Chereads / PAYMENT OF STEALING / Chapter 7 - CHAPTER FOUR

Chapter 7 - CHAPTER FOUR

Public Market

"Guyssss" Excited na sigaw ni Leighn habang hila-hila ako. Huminto kami sa isang lamesa sa may bandang sulok. Napatingala sa amin ang apat na taong nakaupo sa lamesang hinintuan namin. Medyo hinihingal pa si Leighn dahil sa pagmamadali. Nakatayo naman ako sa gilid niya.

Pagkatapos ng pang-umagang klase ay dumiretso kami sa public market para maipakilala niya ako kila Ara. Halos mahiwalay nga ang braso ko sa lakas ng hila niya. Kung wala lang akong kailangan sa kaniya baka na sapak ko na siya. Damn!

Tumayo si Ara mula sa pagkakaupo at nginitian ako. "Hello. Asera right?" Tumango ako. "Alam mo ba, Ikaw lang ang bukambibig ni Leighn kahapon. Panay kwento siya tungkol saiyo kaya gusto kitang makilala" Nalipat ang tingin ko sa babaeng katabi ko. She shyly smile at me. "Hehehe."

Ano naman kayang pinagsasabi niya sa kanila? Tss.

"Ahh. Ganun ba." I extended my arm and forced a small smile. "Asera Minosa." Tinggap nito ang pakikipag kamay ko. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya. "Araliya Damalerio- kaibigan ako ni Leighn. It's nice meeting you." Nang bumitaw kami ay narinig ko ang pagmamaktol ni Leighn na nasa tabi ko parin.

"Ang unpeyr naman." Pareho kaming napalingon ni Ara sa kaniya. "Huh?" Naguguluhang wika ni Ara. "Ang sabi ko ang unpeyr."

"Unfair ang ano?" Ngumuso ito at humarap sa akin pagkatapos ay inirapan ako. Napataas ang kilay ko. "Problema mo?"

"Bakit ganun nung ako 'yong nagpakilala sayo ayaw mo tanggapin yung kamay ko tapos ngayon.... Unpeyr! Tapos.. tapos ngumiti ka pa kay Ara. Zo zo unpeyr!" Napailing na lang ako. Pinaglalaban ba nito?

"Ewan ko saiyo. Parang tanga" napasinghap ito.

"Magwewelga ako. Hindi ito makatarungan. Labag ito sa karapatang pantao." Saan ang labag d'un? Utak niya may ubo. Bagot ko lang itong tiningnan samantalang natawa nalang si Ara. "Huwag mo ng pansinin 'yan, ganyan talaga iyan may pagka- abnormal."  Sang-ayon ako sa kaniya.

Nilingon nito ang lalaking nakaupo sa tabi nito.

"Nga pala this is my boyfriend, Zick- Zick Saramedo." Tumayo ang lalaking katabi nito at ipinulupot ang kamay sa bewang niya. Tumango ito sa direksyon ko at matipid na ngumiti.

Nanatili lang akong nakatitig dito. His messy black jet hair complements his features. From his eyes, down to his nose and thin red lips. To his protruding adams apple. May ibubuga nga sa itsura ang lalaking to. Partida nasa college pa, what more kung mas mag-matured ang mukha nito. Hindi na din masama.

Naalis ang tingin ko kay Zick ng may humila sa kamay ko. Isang nakangiting mukha ang sumalubong sa akin. Iyong lalaking mukhang babaero na nasa kasalungat na upuan nila Ara. "Hi Miss Asera, My name is Jemmel. Pwede mo din akong tawaging iyo. Ang pinakagwapong nilalang sa balat ng HNU." Hahalikan na sana nito ang likod ng palad ko ng may humila sa kwelyo nito kaya hindi natuloy.

Gago! Mabuti na lang at naunahan ako nung humila kundi sapak ang aabutin sa akin ng babaerong 'to. Balak pa akong lagyan ng laway ah.

Nakasimangot na binalingan ni Jemmel ang humila sa kaniya. "Problema mo tol? Iyon na eh, malapit na." It was the guy in black who pulled him. Masama ang tingin nito kay Jemmel. Nagtatagis ang bagang.

