Chapter 6 - Chapter 4

Chapter 4: Bad News

Aeres Point Of View

"Tulungan mo ko.."

"Tulungan mo ko.. maawa ka sa akin.."

Tinakbo ko ang kinaroroonan ng boses.  Gustong gusto ko na malaman kung sino ba talaga ang nasa likod ng boses na iyon.

Ilang gabi ko na siyang napapaginipagan. Kaya sa tuwing umaga ay kuryosidad agad ang tumatatak at gumugulo sa aking isipan.

Tulad ng inaasahan andito ako sa madilim na pasilyo. Hindi ko alam kung nasaan o kung ano ang kinalalagyan ko. Basta ang alam ko ay nasa isang panginip lang ako.

"Dito.. dito aeres" ani ng tinig. Sinundan ko ang pinagmulan nun.

At di nga ako nagkamali.

Isang selda ang natagpuan ko. Andoon ang isang babaeng nakagapos ang mga paa't kamay,puno din ng galos ang kanyang katawan at punit punit halos ang kasuotan nito.

Isa siyang bilanggo.

Pinagmasdan ko siyang mabuti. At tumingin din siya sakin. Kitang kita ko ang pagod at lungkot sa kanyang mga mata. Hindi ko alam pero awang awa ako sa kanya at gustong gusto ko siya pakawalan.

"T-tulungan mo ako," sambit na naman ng isang tinig. Alam kong galing sa kanya iyon.

Ngunit bakit hindi man lang bumubuka ang kanyang bibig?.

Nagdahan dahan akong lumapit. Biglang nag iba ang kanyang ekspresyon at para itong takot na takot.

"Takbo aeres..takbo!," Sigaw niya bigla akin. Dito na bumuka ang kanyang bibig. Hindi ko alam kung bakit pero nataranta din ako.

"B-bakit?," Tanong ko. Tinuro niya ang aking likuran.

At doon ko nakita ng isang halimaw sa dilim na may mapupulang mata. Mabilis ako nitong sinugod.

Bigla akong napabalikwas.

"P-panaginip lang pala..," ani ko habang habol ko ang aking hininga. Napansin ko naman ang kwartong kinalalagyan ko.

Hindi pamilyar sa akin ang itsura. Teka nasaan ako?.

"Gising ka na pala ginoo," biglang saad ng isang tinig. Napatingin ako sa pintuan at doon ko nakita si Elise. Lumapit ito sa akin at may hawak siyang tray ng pagkain at isang basong gatas.

Asan ba talaga ako?

"A-asaan ako?," Tanong ko sa kanya. Nilapag niya muna sa isang mesang maliit ang dalahin niya.

Nginitian niya ako. "Nasa ligtas ka ng lugar ginoo halika at mag almusal ka muna," tugon niya. Mas lalo akong nagtaka kung ano ang ibig niyang sabihin?

Anong ligtas na lugar?

Biglang bumukas ang pintuan at niluwa nito si Ahvin. Tinignan ko siyang maigi at napansin ko ang isang galos sa kanyang pisngi.

"Maari mo ba muna kaming iwan Elise?," Saad niya. Tumango ito at nagpaalam muna ito sakin bago lumabas ng pintuan.

Umupo sa aking kama si Ahvin.

"Ahmm kamusta ang pakiramdam mo?," tanong niya. Tinititigan ko pa rin ang galos niya sa pisngi.

"Ayos lang naman," tugon ko. Nginitian niya ako. Tumayo siya at hinawi ang kurtina sa bintana. Pumasok ang sinag ng araw sa buong kwarto. "Teka ano bang nangyari sayo Ahvin? Asaan ba ako?".

Sumandal aiya sa bintana "Nasa bahay kita. Dito kita dinala dahil... mapanganib sa bahay niyo kagabi tanda mo?," saad niya ng di man lang nakatingin sa akin.

Anong mapanganib? Teka naguguluhan na talaga ako.

"Diretsuhin mo ko Ahvin naguguluhan na ako," saad ko. Dito na siya napatingin sa akin. Parang nag aalangang magsalita.

"Handa ka na bang malaman ang katotohanan?," Tanong niya. Biglang tumibok ng malakas ang aking puso at napalunok ako ng laway. Saka ako tumango. "May nangyaring masama sa inyong bahay at nagkagulo doon. May iilang kakaibang tao ang sumugod sa bahay niyo. Nilabanan naman namin sila at natalo pero..".

Kumunot ang aking noo. "Pero ano?,"

"N-napatay ang mga magulang mo nihindi sila nakaligtas dahil mas inisip ka nila..inihabilin ka nila sa akin habang nakikipaglaban  ayaw ko sanang umalis at iwanan sila pero pinilit nila ako kaya wala kaming ginawa kundi iuwi ka dito at itakas," aniya. Napatakip ako ng bibig.

Napatay ang magulang mo

Napatay ang magulang mo

Napatay ang magulang mo

Napatay ang magulang mo

Paulit ulit umaalingawngaw sa aking isipan ang masakit na katagang yan. Kusang tumulo ang aking mga luha at kasabay nun ang hagulgol at halo halong emotion kong nararamdaman.

