Chapter 3 - Chapter 1

Warning! This story has typos and Errors!

Chapter 1: Expelled

Aeres Point of View

Halos nanlalambot pa akong bumangon sa higaan. Medyo madilim pa kaya naman ay bumalik uli ako sa pagtulog. Pero agad naman binawi iyon ng maalala kong may pasok pa pala kami.

Dali-dali akong tumakbo papuntang kusina para kumain. Pagdating ko doon ay halos tapos na din maghain si mama. napansin niya ang presensiya ko at ipinakita niya sa akin ang maganda niyang ngiti.

"Good morning anak," bati niya. Umupo siya at isinaayos ang plato ko at plato niya. "kain na tayo"

"Good morning din po mama," tugon ko atsaka naupo sa upuan.Napansin kong wala si papa kaya agad akong nagtanong kung nasaan ito.

"Asan po si papa mama? "

Kumuha ng ulam si mama at inilagay niya ito sa kanyang plato. "Maagang umalis pumasok sa trabaho," sagot nito. Sinimulan ko na lamang ang pagkain.

Ilang saglit pa ng matapos ako doon ay agad akong naligo ng madalian. Kahit malamig ang tubig ay di ko ito pinansin. Sa paglipas ng mga minutp ay agad akong natapos at kumuha ng damit na susuotin papasok sa eskwelahan.

"Anak mag iingat ka sa pagpasok," paalala ni mama. Tumango na lang ako at hinalikan siya sa pisngi bago ako tumakbo papunta sa eskwelahang pinapasukan.

Halos kapusin na ako ng hininga sa gate pa lang. napansin naman ako ng guard kaya pinainom niya muna ako ng tubig. kaclose ko din kasi si manong guard kahit papaano.

Matapos ay nagpasalamat ako. Pinunasan nito ang aking pawis.

"Bakit ka kasi tumatakbo? Maaga pa naman," aniya.Humingi ako ng pasensiya sa kanya at tumuloy na lang ako sa room namin upang doon maghintay ng mga dadating.

Pagkarating ko doon ay bukas na ang ilaw at bukas din ang pintuan. Siguro ay may nauna na sakin. Pagkapasok ko ay wala namang tao doon kundi ang isang bag lamang at bukas na aircon. Papatayin ko na sana iyon pero biglaang nagsipatayan ang lahat, pati na rin ang pintuan ay nagsara ng malakas. Nagpanic ka agad ako at halos kalampagin ko na ang pintuan ng may nagtakip ng aking bibig dahilan para hindi ako tuluyang makasigaw.

"Wag kang maingay, halika dito," ani ng tinig na sigurado akong ito ang siyang nagtakip ng bibig ko. Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya. "Wag kang magpapahalatang nakikita natin sila," dagdag pa nito.

Tumango na lamang ako kahit wala akong idea sa nangyayari.

Pinakita niya sakin sa isang bukas na bintana ang iilang kalalakihan at isang lalaking may magulong buhok. Pamilyar siya sa akin kaya naman napapatanong ako sa aking isipan kung ano ang ginagawa niya.

Lumuwag naman ang kamay na nakatakip sa aking bibig kaya pagkakataon ko na para makita kong sino ang nagtakip. Nagulat ako ng si Ahvin pala iyon. Isa sa mga kaklase ko na sikat sa eskwelahan namin dahil sa angking kagwapuhan at dahil rin sa talento sa pagsayaw at pagkanta. Muli kong ibinaling ang tingin sa inuusisa namin

Magsasalita sana ako ng sumenyas siya ng wag akong maingay at tignan ang mga ginagawa nila. Tumango na lamang muling pinagmasdan ang mga susunod nilang hakbang. Sa una'y maayos pa ang kanilang ginagawa. Ni walang nagsasalita sa kanila.

Hanggang sa manlaki ang mga mata ko ng makita ang isang babae na may kung anong naka-konekta sa kanya na dahilan para mamutla agad ito at mawalan ng dugo. Ang buhok nito ay namuti, parang nawalan ng buhay. Napatakip ako ng bibig sa nasaksihan.

