CHAPTER SIX
The Accomplice
Mas tinodo pa ni Savie ang pag-pepedal. Nakasunod naman sa likuran niya sina Winona at nakasunod naman sa kanila ang mga tanod. Nang marating niya sa isang intersection malapit sa baranggay hall ay sinenyasan niya si Trejan na sa kaliwa sila dumaan habang siya naman ay sa kanan. Plano niyang iligaw ang mga sumusunod sa kanila. Kitang- kita nyia na naguluhan ang mga ito kung sino ang unang tutugisin at katulad ng inaasahan natagalan ang mga ito sa kanilang diskusyon giving them enough time to flee. Nauna siyang makarating sa mansyon. Agad niyang hinila papasok ang bike sa bakuran.
"Bilis! Bilis!" sigaw niya sa mga kasama.
Nang makapasok na sina Winona at Trejan sa loob ay agad niyang isinara ang gate. Iniwan naman nila iyong mga bisikleta sa gilid at dumaan sa backdoor. Lumusot sila sa kusina. Tagaktak ang pawis nilang tatlo. Dahil sa pagod napasalampak na lang sila sa sofa. Pakiramdam naman ni Savie naparalisa lahat ng buto niya sa katawan. They bursted into laughter. That---- was epic!
"What happened to your face?" si Trejan. Wala pala itong alam sa sitwasyon niya. She mentally slap herself . Natanggal ang hood na nagtatago sa mukha niya.
'Kung di ka ba naman tanga at ibanabalandra mo pa yang mukha mo
' The little voice in her head said. She ignored her remark.
"Allergies," she paused for a while. "Pretty bad allergies." Mabuti na lang hindi na ito nagtanong pa.
'Syempre takot yan.Mukha ka kasing si Godzilla' She closed her eyes and took a deep breath. That freak little voice is Savie Junior--- the antagonist of her very exixtence and her eternal critic.
Silence reigned over them. Walang may gustong magsalita. Maybe they were thinking of the same thing. Paano kung nasundan pala sila ng mga tanod? Hindi niya maipinta kung ano ang magiging reaksyon ng Mama niya pero isang bagay ang sigurado si Savie, she will definitely be grounded. Pero wala syang pakialam, she is willing to face the consequences. Her limbs still remember the adrenaline that swept throughout them. Pakiramdam niya lumilipad siya at walang sino man ang makakpigil n sa kaniya para lumipad pa nang mas mataas--- not even her mother or this awful allergies. For the first time in her life , she felt free of the chains that bounded her.
"Savieeeeee!" Winona said in amusement. "Pano mo---pano mo nagawa yun?"
"It`s just--- I don`t know. I got so angry at him and everything that happens next were hazy."
"Hah? ano daw?"
"Basta yun na yun. I punched him for being a jerk. He deserves it so I don`t feel guilty at all."
Winona look more confused with her answer.
"Ang sabi niya, manahimik ka .Ang ingay mo kasi," singit ni Trejan na medyo nawawalan ng pasensya sa pagiging hilong talong ni Winona. Isang malakas na tampal naman ang isinagot ng isa.
" Sinungaling ka! Ba`t ang ikli lang nung sinabi niya sayo ang haba haba?"
" Anong mas mahaba? Binilang mo ba per syllble yung sinabi ni Savie?"
Umiling si Winona , " Hinde."
" Eh mas maikli yung sinabi ko sa sinabi niya kaya,tsss." Hinimas ni Trejan ang balikat niya at masakit na tinitigan si Winona.
" Bakit ? Pag mas maikli ba ang pasasalin mo kaysa sa orihinal, tama na agad yun? Hindi naman di ba? Kaya may limampung pa rin na porsyento na mali ang iyong pagsasalin.Pero dahil kaibigan kita, nadagdagan uli iyon ng isa pang limampung porsyento."
"Anong konek nun sa pagkakaibigan natin aber?"
"Gago ! Kilala kita kaya alam ko kung nagsisinungaling ka o hindi. Ano nga yun? Yung in-in-intitowsyun?"
" Intuition yun."
" Ganun parin yun,duh," Winona rolled her eyeballs at him.
Pakiramdam ni Savie isang sikat na teen fiction movie ang napapanood niya habang busing-busy ang dalawa sa pag-dedebate. Dumapo uli ang kamay ni Winona sa balikat ni Trejan. The latter winced.
"Sumusubra ka na .Naminihasa ka na talaga sakin" anito. Winona gave him a bored looked.
"Ang drama mo uy di kaya bagay sayo ! Tsaka anong pinagsasabi mong sumusubra?"
She was just sitting there, watching them. Hindi niya alam pero she find them cute whenever they argue on the slightest thing. Sure ba silang magkaibigan lang sila?.
"Ang sabi ko, pabigat ka sa huhay ko. Ang bigat-bigat mo kaya. Ang hirap magpadyak. Muntik nang mapigtad ang kadena ng bike kasi ang bigat mo ...po. Wag kang ano, may po yun."
Another smack hits his shoulder.
