CHAPTER TWO
The Chains that Bind Her
"Ma!" matagal bago ito nakasagot dahil may kausap siya sa phone niya. Ibinaba niya ang hawak at binigyan siya mahigpit na yakap.
"How`s the exam baby? Mahirap ba?" tanong nito at saka siya pinakawalan
"Hindi naman gaano, isa pa nag-aral naman ako eh !" she ruffled her hair.
"I know..I know. Ikaw pa ba?" aniya. "Nasaan ang kakambal mo?"
Nagpalinga linga si Savie pero wala ni anino ni Thalia.
"Ewan," nagkibit balikat siya. "Baka may pasok pa siya o di kaya practice sa cheering squad."
"She never told anything, right?"
"Ma, it`s her privacy. Tiwala lang. It`s Thalia were speaking of. Our Miss Competent."
There is nothing Thalia can't do. She excells in both academic and extracurriculars. Beauty amd brains pa. Kaya nga tinatawag ang tawag niya dito siyang Miss Competent. Minsan di niya mapigilang maiinggit kay Thalia. She live her life well unlike her. She heaved a deep sigh.
"Ang lalim nun auh," sabi ng Mama habang inaalalayan siya nitong ipasok sa trunk ng kotse ang maleta. " Is something wrong?"
"Ma," alanganin niyang sagot. "Can I stay for a few more days? Sa susunod na linggo na ang Christmass Ball and I really want to go."
Naging seryoso ang mukha nito. Sana di niya na lang sinabi ..It was too late kusang umawass ang mga salitang iyon sa kaniyang bibig.
"Sabrina, how many times do we have to talk about this ? Hindi pwede, malalagay ka sa alanganin kapag nagkataon."
"Ma, kaya ko namang alagaan ang sarili ko. I'll always keep my med in my pocket." She gave her mother her most desperate look, "Just this once please."
Malakas na isinara ng Mama niya ang trunk at matalim siya nitong tinitigan. Halos mabingi siya sa tunog niyon. Napayuko si Savie. She felt so gulty for bringing up that topic.
"You can`t, Savie! Paano kung mainpeksyon ang mga allergies mo?Paano kung i-bully ka nila ? Paano kung atakehin ka bigla at walang tutulong sayo? Savie naman, isang buwan lang naman to," napataas ang boses nito.
She can felt her heart inside throat. She tried her best to suppressed her tears.
"Pero lahat ng kaibigan ko pupunta... ako lang ang hindi." At sa puntong yun, nabasag na ang boses niya.
"Savie no, I can't risk that. Alam mo yan." she said firmly. "This is the last well talk about that Christmass Ball." Nauna itong pumasok sa loob ng kotse. She calmed myself down bago sumunod sa kaniya.
GROWING up is like an ordeal and the hardest part it? It's the fact there are a lot of things you wanted to do but only to realize you couldn't. Hindi madali ang lumaki. Isa iyong nakakapagod na proseso na nangangailangan ng matinding determinasyon at sa kaso niya pasensya. Mahabang pasensya. She just wanted to be a normal person for a day. She wanted to enjoy the world in December. Ang nagkakantahang mga bata sa daan, ang nagkikislapang christmas trees, ang mga regalo. Gusto niya silang tingnan katulad ng pagtingin ng iba sa kanila kase para kay Savie nagdadala ito ng matinding kalungkutan tuwing nakikita niya sila. They made her feel unwanted. They reminded her of how awful her situation is. Katulad ngayon, nakadungaw na naman siya sa bintana ng kwarto niya sunusundan ang magaslaw na galaw ng mga batang naglalaro sa labas. Simula kasi noong lumitaw ang kakaibang sakit na ito ay iginupo na siya ng Mama niya sa mga bawal at hindi pwede. Minsan naisip niya kung tama pa ba to? Para sa kaniya ba talaga to lahat ng ito? O para sa sa Mama niya? To make feel releived?
That's why sometimes she can't help but hate December out of all the months. In December, it`s where all her nightmares came to life. At dito mag-uumpisa ang lahat. Two hours from now the ordeal is set to began. Two hours before December first. She inhaled the freshness of the air and turned her eyes on the vast land laying aboard. Ang El Fuego ay isang malaking isla na napapalibutan ng mga maliliit na islet.Malaki ito at iilang munisipalidad ang sakop. Dalawang oras ang biyahe papunta sa pantalan kung saan pwede kang sumakay ng bapor para tawirin ang malapad na karagatan. Mahigit trenta minutos din ang itatagal nun. Mukhang masukal na gubat ang isla kung titingnan mo sa malayo dahil nagtataasan ang mga puno dito.
