Chereads / THE SEARCH: Beryl / Chapter 37 - 34

Chapter 37 - 34

CHAPTER 34

Dagger

NAALIMPUNGUTAN ako ng makarinig ako ng sunod sunod at malalakas na kalabog. Bigla akong napabangon ng mapansing nag-iisa na lamang ako sa madilim at maliit na tent na ginawa ng mga lalaking echelons.

"Shit, iniwan ba nila ako?" Wala sa sariling tanong ko.

Kanina lamang ay katabi ko pa sina Nathalia at Corinthians, ngunit ngayon ay nag-iisa na lamang ako. Inikot ko ang aking paningin, madilim ang paligid at nag-iisa nga talaga ako.

"Prince Zavan?"

I stood up, tumalon talon pa ako upang masigurong gising ako. At nang masiguro kong gising nga ako ay kinakabahan akong lumabas sa maliit na tent na aming tinulugan kanina lamang.

"Did the prince left me?" I suddenly asked as if I'm talking to somebody. Inikot ko ang aking paningin, wala talagang tao. Sana naman panaginip lang ito. Shit, shit, they left me!

Kailangan kong humabol! Kung bakit ba naman kasi napasarap pa ang tulog ko.

Kinuha ko ang aking pana at at iba pang kagamitan pagkatapos ay sumugod mag-isa sa madilim na kagubatan upang hanapin ang Prinsipe. Bakit ba hindi man lang ako ginising o hinintay? Ganoon na ba ako kawalang kwenta sa kanya?

Ang pinakamasakit na parte ay kung bakit wala man lang nakaisip na gisingin ako.

"Corinthians? Nathalia?" Umalingawngaw ang aking tinig sa tahimik at nakakatakot na gubat.

Lumilikha ng tunog ang mga patay na dahon na aking natatapakan, at nagdadala rin ng takot ang malamig na hangin na tumatama sa aking balat. Bahagyang lumipad ang maalon kong buhok kasabay ng isang malakas na hangin.

Napahinto ako sa paglalakad. Hindi iyon basta-bastang hangin, isa iyong nilalang.

"Shit." I aimed my bow and arrow, binuksan ko rin ang second sight ko. Pinakiramdaman ko ang paligid, at hindi nga ako nagkamali dahil mayroong ibang nilalang sa paligid ko maliban sa akin.

Hindi ito hayop, tao ito.

Lumikha ito ng tunog sa kaliwang bahagi ng aking likuran, mabilis akong lumingon sa gawi roon.

Nilamon ako ng takot, ibang-iba ang takot na nararamdaman ko ngayon kumpara noong nasa Maze ako ng palasyo. Ngayon ay totohanan, alam kong mamamatay ako anumang oras.

"Z-zavan.." Mahina kong bulong.

Wala akong ibang matawag sa oras na ito kundi ang Prinsipe lamang. Kasalanan niya na rin naman dahil iniwan niya ako at hindi man lamang ako hinintay. Napasugod tuloy ako sa gitna ng kagubatan ng wala sa oras.

Kinapa ko ang dala kong bag at napagtanto kong wala man lamang akong dalang flashlight o anumang ilaw.

"Who's there?" Hindi mapigilang tanong ko ng bigla itong lumipat sa kaliwang bahagi ng aking likuran. Nakatutok parin ang aking pana sa direksyon ng tunog na iyon, anumang oras ay handa akong panain ang sinumang lalabas roon.

Pinakiramdaman kong muli ang paligid, ang kaninang isang taong nararamdaman ko ay naging dalawa na.

Holy shit.

Nagsimula akong tumakbo papalayo sa nilalang na iyon. Naramdaman kong may sumunod sa akin, sa madilim na gubat ay nakakita ako ng aninong tumatakbo patungo sa aking direksyon.

Maya't maya pa'y nakakita rin ako ng anino sa aking kanan. Bigla akong nalito at natakot.

"Please please.. Zavan, where are you?" I hopelessly prayed na sana ay dumating si Zavan o kung sinuman sa mga Echelons upang tulungan ako. Hindi ko alam ang gagawin ko, dalawang nilalang ang nasa paligid ko.

