Chereads / In Case You Forget Me / Chapter 53 - A Way To Live While Fighting

Chapter 53 - A Way To Live While Fighting

*Theia's POV*

"RYANNN!!!"

Bago pa man siya bumagsak sa sahig, nasalo siya ni Kuya.

"Ry?? Ryan???" Niyugyog siya ni Kuya tapos bigla siyang humilik.

Lahat kami nakahinga ng maluwag.

"Oh god." He said. "Kakauwi ko lang, gugulatin niya pa ako ng ganun."

"Sorry, Kuya.."

"Why are you all here anyway?" Tanong niya. "May bumagsak ba sa inyo sa exam at nag-iiyakan kayo?"

"No, Kuya." Sagot ni Charm. "May problema lang yang si Ry. Dinamayan lang namin."

"Atsaka bakit may dugo?"

"Nabasag yung bote." Sagot ni Gabby habang nakaturo sa center table.

"Are you okay?" He asked sabay tingin sa braso ko. "Ikaw, Theia?"

"I'm fine."

Bigla bigla kasing nag-aalala si Kuya.

"Anyway tutal gabi narin, dito na kayo matulog." Sabi niya. "Tumawag lang kayo sa mga magulang niyo para alam nilang safe kayo."

"Saan natin dadalhin si Ry?" Gabby asked.

"Dun nalang sa kwarto ni Charm." Sagot niya sabay tingin kay Charm. "Ayos lang naman diba?"

"Ayos na ayos."

"Gab, help me."

Gabby stood up at dahan dahan nilang inalalayan si Ry ng magkabilaan.

"Samahan ko na kayo." Sabi ni Charm.

I watched them hanggang sa makaakyat sila sa hagdan.

"Nasaan si Charm?" Tanong ko kay Kuya. Siya nalang kasi yung bumaba.

"She's helping Gab dress Ry's wound."

"Ah.."

"What really happened here, Theia?" He asked habang nakatitig sa sugat ko. "May kailangan ba kong malaman?"

"Hindi ko rin alam." Sagot ko. "Hindi ko alam kung paano ko ikekwento."

"May kinalaman nanaman ba kanila Ivy?"

I nodded.

Somehow.

Bukod kay Ivy at kay Nate..

"Tuwing umiiyak si Ry, siya yung laging dahilan." Sabi niya. "Kapag ikaw, si Nathan naman."

I smiled. "That's not true. Madalas akong umiiyak tuwing binubully mo no. Isa ka kayang bully, Kuya."

"Alam ko." Napangiti rin siya sa sinabi ko. "Mas okay nga kung ako yung nagpapaiyak sa'yo."

"Madalas ko talagang iniisip kung Kuya ba talaga kita." I told him. "Ang daming senyales na nagsasabing hindi kita kuya e."

"Bakit naman? Kasi hindi ka ganun kaganda?" Biro niya sabay tawa.

"Hindi." Sagot ko. "Kasi sobrang bully mo, hindi naman ganun sina Daddy at Mommy. Tapos ang ganda ganda ko pero ang pangit mo naman. Baka nga ampon ka lang e."

"At ako pa talaga yung naging ampon ha??" Kuya tickled me.

"HAHA-TIGIL-NA-HAHA-AYAW-KO-NA-HAHA!!"

Bumitaw siya tapos umupo na ng maayos sa tabi ko.

"Ayan ang napapala ng mga kapatid na gaya mo." Umirap nanaman siya sa'kin.

"Bakla talaga to." Bulong ko habang natatawa.

"Ano? Ano nanaman yung sinasabi mo?"

"Wala. Wala." Tumayo ako agad para matakbuhan siya. "Ang bingi mo, Kuya!"

Tama nga ako ng ginawa kasi akmang tatayo pa siya pero napansin niya yung bubog sa paligid niya.

"Lagot ka talaga sa'kin bukas!"

"Bleh! Goodnight, ATE!"

I can even hear his laughter kahit nasa 2nd floor na ko. Tuwang tuwa naman siya.

"Kuya, ikaw na bahala dyan ha!"

"Oo na. Oo na."

Charm wasn't inside the room when I entered. I washed up para pagdating niya, tapos na ko.

To my surprise, pagtapos ko, nakaligo narin siya at nakapagbihis.

Ngiting ngiti naman ako sa kanya.

"I know that look, Aletheia." Sabi niya habang nagpupunas ng buhok.

"What look?" I asked innocently then made kissing sounds.

"Ang dumi talaga ng isip mo kahit kailan." Sabi niya sabay bato sa'kin nung towel na hawak niya.

Binalik ko naman agad sa kanya.

"Nilinisan lang namin yung sugat ni Ry tsaka kinuha ko muna siya ng damit sa kwarto ni Kuya."

Nag-explain agad agad. Haha.

"Wala pa kaya akong sinasabi." I said sabay higa. "Judgemental ka talagang, girlscout ka."

"I'm not."

"Kailan ka ba lilipat sa kwarto mo?"

"Nah. Never." Sagot niya.

"Ang hirap matulog ng katabi ka ha."

It was a lie. Titignan ko lang yung reaksyon niya.

"Gaga. King size kaya 'tong kama mo." She said. "Kahit sampu kasyang kasya dito."

