Chereads / The Diary Of A Blacksheep / Chapter 36 - Kabanata 22

Chapter 36 - Kabanata 22

Dear Diary,

I'm back, obviously. Alam mo na ang reason, diary, kung bakit hindi ako nakapagsulat. Malamang hindi ako tinamad, sobrang busy lang kasi trabaho at bahay lang lagi ang routine ko tapos diretso tulog.

Nakakapagod kaya ang mga ginagawa sa opisina. Pero may balak na akong mag-apply sa gobyerno, sana tanggapin ako kahit utusan man lang nila. Nag-fail kasi 'yong Operation: Pakiusap dahil masyadong isip-bata ang demonyo nating ama.

Nag-chat kasi ako na kung pwede mag-tiyaga na muna siyang paaralin ako, sa akin na ang ibang school expenses basta bayaran niya tuition fee ko. Pinaintindi ko rin sa kanya na ako na lang ang pagkagastusan niya kasi after ng college, bahala na siya sa buhay niya. Babayaran ko rin naman siya sa mga perang ginastos niya para sa amin, pero siyempre kukuha ako ng accountant in the future para walang labis walang kulang.

Siyempre isasama ko 'yong mga binili niyangga gadgets sa amin, tsaka 'yong wifi. Pero hindi nga lang money ang ibibigay ko dahil kapag binayad ko ay cash, makikinabang ang kabit niyang wala naman naiambag sa aking pamilya.

Pagkain ang ibibigay ko siyempre kapag pinatapos niya ako ng pag-aaral. Hindi ko pinaalam ang tungkol dito sa plano ko in the future dahil malamang hindi 'yon papayag na pagkain lang ibigay ko.

'Yon nga, nag-chat ako sa demonyo kong ama at pinaliwanag sa kanya lahat kung bakit kailangan niya akong pagtiyagaan. Pero seen-zoned lang ako. Kahit nga noong pumunta ako sa opisina niya, nagulat pa nga 'yong mga employees niya pati na rin siya sa pagdalaw ko doon.

Kahit nga noong lumuhod na ako sa harap niya at ng mga empleyado niya ay hindi pa rin siya pumayag. Hinatid ako ng demonyo kong ama sa bahay at doon siya nagbunganga. Sabi niya, pinapahiya ko raw siya sa iba dahil sa ginawa ko.

Duh! Hindi naman 'yon mangyayare kung nakinig lang siya sa pakiusap ko eh.

Madami pa siyang sinabi pero kinalimutan ko na kasi ang pinaka tumatak sa akin ay 'yong mga usual words na pinagsisigawan niya sa buong mundo.

List of favorite words niya:

• Bobo

• Walang kwenta

• Demonyo

• Salot

• Palamunin

• Malas

• Pokpok

• Tanga

Wala na akong magagawa kundi ang ipagpatuloy ang pag-tatrabaho. May 3 months pa ako bago tuluyang mag-resign sa kompanyang pinagtatrabahuhan ko ngayon.