I flipped my hair as I walked gracefully in the school's corridor. My black straight hair bounce in every step I made. Nakalugay ito. Hanggang sa may bewang ko.
Ang kaninang maingay na daan ay napalitan ng katahimikan. Ang kaninang magulong pasilyo ay naging maayos dahil sa pagtabi ng iba pang studyante habang dumadaan ako sa gitna. Nahati ang mga studyante at napunta sa dalawang gilid. Tahimik nilang pinagmamasdan ang bawat galaw ko, sinusundaan ang bawat hakbang.
Adoration can be seen in their eyes. I smirked. Adore as long as you want bitches because you will never be me.
Sanay na ako sa bawat tingin at paghanga nila. I grow up receiving different adoration from those people who envied the beauty and life I have.
Tinahak ko ang pasilyo papunta sa unang klase ko ngayong araw at tulad kanina ang bawat nadadaanan kong studyante ay tumatabi. No one dared to block my way.
Sa Second floor in Madeline Brennan Hall, Room 115 gaganapin ang una kong klase. Umakyat na ako sa hagdan.
Nang tumapak ang black stiletto ko sa classroom ay tumahimik sila. The sounds coming from my stiletto as it hits the hard floor is the only noise that could be heard-- oh their breathing pa pala. Nakatingin silang lahat sa akin. Hindi ko sila pinansin at dumiretso sa upuan malapit sa may bintana, sa may pinakalikod. Inilagay ko ang black chanel flap bag ko sa isang bakanteng upuan sa kaliwa.
Maya maya ay nagsimula ulit ang tsismisan ngunit nasa mahihinang tinig na ito. Kahit sino pa yatang poncio pilato ang dumating hindi parin talaga no'n mapipigilan ang mga estudyante na magtsismisan parte na yata iyon ng daily routine nila. Napasandal nalang ako sa sandalan ng upuan at pumikit. Maya maya ay tumunog na ang school bell. Idinilat ko ang mata ko at nakitang nagsisibalik na sila sa mga napili nilang upuan.
Sandali pa ay pumasok na ang professor. A guy at mid 40's wearing a correctional eyeglasses. Math 1, College algebra ang subject. "Good morning" he said as he adjust his eyeglasses. "Good morning Mr. Centero." They said in unison habang nakaupo. Hindi na kami mga high schooler para tumayo.
Nagsimula ng mag discuss ang prof sa harapan. Kinuha ko lang ang ballpen and my small black leather diary like notebook para mag take notes ng mga sinasabi niya. Nang nasa kalagitnaan na ng discussion ay tinablan ako ng katamaran kaya imbes na mag take notes ay nilaro ko na lang ang hawak na bolpen.
Napabaling ang tingin ko sa school oval. May kumpol ng mga tao ang nakatayo sa gitna hindi ko makita ng maayos ang ginagawa nila dahil sa distansya. Ibinalik ko ang tingin sa harap ng marinig ang pagtunog ng bell senyales na tapos na ang unang klase. "That's all for today. Goodbye".
Nagsitayuan na sila para pumunta sa susunod naming klase.
Napatayo narin ako at lumabas. Fil 1, sining ng pakikipagtalastasan ang susunod na klase. Room 121 sa palapag din nang building na ito matatagpuan ang room.
Nang magsimula ang klase ay feeling ko naging mabagal ang pag-usad ng oras. Kanina pa ako nakaupo at pinaikot-ikot ulit ang kawawang ballpen.
Lumipas ang iba't ibang subject. At sa loob ng lahat ng subject na dumaan ay wala akong ibang ginawa kundi paglaruan ang ballpen habang busy sila sa pakikinig o minsan ay pakikipag tsismisan.
This would be the last subject for my morning class. SocSci 1.
Nang matapos ang klase ay nagtungo ako sa cafeteria para kumain. Sa Rosie's cafe ako dumiretso doon ako laging kumakain nasa unang palapag lang din kasi ito ng madeline Brennan Hall. Kaunting tao, mas malapit, iwas pagod. Nang makapasok ako ay nakita ko ang komusyon sa gitna.
