Chereads / His Unordinary Stalker [MxM] / Chapter 5 - Kabanata 04

Chapter 5 - Kabanata 04

"Kailan mo ako nakita, Charleston?" pagtatanong ko habang nagi-sketch ng isang portrait sa isang bond paper- portrait ng pamilya ko.

Napatigil sa paglalaro ng rubik's cube ko si Charleston at tumingin sa akin. "I think you were around grade six at the time. Masayang naglalaro ang mga bata sa paligid mo pero ikaw lang yung tahimik na naglalakad pauwi. I was just passing by your school nang mapansin kita. Your cold aura that made you interesting."

Tumango ako sa kanya at pinagpatuloy ang pagii-sketch. Grade six pa lamang ako nang ma-kidnap ako. Na-trauma ako no'n kaya't wala akong kinausap sa school ko maliban sa mga teacher kapag recitation. Grade six pa lang ako nang dumating si Cacao sa buhay ko. Umuulan no'n, at nagulat na lang kami nang may nakita kaming maliit na tutang nanghihina at nilalamig sa tapat ng pintuan namin. Palaging busy sila kaya't ako ang naatasang mag-aalaga sa kanya. Si Cacao lang ang naging kaibigan ko. Umiiwas ako palagi sa mga tao sa eskwelahan, at naka-graduate ako nang siya lang ang kasama ko. Napangiti ako habang iniisip ko 'yon.

"Alam kong guwapo ako, pero 'wag ka namang ngumiti diyan mag-isa," biglang sabat ni Charleston. Binato ko sa kanya ang colored pencil ko.

"Hindi ka ba nababagot dito sa bahay? Palagi kang naiiwang mag-isa dito since your parents are working and Venice's studying," aniya. "All you do are watch movies, sketch, or work. Like what you're doing right now."

"Minsan," sabi ko habang dino-drawing ang magkahawak na kamay sina Papa't Mama. "Pero mas gusto ko dito sa bahay. Dito, sigurado akong safe ako. 'Di katulad sa labas."

"Ano ba yung napanaginipan mo kagabi?" pagtatanong niya habang kaswal na iniikot sa kamay ang rubik's cube. Kinagat ko ang labi ko at ibinaling ang atensyon ko sa bond paper na hawak-hawak ko.

"W-wala," nauutal na sambit ko. "Binangungot lang ako. N-naliligo raw ako tapos biglang may lalaking maputi nang rape sa 'kin," pagsisinungaling ko.

"Michael, I've been watching you for nine years already. I know you stutter whenever you lie." Tumingin sa 'kin si Charleston at tinaas ang isa niyang kilay, na parang nanay na handang manermon at maglitanya ng kasing-haba ng SONA ng presidente.

"Mahabang kuwento..." bulong ko.

"I'm an immortal. Kahit abutin pa ng ilang taon 'yang kuwento mo, I won't mind. I'll be here forever," sagot niya.

Huminga ako nang malalim bago nagsalita. "Nang bata pa lang ako, na-kidnap ako ng isang baliw na lalaki," panimula ko. Naramdaman kong nanginginig ang mga labi ko pero nagpatuloy pa rin ako sa pagsasalita. "Hindi ransom ang kailangan niya, kailangan niya lang ng bata na pagti-tripan."

Binaba ni Charleston ang rubik's cube na hawak niya at tumabi sa 'kin. Hinawakan niya ang balikat ko, na parang sinasabing; 'Wag kang matakot, nandito lang ako.

"Ilang araw akong nakakulong sa madilim na kuwarto niya. Sinugat-sugatan niya ang katawan ko, hinampas ako ng dos-por-dos, pinagtripan ang buhok ko't kinalbo, at pinakain ako ng dumi ng hayop." Nagsimulang manginig ang mga kamay ko pero hindi ko 'yon pinansin. Itinaas ko ang sleeve ng t-shirt ko at pinakita sa kanya ang malaking peklat doon. "Isang araw, bigla siyang naglabas ng isang lagari. Gusto raw niyang tanggalin ang braso ko at ipakain sa alaga niyang mga baboy. Nagpumiglas ako no'n pero walang epekto kasi nga nakatali ang mga paa ko. Napakasakit, Charleston. Hindi ko maipaliwanag ang sakit no'ng nakalaylay na lang ang braso ko. Hindi ko na gaanong naaalala 'yung mga nangyari pagkatapos no'n, nagising na lang ako sa ospital habang yakap-yakap ako ni Mama. Ang sabi nila, may nakapasok daw sa bahay no'ng lalaki't nakita akong walang malay at duguan. Nakaya niyang patumbahin yung lalaki at dinala ako sa ospital."

Tinignan ko ang mga kamay at paa ko at nagflash back sa 'kin lahat ng mga nangyari. Hindi ko na namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko. "Iyon ang dahilan kung bakit takot ako sa dilim, at bakit hindi ako gaanong nakikipagsalamuha sa mga tao. Kagabi... napanaginipan ko 'yon. Napanaginipan ko na kinuha ulit ako ng lalaki na 'yon. Natatakot ako na bigla na lang siyang lumitaw at saktan ako."

