Chereads / PAYMENT OF STEALING / Chapter 6 - CHAPTER THREE

Chapter 6 - CHAPTER THREE

Lunch

"Goodbye." Lumabas na ang guro para sa huling subject namin sa umaga. Kinuha ko lang ang bag ko at lumabas na din. Sumunod sa akin si Leighn.

Naglalakad na kami patungo sa Rosie's Café. Tahimik lang itong nakasunod sa akin. Mabuti naman at marunong din pala itong tumahimik. Akala ko ay magdadaldal na naman ito sa paglabas namin sa classroom.

Pagdating namin sa Rosie's Café ay nakahakot agad kami ng atensyon. Ang mapanuri nilang mga mata ay nakatutok sa babaeng kanina pa tahimik na naglalakad sa gilid ko. Tulad kanina sa classroom ay maririnig ulit ang mga haka-haka nila kung bakit kasama ko si Leighn.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad patungo sa counter. Nagulat pa ang babaeng nasa likod nito ng makitang may kasama ako. Magsimula kasi ng kumain ako rito ay palagi lang akong nag-iisa. Katulad ng nakasanayan kong gawin ay tinaasan ko lang ito ng kilay. Sinabi ko na ang ang order ko.

Nang makuha ko na ito ay umupo ako sa bakanteng lamesa malapit sa may counter. Namimili pa ng pagkain si Leighn.

Nilibot ko ang paningin sa café. Mabilis na nagbawi ng tingin ang mga taong nagmamasid sa akin. Sa mahigit ilang buwan kong pagkain dito ay ngayon ko lang napagmasdan ang kabuuan ng café. Its elegant and classy with a relaxing vibes. Moderno ngunit may halong kalumaan na desinyo na dumagdag sa kaelegantehan ng lugar. Mula sa mga bilog na furnished tables na gawa yata sa walnut woods na may maliit na indoor plants sa gitna na nakapatong sa pulang bilog na tela, sa mga upuan, kulay ng dingding, indoor plants sa mga sulok, and the small chandelier sa gitna.

Maya maya ay dumating si Leighn na bitbit ang sariling pagkain. Umupo ito kaharap ko. Nagsimula na akong kumain ng magsalita ito "Lagi ka bang kumakain dito?" napaangat ang tingin ko sa kaniya at napatango. Akala ko ay tatahimik na siya pero hindi, nagpatuloy pa ito sa pagtatanong. "Wala ka bang kasamang kumakain?"  "anong paborito mong pagkain."  "Bakit dito mo napiling kumain?" Blah blah blah blah…. Minsan ay tumatango ako o hindi na lang nagkokomento.

Nakakailang subo palang ako ay narindi na ako sa boses niya. Masyadong matanong. Tanong pagkatapos ng tanong. Can't she keep her mouth shut? Goodness gracious we are eating. Nang magtatanong pa ulit ito ay padarag kong binitawan ang kutsara't tinidor at masama siyang tiningnan. Napatigil ito sa pagsasalita. Mabuti naman at nadadaan sa tingin.

Babalik na sana ako sa pagkain ng magsalita na naman ito "Anong favorite mong kulay?" nagsslambook ba siya? Panay tanong niya ng mga paborito ko ah. Sinamaan ko siya ng tingin. "Will you shut up. I'm eating, if you can't, then leave." Napanguso ito sa sinabi ko. "Sungit.. nagtatanong lang naman. Damot." Bubulong bulong ito, rinig naman. Isip bata. Pag ako hindi nakapag pigil bubuhusan ko ito ng tubig.

I'm supposed to act good towards her para makuha ko ang tiwala niya at ipakilala niya ako kay Ara. Pero I can't. I just can't. Wala yata sa bokabularyo ko ang pagiging mabait. Sinubukan ko pero hindi kaya. Siguro ang panghahawakan ko nalang ngayon ay ang katotohanang hind siya natatakot sa pagtataray ko.

Akala ko kanina ay aayain niya akong sumabay kumain sa kanila nila Ara. Nagulat na lang ako ng mas pinili nitong indianin sila Ara at samahan ako sa pagkain. Tss.. too bad akala ko ay ipapakilala na niya agad ako. Well may susunod pa naman. I know later on sasabay siya kila Ara sa pagkain and I'm sure yayayain niya ako… soon.

