Dear Diary,
Breaking news! Tumigil na sa pagtatrabaho ang "magaling" kong ama. May naipon naman na raw kasi siya at bubuhayin daw siya ng kabit niya kaya di raw siya natatakot iwan kami.
Kaya lang nagkaroon ng gulo kanina sa bahay. Nananahimik lang kasi kami dito tapos bigla siyang dumating, sermon ng sermon sa amin eh hindi na nga namin siya pinapakealaman. Tapos hindi na nakatiis si mudra na manahimik, nagsagutan silang dalawa ng demonyo kong ama.
Nasa likod lang ako ni mama, nanonood sa kanilang magbangayan. Hindi na sana ako makikisali kaya lang binato ng unan ng demonyo kong ama ang mukha ni mama. Oh diba, lumabas galit ko.
Ako naman ngayon nakikipagsigawan sa kanya, sa likod ko naman si mama. Kung anu-ano mga pinagsasasabi kasi eh. He's turning the story to 360 degrees! Pinapalabas niyang nanlalake ang mama ko kaya siya naghanap ng iba.
Tinawanan ko siya ng malakas, 'yon bang mahahalata niyang tinatawanan ko siya dahil napaka-bobo ng utak niya. Nakakapagtaka tuloy na naging sikat siyang engineer.
Ayon, napikon ata sa pagtawa ko sa kanya. Kumuha siya ng kutsilyo, ako naman nagulat. Sa loob-loob ko natakot ako pero hindi ko pinahalata sa kanya, 'di ko rin pinahalata na natigilan ako sa hawak-hawak niyang kutsilyo.
Nginisihan ko lang siya at sinigawan ng bobo. Hindi niya natuloy gagawin niyang pananaksak sa akin dahil pinalo ni mudra kamay niya ng arnis na lagi kong ginagamit sa pagt-training.
May silbi pala talaga ang pag-aaral ko ng taekwondo at judo, pati na rin ang martial arts. Kaya lang kung ganito akong napapatigil sa mga mangyayare sa akin, mawawalan ng saysay kung mama ko pa rin ang nagliligtas sa akin.
Wala 'yong kambal dahil nagtatrabaho, tsaka nasa malayo sila. Sinabihan na rin ako ni mama na wag ng ipaalam sa mga kapatid ko para hindi sila mag-alala. Agree ako sana ako pero paano kung may mangyare sa aming dalawa? Hindi magkakaroon ng clue ang mga kapatid ko oras na may masamang mangyare sa amin.
Hindi na rin kami nakapagsumbong sa pulis kasi sobra kaming nagulantang sa nangyare. Alam ko na ang susunod kong gagawin. I cannot look for a job and leave my mom alone here in this house lalo pa't mainit ang paningin ng demonyo kong ama sa bahay na ito.
Gusto niya kasi itong ipagbili, pero ipinaglalaban namin ito ni mama. I have to guard her at all cost. Baka patayin ng demonyo kong ama ang mama ko oras na maging mainit ang paghihingi niya ng titulo sa lupa at bahay na 'to.