Biglang may mga magagaspang na daliri na pumunas sa mga luha ko. "So that's why you were so indifferent to other people when they try to befriend you," bulong niya habang pinupunasan ang mga likidong lumalabas mula sa mga mata ko.

Tumango na lang ako. Tumayo si Charleston mula sa pagkakaupo sa tabi ko.

"Go and get dressed," aniya. Napatingin ako sa kanya habang nagtataka.

"Para saan?"

"We're going out."

"Bakit?"

Tumingin siya sa 'kin habang nakangiti. "You can't stay being a home body, Michael. You need to live your life while having fun. Let's go outside."

***

"Alam mo, hindi na pala dapat ako pumayag. Ako rin naman pala ang gagastos!" nakasimangot na reklamo ko. Tumatawa lang na winagayway ni Charleston ang arcade load card na pinagpilitan niyang bilhin ko at paloadan ng maraming points.

"Ikaw rin naman ang gagamit. Mage-enjoy rito, I promise," pangako niya. Tinignan ko ang paligid. Puro mga arcade game machines ang nakikita ko; basketball shooters, videoke's booth, mga racing games, at marami pang iba. Mapapagod lang ako rito. Gusto ko ng umuwi.

"Doon tayo!" parang batang sigaw ni Charleston at hinablot niya ang kamay ko. Hinila niya ako papunta roon sa mga basketball machine. Wala na akong nagawa kung hindi sumunod sa kanya.

Napangiwi ako. Bakit ang lamig ng kamay niya?

"Let's have a contest." Binitiwan ni Charleston ang kamay ko at ini-swipe ang load card sa machine. "Whoever scores the most points wins."

"Nakakatamad," bagot na tugon ko kay Charleston. Tumingin siya sa sa 'kin at pinakitaan ako ng nakakaloko niyang ngisi.

"Aw, my little Michael-y is scared to lose!" pang-aasar niyang ani sa 'kin. Tinitigan ko siya nang masama at pinindot ko ang malaking kulay pula na button para i-release ng machine ang mga bola.

"China-challenge mo ba ako? Bring it on," sambit ko bago i-shoot ang mga bola sa ring. Hindi ako sanay sa mga ganitong laro kaya't hindi pumasok sa ring ang karamihan sa mga bola, pero tira lang ako nang tira. Nang matapos na ako, sixteen points lang ang score na nakuha ko.

"Not bad," ani ni Charleston at ini-swipe ulit ang card sa machine. Lahat ng sino-shoot niyang bola ay pumapasok sa ring. Maliksi rin siyang gumalaw kaya hindi na ako nagulat nang makakuha siya ng 112 points.

"Madaya," reklamo ko sa kanya nang inabot niya sa 'kin ang tickets na napanalunan niya.

"Anong madaya doon?" pagtatanong niya.

"May 'powers' ka," sagot ko sa kanya habang gumagawa ng quotation marks gamit ang mga daliri ko. "Halatang ginamit mo."

"Hindi, ah! Sadyang magaling lang talaga ako," mayabang na tugon niya.

Nagpatuloy kami sa paglalaro ng mga game machine na nakakalat sa arcade. Pinilit pa nga ako ni Charleston na kumanta sa videoke booth pero tumanggi ako. Mahirap na, wala akong dalang payong. Sa sobrang panget ng boses ko, baka bumalik sa Pilipinas ang bagyong Yolanda.

"Kapag nakuha ko yung stuffed toy na 'yon, anong gagawin mo?" tanong ni Charleston habang nakatingin sa mga claw machine.

"Uh, papasalamatan ka?" sagot ko. Kinuha niya ang load card at ini-swipe sa claw machine.

"'Di ako makakatanggap ng kiss?" Humarap siya sa 'kin at ngumuso habang nakaturo sa mga labi niya. Sumimangot lang ako at tinadyakan ang binti niya.

"Kadiri ka, tumahimik ka na nga lang diyan," sagot ko at iniwas ang tingin ko sa kanya. Bigla akong may napansing grupo ng mga babae na nakasuot ng uniform ng isa sa mga sikat na paaralan dito sa Cavite. Nakatingin lang sila sa amin habang nagbubulong-bulungan.

"Ang guwapo ni kuyang foreigner!" rinig kong sabi nang isa.

"Tumahimik ka nga, baka marinig ka nila! Pero beshy, may itsura rin naman yung kasama niya. Mukhang suplado nga lang, kasi nakasimangot," saway nang isa. Natawa ako nang mahina. Siyempre, may itsura ako. Alangan namang wala akong mukha?

Binaling ko ang atensyon ko kay Charleston na tutok na tutok sa paglalaro ng machine. Nakangiting tagumpay siya sa sarili niya, halatang narinig niya yung sinabi ng mga babae.

"Sila kaya? Parang nagde-date yata sila..." Nasamid ako sa sarili kong laway at umubo nang malakas.

