Chereads / The Diary Of A Blacksheep / Chapter 38 - Kabanata 24

Chapter 38 - Kabanata 24

Dear Diary,

Nakalipat na ako mamsh, and it's been three weeks, nabackstab agad ako. Nakakatawa naman ang mga kabataan ngayon. Pati ba naman kahabaan ng palda ko issue pa sa kanila?

Mukha raw kasi akong madre tingnan. Nakakatawa sila. Hay. Kung ganito lang naman ang hahawak sa pilipinas, mygahd wag na silang magbalak dahil hindi makakaganda sa mundo. Mamaya niyan ang magiging SONA ng Gen-z na president ay about sa buhay ng iba.

Pero kidding aside, wala na akong magagawa. Bata pa kasi sila. Hindi dapat ako magkaroon ng reaksyon na ganito dahil ginagawa ko rin 'yon noong edad ko ay katulad sa kanila.

Ang hindi ko lang kasi ma-take ay masyadong plastic itong kasama ko sa school araw-araw. Kaibigan niya raw ako pero hindi man lang sinasabi sa akin ang mga pangb-backstab ng mga gen-z patungkol sa appearance ko.

Hindi ko naman sinabi sa kanyang sumama siya sa akin in case na may away kasi alam ko naman na 'di niya ako dedepensahan. Eh mas nauna niyang kilala 'yong mga gen-z kaysa sakin eh. Nagmumukha na siyang spy.

Feeling ko nga spy siya para iinform mga gen-z tungkol sa mga pinagsasasabi ko patungkol sa kanila.

War-freak ako pero kaya kong kontrolin bibig ko at sarili ko sa pakikipag-away. Marunong kasi akong mag-taekwondo at judo, malamang makakasuhan ako kapag ginamit ko iyon sa kanila. Pwede naman gamitin pero panangga lang sa mga magiging atake nila, pero pinagbabawal iyon sa amin na gamitin sa mga taong hindi naman talaga masasama.

Kumbaga, pinag-aralan ko ang mga iyon para sa magamit ko pang-depensa sa sarili ko.

Pero bakit kasi may mga ganitong tao? Mas gusto pang pagusapan buhay ng iba kaysa mag-seryoso sa buhay?

Oo mahilig akong pagusapan buhay ng ibang tao pero celebrities lang, kasi mas interesting pa buhay nila kaysa sa buhay ng mga gen-z kong kaklase. Naeengganyo lang ako kapag "kaibigan" mo ang nagkuwento tungkol sa buhay ng mga classmates namin kasi sign iyon na pinagkakatiwalaan niya akong hindi ko ipagsasabi kahit kanino ang pinagusapan namin. At sign din iyon na kasama na talaga ako sa friends list niya.

Mas lalo rin ako naeengganyo kapag tungkol na sa akin ang ikinukuwento ng tao. Diba? Mas interesting pa iyon kaysa sa buhay ng iba. Mas interesting pa malaman ang mga sinasabi ng mga tao sayo kaysa ang pagusapan ng buhay ng iba.

Kaya nga nilayuan ko na ang "kaibigan" ko, hindi siya interesting. May mga nakikipagusap sa akin at gusto makipag-friends pero hindi na ako papayag. Mas magandang mag-isa na lang sa school kaysa mapuno ng toxins ang buhay ko.

Naniniwala kasi akong nagkakaroon ng paa ang toxins dahil human beings serve as a living, walking toxins in this world. Kaya nga toxic ang mga tao eh.