"Gago babahiran mo pa siya ng virus mo."

Napasinghap si Jemmel at eksahedorong lumaki ang chinitong mga mata. "Huh! Anong virus? Sa gwapo kong 'to sa tingin mo carrier ako ng virus? Nakakahurt ka ng damdamin ah" Humawak pa ito sa dibdib na parang nasasaktan. He could be a great actor. Umiling na lang ang lalaki at humarap sa akin.

Napatulala ito ng ilang segundo bago tumikhim at nagkamot sa batok. "Cario nga pala." Medyo namula pa ang pisngi. Tinaas baba nito ang kanang kamay. Nagdadalawang isip siguro kong makikipag kamay o hindi. At the end mas pinili nalang nitong isuklay sa buhok ang kamay.

"Ahmm Asera." Matipid ulit akong ngumiti. Mukhang mabibinat ang pisngi ko kakangiti nito ah.

Nakatitig lang ito sa akin kaya nakikipagtitigan din ako. Bakit kaya siya nakatitig? Naputol lang ang tinginan namin ng kalabitin ako ni Leighn. "Maya na yang staring contest niyo. Gutom na ako. Order na muna tayo Asera. Naka order na sila e." Namula ito sa sinabi ni Leighn at mabilis na umiwas ng tingin. Bumalik ito sa pagkakaupo tulad nung tatlo. Kaya ako at si leighn na lang ang nakatayo.

Napatingin ako sa may table nila. Naka order na nga sila ng pagkain. "Mabuti pa ngang umorder na kayo. Umorder na kasi kami kanina bago kayo dumating. Hintayin na lang namin kayo para sabay na tayong kumain." Malambing na usal ni Ara at ngumiti ulit ng magtagpo ang mga mata namin.

"Sige." Sumunod na lang ako kay Leighn sa paglalakad patungo sa may counter. "Dapat pala umorder nalang muna tayo bago kita pinakilala sa kanila. Nagwawala na tuloy ang mga halimaw ko sa tiyan."

May hindi kahabaang pila sa counter. Kadalasan kasi sa mga estudyante ay naka-order na, kanina pa kasi ang labasan ng iba. Napatingin ako sa relong suot, 12:20 PM. It was a Rolex datejust in stainless steel and gold, regalo ito ni mamala- my grandma in father side.

Huminto si Leighn sa dulo ng pila. "Bakit ka huminto?"

"Kasi po may pila. In case na hindi mo po nakikita"  Inirapan ko siya at hinila ang kamay. Wala akong panahon para pumila. "Hoyy anong gagawin mo?" Dire-diretso lang akong naglakad. Dahil hila ko siya ay no choice siya kundi sumunod. Nang nasa pinaka unahan na kami ay binitawan ko na siya. Tinulak ko ang nasa pinakaunahang babae na oorder na dapat kaya napaatras ito. Napasinghap naman si Leighn na nasa tabi ko. "Hoyy wala ka sa Rosie's cafe. Makasingit ka naman"

Napairap ako. Hindi naman ako sumisingit sa Rosie's cafe dahil wala namang pila doon.

Hindi ko siya pinansin at humarap na lang ako sa may babae sa likod ng counter. Pinagmasdan ko muna ang menu sa itaas dahil hindi naman ako familiar sa mga pagkain dito, pangalawang beses ko pa lang dito. "Pasta and an orange juice." Iyon lang nakita kong pumasa sa panlasa ko. More on Filipino cuisine ang tinitinda nilang ulam kaya hindi na lang ako nagkanin. Ayaw ko ng  Filipino viand. Inikaso naman nung babae sa counter ang order ko. Naramdaman kong may kumalabit sa akin kaya hinarap ko ito.