"Hay*p ka talaga pumapatay ka pa rin! " Pabulong na sabi ni ahvin. May halo itong pang galit na parang maya maya ay susugudin ka. nakakatakot ang itsura niya at tila nag aapoy ang mga mata. Dahil dun ay napalayo ako ng kaunti sa kanya dahilan para di ko mapansin ang isang bagay.

Nasanggi ko iyon at nakagawa kami ng ingay. Biglang yumuko si Ahvin. Nakiyuko na din ako dahil natatakot akong makita nila. Ayokong isunod nila ako sa babae.

Tumingin sakin si Ahvin. "Sabi ko sayong wag maingay eh," pabulong na sabi niya.

"Sorry natakot lang ako sa sayo Ahvin," saad ko. Bumuntong hininga na lang siya at dahan dahang pumunta sa pintuan.

"Tara lumabas tayo hangga't wala pa sila." Sumunod naman ako at nakalabas kaming pareho ng di nila napapansin.Pero yun ang akala namin.

"You Mr. Aeres and Mr. Ahvin! Anong ginagawa niyo sa loob? Bakit patay ang mga ilaw?! " Sigaw sa aming pareho. Halos manlamig ako sa takot at dahan dahang tumingin.

Nakita ko ang galit na galit na si sir Alejandro. Para itong isang mabangis na hayop kung makatingin. Ang buhok nito ay lalong nagulo dahil sa hanging dumaan.

Hinila ako ni Ahvin at nilagay sa kanyang likuran. "Wala naman sir may pinanonood lamang kami kaya pinatay namin ang ilaw.Ikaw bakit andyan ka sir? Anong ginagawa niyo? " Balik na tanong ni ahvin. Kalmado lamang ito at walang halong galit, hindi katulad kanina.

Natahimik si sir sa tanong nito. Isinaayos nito ang buhok gamit ang pagsuklay dito sa gamit ang mga pagitan ng daliri. Maya maya pa ay ngumisi siya sa amin na parang may naiisip na kung ano-anong kalokohan. Nakaramdam ako ng takot sa oras na iyon.

"Well wala naman Mr. Ahvin may sinilip lang ako." Sumeryoso ang mukha niya "Now go to the office or tatawag ako ng security dahil sa ginagawa niyo dito sa loob ng school? " Aniya. Tumango ako habang si ahvin ay wala pa ring reaksyon at nakipagtitigan pa siya kay sir. Mas minabuti ko na lang na hilain siya papunta sa office.

Third Person's Point Of View

Sa kabilang banda naman ay may isang eskwelahan din pero hindi ito tulad ng isang ordinaryong eskwelahan na may ordinaryong estudyante. Wala ito sa mga mundo ng tao, nasa mundo ito kung saan ang iilang nilalang dito ay may kanya kanyang kakayahan. Dito sa paaralan na pagmamay ari ng Haring si Chronos, na siyang namumuno sa kahariang tinatawag na "Wisteria Kingdom".

Ang eskwelahang ito ay nagtuturo na kung paano at para saan ang binigay sa kanilang kapangyarihan. Ang pangalan naman nito ay halos kasunod lamang sa pangalan ng kaharian. Tinatawag din itong "Wisteria Academy".

Sa loob ng paaralan ay kasalukuyan pa rin itong nakasara dahil hindi pa naman ito opisyal na nagbubukas. Sa isang araw pa ito balak buksan ng hari.

Bagama't nakasara nga ay may iilang estudyante ang pumupunta dito para maglibang libang. May iilan ding nag eensayo dito ng kanilang mga kapangyarihang taglay upang sa gayon ay mas lumalim at malaman nila ang iba pa nilang kayang gawin.

Sa isang puno may isang binata doon halos walang ginawa kundi ang umupo at pagmasdan ang mga kasama niya doon sa loob. Wala din siyang magawa. Bagama't gusto niyang mag ensayo ay ayaw naman makisama ng katawan niya.

