Charity Ball
"mama ano po yang niluluto niyo?" pupungas-pungas akong naglakad patungo sa direksyon ni mama. Nakatalikod ito sa akin habang may iniikot ikot sa lutuan. Lumingon ito sa direksyon ko at ngumiti. May hawak pa itong sandok.
"Nagluluto ako ng paborito mong adobo." Nagningning ang mga mata ko at nabuhayan ang diwa.
"yeheyy! Adobo. Gaganahan na naman akong kumain." Tumakbo ako palapit sa kaniya at yumakap ang maliliit kong mga braso sa mga hita niya. Humagikhik si mama. Nabaling ang tingin ko sa hindi pa sinisiradong bintana. Madilim na ang paligid. "hala.. gabi na pala."
Inalis ni mama ang pagkakayakap ko sa kaniya at lumuhod sa may harap ko para magpantay ang mukha namin. Ginulo nito ang medyo magulo ko nang buhok dahil sa pagkakatulog. "oo gabi na. mahihirapan ka na namang makatulog mamaya dahil kagigising mo lang."
"ehh kasi inaantok ako sa paglalaro, mama. Hehe" napailing na lang ito
"paano nayan mamaya?"
"edi sa kwarto niyo ulit ni papa ako matutulog. Tulad ng dati. Dinadalaw ako ng antok sa mga bisig mo mama"
"ano pa nga ba"
"yeheyy excited na akong makatabi kayo."
"sus ikaw talagang bata ka." Pinisil pa nito ang dalawa kong pisngi kaya napanguso ako. "mama naman eh. Papangit ang pisngi ko n'yan" Tinawanan lang ako nito at iniloob sa yakap. Napasandal ang ulo ko sa balikat niya. "antagal naman umuwi ni papa para makajoin na siya sa family group hug."
"hahaha….pauwi na rin yun." Kasabay ng pagsabi ni mama ay ang tunog ng busina ng sasakyan sa labas. Nanlaki ang mata ko at mabilis na kumalas sa yakap ni mama. Napatawa nalang si mama sa ginawa ko. Mabilis akong tumakbo papunta sa sala para mabuksan ang pinto. Nang mabuksan ko ang pinto ay nakahanda na ang malaking ngiti sa mukha ko na siyang palaging sumasalubong sa pag-uwi ni papa galing sa trabaho. "papaaaaaaa"
"hoyyy. Earth to Asera" napaligon ako sa babaeng nagsalita at masama tong tiningnan . May kasama pang tulak ang hoy niya.
"ano?"
"tapos na po ang klase kaya hali ka na. Its tanghalian time." Hyper na sabi niya. nakatayo na siya sa gilid at ready ng umalis. Malamya akong tumayo at kinuha ang bag ko. Wala naman akong nilabas na gamit kaya wala akong liligpitin. Nagsimula na kaming tahakin ang daan patungong public market.
Naghihintay ang tatlong lalaki sa may pasilyo dahil sabay naming dadaanan si Ara sa building nito bago kami magtungo sa public market. Nang makalabas kami sa building ay binuklat ni leighn ang dala niyang payong. Mataas na ang sikat ng araw. Masakit sa balat at maalinsangan sa pakiramdam.
Ilang araw na rin simula ng yayain ako ni Ara at sumabay akong kumain sa kanila. Noong unang araw ay panay reklamo pa ako. Paano ba naman kasi medyo may kalayuan ang building namin sa public market at mainit. Mabilis mairita ang balat ko. Kaya mainit ang ulo ko at si Leighn lagi ang napagbubuntungan kaya nang mga sumunod na araw, nagdadala na si Leighn ng payong.
So far everything is going according to what I want. Unti unti na akong nakakapasok sa buhay nila. Nakakapagbiro na sila sa akin na kahit nairirita ako minsan ay tipid ko na lang na nginingitian. Mas lalong naging feeling close si Leighn, si jemmel naman ay likas na makapal ang mukha at epal. Silang dalawa lang ang madalas kong tarayan at barahin na pinagsasawalang bahala lang nila. Si Cario naman ay ganun pa din, ilag pa rin sa akin. Minsan ay nahuhuli ko itong nakatingin sa akin at biglang iiwas at mamumula ang pisngi. Si Zick civil lang, nakakausap ko minsan pero hindi matagal. Hindi pa kasi kami nagkasolo. si Ara naman ay sakto lang mukhang likas na mabait sa lahat.