"What?" Mataray na tanong ko sa babaeng kumalabit sa akin. Ito 'yong tinulak ko. "Miss ako pa ang susunod. Huwag kang sumingit. Pumila ka naman ng maayos. Kanina pa--" Hindi nito natapos ang sasabihin ng biglang tinakpan ng kasama nito ang bibig niya. "Gaga hayaan mo na. Di mo ba kilala yan? Si Asera yan. Boba!" Mahinang bulong ng kasama nito pagkatapos ay hinarap ako. "Sorry. Huwag mo nalang siyang pansinin."

"A-asera?" Nanlalaking matang sabi nung babaeng kumalabit sa akin kanina. "Oo. Gaga ka talaga. Baka sa clinic bagsak mo pag nagalit 'yan." Umatras ito ng ilang hakbang at umiwas ng tingin.

Pinasadahan ko ito ng tingin. "Gusto mong pumila ako? Tama ba?" binalewala ko ang paghinge ng sorry ng kaibigan nitong babae kanina. Ang kapal ng mukha niyang kalabitin ako. Mas umatras ito kaya humakbang ako palapit. Natigil lang ang paghakbang ko ng hiniwakan ni leighn ang kamay ko. "what?" nanlilisik na matang sabi ko sa kaniya. Bumulong si Leighn sa may gilid ko. "hayaan mo na. kasalanan naman natin. Nakisingit lang tayo….." Masama ko siyang tiningnan. Nagpigil lang ako ng maalalang nasa malapit lang sila Ara at nagsisimula na akong humakot ng atensyon.  "….Sabi ko naman Kasi saiyo pumila na lang talaga tayo sa likod. Nakakahiya naman sa kanila."

Humarap na lang ako sa may counter ng inilapag na ang tray ng pagkain ko. "Pumila ka mag-isa mo. Nandadamay ka pa"

Kinuha ko na ang order ko at iiwanan na dapat si Leighn. "Hintayin mo naman ako..." Huminto ako para mahintay siya. Hindi ko nga pa pala ganun kakilala ang mga taong naghihintay sa table. Kailangan ko pa si Leighn. "....Adobo ate tsaka isang cup ng kanin."

Nang makuha ni Leighn ang order niya ay nagmadali itong lumapit sa akin. Sumilip ito sa tray ng pagkain ko. "Pasta sa tanghalian? Iba din." Mahinang bulong nito.

"May problema ka ba dun?"

"Wala. Sabi ko nga ansarap nyan kung gusto mo pwede ka din magpandesal o di kaya biko. Hehe."

"Ikaw na lang, ikaw naman nakaisip."

"Suggestion lang e."

Nang makarating kami sa table ay umupo si Leighn sa side nila Ara samantalang sa upuan sa tabi ni Cario ako umupo. Parihaba ang lamesang gawa sa plastic. Sa bawat gilid naman ay may tig-tatatlong upuang plastic. Masyadong maingay ang paligid. Masyadong madaming tao ang kumakain sa lugar. Malayong malayo sa Rosies café o sa iba pang kainan sa loob ng campus. Air condition nga ang lugar pero mainit padin.

Mukhang ginawa ang kainan para sa mga scholars o hindi afford ang mamahaling pagkain sa ibang café. Ang pinagtataka ko bakit nagtitiis sila dito? Hindi naman siguro sila naghihirap maliban na lang kay Ara.

"Ang bilis niyo ah." Nagsimula na kaming kumain. Lahat sila ay maganang kumain, puro Filipino foods ang ulam nila.

"Paano ba naman kasi, si Asera parang si Zick din. Ayaw pumila. Nakisingit pa doon. Hindi naman ganun kahaba ang pila" ngumuso pa ito. Akala naman niya cute siya sa ginagawa niya. Nagmumukha lang siyang pato.

"Cool! Para palang Girl version ni Zick si Asera." Pumalakpak pa sa tuwa si Jemmel na parang nakatuklas ng isang nakamamanghang bagay. Lumingon ito sa akin at nangislap ang mata. Dahil nasa isang linya lang naman kami ng upuan ay medyo nahirapan ito Lalo na't nasa gitna si Cario.

"Nambubogbog ka din ng mga taong humaharang sa daan mo, Asera?"

"huh?"

