Chereads / Beneath The Purple Sky / Chapter 4 - Chapter lll: Life And All Those Shits

Chapter 4 - Chapter lll: Life And All Those Shits

NAGISING si Savie na sumisigaw sa takot. Beads of cold sweat formed along her forehead. Her hands were shaking involuntarity. Her breathing was deep and rapid. Dumadagundong sa taenga niya ang tunong ng puso niya. Horrified, she quickly get up the bed. Her chest began to tightened.

" Aling...J-josie " It felt like she couldn't find her own voice. The words comming out from her mouth was hoarse. There were white patches in her eyes as her conciousness slowly detoriated.She tried to get up but her legs felt so wobbly that the the next thing she felt is the cold floor of her room. That's when the door opened with a loud bang.

"Jusko..Sabrina!"

Hindi niya aninag ang mukha ni Aling Josie pero alam niya kung paano mabahala at mag-alala ito tuwing inaatake na naman siya. No matter how many times she'd seen her in this horrible state, it always felt like the first time. Naiintindihan niya dahil ganuon din ang nararamdaman niya sa mga oras na yun. Kaagad siya nitong dinaluhan at maingat na inilagay ang kaniyang ulo sa hita nito.

"My--my m-meds...cabinet.." Pilit niya itinuro ang kinaroroonan ng gamot . Doon na pumasok sa eksena si Kuya Nilo at agad na hinalungkat ang bedside table niya. Sa unang compartment niya natagpuan ang isang baso ng tableta, hindi na siya nagsayang ng oras at dahang dahang ibinuka ang kaniyang bibig bago isubo ang gamot. Pinainum rin siya nito ng isang basong tubig.

Her eyesight began to get better, naging normal na rin ang tibok ng puso niya. Her hands eventually stop shaking.

"T-thank you.." medyo nahihirapang pasalamat niya sa kanila.

"Naku ....patawad, Savie. Nahuli ako. Nagluluto kasi sa kusina kaya medyo hindi ko marinig," maluha luhang paliwanag nito.

"No ... no wala po kayong kasalanan, ako ang nakalimot uminom ng gamot ko."

"Eh kasi naman eh..". she cut her off. Binigyan niya ito ng isang ngiti, giving her the assurance that it wasn't her fault.

"Really there is nothing to worry about, Aling Josie. Ok na po ako. Wag na kayong mag alala." Bumangon siya mula sa pagkakahiga.

"Nabulahaw kami sa sigaw mo ineng... Naku kung nahuli kami siguro ng isang minuto--" sabi ni Kuya Nilo.

"Wala naman pong masamang nangyari, maayos na po ako," sagot niya at sinipat-sipat ang sarili. Her hands were covered with ugly blisters. Sigurado siyang ganuon din ang buong katawan niya isama pa ang kaniyang mukha. "Well,except these," itinaas niya ang dalawang kamay. "But all in all , I'm fine.Pakiramdam ko nga kasing lakas ko si Pako," tukoy niya sa alaga nilang kalabaw .Tumayo si Aling Josie at inalalayan siyang umupo sa kama.

Kung handa ka na, bumaba ka na lang sa sala, Savie. Ipagtitimpla kita ng gatas. Maghahanda na rin ako mg agahan. Mag aalsingko y medya na pala. Maghahanda pa ako ng pagkain ng mga trabahador sa palayan alam mo naman anihan na ng mais ngayon."

Napatango tango na lang si Savie kahit na lumilipad sa labas ng bintana ang isip niya. That dream, no--- that nightmare seems so surreal. Nang lumabas na sila ng kwarto ay muli siyang napahiga sa kama at niyakap si Wilson.

"Good job, Savie pwede ka nang maging artista sa pinanggagawa mo," aniya sa sarili. Pretending to be okay drained a lot of her energy .Bumaling kaniyang mga mata kung naasaan ang malaking bintana. Tanaw niya mula rito ang unti-unting pagsikat ng araw.The skylines were filled with orange, yellow and red color almost merging together creating a gradient effect. But still, for her it doesn't seem to fit together, ang mga puno at mga palayan lang ang nasa paligid. A typical provincial setting. How can this place felt so tight like a cage for her? Napangiti siya ng mapakla. God! How she missed her life in there.

