Dear Diary,
It's been weeks since my comeback to work, and I'm doing really great. The problem is, I've been hearing rumors about a possible person who's likely to replace me because of his great potential to the company.
Can't blame them for deciding on that, kasalanan ko rin naman kasi. Siyempre may magagawa pa ako para hindi iyon matuloy, dapat makita nilang masipag pa rin ako kahit na nag-AWOL ako. Kaya lang mukhang gustong-gusto nila ang lalakeng na-interview nila.
Ang daya, dapat nga sasabihan nila ako tungkol sa planong ito para naman handa ako at hindi magugulat in the future. Pero bakit 'di nila pinaalam? Hindi ba nakalagay sa company rule book nila? Against the company policy ba kapag pinaalam sa akin na papalitan na nila ako?
Wala na rin akong pambayad sa natitirang balance sa tuition fee ko dahil sa akin. Pero pinakiusapan ko naman kanina ang head ng HR Department na kung pwede ay makapag-accumulate muna ako ng pambayad sa tuition fee bago nila ako paalisin.
Nagulat nga 'yong head ng HR Department kasi may alam ako sa binabalak nila. Tinanong kasi ako kung may nagsabi ba sa akin pero ang sagot ko ay wala, kasi wala naman talagang nagsabi sa akin tungkol doon eh.
So yeah, may 4 months pa akong magtatrabaho rito bago ako mag-resign. Ginagawa na talaga ni God ang pakiusap ko sa kanyang bawiin niya lahat ng mga ibinigay sa akin kapag nagyayabang na ako at masyado ng malaki ang ulo ko.
Patunay na hindi tulog ang Diyos. Gising na gising Siya at nakikinig Siya sa bawat hangarin ng mga tao.
I love You God, parang gusto ko ulit magdasal at makiusap po na huwag na po itong ituloy na ipinagdasal ko po sa Inyo. Kaya lang magmumukha akong masama dahil hindi tumutupad sa usapan.
Hay. After 4 months, back to job searching na naman. Well, kasalanan ko ito kung bakit nangyayare ito sa akin. Kaya sorry ma, hindi ko nakuwento sayo ang ipinagdasal ko sa Diyos patungkol dito dahil 'di naman talaga tayo naguusap na dalawa.