Chapter 3: Reveal
Ahvin's Point Of View
Ngayon andito ako sa terrace namin kung saan ay katahimikan ang namamayani. Nagpapahangin lamang ako dahil hindi ako dinadalaw ng antok. Para lamang akong lumulutang sa ere sa tuwing pipikit ako.
Hawak ko ang cellphone at nakikipagvideocall sa mga ilan kong kaibigan na gising pa hanggang ngayon. Kinakamusta nila ako patungkol sa nangyari.
"Pre mang-iiwan ka dapat kasi di ka nalang nagielam eh," ani ng isa kong kaibigan. Napatingin ako sa kalangitan na puno ng bituin.
"Hindi naman ako nangielam pre tama yung ginawa ko basta kayo mag iingat na lamang dyan sa teacher niyo," tugon ko. Sabay sabay silang napabuntong hininga. "Hindi ko na teacher yan simula ngayon," dagdag ko pa.
Naalala ko palang napatay na namin ang Alejandrong iyon. Pero hahayaan kong sila ang makatuklas nito dahil maaring kami ang unang pagbintangan sa nangyari.
"Eh teka hindi mo na kami makakasama?pano yan? Magbirthday pa naman bukas si Dylan gimik sana tayo." ani ng isa kong kaibigan na halos malapit sa akin. Malumanay pero bakas pa rin sa boses niya ang pagkadismaya sa akin.
"Sasama ako syempre sunduin niyo na lamang ako dito bukas ng gabi," sagot ko. Nakita kong sumilay sa kanila ang mga ngiti.
"Pero teka asan na si Aeres? Bakit pati siya nadamay? Atsaka ano yung ginagawa niyo sa room?," Tanong isa ko pang kaibigan.
"Ah yun ba? Kasama ko kasi siya habang nakikinood kami hindi naman dapat siya madadamay kaso maaga siya pumasok at syempre baka marinig kami kaya ayun dinamay ko na lamang," sagot ko. Nakita ko silang sumang ayon sa akin.
"Nga pala nabalitaan mo na? Patay na daw si sir Alejandro at nakita siyang patay sa isang eskenita hindi nga daw nakilala eh kundi lang daw sa uniform na suot niya," saad nila sa akin. Halatang nagulat ang mga kausap ko habang ako ay napailing.
"Kailan mo nalaman? "
"Ngayon lang, ito oh nasa Facebook."
Mabuti at nabawasan ang masasama sa mundo. Nagpaalam na silang lahat na matutulog na dahil may pasok pa daw bukas. Kaya sinara ko na iyon at nilagay sa aking bulsa.
"Hindi ka din ba makatulog? " Biglang sabi ng isang boses sa aking likod. Nagulat pa ako dahil hindi ko man lang naramdamang andyan pala siya.
Yung babaeng nakilala ko kanina kasama ng isang lalaki sa may eskenita. Sumama kasi sila sakin.
Iniayos ko ang nililipad kong buhok. "Ah oo eh ikaw ba? " Balik kong tanong. Lumapit siya sa akin at tumingin sa kalangitan na puno ng bituin.
"Ang ganda din pala dito sa mundo niyo ano? Simple lang rin halos walang masyadong ingay, " aniya. Napatingin ako sa kanya. " Yung sa amin kasi ay hindi ako halos mapanatag kahit na alam kong ligtas kami doon," dagdag niya pa.
Biglang pumasok sa isip ko ang tanong kung ano ba ang pakay nila sa mundo namin?
"Pero ano ba talaga ang kailangan niyo sa mundo namin?bakit andito kayo? " Tumingin siya sa akin ng seryoso. Doon ko lamang nakita ang kulay asul niyang mata. Katulad ng isang yelo.
"Yung guro mong nagpakilala na si Alejandro ay isang kalaban sa mundo namin hindi siya talaga tao. pumapatay siya ng inosente at habang ginagawa niya iyon mas lalo siyang lumalakas. Kaya Napagdesisyonan na ipatapon siya rito. Pero maling desisyon din pala iyon." Umupo siya sa katabi kong upuan. " Pumapatay pa rin siya."
Bigla ko na naman naalala kung paano niya pinatay ang magulang ko.
Flashback
"T-teka sino ka?" Tanong ng Nanay ko sa isang lalaking pumasok. Dahan dahan itong naglakad papunta sa kanya.