"Si Zick kasi dati bago dumating si Ara sa buhay niya pag may humarang sa daan niya sa clinic ang bagsak. Ang cool no? hahaha. Ganun ka din ba?" Hinawakan pa nito ang balikat ng katabing si Cario. "diba Cario ganun si Zick?" mukhang nagulat ang katabi nitong si Cario. " huh—oo" sandali itong tumingin sa akin bago bumalik sa pagkain.  Napansin ko lang ng simula ng umupo ako sa tabi nito ay naging stiff ito at halos hindi lumingon sa akin. Binalik ko na lang ang tingin sa pagkain ko bago sinagot ang tanong ni Jemmel.

"ahhmm…oo dati...Depende sa mood"

"Woahhh.... May pagka-Zick nga. Hahaha…." Masyadong malakas ang boses niya kaya napapatingin ang iba sa gawi namin. Ansarap busalan ng bibig.

"…Kawawa naman ang skwelahang ito at dito pa napunta ang dalawang tulad niyo." Dugtong nito. Napaangat ang kilay ko sa sinabi niya. What does he meant by that?

"Ano ba ang tulad namin?" Naunahan ako ni Zick sa pagtatanong. "Dimunyu. Hehe" Nagpeace sign pa ito. Sumama ang tingin ko sa kaniya. Kung nakakamatay lang ang titig kanina pa siya bulagta. Gago!

"Wanna die?" sabay na sabi namin ni Zick kaya nagkatinginan kami. Mukhang nagulat din siya. Nabawi lang ang tingin namin ng marinig ang malakas na halakhak ni Jemmel. Hindi alintana ang mga matang nakatingin sa kaniya. Mas lalong Tumalim ang titig ko kay Jemmel. Gusto ko na siyang ibitin patiwarik. Tarantado!

"BWHAHAHAHAHA Fuck! Sabay pa talaga kayo. Kambal siguro kayo."

"Kumain ka nalang dyan. Ang ingay mo. Para kang bata." Usal ni Cario na hindi man lang nilingon si Jemmel at patuloy sa pagsubo.

"Grabe ka naman. Masama na bang mamangha ngayon?"   Nakatanggap ito ng batok Kay Zick na tumayo pa para maabot siya at dahil nakay Cario ang atensyon niya hindi siya nakaiwas.

"Aray naman. Joke Lang eh." Naghimas pa ito ng batok. Napailing-iling na lang sila Ara at Leighn. Bumalik naman sa pagkain si Zick kaya ganun din ang ginawa ko

Matapos naming kumain ay nagpahinga muna kami sandali.

"Asera" napalingon ako kay Ara na tinawag ang pangalan ko. Nakangiti na naman ito. Masaya ka ghurl. "bakit?"

"Mabuti pa sumabay ka na lang kaya palagi sa amin sa tanghalian. Kung gusto mo lang naman." Sumabay? Palagi? Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para mapigilan ang pagsibol ng isang ngiti. Sounds great. I won't let that chance to skip. Mas mabilis akong mapapalapit sa kanila- kay Zick. Sasagot na sana ako ng magsalita si Leighn.

"oo nga Asera. Sumabay ka na sa amin palagi. Para may kasabay ka na sa lunch hindi yong palagi kang nag iisa." Epal! Hindi ko na lang pinansin si Leighn at maliit na nginitian si Ara.

"sige." Nginitian na naman ako ni Ara.

"unpeyr talaga!" bubulong-bulong na naman si Leighn.

Matapos naming kumain ay naghiwalay kami ng landas, si Ara at Zick sa kabilang daan nagtungo. Ihahatid ni Zick si Ara sa klase nito, HRM yata ang kurso kaya sa kanilang daan sila. Ako, si Cario, si Jemmel at si Leighn ay sa Madeline Brennan hall naman papunta. Nandun ang Building ng mga business ad students kaya magkakasabay kami. Kablock ko si Leighn at 'yong dalawang lalaki naman ay 2nd year business ad students ganun din di Zick.

____

wala akong problema sa ulam nating mga pinoy like adobo, etc. Kailangan lang talaga sa story. Gema-erss. Mwahhh ^_^. Enjoy reading.