Siya si Helios, labing walong gulang.May kakayahan siyang magpakawala o gumawa ng enerhiya galing sa kanyang katawan.

"Helios! Helios! " Sigaw ng isang babae sa kanyang pangalan. Bumaba siya sa puno at napatingin siya doon. Nang makalapit ang babae ay hinila siya nito papunta sa isang kwarto kung saan may nang eensayo. Nagtaka siya kung bakit nais siya nitong hilain at dalhin siya doon.Binigyan niya ito ng pagtatakang tanong.

Tumango ang babae. "Samahan mo ako sa mundo ng mga tao may palagay akong andoon ang kalabang hinahabol natin noon pa at posibleng may ginagawa na naman siyang masama," aniya. Napatango si helios at hinila na ang babae sa pintuan ng kwartong iyon kung saan lagusan iyon papunta sa likod ng eskwelahan.

Nang makalabas ay naglakad na sila ng papalayo upang tahakin ang daan papuntang lagusan. Patungo iyon sa mundo ng mga tao.

Aeres Point Of View

"I'm so sorry you two are automatically expelled, mahigpit na pinagbabawalan ng mga may ari nito ang pag gawa ng mga bagay bagay na dapat ay sa private niyo ginagawa," paliwanag ng guidance counselor sa amin.

Mangiyak ngiyak akong nagpapaliwanag sa kanila kanina pa kung ano ang nakita at kung ano talaga ang ginagawa namin. pero mas pinaniniwalaan nilang nagsisinungaling kami. Hinila na ako ni Ahvin kahit na nagpapaliwanag pa ang guidance counselor sa amin. Walang cctv na nakabit sa room kaya hindi namin maipakita. Napakaunfair nila!

Nakasalubong pa namin si Sir Alejandro at nginisian kaming dalawa. Nilampasan na lang namin siya at nagtuloy tuloy papunta sa gate ng eskwelahan. Pagkalabas namin ay dun na ako umiyak. Isang buwan na lang ay magtatapos na ako sa high school pero naudlot pa dahil sa isang kasinungalingan at hindi makatarungang pagtrato nila sa pagitan ng Estudyante at mga Guro.

Tumingin sakin si Ahvin at pinunasan ang mga luha ko. Hindi namin alintana ang mga tao sa paligid na nakatingin sa amin.

"Wag ka ng umiyak mas mabuting umalis tayo dyan dahil kundi tayo ang isusunod ni Sir, " aniya. Dahilan para mapatingin ako sa kanya. Kumunot din ang noo ko dala ng kuryosidad sa kanyang sinabi.

"A-anong ibig mong sabihin? " Tanong ko. Ngumisi siya ng nakakaloko habang nakatingin sa dalawa kong mata.

"Tanda mo yung mga pinapatay na estudyante noon? Siya ang may gawa nun at isa pa..." inakbayan niya ako at tumingin sa paligid. "Siya ang pumatay sa mga magulang ko,". Dagdag niya pa na nagpagulat lalo sakin. Hindi ako makapaniwala sa aking narinig.

Parang ang hirap isipin pero sa oras ding iyon ay naramdaman ko ang lungkot dahil isa sa mga kaibigan kong babae. Isa siya sa mga natagpuang patay na estudyante nito lang nakaraang buwan. Tulad ng nasaksihan namin ay ganoon ang kalunos-lunos na itsura nito.

Pero mas naalala ko pa kung paano magkunwaring nalulungkot si Sir Alejandro sa pagkawala nito. Ang isang palabas na agad naming pinaniwalaan. Gustong-gusto ko tumawag ng pulis kaya lang bigla akong hinigit ni Ahvin.

"Saan tayo pupunta? " Tanong ko sa kanya.

"Saan pa ba? Edi iuuwi na kita sa inyo. "

Hindi na lamang ako nagsalita at hinayaan siyang hilain ako pauwi.

Itutuloy...