Halos nasaksihan ko kung paano ako pagtabuyan ng Nanay ko para lamang Hindi na ako madamay. Nang wala ng maatrasan ito ay sinakal niya si Nanay. Wala akong nagawa kundi ang umiyak. Bigla namang pumasok si Tatay na galing sa trabaho. Ang nakangiti niyang mga labi ay napalitan ng pagkagulat. Tanda ko pang naibagsak niya pa ang dala nitong pasalubong na para sa amin.
Nakita mismo ng dalawa kong mata kung paano maubos ang dugo ng aking nanay. Si papa naman ay dali dali akong kinuha at tumakbo
palabas.
End of Flashback
Hindi man lang namin nakuha ang hustisya.
"Ginoo maari ko bang malaman ang iyong pangalan? Hindi ko kasi alam ang itatawag ko sa iyo," saad ng babae. Nagising naman ako sa realidad at napatingin sa kanya.
"A-ah ano uli yun?," Muli kong tanong.
Natawa siya ng mahinhin. "Ang sabi ko kung anong ngalan mo dahil hindi ko alam kung anong itatawag ko sayo," aniya. Napakamot tuloy ako sa ulo.
"Ahh ako si Ahvin." Nilahad ko ang aking kamay. "At ikaw si? "
Tinanggap niya naman ang aking kamay. "Ako si Elise, ang kasama kong lalaking ay si Helios," Tugon niya sabay tingin sa buwan.
". Masyado ng lumalalim ang gabi Ginoong Ahvin tayo'y matulog na," dagdag niya pa. Umiling ako kung kaya't nauna na siya pumasok. Tinignan ko ang tahimik na paligid at kalaunan ay sumunod na ako sa kanya.
Aeres Point Of View
"Tulungan mo ako aeres..."
"Tulungan mo kami.."
Ayan ang mga boses na aking naririnig. Hindi ko alam kung nasaan ako at nasaan sila madilim rito kaya ang gusto ko lang ay makalabas rito. Takbo ako ng takbo kahit saan at bahala na kung saan man ako makarating.
"Aeres tulungan mo kami! Aeresss.."
Tinakpan ko ang aking tenga ngunit mas nabigla ako sa aking nakasalubong. Hindi ko mawari kung tao ba ito o ano pero may apat siyang pakpak. Namumula ang mga mata at naka abang sa akin.
"Tama naaa!."
Napabalikwas ako. Pawis na pawis at halos humihingal na parang totoo ang lahat.
Saktong sakto ang pagbukas ng pintuan ko dahil gusto ko ng tubig.
"Anak tara—anong nangyari sayo? " Tanong ni mama ngunit niyaya ko na lamang siya bumaba at doon na lang magkwento.
Nang makababa ay andun din si papa. Hindi niya pa din ginagalaw ang pagkain dahil hinihintay niya kami. Kumuha agad ako ng malamig na tubig at pinunasan ang pawis sa aking noo't leeg.
"Anong nangyari sayo bata ka bakit pawis na pawis ka pagkagising? " Muling tanong ni mama. Umupo muna ako sa upuan bago sumagot.
"Nanaginip lamang ako mama tumatakbo daw ako habang maraming humihingi ng tulong."
Si Papa naman ay nakatingin lamang sa aming dalawa.
"Sa susunod ay galawin mo na lamang ang daliri mo sa paa para hindi maituloy ang ganoong klaseng panaginip, mag-isa ka pa naman sa kwarto mo."
Tumango na lamang ako at nagsimula na kaming kumain. Habang ngumunguya ay tinatanong nila ako kung ano nga ba ang plano ko, at kung saan ako mag-eenroll. Sinabi kong sa susunod na lamang dahil patapos na ang taon at wala nang tatanggap sa akin.
Nang matapos ay naglinis na lang ako ng katawan at nag ayos. Nagpaalam ako na pupuntahan si Ahvin at mangangamusta. Pumayag nanan sila at sinabing bumalik ako bago magtanghalian.
Hindi naman kalayuan ang bahay niya kaya't narating ko din ito di kalaunan. Kumatok ako ng kumatok ngunit walang nagbubukas kaya Napagdesisyonang lumabas na lamang at babalik sa susunod nang bigla kong masalubong ko ang isang babaeng may magandang mukha at diretsong buhok. Base sa tangkad ay kasing taas ko rin siya. Naksuot ito ng itim na damit.
"Pasensiya na nagkamali ata ako ng pasok," saad ko sa babae.
"Sino ba ang hinahanap mo Ginoo? " Aniya. Napatingin ako sa kanya dahil lalim ng kanyang pagtatagalog.
"Ahmm si Ahvin ka-kamustahin ko lamang," nakangiti kong sagot. "Ikaw ba ang girlfriend niya? ".
