Chereads / PAYMENT OF STEALING / Chapter 5 - CHAPTER TWO

Chapter 5 - CHAPTER TWO

Plan.

Ang ingay mula sa nakabukas na aircon ang tanging maririnig sa kwarto. Kanina pa ako nakahiga pero ayaw pa akong dalawin ng antok. Inabala ko na lang ang sarili sa pag iisip.

Hindi magkamayaw ang isip ko sa pag-iisip ng mga bagay. I'm excited for tomorrow. The first step on stealing Zick Saramedo is ready.

Sa pag-iisip ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

5:30 ng magising ako. Naligo lang ako pagkatapos ay binalot ang sarili sa isang white robe. Nagpahid ng lotion pagkatapos ay pumasok sa isa pang pinto--my own walk in closet ang pinakapaborito kung parte ng kwarto ko. Kalahati ng kwarto ko ang kinoconsume ng room na 'to pwede na ngang maging boutique sa dami ng damit, accessories, shoes and bags. They are my guilty pressure…. My escape… and my everything.

Naka-ayos ang mga damit depende sa kulay at kung pambahay ba ito o pang-alis. I picked a black off-shoulder to emphasize my skin tone. Nakakaputi ang itim. The dress hugged my waist perfectly. Litaw na litaw ang hubog ng katawan ko. Isang dangkal mula sa itaas ng tuhod ko ang haba ng dress kaya litaw na litaw rin ang kahabaan ng legs ko- Asera's killer legs. Iyan ang tawag nila. It is my biggest asset aside from my face, well on the second thought every part of me is a big asset. Kumbaga walang maitatapon, mapapakinabangan lahat.

Lumipat ako sa kabilang bahagi ng kwarto, sa may shoe side. Pahagdan ito. Nasa iba't ibang lalagyan ang mga flat shoes, wedge, stiletto and those sneakers. I choose the 4 inch red stiletto. 5'7 na ang height ko kaya sapat na ang 4 inch. Ayaw ko magmukhang sobrang tangkad. I sat down in the black divan chair and wear my stiletto. Pagkatapos ay lumabas na ako.

Lumapit ako sa salamin. Naglagay ng lip balm, a light cheek tint and a mascara. Hindi masyadong makapal para magmukhang natural. Ayaw kong magmukhang naglalakad na coloring book. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at napangiti sa nakitang repleksyon. I'm good to go. I pick up my gucci bag and stormed out.

I drove my own car. Perks of having a wealthy family, you could have all the extravagant things money can buy. Mabilis lang akong nakarating sa school. Bago ako bumaba ay may tinawagan muna ako. One ring at sumagot agad ito. "Hel-" pinutol ko ang sasabihin niya.

"Make sure everything would go according to the plan." Hindi ko na hinintay na makasagot ang nasa kabilang linya at binaba ko na ang tawag. Lumabas na ako sa kotse at nagsimulang maglakad. Imbes na dumiretso sa unang klase ay sa likod ako ng bagong gymnasium nagtungo.

Medyo malayo ito. Walang ibang tao. A perfect place to execute the plan. Luminga ako sa paligid. Nang may makitang isang bench ay dumiretso ako doon at umupo. Nagring ang hawak kong cellphone. "Hello. Papunta na kami." Binaba ko na ang tawag at nag-abang.

Maya-maya ay dumating sila. The walking coloring book squad. Ang kakapal kasi ng make up. Iyong tumatayong leader nila ang tinawagan ko kahapon na mabilis namang umuo sa plano ko. Napatingin ito sa gawi ko at ngumiti. If I remember it right her name is Sheena.

Maya maya ay sumunod na dumating iyong dalawang  babae.

"A-anong ginagawa natin dito?" I smirked. It was Ara's friend. Ayon kay Sheena Leighn daw ang pangalan ng babae. Pinagkaluno ito ng kasama niya.

"I-im s-sorry napag-utusan lang ako." Mabilis na umalis 'yong kasama niyang babae. Takot na masali sa gulo. Susunod na dapat ito pero nahila ito agad ni Sheena ang tumatayong leader ng coloring book squad.

"Hello dear, miss us?" A bitchy smile can be seen in her face. Hindi ako kita sa gawi nila pero kitang kita ko sila sa pwesto ko. "Hindi ka na makakatakas sa amin ngayon there would be no Ara to save you." This is boring. Masyado silang trying hard. I rolled my eyes.

"A-anong k-kailangan n-niyo s-sa a-akin?" pinalibutan nila ang babae. Takot na takot ito. Why is she so weak? Bakit ba hindi niya kayang protektahan ang sarili niya? "Wala naman akong ginagawa sainyo ah."

