Chapter 2 : Witness
Aeres Point of View
Andito ako sa sala namin kasama sila mama at papa. Sinabi ko sa kanila na expelled ako sa school, ang buo kong akala ay magagalit sila sa akin pero mas napanatag daw sila dahil sa nalaman. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ay may alam sila sa nangyayari.
Nang ipaliwanag namin sa kanila ang lahat lahat kasama si Ahvin ay naniwala ka agad sila sa amin. Nagtaka lamang ako dahil para silang mga kinabahan ng mabanggit ni ahvin na may kung anong nangyari babae at ano ang tila humihigop ng kaniyang dugo.
Tinanong nila kung ano bang itsura nu'n.
Hindi ko nasagot iyon dahil hindi ko masyado nakita. Tanging si Ahvin lamang ang nakakita noon kaya siya ang naglarawan sa mga ito
" Galing yun sa kamay ni sir at parang may sariling buhay na humihigop, maihahalintulad siya sa halimaw na nasa libro. Nakakadiri at nakakapangilabot. "
Pagkatapos na pagkatapos ng diskusyon namin ay nanatili akong nag iisip kung papaano sosolusyunan ang problema. Ang sabi ni Ahvin ay kung saan ako mag eenroll ay doon din daw siya.Nagulat ako dahil hindi naman kami ganoon ka close sa room. Tinanong ko siya kung bakit pero sabi niya ay para lamang iyon sa proteksyon naming dalawa. Bago siya umalis ay mayroon siyang sinabi na tumatak sa aking isipan.
"Mag-iingat ka, alam kong kapag tapos nito ay babalikan tayo ni Sir."
"Halika anak kumain ka tayo," alok ni mama. Tumingin ako sa kanya at hindi umimik. Nanatili akong naka upo. Hinawakan niya ang aking dalawang pisngi. "Ayos lang yun anak ok? Atlis ligtas na kayo ng kaibigan mo," dagdag niya pa.
Para naman akong nabuhayan sa kanyang sinabi. Tama sigurong umalis kami dun at baka kami pa ang isunod ni sir Alejandro. Tumayo na ako at tinulungan siyang maghain ng pagkain sa hapag.
Ahvin's Point Of View
Naglalakad ako pauwi sa amin. Habang pasipol-sipol at bitbit ang aking bag na nakasabit sa isa kong balikat. Iniisip ko pa rin ang lalaking iyon. Paano niya kaya nakakayanang pumatay ng mga normal na tao? Wala bang konsensiya ang g*gong yun?.
Flashback
"Anak tumakas ka na! " Sigaw sa akin ni mama habang siya nakahiga sa lapag at naliligo sa sariling dugo.
Iyak lamang ako ng iyak nun habang ang tatay ko ay nanghihina na. Pilit kong inaabot si mama pero nilalayo niya lamang ang kamay ko at sumesenyas na tumakas na ako.
"Anak sabing tumakbo ka na! Wag matigas ang ulo iligtas mo ang sarili mo!." At sa pagkakataon na iyon ay nailigtas ko ang sarili ko. Ngunit hindi ang mga magulang ko.
Ang suspek sa pagpatay ay isang lalaking bumisita sa amin. Nagbebenta kuno siya ng kung ano ano pero ramdam ko na noon na may masama siyang balak. Mahabang panahon ay hinanap ko ang hustiya hanggang sa ito na mismo ang lumapit sakin. Naging guro ko mismo ang suspek. Ang halimaw na si Sir Alejandro.
End of Flashback
Napahinto ako bigla ng may maramdaman akong sumusunod sa akin. Hindi muna ako lumingon. Pinakiramdaman ko muna kung totoo ang nararamdaman ko. Pero nagtagal ay wala akong naramdaman kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Baka namamalikmata lang ako.
"Kahit kelan pakiealamero kang bata ka," saad ng isang boses sa aking likuran. Agad-agad akong lumingon ngunit isang sapak sa mukha ang natanggap ko.
Nabitawan ko ang bag na hawak ko at napaupo dahil dun. Fuck!.
"Eto pa! " Sigaw niya. Tumayo ako at umiwas sa atake niya. Dito ko nakilala ang taong kaharap ko.
Si Sir Alejandro.
Ngisi lamang ang iginanti ko sa kanya. Hindi ko dapat ipakita ang pinakatatago kong sikreto. Mabilis akong tumakbo para lituhin siya at kahit papaano ay maiwasan kong mabunyag ang sikreto ko. Ayaw kong gamitin iyon dahil baka mayroong makakit sa amin. Mabilis ang pagtakbo ko kahit alam kong mabilis at malapit na niya akong nahahabol.
Kung saan saan ako lumiko upang di niya ako mahabol. Pero sadyang anak siya ng demonyo dahil kung saan ako ay andun din siya. Mukhang wala talaga akong takas.
Lintik na!.
Nang makarating ako sa isang eskenita ay bigla siyang nawala. Dito ako naghabol ng hininga kakatakbo. Pero nagulat ako ng tumalon siya bigla mula sa maatas na bubong ng isang bahay. Napailing ako at tumakbong muli, bigla akong makabangga ng dalawang tao. Dahilan yun para matumba at mapaupo ako sa semento. Nang makita ko sino ang dalawa ay pareho silang nakasuot ng kulay itim na damit.