Binigyan niya ako ng nagtatakang tingin at pagkatapos ay nagtanong. "Pasensiya na ngunit hindi kita maunawaan ano ba yung girlfriend? ".
Napakamot ako sa ulo. Bigla siyang natawa ng mahinhin. "Tunay ngang kakaiba dito sa inyong mundo," saad niya.
Teka sandali? Ano raw?
Sakto namang bumukas ang pintuan at niluwa nun ang dalawang lalaki. Una ay si Ahvin na nakasando lamang at litaw ang may kalakihan nitong braso habang ang isa ay nakasuot ng itim na may maayos na buhok at kulay kahel.
"Oh anong ginagawa mo dito Aeres?," Tanong ni Ahvin. Tumingin siya sa babae at lalaking kasama niya. "Nga pala mga kaibigan ko, Helios At si Elise," saad niya at tinuro ang dalawang kasama.
Nilahad ng babae ang kanyang kamay kung kaya't agad ko itong tinanggap. "Ako naman si Aeres nice to- kinagagalak ko kayong makilala," ani ko. Magpapakilala din sana ako sa lalaki ngunit Kinawayan na lamang ako nito.
Pagkatapos ay nagpaalam naman sina Ahvin at yung Helios. Kung kaya naiwan kaming dalawa nung Elise. Hindi ko alam pero hindi sila pamilyar sakin. Kilala ko ang bawat kaibigan ni Ahvin.
Pero malay ko bang meron pa pala siyang mga kaibigan sa labas ng school.
"Halika pumasok muna tayo at magkwentuhan," Saad ng babae. Pumasok naman ako at umupo sa sala. Si Elise naman ay tumungo sa kusina.
Nilibot ko ng tingin ang buong bahay ni Ahvin. Napakalaki nito para sa iisang tao. Naipundar ito ng kanyang ama bago ito pumanaw. Alam naming ulila na siya sa magulang pero may naiwan itong mga kayamanan at sa kanya napunta. Maaga din siyang nagtrabaho para matustusan ang kanyang pangangailangan. Ayaw niya kasing umasa sa mga pera lamang na pinamana sa kanya dahil mauubos din daw ito balang araw.
Dumating ang babae na may dalang juice.
"Salamat," nakangiti kong sagot pagkatapos at ininom ko iyon ng diretso at nilapag sa katapat kong mesa.
Tumingin siya sa akin " Maari ba akong magtanong? " Tumango ako. "Kanina ay nasabi mo ang salitang girlfriend? Ano ba ang salitang iyon? " Tanong niya.
"A-ah yun ba? Ang ibig sabihin nun dito sa amin ay kasintahang babae," sagot ko. Bahagya siyang nagulat at napatango.
Mabilis na lumipas ang oras at muling bumalik sina Ahvin. Dito ko lubos sila nakilala. Ang sabi nila ay galing sila sa lugar na tinatawag nilang Wisteria. Hindi ko naman alam kung saang lupalop iyon kaya hindi ko na lang tinanong dahil nakakahiya.
Nagtaka lamang ako sa isang bagay. Dahil sa tuwing tinatanong ko sila kung saan sila nag aaral ay iniiba ni Ahvin ang usapan kung kaya't wala na lamang akong nagawa at nagpaalam na uuwi na dahil hinahanap na ako sa amin.
Matapos ang buong maghapon na nasa bahay lamang ako ay wala akong ginawa kundi magmensahe sa mga kaibigan ko sa eskwelahan. Sa totoo lamang ay gusto ko sila puntahan ngunit nakakahiya naman iyon dahil kakaexpelled ko pa lang.
Niyayaya nila ako ngayong gabi na magliwaliw kahit saglit lang ngunit mahigpit akong pinagbawalan nila mama. Mapanganib daw sa akin na sumama sa ganoon hindi ko alam kung bakit pero sumunod na lamang ako.
Biglang may kumatok sa aming pintuan. Tumayo ako at akmang bubuksan ko na sana pero agad akong pinigilan ni papa.
"Silipin mo muna kung sino ang kumakatok dahil hindi natin alam kung sino o ano ang nasa labas," paalala niya. Medyo nawerduhan ako kay papa pero tumango na lang ako at sumilip sa bintana ng dahan dahan.
Isang lalaking may gusgusing suot ang nasa pintuan. Mukhang pulubi siya na manghihingi lamang siguro ng pagkain.
"Sino iyon anak?" Tanong naman ni mama pagkatapos kong sumilip.
