Chereads / Beneath The Purple Sky / Chapter 2 - Chapter l: Her Unlucky Streak

Chapter 2 - Chapter l: Her Unlucky Streak

~*~

Bonus Question:

If the world ends tomorrow, what will you do?

Itinuon ni Savie ang kaniyang atensyon sa bawat letrang nakasulat sa Bonus question ng exam. Ano nga bang gagawin niya kapag nagkataong lahat sa mundong ito ay mawawala kinabukasan? No more school. No more family. No more friends and most of all no more Savie herself. Pipigilan niya ba ang paggunaw ng mundo o pipiliting mabuhay ng isang pang araw?

She out an exasperated sigh at pinaikot-ikot niya ang hawak na ballpen sa pagitan ng kaniyang mga daliri. Ano bang relate ng end of the world sa Bio 101? Sabagay, Earth Science pala to. Bahala na nga si Batman. Agad niyang sinagutan ang bonus question. Pagkatapos, napaunat-unat siya. After two days, natapos niya din ang lahat ng final exams niya for the first semester. Her junior years are half way to end. By next year, nasa Senior High na siya. Actually wala pa talaga sa utak niya kung ano mang strand ang kukunin o kung magpapatuloy siya sa SAU o hindi. Napatingin siya sa kalendaryong nakasabit sa dingding ng room. Friday. November 30. Ang huli niyang araw sa school ngayong sem. Bigla siyang nalungkot sa realization na mas maagang matatapos ang sem na to para sa kaniya kumpara sa iba. Marahil ay siya lang nagakakaganito. Sino bang ayaw matapos ng maaga ang sem? Si Savie lang siguro. Maybe because of the fact that she's a little bit different from them. A few weeks from now, opisyal na rin naman na matatapos ang first sem .A few more days kung saan magiging busy na ang bawat estudyante ng SAU para sa Christmas Ball. Isa ang Christmas Ball sa taunang pinagkakaguluhan dito. Sadly, sa apat na taon niya dito hindi niya pa iyon nararanasan. The sem had to always end earlier for Savie. Kung hindi lang sana... She shut those thoughts at the back of her head.

Stop it Savie! Stop pitying yourself it wiil only make things worst.

Tumayo siya sa kinauupuan at ipinasa kay Miss Reyes ang handout niya. The latter carefully scanned the paper. She looked up to her and smiled.

"Congrats, Savie! You have finnished your exams for this sem and enjoy tour vaation," anito. She found her smile odd. There is nothing good with all of it. Nagpasalamat si Savie at agad lumabas ng toom. 11.30 pm. Crowded na ang hallway sa naglalabasang mga estudyante sa kaniya kaniyang klase. Maingay na ang bawat corridor sa kanilang usapan tungkol sa Christmas Ball. Kung ano ang susuotin nila, kung sino ang makakapareha nila. Big deal talaga para sa lahat ang event na yun ...except for her of course. Sinalubong niya sina Maddison at Carrie na kakalabas lang nang kabilang room.

"So how was it? Mahirap ba ?" agad na usyuso ni Carrie. Naglakad sila, nakikisiksik sa ragasa ng mga estudyante at tinungo ang hagdan pababa ng groundfloor.

"Hindi naman gaano," tipid niyang sagot.

"Weh? Di nga, sabi ng upclass matinik daw magpa-final exam si Miss Reyes," singit ni Maddison.

"Ano ka ba naman, Maddi. Iba ang level ng braincells ni Savie sa atin. Genuis kaya to."

Umiling si Savie. "Gagi, andun naman lahat sa itinuturo niya ang mga questions," inakbayan siya ni Carrie.

"Pa-humble ka pa, Savie. Eh alam naman naming genuis ka kaya mas maaga kang nagtretake ng exam." Nalukot ang mukha niya sa sinabi nito. Kung alam lang talaga nila... But she can't tell them the reason. Baka hindi siya matanggap ng mga ito at ang pinakamalala sa lahat, lumayo pa sila. She can't afford that.

"Hindi nga kasi. Don't worry ipapahiram ko sa inyo ang reviewer na ginawa ko. "

Maingat silang bumaba ng hagdan tapos lumiko at tinungo ang corridor kung nasaan ang emergency exit. Medyo mahirap kasing lumabas kapag ginamit mo ng main door.

"Talaga? O di ba sabi ko naman sayo, Carrie kaibiganin natin tong si Savie at maaambunan talaga tayo ng katalinuhan niya."

"Che!" pilit siyang ngumiti. "Binobola niyo naman ako. Kayo nga itong sobrang active sa extracurrilars eh," muntik na siyang madapa ng biglang tumigil si Carrie paglalakad. "Ano ba naman yan, Carrie? Aatakehin ako sa puso sa pinaggagawa mo eh," palatak niya at inalis ang kamay nitong nakaakbay sa kaniya.