Agad naman nila akong itinayo at tinanong kung ayos lamang ba ako. Wala na akong panahon para sumagot at makipagkwentuhan kaya sinanggi ko na sila at tumakbo. Pero dahil nga anak siya ng demonyo ay bumulaga siya sa harap ko. Hindi na din normal ang itsura niya. Parang unti unting nababakbak at nagkakaroon ng mga lamat ang mga balat niya sa mukha. Mukha iyong bangkay na ginamit lamang sa pagbabalat-kayo.
Napaatras ako dahil dun.
Ngumisi siya habang umuusod " Ahvin Ahvin Ahvin.." Itinaas niya ang kanyang kamay at lumabas doon ang tinutukoy kong halimaw na pumatay sa babaeng bihag nila kanina. Tama isa ngang galamay iyon na parang may buhay. Gumagalaw-galaw pa ito na animo'y sabik sa pagkain.
"Nakikita mo ba ito? Ito ang pumatay sa babaeng nakita niyo kanina." Saglit siyang tumigil. "At ito rin ang pumatay sa magulang mo." Humalaklak siya ng demonyo.
Damn! Pinaalala na naman niya ang kahangalan niya.
Binaba ko ang bag na dala ko. Gaya niya ay itinaas ko din ang aking kamay. "Ang panget naman ng kamay mo parang ang sarap putulin," saad ko. Napatingin siya sakin at nakita ko ang galit sa kanyang mga mata. Mula sa aking kamay ay lumabas ang pinatatago kong sikreto. Ang kakayahan kong kumontrol o magpalabas ng apoy. Simula bata ay nalaman ko nang may ganito ako dahil sa isang aksidente.
"Isusunod na kita sa mga magulang mo!."
Maingat kong inaatake ang mga iyon sa kanya. Ayokong may madamay na bahay nang dahil sa akin. At ang nakakadiri niyang kamay ay ginamit niya pang atake sakin. Ang itsura nito ay parang malaking uod na may bunganga. may matutulis na ngipin at halatang gutom na gutom. Handa akong sakmalin ano mang oras. Ngunit hindi umubra iyon dahil gumawa ako ng bolang gawa sa apoy at ito ang pinakain ko sa halimaw na iyon.
Nagsimula ng magwala si sir alejandro dahil napaso ang kanyang kamay. Kaya pagkakataon ko na iyon upang tapusin siya.
Ngunit isang nakakagulat na eksena ang aking nasaksihan. Mula sa aking likuran ay sumugod ang dalawang nakaitim na tao. Mabilis ang naging pangyayari.
Ang isa ay may ginawa siyang isang estatwang gawa sa yelo habang ang isa ay may kung ano sa kamay at inihagis iyon sa nagyeyelong katawan ng Guro. Masyadong mabilis ang pangayayari at maya-maya ay nahiwa sa dalawa ang katawan nito.
Sa isang iglap ay namatay siya.
Napatingin ako sa may gawa nun at nakita kong hinubad nila ang itim na damit na kanilang suot. Mula ay nakita ko ang kanila kung ano ang itsura ng mga nasa likod ng pagpaslang kay sir.
Isang babae at lakaki.
Tumingin sila sakin at nilapitan ako.
"Nakita ko ang kakayahan mo, at labis naming ikinatutuwa na katulad ka rin pala namin," ani ng babae. Medyo may kaliitan ito kaya nakayuko ako habang tinititigan ko ito.
"Akalain mo may katulad pala natin na naninirahan dito, pero sigiradong hindi lang naman siya ang nag-iisa," ani naman ng lalaki. Sabay sabay kaming napatingin sa kinanalagyan ng nahiwang katawan ni Sir. "Hindi siya normal na tao kundi isa siyang halimaw na galing sa mundo namin," dagdag pa niya.
Napatingin ako sa kanila at binigyan sila ng makahulugang tingin.
"A-anong ibig niyong sabihin? Alien kayo?" Tanong ko. Nagkatingin pa sila sa isa't isa at binigyan din ako ng nagtatakang tingin.
"Alien? Ano yun? " Sabay na tanong nila. Nasapo ako ang aking noo. Oo nga pala sabi nila ay iba silang nilalang.
"Wala yun salamat nga pala sa pagligtas sige paalam." Naglakad na ng bigla nila akong pigilan.
"Sandali."
Napatingin ako sa kanila. "May kailangan pa ba kayo? "
"Wala kaming matutuluyan kung maari lamang ay sa inyo muna kami makituloy bago bumalik sa mundo namin? " saad ng babae.
Napabuntong hininga ako. Wala pa akong tiwala sa mga ito dahil di pa naman kami magkakilala. Pero dahil sa pagligtas nila sakin..
"Sige sumunod kayo sakin," tugon ko. Nagkatinginan pa sila at sumabay sa aking paglalakad pauwi. Napaisip ako kung tama ba ang pag-sama nitong sa kanila. Pero dahil napagod ako sa katatakbo kanina'y hinayaan ko na lamang iyon.
Itutuloy...