Napataas ang kilay ko. Ano naman 'to? Unang beses na nagkagulo rito na hindi ako ang dahilan. Nagpatuloy ako sa paglalakad.
Napapalingon ang ibang estudyante sa akin. Tumahimik ang mga studyanteng nakakita sa akin at bumalik naman sa table ang ibang nakikitsismis. Hanggang sa apat na studyante ang nakita ko sa gitna. May pinagtatawanan silang babaing nakayuko. Hindi ko makita ang mukha, nakaharang ang apat na babae.
Before one of the four bitch throw a plate of pasta to the girl, a woman came in the picture. A heroine. Tss. Tinulungan nito ang babaeng pinagtatawanan sa pagtayo.
The girl said something at hinila paalis iyong babaeng binubully. Hindi ko narinig ang sinabi niya. Walang nagawa ang apat na babae kundi padaanin sila.
Nanatili ako sa pwesto ko. Dumaan sa gilid ko iyong dalawang babae. I got a glimpse of them.
Napailing na lang ako. Binalewala sila. Sinasayang nila ang oras ko.
Lumiko ako para makapunta sa counter. Nagpatuloy ako sa paglalakad sa may counter. Bumalik na sa ayos ang cafeteria ng lumabas ang dalawang babae.
Napapalingon sa gawi ko 'yung mga nadadaanan ko. I raised an eyebrow. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Napahinto ako nang may isang babae ang nakatayo sa dadaanan ko at busyng-busy sa cellphone. I cleared my throat. Hindi parin ako pinansin ng babae. I'm really not in the mood right now to bitch around.
Nilibot ko ang paningin sa paligid. Nasa amin na ang buong atensyon ng mga tao sa cafeteria. Expecting some scandalous and brutal act from me. Some are eyeing the girl with pity. I rolled my eyes. Masyado silang OA di ko naman papatayin ang babae.
Nakita ko ang isang babae sa may malapit na lamesa sa gilid ko, may hawak na cup hmm.. a juice maybe. Nanginig ito ng tingnan ko at napayuko. Inagaw ko ang hawak na juice ng babaeng nasa gilid ko at walang pasabing binuhos ang laman sa mukha ng babaeng nagseselpon. Napasinghap ito sa gulat. May ice palang kasama.
That's what you get for blocking my way. Although, It's still in the level one Asera's bitchiness. I'm not in the mood..... for almost a week now.
Napalingon ang babae sa akin. Nanggagalaiti sa galit at akmang sisigawan na ako ng biglang makilala kung sino ako. Lumaki ang mata niya at mabilis na tumabi imbes na ipagpatuloy ang galit. How boring. Para itong maamong pusa na takot na takot. That's right fear me kitten.
Dumiretso na lang ako sa counter. Tiningnan ko ang babaeng nasa likod ng counter. Gulat na gulat sa ginawa ko. Hindi pa ba sila nasanay? Mas malala pa nga d'yan ang ginagawa ko dati. Nang bumaling ang tingin nito sa akin ay nagtaas ako ng kilay. Mabilis naman itong kumilos at tinanong ang order ko.
When I already have my order naghanap ako ng pwedeng maupuan. Bitbit ang tray ng pagkain ko ay tumigil ako sa table ng dalawang babae. Napatingin sila sa akin pagkatapos ay mabilis na niligpit ang mga gamit nila at lumipat sa ibang lamesa.
I ate alone in the table. Pagkatapos kumain ay nagtungo ako sa may mga bench sa may oval. Umupo ako dun, may klase pa ako mamaya.
Maaliwalas ang panahon kaya hindi masyadong mainit . Hindi masakit sa balat. Presko din ang hangin dahil sa iilang puno sa gilid.
Isinandal ko ang katawan sa may sandalan.
Nababagot na ako. I'm freaking bored with this freaking life. Paulit ulit na lang Papasok sa school. Magpapaka- studyante. Kakain. Magtataray. Make someone's life miserable. Bully someone. Magwawaldas ng pera. Uuwi. Haharap sa selpon at matutulog. My life has been predictable since who knows when. I used to enjoy it. I used to enjoy making someone's life like a living hell. For the past years iyon ang pinagkakaabalahan ko pero nitong nakaraan, nagsisimula na akong mawala sa mood. Nagsisimula na akong mabagot sa buhay ko. Bagot na bagot.