HINDI siya bumaba salungat sa bilin ni Aling Josie. First, di niya yata kayang makita ang kusina.Takot siyang baka magkatotoo ang napaghinipan niya. Pangalawa, bumabaliktad ang sikmura niya tuwing naaalala ang ang panaghinip niyang iyon.The tingling sensation she felt as thousands of ants covered her body was still fresh at pangatlo at pinakaimportante sa lahat, she looked awful.

She stared at the mirror for the nth time. Halos hindi na maaninag ang itsura niya sa mga pantal pantal na namumula sa buong mukha niya. Kumpara sa ibang pantal sa iba pang parte ng katawan niya, mas malalapad ang mga iyon at malalaki. Nagt-temp siyang kamutin ang mga ito pero pinigilan niya ang sarili. Isa ang pangangati sa side effect nang gamot. Naghalungkat siya sa drawer niya at may nakitang cream. Pinahid niya agad iyon sa mukha niya. Ilang sandali pa bago umepekto ang cream at nabawasan ang pangangati .

Mag-aalasdos na pala ng hapon. Nasa palayan pa si na Aling Josie. Ayos! solo niya ang buong bahay. Agad siyang bumaba ng hagdan. May pagkain sa hapag. Nilaga ang ulam. Magana siyang kumain pero medyo binilisan niya dahil nangangati na ang mga paa niyang umalis ng kusina. She was anxious while she ate, what if it happened? Paano kung maging totoo ang panaghinip niyang iyon? Pumikit siya at nagbilang hanggang sampu .Ganito ang itinuro sa kaniya ng doktor tuwing natatakot siya. Mabilis niyang inayos ang pinagkainan at umakyat mula sa taas. Pumasok siya sa kwarto niya at ibinalibag pasara ang pinto.

Nababaliw na ata siya. Agad niyal dinial ang numero nang mama niya sa cellphone. Natigilan lang siya nung nasa kalagitnaan na siya ng pagpindot ang call button. Siguradong hindi pa ito gising hanggang ngayon. She's tired. She tossed her cellphone in her bed. Napapraning lang siguro siya

"Okay, Savie. Relax. It`s all in the mind." Makailang ulit niyang sinambit ang mantrang iyon. Gusto niyang umiyak, sumigaw, magsira ng gamit. She felt like the whole world is against her. Walang nakakaintindi sa pinagdaraaanan niya. She bit her lower lip. Pinipigilan ang hagulgul niya at hinayaang bumaha ng luha sa mga mata niya.

I'm a hopeless case indeed.

"Savie..." may tumatawag mula sa labas. Si Aling Josie panaghinip. Itinakip niya ang unan sa mukha. Wala siya sa mood para lumabas. Magmumulmuk siya dito sa kwarto. Hindi siya lalabas--- ever. Period. Savie felt so powerless over these things. Ang katotohanang hindi magiging normal ang buhay niya. She hated being born this way...an awful way.

The sweet taste of Kool Aid assaulted her taste buds. Ito ang comfort food niya. Whenever her tongue got a taste of kool aid, her worries seems to dissipate. It calm my nerves down. Katulad ngayon, matapos umiyak magdamag at lunurin ang sarili sa walang katapusang self- pity, nandito siya sa kaisa isang paborito niyang lugar dito sa El Fuego, sa burol malapit sa plaza. Nakaupo siya sa swing na nakatali sa isa sa mga sanga ngmalaking puno ng mangga.Tuwing hapon puno. Ang lugar na ito ng mga batang hindi magkaundaugaga sa paglalaro. Tanaw niya rito ang kabuuan ng El Fuego. Magmula sa walang katapusang mga palayan, patungo sa malapad na karagatan sa di kalayuan.Tinatanaw niya ang kabuuan nito habang ang ibang parte ng mundo ay malayang nagagawa ang sarili nilang mga negosyo. Sa plaza karaniwang isinasagawa ang mga malalaking pagtitipon ng sa bayan ng El Fuego. May mini park iyon kung saan kadalasang magagala ang mga teenagers na tulad niya. May iilang stalls din ng mga street food sa gilid nito. Gusto niya sanang tumambay din doon kaso madaming mga tao ngayon d lalo na at kakalubog lang ng araw. Walang kaalam-alam ang mga kasama niya sa bahay na lumbas siya. Hindi naman sa pinagbabawalan pero medyo strikto mga ito kapag gumabi na. Marami daw kasing mga may masasamang elemento ang nandito. As a kid,she used to believed in them. Now, she foud out it was all just a trick para hindi siya lumabas ng bahay. She let out an exasperated sigh. The dark night blamketed her ugly state. Dagdag pa doon ay suot niya ang costume niyang bunny, her favorite. It covers her whole skin except the part of her face of course nevertheless, it does help.