"Ang OA ha."

Nagtawanan naman kami parehas.

Tumayo na siya at pinatay yung ilaw. She left the lamp beside her turned on.

"Bessy, matulog ka na."

"Ikaw rin. Good night, Charm."

"Good night, Theia."

Pipikit na sana ako nung may naalala akong sinabi ni Ryan kanina.

"Did you slap Ivy?"

"Wha-t??"

"Diba sabi ni Ry 'the day Charm slapped her'." I turned to her and quoted.

"W-ala lang yun.."

"Charmaine."

She sat up. Umupo rin ako at binuksan yung lamp na nasa tabi ko.

"It's nothing really."

I stared at her and she sighed.

"It's just that nung hindi ka pa nagigising at nalaman kong kinausap ka ni Ivy nung araw na nahimatay ka.." Sagot niya. "I was so mad, Theia. K-aya.. nasampal ko siya.."

"Charm.."

She was sitting with her knees close to her chest and her hands holding them.

"Sobra akong natakot, Theia.." She whispered. "The thought of you gone.. was the scariest thing that could happen to us.."

"Charm naman.."

"I know you love him and I understand that. I really do." Umiiyak na siya. "Naiintindihan ko rin na gusto mong lumaban para sa kanya at ganun rin yung gagawin ko if that will happen with lovey."

"But you're so ready. Handa kang isugal yung buhay mo para sa kanya and we can't let go of you yet." Sabi niya. "I wanted to stop you so badly but I'm your bestfriend. Dapat suportahan kita and I did."

Naluluha ako sa mga sinasabi niya.

"After seeing those marks on your arms, I can't take it anymore, bessy." She closed her eyes. "Kami yung takot na takot na mawala ka but despite of your situation pinili mo siya makasama tapos sasaktan ka lang niya ng ganyan??"

"I'm sorry for the way I acted kanina." She said. "But I won't take back what I said, bessy. Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa'yo.."

Niyakap ko siya.

I didn't know she felt that way.

When I decided to fight for Nate, ni wala akong narinig na reklamo mula sa kanya. Yun pala, iniipon niya lang lahat para suportahan ako sa gusto ko.

"I won't tell you to stop, Theia. I don't want to be selfish but please do the same for us." She said while hugging me. "Just find a way to live while fighting. Para kahit matalo ka, hindi mo kami kailangan iwanan."

***

"This is a bad idea." Sabi ni Charm sa tabi ko.

I didn't answer pero yung utak ko sumagot agad sa sinabi niya.

I know.

It's the day of Gabby's planned trip.

Umalis sila agad ni Ry after breakfast to pack. Ang usapan, dapat before lunch, makadating na kami sa Tagaytay but of course, it didn't happen.

I have no idea kung ano yung nangyari pero Charm said that Gabby went to a mall dahil hindi siya makapasok sa bahay nila. Mukhang nag-away yata sila ni Tita Ella.

A bad timing.

He was done by 2pm. Hindi ko alam kung anong binili niya para matagalan siya ng ganun. Baka malaman nalang namin bukas na pati yung mall, nabili niya na.

Anyway, he insisted on taking us there.

We all know that time is too important for Charm at kanina pa siya naiinis sa tagal ni Gabby.

Now that he's here..

It's actually not a good idea at all.

Mas lalong nainis si Charm.

"I didn't know he'd get a six seater!" She complained. "Kung alam ko lang, nauna na sana tayo."

"Lovey, I asked them to come with us." Sabi ni Gabby while trying to calm his girlfriend.

"Pinaghintay mo kami tapos isasama mo yang linta na yan??"

I can't disagree with her.

Bakit kasi kailangan pa sila isabay sa'min?

"Bessy, tara na." Sabi ko. "Mahuhuli lang tayo lalo kapag nagtagal pa tayo dito."

"Pero kasi!"

"Don't worry." I said. "Lahat naman tayo ayaw yung ginawa ng jowa mo."

Inirapan ko nga si Gabby and he just smiled apologetically to me.

"Atsaka may isa pa tayong kakampi sa loob."

I couldn't describe Ry's face. Hindi ko alam kung paano niya natitiis na makasama silang dalawa sa loob.

I caught his eyes.

Yung lalaking nakaupo sa likod. Nakatingin siya sa braso ko kaya agad ko namang tinakpan ng kamay yung bandage.

"Let's just go." Sabi ko sabay tulak kay Charm papunta sa kotse.

"Bessy!"

"Tiisin nalang natin. Papunta lang naman."

Charm pouted at me pero hindi na nagreklamo pa at umupo sa front seat. Tinabihan ko naman si Ry and he automatically made space para makaupo ako.

I smiled at him nung inabot niya sa'kin yung favorite niyang unan.

"Tagaytay, here we go!" Gabby looked so excited about this.

Six seater wasn't the issue here but the two more persons.

Apat na kami at hindi ko akalain na sila yung aayain ni Gabby para makumpleto yung anim.

Ivy and Nate.

This is the worst idea.

Ano na naman yung pakana ni Gabby?

Kanina ko pa nararamdaman yung tingin niya sa'kin mula sa rear view mirror.

Tama ba yung desisyon kong sumama??

******