'Run'

Bigla akong napatakbo ng may bumulong sa aking tenga. Habang gamit ang aking abilidad ay tumakbo ako patungo sa direksyon ng may liwanag. The glooming moon served as the light in the dead dreadful woods.

Kinuha ko ng tahimik ang dagger na binigay sa akin ni Nathalia at inihanda ang aking sarili, wala pang isang minuto ay naramdaman ko na ang nilalang na sumusunod sa akin sa aking likuran.

"Stop right there." Ani ng tinig, napahinto ako at napalunok. Tahimik kong ipinuwesto ang dagger sa aking kamay.

Hinarap ko ito at nagulat ako ng sabay naming naitutok ang aming mga patalim sa kanya-kanyang leeg.

"Sino ka?" Tanong nito.

"Ikaw, sino ka?" Tanong ko.

Umikot kami pareho, nananantya kung sino ang unang susugod.

He is wearing a black suit covered with black mask. We're both ready to attack under the silhouettes of the thick trees in the woods. Sigurado akong hindi niya ako naaaninag dahil nasasakop ako ng mga anino ng naglalakihang puno ngunit nasisiguro kong lalaki ito base sa pangangatawan. Ngunit paano nagkaroon ng ibang tao rito maliban sa amin?

May iba pa bang naghahanap ng mga batong hiyas?

"Another seeker huh?" Tanong nito at sinugod ako. He's strong but I'm fast, I dodged his attack and went to his opposite side. I aimed my bow and arrow faster than usual and shooted him ngunit nakaiwas ito.

Sinamantala ko ang pagkakataong nawala ang kanyang presensya upang makatakbo papalayo. Ngunit hindi pa ako nakakalayo ay naramdaman kong tumama ang isang matalim na bagay sa aking kanang kamay.

"Shit!" I exclaimed in pain. Dahil sa pagkabigla ko ay tuluyang nagising ang aking abilidad, naramdaman kong nag iba ang kulay ng mga mata ko.

Lumingon ako sa taong ito at nagulat ako ng binato niya ako ng isang matalim na bagay. Ngunit dahil malinaw ang paningin ko sa dilim ay agad akong nakailag dito.

Tumakbo ako papalayo.

"Zavan.." I silently called the Prince. I am supposed to protect him, ngunit sa oras na ito ay kailangan ko siya. Siya pa mismo ang nagsabing responsibilidad ng bawat isa ang kanilang kapares ngunit iniwan niya ako.

Without any hesitation, I aimed my dagger and looked back. Malinaw sa aking paningin ang direksyon ng lalaking humahabol sa akin kaya naman ibinato ko ang dagger na hawak ko.

He was shoot.

Tinamaan ko ang kaliwang braso nito at napahinto ito bigla sa sakit. I thought I was safe that time ngunit mas lalo akong nagulat ng isang maliit na bomba ang itinutok nito sa akin.

He swung and aimed my position. Ayokong isiping tama ang hinala ko, ngunit isang tao lamang ang kilala kong magaling sa dilim maliban sa akin. Mas kilala ang abilidad niya pagdating sa dilim, mas kilala siya sa unang distrito kaysa sa akin.

"No. This can't be." I suddenly uttered. I don't know if he promised to look for me kaya nandito siya upang hanapin ako, ngunit bakit ganito?

He ran towards me. Isang malaking puno ang nasa likod ko, hindi ako makakaatras at lalong hindi ako makakalayo. I am within his radius, and the person I know can corner a person in the dark within his radius.

No, please.

Itinapon niya ang bomba patungo sa akin. Umiwas ako at tinamaan nito ang punong nasa likod ko.

I know I'm hopeless, ngunit alam kong magkaibigan parin kami at tutulungan niya ako. Kung hindi ako nagkakamali.

"Marcus.." Wala sa sariling saad ko.

Nakita kong bahagya siyang natigilan. He heard me at kung tama nga ang hinala ko ay magkakasundo kami sa oras na ito.

But it looks like we are opponents.

Is he really Marcus, my friend?