"Aray ang galang kaya ng pagkakasabi ko nun. Gumamit ako ng po."
"Anong magalang dun? Kulang na lang tawagin mo kong balyena!"
"Tinawag ba kitang balyena?"
"Hindi."
"O hindi naman pala eh. Ang sabi ko lang mabigat ka--- sobrang bigat."
"O di ganun na rin yun. Ulul ka ba? Ha?Ha?" Biglang tumayo si Winona at ginaya- gaya iyon ginawa ni Savie kani-kanina lang kay Boy Ipis, "Gusto mo matulad ka dun sa manyak na yun ha?" Hindi pa ito nakuntento at inilabas ang braso Iniunat- unat niya ito na parang isang boksingerong papasok sa ring, "Laban ka ?"
"Ewan ko sayo. "
Savie giggled. Napatingin naman sina Winona at Trejan sa direksyon niya. Both of them were throwing odd looks at her.
" Oh, don't mind me. I just find you guys...cute. Wala yun," tumayo siya at pinagpag ang mga alikabok na kumakapit sa damit niya. She never had a hefty laugh eversince she arrived here. The scene somewhat comforted her. "Kukuha lang akong pagkain. Mukhang gutom lang yan eh."
Papalapit na siya sa ref nang biglang sumigaw si Winona .
" Sigurado ka bang ayos ka lang ba talaga? Baka naalog utak mo sa pagpepedal. "
" Sa inyong dalawa, ikaw ata ang napasukan ng hangin sa utak, Win hehehehehe," ani ni Trejan. Binatukan ulit ito ni Winona. Napailing-iling na lang siya sa kakulitan ng dalawa.
THEY had come into a conclusion na kailangan nila ng base camp. Hindi niya na ata gugustuhing makipag-habulan sa mga tanod dito. Ano bang napasok sa utak niya ng oras na yun at muntik niya nang putulin ang ulo ni Boy Ipis kahapon?She should have let it pass right? Pwede naman hindi niya pansinin. She felt so guilty about it na ni pagpikit kagabi ay hindi niya nagawa. She should have---- this is so unlike her. Iyong Savie na ni hindi kumakanti ng dulo ng buhok ng iba.Iyong Savie na mabait sa lahat. It's just that --- everything happened before her eyes. Napahilamos siya ng mukha. What happened was something that reallt bothers her. It was not her nature. She is a gentle soul.
Ang kanilang base camp ay ang lumang tree house sa likod-bahay. Masikip para pagkasyahin ang tatlong teenagaers sa loob. She and Thalia used to play in here, napabayaan na nung lumaki sila o mas tamang sabihin na nagbago na ang tingin nito sa kaniy. She became Thalia's nemesis because their mom gave her full attention and the result Thalia's revolting. Hanging out with the not-so-nice person in school, got into troubles at may anger manangement issues. Yep! a typical girl in her age. Sometimes she can't help but to think if she is someone normal.Walang wierd na allergy. Maybe everything would have beem perfect. Siguro hanggang ngayon close pa rin sila. Siguro--- she pushed that thought aside. Wala na rin naman kasing magbabago. This allergy is her curse.
The tree house was built on largest branch of the tree. A few of it's wooden walls had given up already but the floor and the roof remain sturdy. May mga laruan ding nakatago sa mga pinagpatong-patong na mga karton sa gilid.
Winona squirmed in her sit, trying hard to fit herself inside the tiny space. Si Trejan naman busing-busy kakakuha ng mga agiw sa buhok niya at si Savie naman ay namaluktot sa gilid. Maalinsangan ang hapong iyon at hindi sila nakaligtas doon. Sweats was all over their faces.
"O ano na?" Si Winona.
"Anong ano na?" Sagot ni Trejan.
"Yung ano ..." napakamot siya ng batok, hindi alam ang sasabihin.
She could really smell something fishy between the two. Baka amoy lang ni Winona, mukha kasi siyang di naligo ng isang linggo.
Malalim na napabuntong hininga si Trejan, "Anong gagawin natin?" This time tumingin siya sa direksyon niya. Baka kasi mabaliw ito kapag si Winona ang kausap.
Napaupo siya ng tuwid. Sa kasamaang palad, tumama ang ulo sa isang kahoy. She felt the braincells inside her head summersault. Pero tinawanan lang siya ng mga itp. She can't help but to laugh too. She found their situation a little silly though. Nang humupa na ang tensyon sa pagitan nila tatlo, naunang magsalita si Trejan.
"Masakit ba, Savie?"
Umiling siya.
"Hindi na. Heheheheh"
Tumango tango ito.
"You know you can laugh at your own problems too."
She beamed at him.
"Of course!"
Nagpabalik-balik naman ang tingin ni Winona sa pagitan nila ni Trejan.
"Oy isali nyo naman ako sa usuapan. 'Wag kayong mag-Inglis inglis sa harapan ko pakiusap.." parang batang maktol nito.