Pagkatapos siyang ihatid dito ng Mama niya dito, bumalik kaagad siya sa city. Naiwan nman sa SAU si Thalia, dalawang linggo pa bago siya sumunod dito. As soon as she got here, Savie locked herself inside her room. She felt horrible all over again. To some, El Fuego is such a wonderful place to stay for a vacation. The lush green mountains, the crystal-like sea that encapsulated it, everything screams serenity, a perfect getaway from the busy streets of the city but none of this make her feel welcomed. Kabilaan ang mga beach resort at farms dito, emphasizing the suburban life in here. None of this matter para kay Savie, El Fuego is her jail and the worst thing about it? Anyone could hardly notice how she detested this place. She wanted to be somewhere faraway from here. She almost felt like a princess in distress trapped in a cursed castle, waiting for her prince to save her. But life is more complicated than it seems
Spanish-style ang mansyon magmula sa malalaki nitong mga bintana at malapad na balkonahe sa harap. Well-ventilated din ang bahay dahil sa masusing mga disenyo at estruktura nito para makapasok ang sariwang hangin. Dating pagmamay-ari ito ng kaniyamg Lola Ebing , she passed away two years ago. Naiwan kina Aling Josie at Kuya Julio,ang mga caretakers nila ang pamamahala nitong mansiyon. Kalahati ng estruktura nito ay gawa sa pinagtagpi-tagping pwid at kawayan habang ang ibabang parte naman nito ay sementado na. Ang sa hig ay nilapatan na ng tiles, ang dating sahig ay naluma at nasira na. Para mapreserba ang Spanish features nito, nagdesisyun ang Mama niya iparenovate ito at gawing bahay bakasyunan. May iilan pang antigong kagamitan na nakadisplay dito. Ang koleksyon niya Lola ng mga tea sets at maayos na nakahilera sa estante ng malaking aparador sa ilalim. May iilan ding painting at sculpture na nakasabit sa mga dingding nga bahay. Dala iyon ni Lolo Dani tuwing napupunta siya ng ubang bansa para sa trabaho. May sarili rin itong mini library na puno ng mga libro, iyon ang pinakaparito niyang parte ng bahay. Rags to riches ang kasaysayan ng pamilya nila. Nagsikap sina Lolo at Lola na bigyan ng maalwan na buhay ang kaisa isa nilang anak, ang mama niya. Pero sa kabila ng pagiging family heritage ng lugar na ito, pakiramdam niya rehas ang bawat sulok ng mansyong ito. Nakakanlong siya sa loob ng lumang bahay, wala silang kapitbahay dito. Ilang kilometro pa ang layo ng mansion mula sa town proper. Kaya nga dito sila dinadala ng Mama niya. Kaunti lang pwede niya makahalubilo. Sabagay, masyadong di kaaya aya ang itsura niya tuwing ....
Sumalampak siya sa malambot kama. Hot tears started rolling down in her cheeks. She is not the Lucky Savie everyone knows, mas bagay na Unlucky Savie amg nickname niya. How can she be lucky at this state? Nang ipinanganak sila ng Mama niya, ideneklara nang patay ang sanggol na si Savie. To their surprise, the baby statred crying, that's why pinauso ng Mama niya ang pangalang Lucky Savie. She wanted to tell her that the world never welcomes her existence at all. People would say Savie had a perfect life. Kailanman hindi sila nagkaroon ng pagkukulang sa pera at sa pagmamahal ng Mama niya kahit na sabihing isa itong single mom.They never knew who is their biological father. Wala ring naiikwento ang Mama niya. She have friends, wala siyang naging problema pagdating sa academic. All of it were a perfect blanket that hides the monster inside her.
Nakatulog si Savie sobrang sama ng loob.
It was the same dream she often dreamed every December. Nasa loob siya ng isang madilim na pasilyo. Isang malaking cabinet. Natatakot siya. Hindi niya alam kung sino o ano nga ba ang kinatatakutan niya. Niyakap niya ang sarili. Her small limbs were trembling, her eyes filled with tears. Paulit-ulit siyang umuusal ng dasal na sana hindi siya matuntun ng halimaw na iyon.