"Isang gusgusin po mama ano bubuksan ko ba?" Tugon ko. Tumayo si Papa at siya na ang nagbukas.
Ngunit isang pagkakamali pala ang nagawa namin.
"Ano hong kailangan niyo? " Tanong ni papa. Isang walang reaksyong mukha ang pinakita niya sa amin.Inulit ni papa ang tanong. "Gabi na ho ano ho bang kailangan niyo? ".
Sa pagkakataon na ito ay tinalunan at pumaibabaw niya si Papa. Nagulantang ako sa nasaksihan. Halos hindi ko maigalaw ang aking paa. Nagulat din si Mama at bigla akong hinila nito papunta sa pintuan sa kusina.
"Tumakas ka na! Humingi ka ng tulong bilis anak! " Saad ni Mama . Hindi ko alam pero para akong tuod na sumunod ako sa kanya. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa isang kanto. Dito ako umiyak ng maalalang andoon sina Mama at Papa na iniwan ko.
Wala akong cellphone na dala na ipangtatawag sa mga pulis. Napatingin ako sa isang poste kung saan nakalagay ang pangalan ng street. kung kaya naisip ko kung saan ako hihingi ng tulong at agad tumakbo sa bahay niya.
Sa bahay ni Ahvin.
Third Person's Point Of View
Kahit hingal na hingal ang batang si Aeres ay ipinagtuloy niya ang pagtakbo. Pakiramdam niya ay may kung anong humahabol sa kanya.
Malapit na siya sa bahay ni ahvin ng makasalubong niya ang kaibigan nitong lalaki.
Si Helios.
Wala na siyang pakielam pero hinila niya ka agad ito papunta sa loob ng bahay ni Ahvin. Nang makapasok ay wala na siyang inaksayang oras. Si Ahvin naman ay nagulat sa pagpasok niya dahil kasalukuyan itong nanonood ng isang palabas.
"Anong kailangan mo Aeres? atsaka anong nangyari sayo bakit hingal na hingal ka?" tanong nito. Agad siya nitong inalalayang umupo. Si Elise naman ay agad tumungo sa kusina upang kumuha ng tubig pero pinigilan ka agad niya ito.
"K-kailangan ko ng t-tulong niyo s-sina mama naiwan sa bahay m-may u-umatake sa kanila na hindi ko alam kung ano," natatarantang sabi nito. Pilit siyang pinakakalma ni Helios ngunit para siyang bingi at nagpapadyak.
Wala nang inaksayang oras at agad na bumalik si Aeres sa bahay nila kasa kasama ang tatlo. Daig pa nila ang kotse sa bilis ng pagkakatakbo kaya narating nila agad ito. Pagkapasok palang ay nakita niyabg bugbog sarado ang kanyang ama habang ang ina niya ay halos mapasandal na sa pader.
Ang matanda naman ay wala pa ring reaksyon na akala mo ay isang robot. Patungo ito sa kanyang ina. Ang mga kamay nito ay halos humaba na at tumulis.
Hindi pwersa ng tao kundi para itong isang konkretong hindi nakikita. Nakita niyang may kung anong nabubuo sa mga kamay ng ina niya na mga hugis bilog at bumapalipot dito. isang harang naman ang nabuo sa harapan nila aeres. Nakatingin sa kanya ang inang nanghihina na. Bigla itong sinakal ng matanda.
Kinalampag niya ito kahit hindi niya ito makita. Napapanood niya kung paano nahihirapan na ang kanyang ina na halos magpabigay sa tuhod ni Aeres. Inalalayan naman siya ni Elise at iniupo sa isang tabi.
Nagkatinginan sina Ahvin at Helios.
Maya maya pa ay nawala ang harang. kung kaya nakalabas sina Ahvin. Dito na sumugod ang tatlo upang sumaklolo. Biglang tumigil sa pag iyak si Aeres. Hindi siya makapaniwala sa mga nakikita. Dahil nasaksihan niya kung paano lumabas sa kamay ang apoy ni Ahvin habang ang babae na si Elise ay nagliwanag ang mga kamay at mula sa kinaapakan ng matanda ay naging isang yelo ito.
Habang si Helios naman ay inaalalayan ng kanyang ina papunta sa direksyon kung nasaan siya. May malay na rin ang ama niya at pinipilit siyang puntahan ng mga ito. Hanggang sa nakaramdam siya ng pagkahilo. Hindi niya na alam ang sumunod na nangyari dahil tuluyan na siyang kinain ng kadiliman.
Itutuloy...