sa tensyon na aking nararamdaman.

"This isn't illusion nor dream, right?" Tanong ko. I didn't move from my position, kung isa itong ilusyon ay baka matalo ako dahil nagamit ng kalaban ang aking kahinaan.

"Ve-verulia? Ikaw ba talaga si Verulia?" His voice cracked. Natutop ko ang aking bibig, hindi nga ako nagkamali.

It was Marcus!

"Why are you here?" Tanong ko. Ngunit biglang nag-iba ang kanyang tingin, napalingon siya sa isang bilog na umiilaw sa puno na nasa aking likod.

It was the bomb, and it's going to explode!

"SHIT!" Dinig kong sigaw ni Marcus atsaka tumakbo sa aking kinatatayuan.

I heard a big explosion. Ang akala ko ay mabibingi ako dahil sa lakas nito. Ngunit naramdaman kong nasa ere kami matapos akong talunin ni Marcus papalayo sa punong sumabog, and he was covering my ears when we fell down.

He covered my ears instead of his own. Mas inisip ako ni Marcus nang oras na iyon.

"Ve-verulia.." Marcus stuttered. Nakahiga kaming pareho sa damuhan at nakita kong sumuka siya ng dugo.

"Are you for real?" Naluluha kong tanong. Ngunit bago pa niya masagot ang tanong ko ay pareho kaming nanghihinang tumayo.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandidito?" Sunod-sunod na tanong ko. I held his hands ngunit tinanggal niya iyon kaya naman nagulat ako. He used to hold my hands before, ngunit ngayon ay siya mismo ang umiwas.

What happened to my Marcus?

Is this a fucking illusion again?

"I'm sorry. I came here for you iyan ang tatandaan mo. Hahanapin kitang muli, at sa ikalawang pagkakataon na magkita tayo iuuwi na kita sa Unang distrito." Seryoso niyang saad sa akin atsaka bahagya akong itinulak.

Maya't maya pa'y nakarinig ako ng isang grupo ng mga kalalakihan.

"You have to run, nandito na sila." Saad ni Marcus.

"Sinong sila? Marcus anong nangyayari?" Nalilito kong tanong. Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang totoong nangyayari.

"Hindi ito ilusyon Verulia, tumakbo ka na! Kakampi mo ako, ngunit nandito na sila!" Sinakop ng takot ang mukha ni Marcus ng patuloy na lumakas ang tinig ng isang grupo.

"Marcus?" Naiiyak kong tanong.

"I'm sorry. Ginagawa ko ito dahil gusto kong masiguro ang kaligtasan mo. Gusto kitang iuwi ng maayos, pero kailangan mo munang lumayo rito." Pagkasabi nito ni Marcus ay malakas niya akong itinulak papalayo sa kanya atsaka siya tumakbo papalayo sa akin.

Hindi ko alam kung anong nangyayari ngunit may tiwala ako kay Marcus at kailangan kong sumunod sa sinabi niya.

He told me to run.

And so I did, I ran away from him. Hindi ko hinayaang masakop ng lungkot at lito ang puso ko, kailangan kong mahanap si Zavan. May responsibilidad ako at iyon ang dapat kong isipin.

Pinakiramdaman ko ang paligid, ang grupong narinig ko kanina ay patuloy na sinasakop ang lugar na kinatatayuan ko.

Shit, madami sila. Napakadami nila. At sa tingin ko'y napapalibutan nila ako.

I almost screamed in pain dahil nasagi ng isang matulis na bagay ang aking balikat. Ngunit pinili kong tiisin ang sakit dahil kinakailangan kong magtago.

Napaupo ako sa panghihina. Mas lalo akong nanghina ng maalala ko si Marcus. Anong ginagawa niya rito? Bakit siya nandirito?

"No-uhmmmm!" Sigaw ko ng may biglang umagaw sa akin sa pwestong kinauupuan ko. Tinakpan niya ang bibig ko ngunit pinilit kong magpumiglas.

Zavan.

"Shh, it's me."

Tuluyan akong kumalma ng marinig ang kanyang tinig. Nawala ang lahat ng takot ko, ang kaninang tumatambol kong puso dahil sa kaba ay agad na kumalma ng marinig ko ang boses ng Prinsipe.

Dahil alam kong ligtas akong kasama siya.

"What happened to you? Bakit bigla kang nawala sa tent? Iniwan kitang natutulog roon at pagbalik ko'y may biglang sumabog sa gitna ng gubat, anong nangyari?" seryoso nitong tanong. Hindi ako sumagot, wala akong lakas na sumagot dahil nalilito ako sa mga nangyayari.

Nalilito ako dahil kay Marcus.

"My brother, Zandrus cheated. Nagdala siya ng mga kalalakihan sa unang distrito upang matalo tayo sa paghahanap. Kinakailangan nating mag doble ingat, mas marami na ang kampon ng kapatid ko ngayon." Bulong prinsipe.

Mula sa aking malinaw na paningin gamit ang aking abilidad ay nakita ko ang mga lalaking noon ay nakikita ko lamang sa kalsada habang humihingi ng tulong. Ngayon ay naghahanap rin sila ng batong hiyas at bukod doo'y kasama sa misyon nila ang mawala kami.

Kasama doon si Marcus.

Ang aking Marcus.

"Those guys are harm to us now. But don't worry, you have me." Bulong ng prinsipe. "If we don't kill them, they'll kill us. Iyon ang plano ng aking kapatid, gumamit siya ng ibang tao upang malinis nilang makuha ang mga bato habang tayo'y madudungisan dahil sa pakikipagsapalaran sa mga taong ito." Dugtong nito.

Tuluyan akong nanghina.

Paano ko kakalabanin ang mga taong naging malapit sa akin?

Paano ako lalaban kung ang mga taong aking ipinaglalaban ay siyang aking mga kalaban?

Tears fell from my eyes.

"Shh, I'm sorry. I won't leave you again, ever." The Prince whispered.

Mas lalong bumuhos ang aking mga luha hindi dahil sa sinabi ng prinsipe. Kundi dahil nakikita kong naghihirap si Marcus kasama ang limang pulubi ng unang distrito.

Marcus came for me, at isa iyon sa malaking pagkakamali niya.

Marcus.

My tears fell. Biglang natumba si Marcus dahil nawalan ito ng malay. Ang masakit ay walang tumulong sa kanya dahil kontrolado silang lahat ng Echelon na kasama ni Prinsipe Zandrus.

Ang dagger na ibinato ko at tumama kay Marcus ay mayroon palang lason.

Marcus.

-----

This chapter is dedicated to @Musicby thank you so much for commenting and reading, hangad ko'y kaligayahan mo. I'll be dedicating another chapter to someone :)

*****

A/N: So how's the update so far? Please let me know your thoughts and leave a comment and vote. Thank you so much.