"Wala nga. Wala din naman kaming gagawin saiyo." Nanonood Lang ako sa kanila hinihintay ang tamang oras para makapasok sa eksena. "K-kung g-gayon aalis na lan-- ahhhhhhh.." Hinila ni Sheena ang buhok ni Leighn. Iba din, teleserye ang peg. "Opppsss bawal pa.. Hindi pa nga ako tapos e. Wala kaming gagawin saiyo...." Mas diniinin ni Sheena ang paghila sa buhok ni Leighn. "...Wala kaming gagawing mabuti."

Nagtawanan sila. Oh... they remind me of some Disney's villain pinasosyal pa, bruha lang naman talaga.Tumayo ako at dahan-dahang naglakad papunta sa direksyon nila. Tinatamad na akong panoorin sila "Well, what do we have here?" Huminto ako sa harap nila.

Napalingon sila sa gawi ko.  "A-asera" It was Leighn. Gulat na gulat. Nalipat ang tingin ko sa kaniya. So... she knows me. Binalik ko ang tingin ko sa WCBS- short for walking coloring book squad. "We are just having fu--" sinampal ko si Sheena. Napasinghap ang mga alagad niya. Nanlaki din ang mata nito. Napabitiw Ito kay Leighn. Well... Wala 'yon sa plano pero queber. Trip kong manampal ngayon e.

"You are all so noisy. Nakakasira ng araw ang mga pagmumukha niyo...." Namilog ang mga mata nila hindi yata makapaniwala sa sinabi ko. "..... In a count of three. Get lost or Hindi lang sampal ang aabutin niyo. "But-..."

"One.... Two...." Nagmamadali silang umalis. Hinila na nila si Sheena na hindi pa ata nakakamove on sa sampal ko. "..... Three." Mabilis silang nawala sa paningin ko. Naiwan ako kasama si Leighn. Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Yumuko ito.

Tumalikod na ako ng bigla itong magsalita. "T-thank y-you." I smirked. Umaayon sa plano ang lahat. Hindi na ako nag abalang humarap. "For what?"

"For helping me." Mahina ang boses niya pero dahil sa tahimik na kapaligiran dinig parin ito. "I helped you? Really? Kailan? di ko maalala."

Napa-angat ang tingin niya sa akin. Naguguluhan. "Kanina. Pinaalis mo sila Sheena." Humarap ako sa kaniya. The side of my lips twitched. "I didn't helped you. I shooed those bitch because they are so loud. They are ruining my peace." Nginitian niya ako.

"Kahit na. Thank you parin." She extended her hand. "I'm Leighn." Tiningnan ko lang ang kamay niya. Nang nahalata niyang wala akong balak abutin ito ay ibinaba niya. Nakangiti parin. Why can't I see the scared kitten now? She's not afraid anymore? Mas nakakatakot ako kila Sheena.

"You don't have to introduce yourself. Kilala na kita. Halos ng lahat naman." Tiningnan ko lang siya at tinalikuran. Wala naman akong balak magpakilala sa kaniya.

Hindi ko na kailangang maging sobrang bait sa kaniya para umamo siya. I know her kind they value utang na loob that much....  "Wait sandali."... kahit sungitan ko siya, siya parin ang maghahabol sa akin. At tama ako.

Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy sa paglalakad. Nakahabol siya. Sumasabay na siya sa bawat hakbang ko. "Salamat ulit ah....." Hindi ko siya pinansin. "Takot na takot talaga ako kila Sheena kanina....."

Dumaldal siya ng dumadal sa gilid ko. Bakit ang daldal niya? Akala ko pa naman,tahimik lang siya. Para siyang mahiyain. Looks can be deceiving nga.

Naririndi na ako sa boses niya. Tumigil ako sa paglalakad at pumihit pakaliwa para maharap siya. "Bakit mo ba ako sinusundan?" Masungit kong tanong.

"Hehe... Hindi naman sa ganun. Same way lang talaga tayo. Magkaklase tayo." Napakamot ito sa batok. Marahan akong napatango.

Magkaklase kami? Bakit hindi ko siya napapansin? Napaisip ako sa itsura ng mga kaklase ko at napasimangot ng walang kahit isang naisip. Tss. Wala akong namumukhaan sa mga kaklase ko. Wala naman akong pake sa kanila. "Hehe...di mo siguro ako napapansin sa klase,  as expected."