"Shhhhh..." Sumenyas si Carrie na tumahimik sila at itinuro ang dalawang pigura sa dulo ng pasilyo.

"Tekaaa...di ba si Thalia yan?"

Napakurap-kurap si Savie. Anong ginagawa ng kakambal niya dito? At sino ang lalaking kasama niya?M hawak na bungkis ng tosas ang lalaki tsaka inilahad ito kay Thalia. Sat niyang baka mahuli sila ni Thalia na nag-e-eaevesdrop sa kaniya eh agad niyang hinila sina Carrie at Maddison sa likod ng nakangangang pintuan ng isang room.

"Teka....ano bang--" pareho nilang pinandilatan ng mata ni Carrie si Maddison. She whimpered like a dog.

The guy cleared his throat first and said, "T-thalia ..." Agad nanlaki ang mata niya sa mukha nito. Si Jules Marquez! Nasa Star Section ito tulad niya at President ng Science Club. Geeky ito at medyo out of this time ang pananaw sa buhay. Laging nakapomada ang buhok nito at kumikinang idagdag pa ang 80`s look nito sa suot nitong antigong salamin at braces.

" Anong kailangan mo?" mataray na sagot ng kakambal niya rito at tila mas gusto pang titigan ang bagong pinturang kuko nito kay Jules.

"G-gusto ko sanang yayain kang .." nauutal ito. Marahil sa pinaghalong nerbyos at takot kay Thalia na parang isang tigreng handa itong sakmalin ano mang oras. "I m-mean ... can- -c-can you be my...d-date?"

"No and never, " diretsahag sagot ni Thalia. "Ayoko sa mga wierdos" aniya tapos nagwalk out at iniwan ang lugo-lugong si Jules. Napangiwi siya. She and Thalia almost have the same physical features. Chinky eyes, thin lips, pointy nose,high cheekbones and a not so white skin except that pinakulayan nito ang buhok ng kulay violet para mas mukhang mas maangas datingan nito. Idagdag pa ang suot nitong black tops at black pleated skirt na tinernuhan pa nito ng combat boot at itim na lipsticks. Hindi rin mawawala ang signature dark eye liner nito. Kasing itim ng budhi nito iyon. Kidding aside, kung siya ay laid back at medyo silent type ibahin nyo si Thalia. Ito ang kaniyang complete opposite. Funky at parang ipinaglihi sa sama ng loob. Bago pa man sila makita ni Jules na nakikiusyuso ay hinila niya na ang dalawa sa exit at lumabas ng building.

"Kawawang Jules," kumento ni Maddison. "Sa lahat ba naman ng babae dito sa SAU si Thalia pa talaga ang niyaya para sa Christmas Ball tsk, tsk. "

They traced their way to the other building ang Union Building kung nasaan ang cafeteria at grocery store ng university. Kumpara sa ibang structures dito, ang UB na siguro ang pinakaluma. Kalahati kasi ng pundasyon nito ay gawa pa sa kahoy. Ang dalawang palapag nito ay laan para sa cafeteria, sa club rooms, sa computer room at student lounge kaya medyo siisikan.

"Alam mo, Savie minsan talaga nakakapagtatakang kambal kayo ni Thalia. She's a brat!" Nagngingit na sabi ni Carrie. She couldn't agree more. Thalia can be a brat ... all the time.

"Well hindi siya si Thalia kung hindi siya brat," aniya.

"Paano mo nagagawang pagtiisan yun? Pwede namang dahan-dahan lang ang pangrereject niya kay Jules. She doesn't have to rubbed it in his face."

Pumila na silang tatlo sa counter.

"Shut up, Carrie. Inis ka lang dahil si Thalia ang niyaya ni Jules at hindi ikaw," tukso ni Maddison dito. Matagal na kasi nitong crush si Jules. Actually kahit siya naguguluhan kung ano nga bang nagustuhan nito kay Jules. He is a perfect epitome of a walking oddball in fashion style atleast.

"Oh eh ano naman ngayon kung may gusto nga ako kaya Jules?" protesta nito. "Di naman ibig sabihin nun nagseselos ako kasi si Thalia ang niyaya niya. Ang punto ko lang hindi naman niya kailangang pagsungitan ang tao."

"Kelangan defensive talaga te? Naku sinasabi ko sayo, Carrie! Alam na alam ko na ang mga linyahang yan. `Wag ka nang magdeny, halata namang nagseselos ka," ungot ni Maddison dito.

"Hindi kaya!"

"Nagseselos ka!"

"Hindi nga. Ba't ang kulit ng lahi mo Maddie?"