"Shhh andito ako di kita iiwan pangako," saad ni ahvin. Napayakap ako sa kanya ng mahigpit na parang ayaw ko ng bumitaw. Hinahaplos niya ang aking likod at pilit na pinagagaan ang aking kalooban.

Walang maririnig sa kwartong iyon kundi ang iyak ko at ng isang batang nawalan ng magulang. Para sa akin ay wala ng mas sasakit pa doon.

◈⸙◈

Third Person's Point of View

Sa isang kaharian kung saan nababalot ng hinagpis,lungkot,takot,galit at pagka poot ay namumuno ang isang haring walang awa kung pumatay.

Pinamumunuan niya ang mga nilalang na may masasamang hangarin at mga halimaw na katulad niya ay walang awang pumapatay din.

"Bakit kayo sumugod at nagpakita sa mga tao?! Nalaman tuloy nila ang tungkol sa atin nalagasan tayo ng mga alagad! Mga inutil!," Galit na sigaw ng hari sa kanyang mga alagad.

"P-patawad mahal na hari pagkat gumanti lamang kami," ani ng isa sa mga kanyang alagad. "P-pero may sasabihin po ako mahal na hari," dagdag pa nito.

Napatingin ang hari sa kanya na parang naging interasado sa kanyang sasabihin.

"Ano?," Tanong ng hari. Umupo ito sa kanyang trono.

Tumayo mula sa pagkakayuko ang kawal.

"Ang mga binanggit naming mga tao ay hindi basta bastang tao lamang..," aniya habang may ngisi sa kanyang mga labi.

Nangunot ang noo ng hari. "Ano ang ibig mong sabihin?"

"Sila ay may mga kakayahang tulad sa atin at ramdam ko...May dugo silang tulad natin na naninirahan sa mundo ng mga tao," tugon niya.

Sumilay ang ngisi sa labi ng hari at napalitan ng pula ang itim na itim na kanyang mata kanina. Kasabay nun ang pag halakhak niya ng parang demonyo. Pero nawala din iyon at napalitan ng seryosong ekspresyon.

"Asan sila?dapat dinala niyo sakin ang mga bangkay nila," seryosong saad niya.

Ngunit umiling ang alagad niya.

"Hindi namin ito maidadala sa inyo dahil may mga dumating na iba pang tao at mayroon silang mga bagay na pwedeng makapatay," sambit niya.

"May kapangyarihan kayo! Hindi ba kayo nag iisip na mas malakas tayo kaysa sa mga tao?!,"  Galit na sabi nito. Napayuko ang alagad niya sa takot.

Biglang kumirot ang kanyang sintido at napahawak siya dito. "Nais kong magpahinga na maari na kayong makaalis," utos niya at agad siyang nagtungo sa kanyang kwarto.

◈⸙◈

Ahvin's Point Of View

Pagkatapos umiyak ni Aeres ay nagpa iwan itong mag isa sa kwarto. Hinayaan ko na lang siya upang magluksa at pinalalahanang tawagin na lamang ako kung may kailangan siya.

Pagkabukas ko ng pintuan ay sinalubong ako ni Elise.

"Kamusta na siya? Labis akong naaawa sa kanya dahil sa mura niyang edad ay nawalan siya ng mga magulang," aniya. Napabuntong hininga na lang ako.

Biglang may umakayat ng hagdan at nakita naming si Helios iyon. Lumapit naman ito saa amin.

"Nais ko lamang malaman labis din ang naguguluhan sa nangyari.. kung bakit..may ganung kakayahan ang mga magulang niya?," Tanong nito. Napatingin kami sa kanya.

Oo nga no? Hindi ko ka agad napansin ito dahil sa abala ako sa hindi mamamatay matay na nilalang.

Flashback.

"T-tumakas na kayo iho iatakas mo si Aeres," utos ng kanyang ina. Napatingin ako sa kanya.

"P-pero paano po kayo?," Tanong ko. Muli kong inapuyan ang aking dalawang kamay at nag init ang mga ito.

Biglang may kung anong lumabas sa kanyang kamay. Isa iyong matulis na liwanag na parang kutsilyo.

"Wag mo na kami isipin bilis! Magmadali kayo hangga't kaya ko pa sila pigilan," saad niya uli sa akin. Pinagmasdan ko saglit ang natutulog na si Aeres at muling binalingan ng tingin ang kanyang ina't ama na abala sa pakikipaglaban.

"Sumunod ka na lang sakin wag mong pababayaan ang anak namin ha? Ikaw nalang ang magbalita kapag nagising siya," saad uli ng kanyang ina sakin.

Tumango at agad na tinawag ang mga kasama ko. Walang kahirap hirap na binuhat si Aeres papalabas ng bahay na iyon.

End Of Flashback.

Biglang akong tinapik sa balikat na nagpabalik saking wisyo.

"May problema ba ahvin?," saad ni Helios. Napatingin ako sa kanila.

"Wala wala." Bumuntong hininga ako. "Di ko alam kung bakit katulad natin ang mga magulang ni Aeres pero siguro ay katulad natin sila," saad ko.