Habang naglalakad kami ay nakasilong kaming dalawa ni Leighn sa payong na siya ang may hawak. Nasa likod naman namin ang tatlong lalaki na nag-uusap pero more on si Jemmel lang ang nagsasalita. Nangingibabaw talaga ang boses hindi yata nauubusan ng kwento parang si Leighn lang. Ansarap pag-untugin ng dalawa.
"What's your full name?" out of nowhere na tanong ko kay Leighn. Sa tagal na naming magkakasama ay hindi ko pa alam ang buo niyang pangalan, wala nga yata akong alam tungkol sa kaniya maliban sa isa siyang nerd na saksakan ng daldal.
"Huh? Bakit?"
"Wala lang."
"Weh! Bakit nga gusto mong malaman?"
"Ipapabarang ko. Happy?" Inungusan lang ako nito pero maya maya ay ngumiti at humarap ulit sa akin. Gamit ang isang libreng kamay ay nagsimula itong sundutin ang pisngi ko.
"Ayiehhh interested siya sa akin" tinampal ko ang daliri niya at inirapan.
"Luh asa ka! Huwag na lang. Pa importante, di naman importante"
Tinawanan niya lang ako. "hahaha… pikon ka na n'yan?" hindi ko na lang siya pinansin baka magilitan ko siya ng leeg pagnagkataon.
"Araleighn Orche" narinig kong sabi niya. Napairap ulit ako. Ang panget naman ng pangalan parang subject. Araleighn-
"Araleighn Panlipunan… Hmpp.." bubulong bulong kong sabi.
"BWHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" Nagulat na lang ako ng marinig ko ang malakas na pagtawa ni Leighn sa tabi ko.
"problema mo?" sinapian na naman siguro. Iba talaga ang epekto ng gutom.
"Narinig ko yun hahahaha" napakunot noo ako. Huh?
"Ang ali--.." oh fuck! Napamura na lang ako ng marealize ang ibig niyang sabihin. Why did I whisper it? Ang hina na nun pero malapit lang kami. Nasa iisang payong lang. Knowing her ang talas ng pandinig. Stupid mouth.
"Joke ba yun? Ang mais ahh. Hahaha."
"Oh fuck just forget it."
"Ikekwento ko to sa kanila."
"Subukan mo puputulan kita ng dila." Matalim ko siyang tiningnan. Makuha siya sa tingin. Makakapatay talaga ako.
"Nye nye nye" Binelatan pa ako. Hinayupak na yan.
"Isip Bata."
Nilingon nito ang tatlong lalaking nahuhuli sa amin.
"Guyss… Si Asera marunong pala magjoke. Hahaha.. mais nga lang" inirapan ko siya at pinatay sa tingin. Hindi ko siya pwedeng sapakin hawak niya ang payong baka tumakbo palayo. Maiinitan ako. Huminto ang tatlong lalaki sa paglalakad. Nabigla sa paghinto at paglingon ni Leighn o baka mas nabigla sa sinabi nito. Damn!
Maya maya ay naramdaman kong may umakbay sa akin. Nakalapit na pala si Jemmel. "talaga nagjoke si Asera. Wow naman!" siniko ko ang tagiliran nito para maalis ang akbay niya sa akin pero masyadong matatag ang isang to.
"one more naman d'yan. Isa pang joke Asera. Gusto ko ding marinig. Huwag kang unpeyr" Inirapan ko ito. Naiimbyerna na ako sa boses at pag-akbay niya. Inalis ko ang pag-akbay nito at nagtagumpay naman ako.
"Shut up and stop pestering me, Jemmelio Aguinaldo." Napaawang ang labi nito. Nagulat yata sa sinabi ko. Hindi makapaniwala. Maya maya ay sumabog sa pagtawa.
Arghh! Kainis! fuck mouth! Huli na ng marealiaze ko ang sinabi ko. Shit! What a shame. Nabitawan ko na ang mga salitang sa utak ko lang dapat manatili.