Hanggang sa makuha na nila ang order eh hindi pa rin tinitigilan ni Maddison kakatukso si Carrie .Maingay silang naghapunan. Napailing na lang si Savie sa kanilang dalawa. Atleast hindi na sa kaniya ang atensyon nila.

Mga bandang ala-una na sila natapos. At dahil wala na rin nan silang mga klase sa hapon iyon ay napagdesisyunan nilang bumalik na lang mg dorm at humilata. Nasa likurang bahagi ng campus ang Dorm Area. Medyo malayo sa mga buildings. Malaki ang sakop na kupa ng St.Anne's University. Halos lahat ng ammenities nandito na rin. Mga kainan, cafe's, grocery stores. Minsan lang silang lumabas .Nasa isang bayan malayo sa studad naka-situate ang SAU. It's a perfect haven for those who love nature. Para nga itong resort. Malapit sa dagat at nasa pagitan ng bukirin. Nakakatulong din sa ambiance ng lugar ang naglalakihang puno at mga halaman. She breathed the air. Savie always find SAU enchanting. Kahit na sa palagay ng iilan ay boring ang buhay dito, pakiramdam niya ligtas siya dito, malayo sa magulog syudad. For a time being nakakalimutan niyang na may sakit pala siya.

Don't get her wrong. Wala namang taning ang buhay ni Savie. It`s just that she has a very odd allergy. Kaya naman mas pinili ng Mama niya na dito pagaaralin ang kambal. Thalia detested this place. Mas gusto niya sanang mag-aral sa city pero dahil sa kaniya nasira lahat yun. Kailangan niya laging magpaubaya dahil may sakit si Savie... Sometimes she felt guilty for her dahil maraming bagay ang hindi nito nagagawad sa kaniya. She always had to looked out for her. Pakiramdam niya tuloy para siyang krus na kailangan niyang buhatin. Marahil isa iyon sa mga dahilan kaya napalayo ang loob niya kay Savie. Naiintindihan niya naman eh kung bakit ni ayaw nitong may nakakalam na kakambal siya nito. Maybe somehow, Savie deserved it. Dahil sa sakit niya.

"So, kailan ang alis mo?" Carrie snapped her back to reality. Napaaamang siya sa tanong niya. Ugh. Ayaw niya sanang pag-usapan ang topic na to as much as possible kaso...

She shrugged her shoulders, "Mamaya, susunduin ako ni Mama."

"You know what, Savie minsan hindi ko maiwasang isipin na may tinatago ka sa amin. I mean marami kaming bagay na alam sayo maliban sa sobrang talino mo. I always felt there is something missing." Napayuko si Savie. Ayaw niya rin namang itago sa mga kaibigan niya ang sakit niya. It's just that she's overwhelmed with the fear of rejection.

"I-im sorry..." mahinang usal ni Savie, Maddison gave her reaasuring smile saka siniko si Carrie.

"No...No...don't be sorry, Savie. Naiintindihan namin. But we just want to assure you na kahit anong mangyari kaibigan mo kami. Okay?"

"Yep..thats right," segunda ni Carrie at hinimas ang balikat. "Ang lakas mo talagang sumiko."

"Manahamik ka na kasi di ka nakakatulong."

"T-thank you guys... Mamimiss ko kayo ." She sniffed. Naging madrama tuloy siya sa pinagsasabi nila, "Sobra."

"Pinaiyak mo si Savie."

"Wala naman akong ginagawa ah."

"Che! Ang talas talaga ng tabas ng dila mo."

"No it's okay, Carrie. Nalulungkot lang akong umalis." They hugged her tight which made her feel more guiltier.

"Isang buwan lang naman tayong di magkikita di ba? It's just December marami pa namang ibang buwan sa kalendaryo," tumango siya at nginitian ito.

As if it was it okay but it was never okay.

As soon as they reached their quarters in the dorm, Savie packed her things up. Maddison and Carrie had taken their afternoon naps. Pagkatapos niyang magligpit ng gamit, naghanda na siya para umalis. She took a shower and did her rituals. By 3:15 handa na siyang umalis. She took one last glance at her friends and headed out. Bitbit niya sa kaliwang kamay niya si Wilson, ang kaniyang teddy bear. Wilson is her emotional support teddy bear .Hila-hila niya naman sa kabilang kamay ang maleta. Paglabas niya ng dorm agad niyang nakita ang Mommy, nakasandal ito sa rover. Nakasuot ng formal attire, sigurado si Savie ma kagagaling lang nito sa opisina. Ayaw niya kasi siyang magcommute kaya nagboluntaryo siyang ihatid siya sa El Fuego kung saan niya papalipasin ang holidays. Nasa syudad ang trabaho nito which is almost two away from there. As asual, she enthusiastically beamed at her.