Chapter 7 - Chapter 5

Chapter 6: Freedom

Aeres Point Of View

Pagkatapos ng ilang araw na pamamalagi ko dito ay hindi ko maiwasag isipin kung kamusta na ba si Ahvin at ang mga kaibigan kong sina Elise at Helios.

Iniisip ko din kung sino ba talaga yung matanda. Napatingin ako sa kalangitan na ngayon ay puno ng mga bituin. Naalala ko ang mga magulang ko.

"Ma pa? Kung andyan kayo m-mahal na mahal ko kayo," pabulong kong saad pagkatapos ay tumulo ang aking luha.

Umihip ang malamig na hangin at para bang may yumakap sa akin. Napahawak ako sa aking magkabilang braso at dinama iyon.

"Ayos lang ako dito ma,pa tama nga si Xeves tinuring niya akong reyna at kanyang asawa ngayon ay masaya ako." ani ko uli.

Si Xeves ang nilalang na kumuha sa akin at nagbigay ng kondisyon. Akala ko ay gagawin niya lamang akong alipin ngunit nagkamali ako. Hinainan niya ako ng iba't ibang pagkain. Niregaluhan rin niya ako ng mga kasuotan at iba pang gamit at ipinadama ang pagmamahal na tulad ng kanyang sinabi.

"Mahal?," Ani ng isang tinig sa aking likuran at dalawang makisig na braso ang yumakap sa akin. Alam ko kung kaninong braso  at tinig nanggaling iyon.

Bakit nga ba iba ang hatid ng yakap na iyon sa akin? Parang sinasabi nitong ligtas ako sa mga bisig na iyon.

Sinimulan niyang halikan ang aking batok at pagkatapos ay ang aking leeg. Nagdulot iyon ng kakaibang kiliti sa akin kung kaya't napahawak ako sa kanyang braso.

Bumulong pa ito na para bang may gusto siyang iparating.

"M-mahal," nauutal kong tawag dulot ng kiliti na aking nararamdam. Sa ilang araw kong pamamalagi ko rito ay natutunan ko na siyang mahalin at tawagin din ng tulad ng tinatawag niya sa akin.

Humarap ako sa kanya at hinalikan siya sa mga mamalambot niyang labi. Ginantihan niya naman iyon at bigla akong binuhat ng walang pag aalinlangan at dinala sa aming kwarto.

At doon nanaig ang aming mga katawan at nag isa dahil sa pagmamahal.

"I-ikaw ang makakauna sa akin," saad ko ng halos hubo't hubad na ako. "Nagtitiwala ako sayo," dagdag ko pa.

Hinawakan niya ang mukha ko.

"Ikaw den ang kauna unahan ko kaya magtiwala ka lang di kita sasaktan," tugon niya.

Tumango ako at doon na siyang nagumpisang umulos.

◈⸙◈

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa isang halik sa aking noo. Unti unti kong idinilat ang aking mga mata at una kong nasilayan ay siya.

Ang gwapo niyang mukha at ang kanyang kasuotang mahaba na kalimitang sinusuot ng mga hari.

"Magandang umaga mahal," paunang bati niya  sabay abot ng mga kamay sa akin. Tinanggap ko naman iyon at inalalayan akong tumayo sa aming higaan. Doon kong napansin na hubo't hubad pa pala ako dulot ng nangyari kagabi. " Magsuot ka muna ng iyong damit at magtungo tayo sa hapag upang kumain," dagdag niya pa sabay abot ng mga damit ko.

"Salamat," tugon ko sabay kuha at suot ng mga damit ko. Isa din itong mahabang damit tulad ng kanya. Ngunit magkaiba ang kulay nito.

Nang magtungo kami sa hapag ay samu't saring pagkain pa rin ang nakahain.

Yumuko ang iilang kawal sa akin kasabay din ng iilang katulong doon. Nakaramdam ako bigla ng hiya.

Pinaghila pa niya ako ng upuan. "Salamat," nakangiti kong tugon. Nginitian niya naman ako at saka siya umupo sa tapat ko. Kinuha ko ang mga kubyertos sa tabi ng plato.

Nagsimula kaming kumain. Pero natigil iyon ng biglang sumakit ang aking mga kamay. Naibagsak ko ang mga hawak kong kutsara't tinidor.

"A-aray," daing ko dahilan upang mapatayo sa kanyang upuan si Xeves.

"Anong nangyari?," Tanong niya saka hinawakan ang aking kamay. Napapikit siya ng ilang sandali na parang may binabasa at halatang nagulat sa mga nakita.

Biglang nakaramdam ako ng kaba. "B-bakit?," Tanong ko habang hawak hawak ang mga kamay kong kumikirot sa sakit.

Napatingin siya sakin atsaka ako niyakap.

"Anong problema?," Tanong ko at ginantihan siya ng yakap. Pagkatapos ay humarap siya sakin at hinalikan ako sa aking mga labi't noo.