"Wala naman talaga akong pinapansin sa klase." Nagsimula akong maglakad ulit. Ganun din siya. Nakasunod parin sa akin. Nasa likod ko. Salita parin ng salita. Mga dalawang dangkal lang siguro ang layo sa akin. Bakit ang lapit niya?

Tumigil ako sa paglalakad. Nabangga siya sa likod ko dahil sa bigla kong paghinto. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. "Hehehehehe sorry. Huminto ka kasi bigla." Sabi niya with peace sign pa.

"So kasalanan ko?" Mabilis siyang umiling.

"Wala akong sinasabing ganyan. Desisyon ka." Napamaang ako. Inilingan siya at inirapan. Bastos 'to ah. Kung sapakin ko kaya siya nang makita niya?

" Bakit ka ba nakadikit sa akin? Ang laki ng daan." Pag iiba ko sa usapan. Baka masapak ko siya pagnapikon ako. May kailangan pa naman ako sa kaniya.

"Hehe. Gusto ko e tsaka...." Napataas Ang kilay ko sa rason niya. "...I wanna be friends with you." Gusto kong humalakhak. Ganun lang kadali? Pabor sa akin 'to.

"Friends with me? Aren't you afraid of me?" Seryoso kong sabi. Sinusubukang itago ang ngisi, baka mahalata.

"Nope. I mean dati oo. Andami ko kasing masamang naririnig tungkol saiyo. Hindi Naman pala totoo. May tinatago ka parin palang kabaitan. Hehehe." Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad. I smirked. That was easy as expected. Hindi ko na kailangang magpanggap na mabait, di din bagay sa akin.

Nakasunod lang siya sa akin. Pinagtitinginan siya ng mga taong nadadaanan namin. Nagtataka siguro kung bakit nakasunod ang isang bully Target sa isang dakilang bitchesa.

Pagpasok sa classroom ay ganun parin. Nagtitinginan pa rin sa amin. Lalo na nung umupo ito sa tabi ko at hindi ko man lang sinaway. May narinig pa akong napasinghap at nagsimula ang bulungan.

"Hala bakit nakasunod si Leighn the nerd kay Asera?"

"Baka nag apply na alipin. Katulong. Haha."

"Oo nga baka, alalay ni Asera."

"Baka bagong napagtripan ni Asera. Hala... Back up pa naman ni Leighn si Ara."

"Bagong ibubully siguro. Naku! Kawawa naman. Grabe pa naman yang si Asera."

"Oo nga mas malala pa kila Sheena."

"Naku! Mas kawawa. Baka Wala ng magawa si Ara para tulungan siya"

Blah blah blah blah blah......

Hindi ko sila pinansin. Ang babaeng katabi ko naman ay nagsimula na namang magdaldal. Hindi ako nakinig. Tumigil din naman ito ng pumasok ang professor. Mataman itong nakinig.

I smirked. At Napalingon sa bintana sa gilid ko.

It's the plan . They will bully Leighn- Ara's friend and I will come to the picture to save her like a heroine. Sa ganun magkakautang na loob siya sa akin at bubuntot. I know it will work. Sa palagay ko ay mabilis lang makuha ang loob niya, I can easily play her in my palm. She look gullible. Tama nga ako. Ito na mismo ang nag alok na makipag-kaibigan. She fall for the trap- she fall for the play.... easily. Para hindi masyadong halata susungitan ko parin siya at ipapalabas na kaya ko pinaalis sila Sheena ay para sa sariling interes.

Mas inuna kong pasukin ang buhay ni Leighn. I can't just brag in Ara and Zick's life, magiging halata 'yon. Hindi din ako pwedeng bumait na lang bigla at makipag kaibigan kay Ara, hindi din naman ako makalapit kay Zick at landiin siya agad-agad dahil for sure it won't work.

Kailangan ko ng ibang atake.

Kaya mas inuna kong pasukin ang buhay ni Leighn. Kailangan ko lang siyang iligtas. Kahit na hindi na ako maging mabait ay siguradong didikit pa rin siya sa akin. Tulad ngayon.

Kapag nakapasok na ako sa buhay ng kaibigan ni Ara ay mapapabilis ang paglapit ko sa kaniya- sa kanila ni Zick. Kapag gumaan na ang loob ni Leighn sa akin. For sure she will introduce me to her friend—Ara. Which will be a great help.

Leighn will be my bridge to the couple's life. She will be my key to be able to enter in their lives. First plan. Check.

____

Bago pa lang po ako sa larangang ito so yeahh expect a lot of error, clicheness, etc. I still have a lot of years to improve. Mwahhhh :>