"Bahala ka jan. Sinabihan na kitang dapat marunong ka rin nun. Patay ka talaga next year. Gagradweyt na tayo pero di ka pa rin marunong," he scowled at Winona.
"Teka-----"
Savie cut her off.
" O, tama na yan. Baka jan pa kayo magkatuluyan niyang eh," kantiyaw niya sa mga ito. They both stared at her as if going to throw up.
"Just kidding! Pikon niyo masyado. Let's get down to business, shall we?"
"Basta ba hindi na tayo magpapahabol sa mga tanod."
She already made a mental note about that. Kahit na sobrang thrilling nang 'fun run' nila hangga't maaari kailangan nilang maging maingat at doon siya magaling--- ang maging maingat. Given her situation, she had to at all cost.
"So any suggestions?" pareho nagtaas ng kamay sina Winona at Trejan. Winona glared at the latter. Defeated, he automatically put his hand down.
" Kulamin na lang natin sila. Alam mo, pinag-aralan ko kagabi ang black book mo Lola at marami akong nakitang pwedeng gawin. Pwede natin silang lagyan ng nagnanang mga sugat, pasukahin ng pako, at higit sa lahat gawin silang mga palaka. Mga mababahong palaka!"
Gusto sanang sumuka ni Savie sa mga pinagsasabi ni Winona. Umisod naman ng ilang sentimetro si Trejan dito. Ayaw siguro niyang maging palaka.
"O bakit? Ang ganda kaya ng plano ko. Siguradong wala nang kakanti sa puno kapag nagkataon. Matatakot na ang mga lapastangan!"
" Uhm.... as much as possible, dapat wala tayong masasaktan ...kung pwede lang naman, Win," Trejan's voice trembled in fear. Maybe he's wondering if why he is friends with Winona.
"Sang-ayon ako sa kaniya,Win. I think it would only make the matter worst. Anything aside sa..", Savie cleared her throat. Para atang umatras ang lahat ng kinain niya kanina. "Pangkukulam."
" We need help," si Trejan. "Iyong may katungkulan sana dito sa baranggay. Sa tingin ko mas mapapadali iyong pangongolekta natin ng petisyon kapag may taong may koneksyon sa kauukulan."
She totally agreed with him.
" That's nice. Pero sino naman? Alangan naman yung mga tanod? o i Chairman siya may pakana lahat ng ito."
" Si Austene kaya? Di ba siya ang chairman ng SK ngayon, siguradong may kakayanan siyang manghikayat ng mga tao?" iyon na ata ang pinak-sensible na sagot ni Winona sa tanang buhay niya.
" Pwede naman. We need someone who can influence people especially the youth," sang-ayon ni Savie. " But..... paano natin gagawin yun? Dapat iyong close sa kaniya parang mas madali. Close ba kayo nun?" tanong niya kay Trejan.
Napakamot naman ito ng batok, " Hindi eh. Parang aral- bahay lang naman alam nun eh. Medyo strikto kase yung Papa niya. Medyo ilag nga kami sa kaniya sa school."
Kung ganoon ang personality ni Austene papaanong nagustuhan nito si Thalia ? Parang sobrang layo naman ng magnetic pole ng mga ito. Sabagay, opposites attract pero kahit na di ba ? Hay, love moves in mysterious ways ika nga ni Kyla.
" Eh ikaw Win? Close kayo? "
Winona snorted, " HIndi nga sila close ni Trejan, ako pa kaya?"
" So..... sino ang kukumbinsi sa kaniya?"
" Di ikaw na lang Savie. Tutal medyo malapit lang naman yung bahay niya rito eh."
Savie`s forehead creased, " Ni hindi nga nun alam na nag-e-exist ako eh! Saka ano --- ang pangit ko kaya."
" Anong pangit ? Ang kyut mo kaya mukha kang tigyawat na tinubuan ng mukha," Savie pressed her lips together. " Biro lang! " agad na bawi ni Winona sa sinabi nito.
" Ewan ko sayo!" kunway nagtatampong aniya .
" Pero s atingin ko may punto si Winona , Sav. Alam mo kasi ang mas convincing kapag ikaw yung kumausap sa kaniya. Kung si Winona siguradong matatakot yun. Kapag naman ako olats ako eh saka awkward hehehehe."
" Am I the sacrificial lamb?"
" Oo," chorus ni Winona at Trejan.
" Kahit na di ko alam ang ibig sabihin nun heheheh."
" Wag kang mag-alala tutulungan ka namin. Ganito lang naman ang dapat mong gawin. Kumuha ka ng buhok niya tapos ihahalo ko yun sa isang inumin tapos kapag ininum na niya yun, siguradong magugustuhan ka na niya !"
" Ay baliw! Gayuma naman yun eh."
" Gagi ! Epektibo yun kaya nga ako nandito sa mundong to."
" Okay fine, gagawin ko na ," ani ni Savie bago pa magka-world war 3 sa pagitan nina Trejan at Winona. She just wanted this to be over. Aakuin na lang niya tutal siya rin naman ang may pakana nitong lahat.
She just wished it would be easy to convince him.