Tahimik ang gabing ito. As usual. Maliban na lang siguro sa manaka-nakang kokak ng mga palaka at zzzzzt ng mga lamok sa tenga niya. She swatted them as soon as they got close but all in all the night was nice. Her thoughts drifted to where ever my friends are. It`s the day of the Christmas Ball, another reason for her to sulk--- sadly. Siguro nasa gym na sila. Nakikipagsayawan, umiinom ng punch, in short they are having the best time of their lives habang siya heto--- silently cursing the world for being so unfair to her. Siguro nakasuot ng pink na flowery dress si Maddison iyon lasi ang lagi niyang iniuungot. Probably, isinuot lang ni Carrie iyong ginamit niya last year. And Thalia? Sigurado siya nakikipagmake out na yun sa sa isa sa myembro ng varsity. Knowing her they are her type. Bago pa siya makagawa ng estupidong bagay katulad ng self pity(na naman), tumayo siya sa kinauupuan at naglakad pababa ng burol habang tulak tulak ang bisikleta niya. Nang maabot siya na ang main road dun lang siya sumakay ng bike . She pedaled slowly as usual, trying to catch the faint scent of sampaguita tingling behind nostrils. People passed by her, sometimes she passed by them. Siguro ganito talaga ang cycle ng buhay ng tao. Someimes, moments can be fleeting, they never stay. Lahat nagbabago. Except her awful life, sadly. Nasa tarangkahan na siya ng pathwalk papasok sa ancestral mansion nang mapagsesisyunan niyang maglakad na lang. Marahan niyang tinulak na lang ang bisikleta niya. Nakahilera sa magkabilang dulo ng daan naglalakihang fire trees.Their buds bloom against the moonlight and the after effect was fascinating. Animoy may sariling liwanag ang mga iyon. Nasa may lamp post na siya malapit sa gate ng mansion nang may matanaw siyang bulto. Si Austene!

Nagtago siya sa mayabong na mga halaman. Anong ginagawa niya rito? Si Austeen ang masigasig na manliligaw ni Thalia. Sa lahat siguro nang nagkakandarapa sa kakambal niya ito lang ang matapang. How many did she rejected him? 4? 5? She'd lost count. Eversince they spent hollidays in here, laging humibisita si Austeen. Anak ito ng kapitan at aktibong SK Chairman. He wasn't Thalias type. He is tall amd yanky. His curly hair is all over his face. She took a glance at him. Andun pa rin siya sa gate, may bitbit pang mga rosas. Akala niya siguro dumating na si Thalia. She bet he is hesitating to punch the doorbell or not. Ganun naman siya lagi eh. Nabibingi at na napipipi kapagkaharap si Thalia.

Savie studied the guy upclose. In fairness, medyo lumaki ang katawan niya. Bumagay ang medyo well-built niyang katawan sa taas nitong almost 6 feet. Hindi na rin puno n pimples ang mukha niya. His chinky eyes, pointy kose and plumpy lips are now visible. Pumuti na rin siya--- his skin is fairer. His hair is now clean cut. Wala na rin ang patent niyang braces but his glasees are still on. He is now fine specimen of man.

Did she just complemented him? lol.

Inilabas niya ang huling pakete ng kool aid sa bulsa niya at sinispsip iyon. Sinipat niya ang suot na relo .7:15 pm. Sinipat niya uli si Austeen saka muling ibinalik ang atensyon sa kool aid. Nagbilang siya ng five minutes. When she took a glance in the front gate --- wala nang Austeen. Tumayo siya at pinagpag ang mga dahong dumikit sa katawan niya. Ganun na ganun ang ritwal ni Austeen. She caught him a few times already. Napailing-iling na lang siya. He should give up honestly. Kahit na nag-glow up ito ay siguradong wala pa rin itong panama sa batong puso ni Thalia. Itinulak niya uli ang bisikleta papasok ng mansion at iniwan sa gilid ng gate saka pumasok sa loob.