Kinabukasan ay mabilis na kumalat ang balitang pagsasabay namin ni Leighn sa pagkain. Mas dumami ang haka-haka at naawa kay Leighn na para bang gigilitan ko ito ng leeg.

Ganun parin, sa bawat pagdaan ko ay tumatabi ang iba walang may balak humarang dahil sa takot. Takot na maranasan ang kasamaan ng ugali ko.

Naalala ko kung paano nagsimula ang takot nila. Grade 11 ako n'un habang tahimik na naglalakad sa pasilyo ng eskwelahan. Wala ako sa mood.  Masyadong nasira ang araw ko dahil sa komusyon sa bahay at dumagdag pa ang mga taong palihim akong sinasaksak patalikod.

Hindi na bago sa akin ang mga mahihinang bulungan na ako ang pinag pipiyestahan. Maski ang mga mapanghusgang matang laging nakasubaybay sa bawat galaw ko.

Mula sa pagkakayuko ay napa angat ang tingin ko. Nanlilisik ang mata. Maraming mata ang nakatitig sa akin na mabilis na nag iwas. Alam ko kung bakit ako na naman ang umagahan ng mga tsismosa. Tungkol ito sa isyu ng pamilya ko. Masyadong mabilis kumalat ang balita sa maliit na probinsyang ito lalo na't ang pamilyang pinagmulan ko ay sa isa sa mga prominenteng pamilya rito sa Bohol.

Awa, kasiyahan, naghahalo-halo na ang emosyon na nakikita ko sa kanila. Ngunit nangingibabaw parin ang awa sa kanilang mga mata kaya't mas lalong sumiklab ang galit sa kalooban ko. Hindi ko kailangan ng awa nila. Gusto kong magwala. Ibuhos ang galit sa kung sino man.

Kaya ng may makasalubong na isang babaeng busyng busy kakatitig sa selpon at nakaharang sa daan ko ay mabilis na uminit ang ulo ko. Ang naalala ko nalang ay ang babae ang napagbuhusan ko ng galit. Nadala sa clinic ang babae. Dumugo ang ulo dahil sa paghampas ko ng bag at nawalan ng malay, saktong ang metal mula sa bag ang nakatama. Na sprain din ang paa dahil sa maling pagbagsak dahil sa lakas ng pwersang ginamit ko.

Pinatawag ako sa guidance pero hindi naman ako naexpel o nasuspende malakas ang kapit ko sa eskwelahan, isa ang lolo ko sa major shareholders at isa pa, congressman si lolo. Mabilis niya itong nagawan ng paraan. Pumayag sa aregluhan ang kabilang kampo. Nadaan sa pera, palagi naman.

Mabilis na kumalat sa campus ang buong balita. Mapa sa elementary o sa college department man. Kaya hanggang ngayon takot silang makabangga ako dahil sa kaya kong gawin at sa mga taong nakasuporta sa likod ko. Hanggang ngayong college ay dala dala ko parin ang masama kong imahe. Nanatili lang kasi ako sa campus hindi na ako lumipat ng ibang paaralan. Nag ooffer din kasi ng college ang skwelahang ito. Kumbaga para lang akong sumakabilang bakod.

Nang makarating sa unang klase ay dumiretso ako sa dating pwesto. Iniyuko ko ang ulo ko sa lamesa. Nang maramdamang may umupo sa gilid ko ay napaangat ang ulo ko. Ang nakangiting mukha ni Leighn ang sumalubong sa akin. "Good morning." Tinanguan ko lang siya at isinandal ang katawan ko sa sandalan.

Nagsimula na naman siya sa pagdadaldal. "alam mo ba kanina habang papunta ako dito sa school may muntik na kaming masagasaang pusa… " blah blah blah. Kahit ano yatang gawin ko ay hindi ko siya mapipigilan. Andami niyang kinekwento. Hindi ba siya nauubusan ng sasabihin?

Sa mga sumunod na araw ay ganun padin. Papasok ako sa school sasalabungin ng nakangiting mukha ni Leighn. Makikinig sa unlimited stories niya.