Nilibot ko ang paningin ko sa mga kasama ko. Kay jemmel na mamatay-matay na sa kakatawa at nakahawak pa sa tiyan. Si leighn na halos gumulong na rin sa pagtawa. Kay Cario na hindi narin napigilan at ang kaninang pangiti ngiti lang ay nauwi sa pagtawa. At kay Zick na nakaangat lang ang sulok ng labi na parang nakangiti hindi ko alam kong natatawa o he's mocking me. Dapat ba akong matuwa at napangiti ko siya? Grrr.. Mas lalo akong nairita.
"Stop it idiots. Walang nakakatawa." Mataray kong sabi. Nagbabanta na ang mga mata pero waepek sa kanila. Baka may mabitay ako ng wala sa oras. Wala naman talagang nakakatawa sa sinabi ko. Ang babaw nila. Humor me. Kainis.
"Mas nakakatawa pa yung ideyang nag joke ka kaysa sa joke mo… hahaha" natatawa paring sabi nito at nagpunas pa ng luha. Na tears of joy pa nga. Humupa na ang tawanan.
"tapos na? okay na? pwede na ulit tayo maglakad?" ang init init na sa pwesto namin kahit nakapayong. Hindi pa nakatulong ang sitwasyon. Pahamak kasi na bibig.
"Jemmelio Aguinaldo pa nga. Lt ampupu. Hahaha." Tangina. Paulit ulit di maka- move on?
"happy ka na?"
"Sobra! Thank you for making our day. Hahaha." Arghh. Kainis! Napailing na lang ako at hinila si Leighn para magpatuloy na kami sa paglalakad. Sumunod naman sila sa amin. Inaasar-asar parin ako ni Leighn at Jemmel. Bwisit!
Pag-uwi sa bahay ay didiretso na sana ako sa kwarto ng sinalubong ako ng mayordoma ng bahay namin. "Ma'am Asera, nakauwi na pala kayo. May sasabihin sana ako." Itinigil ko ang paghakbang sa hagdan at nilingon ang mayordomang may edad na. Marami na itong puting buhok at may kulubot na ang balat. Matagal na itong naninilbihan sa pamilya ng papa ko. "what is it?"
"nasa office ang papa mo. Gusto niya kayong makausap." Nabigla ako sa sinabi ng Mayordoma. Papa… ang tagal na nung huli ko siyang nakita. Umuuwi pa rin pala siya? Dito pa rin pala siya nakatira? Himala. Akala ko puro kasambahay na lang ang kasama kong nakatira sa bahay na 'to. Anong masamang hangin ang nagdala sa kaniya rito? "bakit daw?"
"hindi niya sinabi iha. Puntahan mo na lang at kayo ang mag-usap."
Tumango na lang ako at nagkibit-balikat. Tumuloy na ako sa pag-akyat. Pumasok ako sa kwarto ko at nagbihis ng damit. humiga muna ako sa kama at pumikit. Mamaya ko na lang siya pupuntahan. Ano kaya ang sasabihin niya? Ilang buwan na din ng huli ko siyang makausap at makita. Palagi itong busy.
Nanatili akong nakapikit sa loob ng ilang minuto at bumangon. Tamad akong naglakad papunta sa third floor naroon ang opisina niya sa bahay, sa tabi ng library. Nang makarating sa pintuan ay tiningnan ko muna ang seradura. Nagdadalawang isip kong tutuloy ba o hindi. At the end pinihit ko pa rin ito at pumasok.
Nakita ko siyang nakaupo sa may gintang bahagi. Tambak ang mga papeles sa harapan. May suot itong salamin at seryoso sa pagpirma sa mga papeles. Its been a while. Wala namang nagbago sa itsura niya ganun pa din. Magandang lalaki si papa. Nakuha ang mala Spanish na itsura ni lolo, wala man lang bahid ni lola na may lahing scottish. Nakatutok lang siya sa ginagawa niya hindi pansin ang presensya ko.
Inilibot ko na lang ang paningin sa apat na sulok ng kwarto. Ngayon na lang ulit ako nakapasok dito. May mga libro sa shelves at may lalagyan ng mga parangal na nakuha ni papa. May munting sala sa kwarto. Isang bilog na salaming lamesa sa gitna, dalawang mahahabang couch na magkaharapan at isang single couch. Sa pinaka gitna naman ay ang lamesa ni papa na gawa sa kahoy, may isang upuan sa harapan kung saan maaring umupo.