"Are you alright?" Naramdaman kong may marahang tumatapik sa likod ko. Tumango lang ako kay Charleston at nagulat nang nakita ko ang hawak niyang dog plushie. Ngumisi siya sa 'kin at inabot sa 'kin ang malambot na laruan.

"Where's my kiss?" tanong niya.

"Halikan mo yung pader." Kinuha ko ang plushie sa kanya at niyakap ito. Nagsimula na akong maglakad papunta sa counter, at iniwan ko na lang siyang nakatayo doon. Ipapapalit ko para sa mga chichirya yung mga napanalunan naming ticket. Nagugutom na kasi ako.

***

Hindi sapat ang ilang pakete ng junk food para maibsan ang gutom ko.

"Sigurado kang hindi ka kakain?" tanong ko ulit kay Charleston habang ngumunguya ng kwek-kwek.

"How many times do I have to tell you that I'm not hungry?" parang naiiritang sagot niya.

Kumibit-balikat na lang ako at pinagpatuloy ko ang pagkain. Dito na lang ako kumain sa kwek-kwekan sa kanto malapit sa bahay namin at hindi do'n sa mga fast food chain sa mall, kasi nagtitipid ako. Bente lang, nakakain na ako ng anim na kwek-kwek. Nakatipid na, busog pa.

"Ano bang kinakain mo? Kasi nga diba... hindi ka, um... normal," Nag-aalinlangang sabi ko. Parang nanigas si Charleston sa upuan niya at tumingin sa lupa. "Anong nangyayari sa 'yo 'pag pinapakain ka namin ng dog food o kaya mga tira-tira namin?"

"Normal human food. The dog food only tastes good when I'm in dog form. At saka 'di ako kumakain ng tira-tira, remember? Venice shares her food with me. I normally digest them, like normal people do," tugon niya at kinuha niya ang lagayan ng toothpick sa lamesa. Inikot-ikot niya 'to sa kamay niya habang iniiwasan ang titig ko. May tinatago ba sa 'kin si Charleston?

"Ah..." Nilunok ko ang pagkain sa bibig ko at tumayo. "Tara, alis na tayo."

Parang hindi ako narinig ni Charleston dahil nakatulala lang siya roon habang nakaupo.

"Charleston?" tawag ko ulit sa kanya. Napatalon siya nang bahagya sa upuan niya at tumayo.

"Let's go," sabi niya at naglakad palabas sa kwek-kwekan. Agad naman akong sumunod sa kanya.

"Okay ka lang ba? Parang lutang ka yata..." tanong ko sa kanya. Kumibit-balikat lang siya at ibinulsa ang mga kamay niya.

"I'm fine. May naisip lang ako bigla," tugon niya. Tumingin ako sa kanya. Napako lang ang titig niya sa kalsada na dinadaanan namin.

"Ano yung naisip mo?" pagtatanong ko ulit.

"Michael, I'm gonna ask you a question and I want you to answer it honestly," seryosong pahayag niya. Tumigil siya sa paglalakad at tumitig sa mga mata ko.

"Ano 'yon?" Tumitig ako pabalik sa mga asul na mata niya. Ngumiti siya sa 'kin.

"Bakit ba napakaguwapo ko?" tanong niya. Sinuntok ko ang balikat niya at nauna na sa paglalakad. Buwisit na lalaking 'yan, akala ko importante yung sasabihin niya.

"Michael!" rinig kong tawag niya mula sa likod ko.

"Ano na naman?" inis na sigaw ko sa kanya. Tinuro niya ang playground sa 'di kalayuan kung saan kami nakatayo.

"Let's stay there for a while," ani niya at naglakad nang mabilis patungo roon. Kailangan ko maglakad-takbo para mahabol ko siya.

"Alas-nuwebe na, Charleston! Baka nag-aalala na sila..." tutol ko. Tumawa lang siya nang narating na namin ang walang katao-taong playground.

"You left a note in the fridge and you're big enough already," ani niya at umupo sa isang bench. "Hindi sila mag-aalala," dagdag pa niya. Napabumuntong-hininga na lang ako at umupo sa tabi niya.

Tahimik lang kami. Nakatingin lang ako sa mga swing at see-saw sa harap namin habang nakatingala naman si Charleston sa langit. Nang mabagot naman ako sa kakatingin sa mga swing, tinitigan ko na lang ang mukha ng katabi ko.

May pagka-narcissistic siya, pero may maipagmamalaki naman kasi talaga siya. Matangos ang ilong niya at nangungusap ang kanyang kumikislap na asul na mga mata. Kulay pink ang mga labi niya at mahahalata mo talaga ang matulis niyang jawline. Idagdag mo pa ang puti at maskulado niyang katawan, kahit sinong matinong tao ay magagwapuhan sa kanya. Bigla kong naramdaman na bumilis ang tibok ng puso ko. Ano itong nararamdaman ko?

"Take a picture so it'll last longer." Hindi ko napansing tinititigan ko na siya nang bigla siyang magsalita. Iniwas ko agad ang tingin ko at naramdaman kong unti-unting umiinit ang mga pisngi ko.

"Tumahimik ka na nga lang diyan," mahinang sambit ko.