Nakukuha ko ang lahat ng gusto ko ng walang kahirap hirap at minsan nakakasawa na. Imagine getting all what I want in just a blink of an eye without moving a single finger, it only added boredness in my life.
Nakakawalang gana. Ang boring. Minsan gusto ko na lang magka zombie apacolypse dahil sa boring. I want something new, I want to have something thrill, something challenging to ease this boredness.
Napapikit ako. "Hey self you are not supposed to seat here. You should be in your department bitching around, ruining someone's life. What happened?"
Para na akong masisiraan ng bait sa kabagutan.
Yung pakiramdam na nabobored ka lang talaga sa lahat ng bagay kulang nalang pati sa paghinga mabored ka na din. Fuck!
Maya maya ay naramdaman Kong may umupo sa kabilang bench. Nanatili parin akong pikit.
I heard them talking "grabe kanina no, nakakakilig yung ginawa ni Zick." Hindi ko man gustuhing makinig ay masyadong malakas ang boses niya at isang metro lang ang layo ko sa kanila. "Talaga ano bang ginawa niya? Sayang at may klase kami at hindi ko nakita." Magkapareho sila ng kasama niya. Parehong nakakairita ang boses.
"Sinurprise niya lang naman si Ara sa monthsary nila. Grabe yung effort bhie. Ang swerte talaga ni Ara kay Zick." Tumaas ang kilay ko."Sinabi mo pa bukod sa gwapo na, mayaman pa, faithful tsaka mahal na mahal siya full package na." Tumili ang babae pagkatapos sabihin 'yon. Nagsalubong ang kilay ko. Really? The heck with the tili.
"Sana ako nalang si Ara huhu kainis." How pathetic.
"Ano namang nangyari kanina kwentuhan mo ako. Sayang talaga at di ko nakita. Balitang balita 'yon sa campus e. Sa gitna ba naman ng quadrangle." Napamulat ako ng Mata at napalingon sa direksyon ng nag-uusap. Dalawang babae.
Pinagmasdan ko ang itsura nila. "Basta bhie nasa school website grabe para ka lang nanonood ng kdrama." A stick one wearing a green shirt and a pig one wearing a pink shirt. Bagay. Apple nalang ang kulang. Pang-lechon na.
"Grabe talaga leading man na leading man si Zick no. Feeling ko wala ng makakapaghiwalay sa dalawang 'yun..." Ready na Sana akong paalisin ang dalawang maiingay na babae ng marinig ko ang dinugtong nila. ".....Isang napakalaking challenge ang agawin si Zick kay Ara e ang faithful n'un- suntok sa buwan talaga." Napataas ang kilay ko.
A faithful guy? Hmmm.... that's odd and impossible. Ang dami pa nilang sinabi about sa kung gaano kaswerte, kafaithful and blah blah blah blah.
Faithful. Tss... Really? Haha. Hindi kapani-paniwala, there's no such thing as that. Pwede pa sa aso. Sa panahon ngayon aso nalang ang faithful. Kapag nakahanap sila ng mas maganda asahan mong iiwan ka na lang nila bigla.
While listening to them a bright idea pop up in my mind. Napangiti ako. Faithful my ass. Im bored so why not prove to them that their is no such thing as faithful. Just show those men an irresistible seductress and they will forget the word faithful. Magpapaagaw sila agad. I can be that seductress. There's no such thing as faithful when you are in front of Asera.
No one can resist my beauty, no one... even that Zick.
I will steal him in any ways I can.
Seducing and stealing the "faithful" Nick Saramedo from Araliya Damalerio and ruining their almost fairytale love story sounds challenging and not boring. Why not try it. Huh. Pwede naring pampawala ng bagot. Let's test his faithfulness then.
Let see how faithful he is.
Let see how irresistible I am.
Tumunog ang bell. Tumayo ang dalawang babae at umalis. Nanatili ako sandali sa upuan at maya maya ay tumayo upang pumasok na sa klase. Ang daming senaryong tumatakbo sa utak. Finally, something not boring.
____
Musta? Hahahaha