Habang lumilipas ang mga araw nakikita ko na lamang ang sarili kong hindi na naiinis sa kaingayan niya. Nasasanay na yata ako sa nakakarindi niyang boses at sa mga kwento niyang walang kwenta. Sa loob naman ng isang linggo ay nasanay narin akong kasama siya sa tanghalian. Palagi siyang sumasabay sa akin. Hindi na ako nagtatanong kung bakit hindi na siya sumasabay kila Ara. Ayaw kong malaman niyang kilala ko sila. Pero naiinip na ako.

Masyado kung sineseryoso ang kagagahang ito sa di malamang dahilan.

" May sasabihin pala ako." Tumigil ako sa pagsubo at humarap sa kaniya. It was another normal afternoon at kumakain kami sa café. Tinaas ko lang ang kaliwang kilay ko. Mukhang nagets niya naman at nagpatuloy sa pagsasalita. "bukas pala hindi ako makakasabay sa pagkain saiyo. Nagtatampo na kasi si Ara kaya sa kanila muna ako sasabay. Okay lang ba?." Tinitigan ko lang siya at tumango. "Ikaw bahala"

Hindi ba niya ako yayayain? Tss. May susunod pa naman.

Kinabukasan nga ay mag-isa akong nagtungo sa Rosie's Café samantalang sa public market naman nagtungo si Leighn. Naririnig ko ang pagtataka ng ibang tao kung bakit hindi ko kasama si Leighn ngayon. Nasanay silang nakikitang nakabuntot ito palagi sa akin.

Magsisimula na sana akong kumain ng mapabaling ang tingin ko sa upuang laging inuukopa ni leighn. Sandali akong napatulala. It feels weird eating alone when in fact I was used to it. Isang linggo ko pa lang naman siyang nakakasama. It feels incomplete eating in silence which is very weird because silence was my haven. Napailing nalang ako at nagsimula na akong kumain hanggang sa nakita ko na lang ang sarili kong pinapaikot ikot ang pasta sa tinidor. Wala akong ganang kumain, parang ang hirap lumunok ng pagkain ng walang kasama. Dati naman hindi ganito.  What the heck is your problem asera?

Pinagsawalang bahala ko nalang ang nararamdaman at umalis. Iniwan ang pagkaing halos hindi nagalaw.

Nang araw ding iyon pagkatapos nang klase ay sabay kaming pumunta sa parking lot kung saan na kapark ang kotse ko at naghihintay ang driver niya. Bago kami maghiwalay ng landas ay huminto ito at may sinabi "Nga pala…." nilingon ko siya. Hindi na naman ba siya sasabay sa akin bukas? "…naikwento kita kay Ara." Umahon ang excitement sa sistema ko.

"Ara? Sino yun?" pagmamaang-maangan ko. Napakamot ito sa batok. "Kaibigan ko. Hindi mo ba siya kilala or narinig man lang ang pangalan niya? Sikat yun dito tsaka yung boyfriend niyang si Zick." Napailing ako. "Never heard of them." That's a lie.

"Sabagay . Hindi mo din namang obligasyong kilalanin sila dahil lang sa sikat sila."

"What about them?" Pambabalik ko sa topic.

"Ahh oo nga pala gusto kang makilala ni Ara. Yayain daw kitang sumabay sa amin ng lunch bukas.." hindi ako nagbigay ng reaksyon. "… kung gusto mo lang namang sumabay sa amin. Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo. Okay lang ba sayo?" tumango nalang ako sa kaniya. Hindi alam Kung ano ang mga salitang dapat bitawan. Napangiti siya.

"yeheyyy. Aasahan ko yan ah. Bukas ah. Excited na akong magkakilala kayo." Me too.

"s'an ba?"

"sa public market. Doon kasi kami laging kumakain. Okay lang ba saiyo kung doon?" tumango ulit ako. "okay lang." tumalikod na ako sa kaniya. Hindi dapat ako magmukhang sabik na sabik. "sige babye see you tomorrow." Hindi na ako lumingon ulit sa kaniya. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad papunta sa kotse ko.

Hindi ko na napigilan ang ngiting kanina pa gustong kumawala sa labi ko. Finally. Can't wait.

Sinimulan ko ng buhayin ang makina ng sasakyan at pinaharurot paalis. Tomorrow's lunch.

____

Luhh:)