"Savie... I`m here. Nasaan ka na?" His voice resonated along the walls. A huge lump formed in her throat. Napatakip siya ng bibig. Baka marinig siya nito. Ilang ulit niyang tinatawag ang Mama niya sa loob ng kaniyang isip. Hoping it might reach her.
"I brought new toys. Di ba sabi mo gusto mo nito?"
Pinigilan niya ang sariling lumabas. It was the toy she's been meaning to have. He is a monster, paalala niya sa sarili. Muli niyang isiniksik niya ang sarili sa pinakadulong espasyo nang marinig niya ang papalapit nitong mga yabag. Mabigat iyon at mabagal.
"Savie, Savie. Ano na? Mas gusto mo bang kay na lang Thalia ang mga laruang to?"
Hindi. Hindi. Ayoko. Hindi pwede. Umalis ka na please...
"Hello.." Marahas na bumukas ang aparador. She gasped, it almost came as a whimper. Nasilaw siya sa liwanag na duloy ng ilaw sa kwarto. Hindi niya maaninag ang mukha ng lalaki dahil sa liwanag.
"I found you." Ngumisi ito na parang demonyo. Gusto ni Savie na magsisigaw at humingi ng tulong pero parang nawalan siya ata ng dila sa puntong yun. Tanging hikbi lang ang naisagot niya. Inilahad nito sa kaniya ang kamay. Makapal iyon at naagaw ang pansin niya sa isang pilat na tila nagmula sa isang hiwa.
"Ano tara na?"
Umiling siya. Nawala ang ngti sa mga labi nito at napalitan ng isang matinding pagakadisgusto. Galit ito. Alam niya. Galit ito sa kaniya dahil ayaw niyang makipaglaro sa kaniya.
"Lumayo ka sakin.." sa wakas nagawang umawang ng nanginginig niyang mga labi. Napasigaw siya ng hablutin siya nito at malakas na iginiya sa palabas. Ibinalibag siya nito sa sahig .
Savie gasped. Her eyes flew open. Her breathing became rigid as if the air began to escaped from her lungs. Basang-basa ng pawis ang likuran at mukha niya. Kinalma niya ang sarili. Panaghinip lang lahat yun. She is safe here. Walang halimaw, she told herself. When her nerves cool down, bumangon siya at binuksan ang ilaw. Tahimik ang buong kabahayan .
Sinipat niya ang salamin. It`s exactly 1:30 am and her stomach is already growling. Hindi pa pala asiya nakakapaghapunan. Dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdag. Nakabukas ang ilaw sa kusina kaya naaaninag ang bulto nina Aling Josie at Kuya Nilo sa may sahig at natutulog. She rummaged the ref. May ulam at kanin na maayos na naka-tupperware. Isinara niya iyon at naghanap ng pancit canton sa cupboraabuti na lang at may natira pa. Nagsalang siya ng tubig sa heater hinintay iyong kumulo at idinagdag ang mga noodles at pinalambot. Binuksan niya ang mga pakete ng mga seasonings at nilagay sa isang bowl. Pagkatapos ng labing limang minute , kinuha niya na ang noodles at idinagdag sa mga seasonings. Nasa gitna na siya ng pagmimix ng may mapansin niyang kakaiba.
An ant was crawling in the table towards her. Nabitawan niya ang hawak na tinidor, natulos siya sa kinatatayuan. Hindi lang nagiisa ang langgam na iyon, libo-libo o mas higit pa ang kasunod nito. They were all looking at her fixatated.She could see her own reflection in their crystal-like dark eyes. Napaatras siya. Halos mapuno na nila ang buong kusina. She felt something bit her right hand. Agad niyang inalis sa balat niya. Sinipat sipat niya ang kagat. It turned into a blister, mamula mula at may nana.Huli na nang mawari niyang nasa harapan niya na pala ang milyon-milyong langgam.Impit siyang mapatili. They slowly make their way into her legs then to her upper body. Nanlaban siya at pilit silang inaaalis habang napapahiyaw sa pinaghalong takot at sakit. She can feel their tiny legs crawling inside her skin, her ears,her mouth and unside her eyes. To her horror, they covered her whole body. Then everything went jet black as she loose her last streak of consiousness.