Nagulat kami at sabay sabay na nagkatinginan ng may kumalabog sa loob ng kwarto. Pinangunahan ko ang pagbukas sa pintuan at halos magulat sa aming nadatnan.

Elise Point Of View.

Halos manlaki ang aking mga mata sa mga nasaksihan ko mula sa kwarto ni Aeres. Nagsisilutangan ang mga bagay bagay at umiikot ito sa kanyang ibabaw. Ang umiiyak na bata naman ay halata ding hindi makapaniwala sa nangyayari.

"A-aeres a-," putol ko sasabihin ni Ahvin. Pinigilan ko din siya sa planong paglapit nito sa bata. Tumingin siya sakin.

"B-bakit?".

"Wag mo muna siya lalapitan. Delikado," sabat ni Helios. Biglang nag iba ng temperatura sa loob ng kwarto. Hindi ko alam kung sino sa amin ni Ahvin ang gumagawa noon pero alam kong hindi iyon dulot ng kapangyarihan namin dahil pati siya ay halatang nagtataka sa nangyayari.

"A-anong nangyayari?," Saad ni Aeres. Nakatingin siya sa mga kamay niyang may kulay pulang ilaw. Pati na rin sa maga bagay na lumulutang. May kulay pulang pumapalibot rin dito na marahil ay ito ang dahilan ng paglutang

Bakit parang pamilyar ang liwanag sa kamay niyang iyon? Di kaya ito ang kakayahan niya? Pero anong tawag dito?

Palala ng palala ang temperatura sa loob.

"Ahh!!," Sigaw niya. At kasabay nun ang pagtalsik ng mga bagay dahil sa isang  malakas na pwersa. Pati kami ay hindi nakaligtas dito. Nawasak pa ang pintuan ng kwartong iyon na nagdulot ng pagtalsik namin sa labas.

Kasabay din ng pagbasak namin ang pagkawala ng malay ni Aeres.

"Fvck?!," Singhal ni Ahvin. Kahit hindi ko maintindihan ang kanyang sinabi ay nilapitan ko silang dalawa at itinayo agad. Sila ang lubos na napuruhan kesa sakin.

"Nalintikan na! ang lakas ng pwersa niya," saad ni Helios habang pinapagpag ang mga alikabok na dumikit sa kanyang damit.

Nanindig ang mga balahibo ko. Naramdaman ko din ang lakas na nagmula kay Aeres. Wala na kaming inaksaya at agad na pinuntahan ang loob upang tignan at kunin siya doon.

Mabuti na lang at nadatnan naming hindi siya nasaktan kaya agad na binuhat ni Ahvin ito at dinala sa mahabang upuan. Matapos niyang ihiga ay binilingan niya kami ng tingin.

"Anong nangyari? Ano yung nangyari sa kanya?," Tanong nito ngunit umiling ako.

"Hindi din namin mabatid kung ano iyon Ahvin pero nasisiguro ko..," saad ko. Kumunot ang kanyang noo.

"Ano?," Punong kuryosidad na sabi niya.

Biglang lumapit ang kasama naming si Helios. Hinawakan niya ang kamay ng nakahigang bata.

"Kapangyarihan ni Aeres ang kaninang lumabas mula sa kanyang kamay marahil ay nagising ito mula sa kanyang halo halong emosyon," saad ko.

Mukhang napa isip din si Ahvin sa tinuran ko.

"May sasabihin ako," biglang sabi ni Helios. sinipat niya muli ang kamay nito at ang parte kung saan nakapwesto ang pulso. parang mayroon siyang sinisigurado.

Sabay kaming napatingin sa kanya.

"Bakit? Ano problema?," Nag aalalang tanong ko.

Tumingin din siya sa aming dalawa. "Wala siyang pulso," aniya na nagpagimbal sa amin.

Hindi mapakaling lumapit din si Ahvin. "T-teka? Bakit? May sugat ba siya o ano? Baka nagkamali ka lang."

Ngunit umiling si Helios.

"Sigurado ako at nasisiguro kong hawak ngayon ng kanyang kapangyarihan ang kanyang buong kaluluwa at katawan kaya ganito siya," Sagot nito. "At kung di natin siya maliligtas ay baka tuluyan siyang mamatay at sakupin ng kapangyarihan ang kanyang katawan," dagdag pa nito.

Napadabog naman si Ahvin. Halos sinasabunutan niya ang kanyang buhok na parang bata. Ang puso ko naman ay mabilis na tumibok dahil sa kaba.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko pero parang importante sa amin si Aeres.

"Anong pwede nating gawin?," Seryosong saad ko. Napatingin naman ngayon sila sa aking dalawa.

Tumayo si Helios. "Walang magagawa ang mga tao sa ganitong problema." Pinagmasdan namin si Aeres na parang mahimbing na natutulog.

"Anong ibig mong sabihin?," Tanong ko.

Bakit ayaw niya pa bang diretsahin?

"Wala tayong magagawa kundi ang isama siya sa mundo natin andun ang tunay gamot para sa kanya," aniya

Nagkatinginan kami ni Ahvin at alam naming iisa lang ang aming mga iniisip.

"Sige," sabay naming tugon.

Itutuloy...