Bumuntong hininga siya at muling tumingin ang kanyang mga mata sa akin na ngayon ay may kasamang lungkot. "Kailangan na kitang pakawalan," aniya na aking ikinagulat.

May parte sa aking puso ang nakaramdam ng kasiyahan ngunit taliwas ang sa kabila nito dahil nakaramdam ako ng lungkot at takot sapagkat hindi ko na siya makikita.

"Mahal? Pasensiya na ha? Ikinulong kita rito sa kaharian ko. Wag kang mag alala ibabalik na kita sa-," Hindi ko na siya pinatapos pa.  Dahil hinalikan kong muli ang kanyang mga labi kasabay ng pagtulo ng aking mga luha. Pilit kong pinalitan ng matamis na halik ang mga masasakit na salitang lumalabas sa kanyang bibig.

Niyakap ko pa siya ng mahigpit na para bang ayoko siyang umalis.

"W-wag mo kong iwan," pakiusap ko. Hinaplos niya ang aking buhok at ginantihan din ako ng yakap.

Yakap na hindi ko na madadama

"Gusto ko mang manatili ngunit hindi maari dahil kailangan na nating maghiwalay, masakit na kahit sandali ay minahal na kita pero may mga bagay na dapat nating pakawalan lalo na kung kailangan, " aniya na mas lalong nagpatulo ng aking luha. "Ngunit," dagdag niya at yun ang nagbigay ng kuryosidad sa akin.

"Ngunit ano?," Tanong ko.

Nilahad niya ang kanyang kamay. "Tanggapin mo ang pinagkaloob sayo simula ng bata ka pa. ito ang pagmamay ari mo na hawak ko kung kaya't kasa kasama mo ako simula ng pagkabata mo," aniya. Nangunot ang aking noo at tumingin sa kanyang kamay. Namuo ang isang pulang ilaw roon. Para itong usok kung gumalaw at pumaikot ikot.

Mistula itong parang bagyo na umiikot pero dahan dahan lamang.

Dahan dahan kong nilagay ang aking mga kamay doon at ang nararamdaman kong sakit at kitot  ay mas dumoble pa kaya naman napasigaw ako.

"Magkikita pa tayo pangako mahal lagi akong nasa puso mo," paghabol nito.

Pagkatapos ay isang halik uli ang natanggap ko at nawalan na ako ng malay.

Ahvin's Point Of View

Napalapit ako bigla ng makitang gumalaw ang katawan ni Aeres. Hahawakan ko na sana siya ng biglang may isang pulang liwanag ang lumabas sa kanyang mga kamay na nagpatakip sa aking mukha.

Nakakasilaw.

Pero sandali lamang rin iyon at nawala rin. Mas nagulat ako sa aking nakita.

Nakaupo na si Aeres at nakatingin sa akin na parang nagtataka.

"Aeres? T-totoo ba ito?!," Tanong ko. Kinusot niya ang kanyang mga mata at Tumango. Walang pagdadalawang isip na niyakap ko siya ng mahigpit.

Ginantihan niya rin ako. Naramdaman ko naman ang isang mainit na likido na dumukit sa aking damit at balat.

Humiwalay ako sa kanya ng yakap at nakita kong umiiyak siya. Agad ko iyong pinunasan.

"Shh andito na kami, andito na ako miss na miss na kita," ani ko. Halatang nagulat siya sa sinabi ko.

Pagkatapos ay nilibot niya ang kanyang paningin sa buong bahay at nakita ko ang pagtataka niya sa kanyang mukha.

"A-asan tayo Ahvin?," Tanong niya. "Hindi ito ang bahay mo diba?," Dagdag niya pa.

"Nasa kabilang mundo tayo at andito tayo sa bahay nila Helios," saad ko. Napanganga siya sa aking tinuran.

"A-ano? K-kabilang mundo?," Di makapaniwalang tanong niya. Naalala kong di ko pala sinabi sa kanya ang katotohanan noong nasa mundo pa kami ng mga tao.

Tumango ako. "Yup ito ang tinatawag na Wisteria," saad ko. Nag iba ang kanyang tingin at para bang hindi siya kumbinsido sa mga sinabi ko.

"Lumabas ka ng makita mo," dagdag ko pa. Bumaba siya sa higaan at naglakad palabas.

Nakita niya ang iba't ibang puno't halaman pati na rin ang magandang tanawin.

"Woahh." Tumabi ako sa kanya at napangiti. "S-sobrang kakaiba!"

"Sabi sayo eh," ani ko. Muli ay tumingin sakin ang namamangha niyang mga mata.

Biglang dumating ang lola ni Helios. Kaya napagtigil sa pagkamangha at pagtanaw si Aeres at tumingin sa dumating na matanda.

Tinignan din siya nito at nginitian. "Gising ka na pala," saad nito at saka pumasok. Sinundan niya ng tingin ito kung kaya huminto ang matanda at hinarap siya. "Kumain ka muna teka at ipaghahain kita" dagdag pa nito atsaka tumungo sa kanilang kusina upang kumuha ng pagkain.

