Dear Diary,
Habang may trabaho pa ako ay naisipan kong mag-transfer sa ibang school. Nag-canvas na ako at may napili na ako. Malapit lang siya sa bahay at pwedeng-pwede lakarin. Hindi na rin ako makakapag-gastos ng 120 pesos para sa pamasahe araw-araw dahil malapit lang iyon.
At nakakagulat lang dahil mabilis kong bayaran ang balance ng tuition fee ko in just 2 months. Ngayon may dalawang buwan pa ako para makapag-ipon ng madami. Hinayaan din ako ni mudra na wag na muna bayaran ang mga utang dahil mga kapatid ko na ang bahala doon.
Unti-unti ay nakakapag-ipon na ako para sa tuition fee ng bagong eskwelahan na papasukan ko. Kumpara sa dating school na pinasukan ko ay mas mababa ang tuition, kaya nga kahit na low quality ang education system dito, at least makakapagtapos ako ng college.
Nagpaalam na rin ako kina May at Jennie. Nagpapasalamat ako ng sobra kay God kasi sinakto niya ang paglipat ko sa hindi alanganin na oras. Back to first year college ulit ako sa bagong school pero that doesn't matter anymore. As long as makapagtapos ako, ayos na iyon sa akin.
Grabe!
Noon wala akong pake sa pag-aaral pero ngayon parang ang matured ko na tingnan. Naks naman Corvina, your situation made you even stronger, wiser, and bolder. Naks talaga!
Pero hindi ako sang-ayon sa wiser, lol. Kasi hindi wise decision ang maginng AWOL at mag-absent ng mag-absent sa school. Kahit papaano, may mabuti naman naidulot ang pag-pray ko kay God na bawiin ang mga blessings na ibinigay Niya sa akin.
Tsaka, kaya lang naman ako takot tumigil sa pag-aaral ay dahil maiiwanan ako ng mga ka-batch ko. Sila g-graduate na in 2 years, samantalang ako ay uulit sa simula.
Pero sabi nga sa kanta ni Miley Cyrus, "Ain't about how fast I get there, Ain't about what's waiting on the other side. It's the climb."
Isa pang part sa kantang 'yan ang pinaka-nagustuhan ko ay ang, "Keep on moving, keep climbing. Keep the faith, baby. It's all about, it's all about the climb."
Narinig ko kasi 'yan noong sobra akong down, eh kakadasal ko pa lang that time kay God kung bakit nangyayare lahat ng 'to sa akin. Tapos biglang kinabukasan natigilan ako kasi narinig ko ang kanta ni Miley Cyrus.
Pero ang pinaka nagustuhan kong line ni Miley ay 'yong sa movie niyang Hannah Montana. "Life's a climb."
Kaya grabe talaga kapag kasama mo si God sa lahat ng journey mo, kasi maf-feel mo talaga si God eh. Kasi kung nagp-pray ka nga pero hindi naman ganoon kalalim ang relationship mo with God, hindi mo talaga maiintindihan lahat kasi what if may sinasabi na pala sayo si God? Malamang hindi mo iyon malalaman kasi puro ka lang pray, 'di mo napapansin mga maliliit na bagay na pinapakita at pinapaalam sayo ni God.
Kaya mabuti na lang talaga nagbalik-loob ako kay God. Sobrang nakakagaan at nakakatuwa, promise.
Anyway, may trabaho pa ako bukas. Good night, diary!