"may sasabihin ka daw?" napaangat ito ng tingin at nagulat sa presensya ko. Medyo kumunot pa ang noo nito at inayos ang salamin. "ikaw pala, Measan." Napaigtad ako sa tinawag nito. Ang tagal ko ng hindi naririnig ang pangalan na 'yan. May kakaibang lumukob sa puso ko. Mapait akong ngumiti. "anong sasabihin mo?" mahina na ang boses ko. Nawala ang tapang.
"ahh oo.. about sa charity ball na gaganapin sa makalawa….." nakinig lang ako sa kaniya at hinintay na ipagpatuloy niya ang sinasabi niya. "…. I want you to come with me." Nanatili ang tingin ko sa kaniya at marahang umiling.
"ayaw ko. Hindi ako mahilig sa mga ganyan. Ikaw na lang." mukhang aalma pa ito at pipilitin akong sumama kaya tinalikuran ko na siya. "labas na ako."
"ganun ba. Sumabay ka na lang sa akin sa hapag for dinner." Napahinto ako at humawak ng mahigpit sa damit para doon kumuha ng lakas. "busog kasi ako, kumain ako sa labas. Hindi ko naman alam na nandito ka. Sa susunod na lang. matutulog na ako."
That's a lie. Hindi pa ako kumakain.
"Ganun ba. Goodnight, measan." Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at nagtungo sa kwarto. Pagkarating ko roon ay mariin akong pumikit.
Nakatayo kami ni leighn sa may pasilyo ng brennan hall. Malayo ang nilalakbay ng isip ko. Nasa bahay. Maaga akong umalis para hindi siya makasabay sa hapag. Maya maya ay naririnig ko na ang malakas na boses ni Jemmel. Nilingon ko ang pinanggalingan nito at nahuli na naman si Cario na nakatingin sa akin. Mabilis nitong nabaling ang tingin kay Jemmel at kunwaring nakikinig dito.
"ang tagal niyo." Inikbayan ni Jemmel si Leighn. Nauna kaming nakarating dito dahil maaga kaming pinalabas sa klase namin. Nag-discuused lang sandali ang prof at dinismissed na kami kasi may gagawin pa daw. Kaya mas nauna kami sa kanila. Kadalasan ay sila ang naghihintay sa amin. "ang importante nakarating kami ng buhay."
Inalis ni leighn ang kamay ni jemmel at umirap.
"nga pala Zick hindi ako makakasama kila mom sa charity ball niyo sa makalawa. May biglaan akong kailangang puntahan." Biglang sabi ni Cario na katabi ni Zick. Charity ball sa makalawa? Ito rin ba ang sinasabi ni papa na charity ball?
"ako din hindi pupunta. Siguradong walang chikababes na kaedad natin ang pupunta d'un. Matutulog na lang ako." Sabat pa ni Jemmel na mas lalong dinidiinan ang akbay kay Leighn. "aray Jemmel."
Napabusangot ang mukha ni Zick. Would he be there? Family niya ang nag-organize eh.
"Pamilya niyo ang nag organize ng charity ball na 'yun?" tiningnan ko Zick. Napalingon ito sa akin at tumango. Magkaharap na kami. Isang metro ang layo. Nakatayo sa gilid niya si Cario. Habang nasa may gilid ko naman si Leighn at Jemmel na nagpapatayan na ata.
"yeah"
"For what?" inilagay nito ang kamay sa dalawang bulsa. Si Cario na nasa gilid nito ay matiim na pinag-aaralan ako. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya. Pinagsawalang bahala ko na lang at itinuon ang pansin kay Zick.
"Battered children."
"You would be there?"
"Unfortunately." Mukhang wala talaga itong balak pumunta at napipilitan lang dahil pamilya niya ang nag-organisa.
"You will bring ara?"
"Nah.. she have some family matters to attend"
"Ahh"
"Halina kayo. Gutom na me." Sabat ni Jemmel na sinegundahan naman ni Leighn.
Nagsimula na kaming maglakad. Lihim akong napangiti sa naiisip. No Ara around and no Cario, Jemmel and Leighn. That would be great. Finally. I can start to move. Masyado ng nakapending ang pang-aagaw ko.
_______