Tumingin sakin si Aeres. "S-sino siya?," Tanong nito.

"Lola siya ni helios at siya yung gumamot sayo kaso di nagtagumpay," ani ko. Tumango tango siya na parang naiintindihan niya ang sinabi ko.

Pinakain muna namin siya ng mabuti bago niya ikwento samin ang buong pangyayari.

Sinabi niyang pagkatapos siyang dalhin sa palasyo ng nagngangalang Xeves ay kung ano anong kabaitan raw ginawa nito sa kanya kaya napamahal ito. Para banag halata ng halata sa kanyang boses ang saya at lungkot.

"Kailangan niya daw akong pakawalan na  pero nangako siyang babalik at babalik daw siya," aniya sabay tingin sakin.

"May sinabi ba siyang dahilan kung bakit kailangan niyang gawin iyon?," Tanong ng matanda.

Ibinaling niya ang tingin dito. "Wala po pero nangako lang siya kaya alam kong...." Napayuko siya. "Babalik siya at hindi na sa panaginip ko kundi kasama ko na siya sa totoo," saad niya.

"Ano pang nangyari?," Tanong muli ng matanda.

"Pagkatapos po nun mayroon siyang ibinigay sa aking kung anong maliwanag na ilaw kulay pula po iyon pagkatapos ay sumakit lalo ang aking kamay at dun nawala ang lahat at nagising ako," saad niya. Pinagmasdan niya ang mga daliri at palad.

Nagkatinginan kami ng matanda.

Matapos ng usapan na iyon ay bigla namang dumating sina Helios at Elise gaking sa eskwelahan. Kahit pagod ay masaya nilang sinalubong si Aeres ng isang yakap na mahigpit.

Masasabi kong maswerte akong nakahanap ng isang mabuting kaibigan tulad nila.

Pero ang kanina pang tanong na gumugulo sakin ay

Babalik na nga ba kami sa totoong mundo?

Napatingin sakin si Aeres.

"Ahvin? Babalik ka pa ba sainyo?," Tanong nito. Napatingin akong muli sa matanda at kila Elise.

"Hindi ko pa alam," saad ko. "Ikaw ba?," Balik kong tanong.

"H-hindi na siguro...dito na lang ako dahil ayokong balikan pa ako ng mga pumatay sa...magulang ko," tugon niya. Bigla naman siyang nalungkot at tumamlay.

Tinapik ko ang kanyang likod. "Naiintindihan ko hindi ko pa alam ang desisyon ko Aeres pero siguro ay mananatili na din ako dito at ibebenta ang mga ari arian sa iba." Kinuha ko ang kanyang kamay. " At ang perang mapupunta sakin ay itatabi ko na lang para kung kailangan ko ulit doon sa mundong kinalakihan natin ay makapagsimula muli ako," dagdag ko pa.

Napangiti siya. Pinagmasdan kong maigi ang ngiting iyon.

Biglang lumakas ang tibok ng aking puso. Napahawak ako sa aking dibdib

Anong ibig sabihin nito?

"Nga pala niyayaya akong mag aral dito nila Elise b-baka dito ko na lang ipagpatuloy ang pag aaral," saad muli ni Aeres dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Eskwelahan?," Tanong ko.

Masaya siyang tumango. " Oo yung sinasabi nila." Sabay tingin kila Elise. Nakangiti ito sa kanya. "Yung Wisteria Academy".

Xeves Point Of View

Pagkatapos niyang mawala at bumalik sa katawan ay nakaramdam ako ng lungkot

Ipinikit ko ang aking mga mata at nakita ko sa aking isipan ang isang imahe ng lalaki. Nakahiga ito na para bang mahimbing ang pagkakatulog. Puro sugat sa kanyang mga katawan.

"A-anong ibig nitong sabihin?," Tanong ko sa aking sarili.

Nakita ko ang isang imahe kung saan sinapian ang isang lalaki na patay na.

Kung gayon..

Anong koneksyon ng lalaking sugatan sa akin?

Sasapi? Tulog?

Hindi kaya..

"Kung ganoon ang mangyayari ay lubos ko itong tatanggapin," saad ko. Napatingin ako sa  aking mga kamay. Nagliwanag iyon.

Biglang may kung anong ideyang pumasok sa aking isipan. Dahilan upang magliwanag ang aking mukha sa saya.

Kung mangyayari man ay maaring maging tulay ito upang muling hanapin ang pinakamamahal kong si..

Aeres.

Tumingala ako at saka ngumiti. Muli kong nakita ang kanyang mukha sa kalangitan. Naalala ko ang lahat sa kanya.

Mula sa ngiti,galaw at pagsasalita.

Mahal hintayin mo ako. Hintayin mong tuparin ko ang aking pangako sayo.

Itutuloy.