Chereads / Saki's One Shot Stories / Chapter 31 - Chapter 31: The Proprietor

Chapter 31 - Chapter 31: The Proprietor

"HERE'S your order Sir," Magiliw na saad ni Paulyn at inilapag ang main course na inorder nito

"Thank you—" Sagot naman ng kanilang customer at sinimulang lantakan ang inorder

"Kumusta na ang mga customers natin Paulyn?" Tanong ng may-ari sa isang waitress na kasalukuyang inililipat ang mga kape sa food tray

"Okay naman po boss. Padami ng padami grabe nakakapagod," Exhausted niya namang sagot at ipinagpatuloy ang ginagawa

"Pahinga ka muna." Tugon naman ng may-ari at umayos ng tayo

"Okay na ako boss—h'wag na kayong mag-alala kaya ko na po ito." Nakangiting sabi naman niya at dali-daling lumabas sa kusina

"Here's your coffee ma'am—" Masayang bungad niya sa babaeng nakaupo sa pandalawahang mesa

"Salamat, pakilagay na lang diyan." Sagot naman ng babae na nakatutok ang atensiyon sa laptop nito

Sinunod naman niya ang sinabi nito at dahan-dahang inilagay ang barakong kape sa mesa pagkatapos ay tinungo naman niya ang mesang umorder ng kape na may crema

"Here's your coffee ma'am," Pang-iimporma niya at inilagay ang kape sa mesa

"Thank you very much Paulyn." Nakangiting saad ng babae

"Always welcome ma'am" Sagot naman niya

Ang El Cajon na restaurant na pinagtatrabahohan niya ay ang pinakasikat na restaurant sa buong Asya. Kaya palagi itong dinadayo ng mga business man at woman para lang dito kumain, at dahil sa matatagal tagal na din siyang nagtatrabaho dito hindi niya ipagkakailang marami na ang nakakilala sa kanya

"By the way Paulyn, umupo ka muna dito mag-usap naman tayo." Alok ng isang negosyanteng babae na kaagad naman niyang tinanggihan

"H'wag na po Ma'am. Madami pa po kasi akong gagawin, tsaka nakakaistorbo lang naman ako sa inyo" Palatak niya at tiningnan ang ginagawa nito

"Don't mind about it. Tapos na naman ako kaya spare with me Paulyn, kausapin mo naman ako—" Nangungusap ang mga matang kinukulit na naman siya nito

"Maybe next time ma'am, ang dami ko pa po talagang gagawin. Padami ng padami ang customers namin eh" Tugon niya dito

Walang nagawa ang negosyanteng babae at bumuntong hininga na lang ito

"Okay sabi mo eh, mukhang hindi kita mapipilit sa ngayon." Suko nito at sumimsim ng kape

Tumigil ito sa pagsimsim ng kape at nagmamadaling tumayo sa pagkakaupo

"Hmm, I better get going. May imemeet pa pala ako—sige mauuna na ako Paulyn and by the way sa'yo na 'yang kape ko." Litanya nito at umalis na na hindi pa siya nakakapagsalita

At dahil sa nasasayangan siya sa kapeng inorder nito kinuha niya ito at inilagay sa food tray at dinala iyon sa kusina

"Paulyn, aalis na muna ako ngayon. Paki entertain si Mr Martinez kapag dumating na siya" Bilin sa kanya ng may-ari ng restaurant

"Yes Sir," Sagot naman niya at inilagay na naman sa food tray ang bagong order

"Mr Martinez is my client at bibisita siya dito mamaya para tingnan ang takbo ng restaurant ko. Kaya Paulyn pakisamahan mo na lang si Mr Martinez dahil palatanong ang isang 'yun" Bulalas ni Mr Shutterstock

Hindi kayang hindian ni Paulyn ang amo niya lalo na't siya lang ang pinagkakatiwalaan nito. Five years na siyang nagtatrabaho sa restaurant na ito at pinagpapasalamat niya na hindi siya sinisanti ng kanyang amo

"Maaasahan ba kita Paulyn?" Tanong pa nito sa kanya at alam niyang naninigurado lang ang amo niya

"Opo—" Tanging naisagot niya lamang

Pagkatapos nilang mag-usap ay iniwan na sila ng kanilang amo na patuloy lang sa pagtatrabaho. Ang pinagtataka niya lang ay may manager naman ang kanyang amo na pwedeng utusan nito dahil sa mas matagal pa ito sa kanya,

"Binilinan ka ba ng amo natin about kay Mr Martinez?" Tanong niya sa manager na nakaharap sa counter

"Hindi bakit?" Napapantistikuhang tanong naman nito sa kanya

Inilagay naman ni Paulyn ang food tray sa  kahoy kung saan nakalagay ang monitor at ipinatong ang dalawang kamay doon

"Akala ko ay binilinan ka niya. 'Di ba ikaw ang manager? Ba't sa'kin ipinaalam?" Nagtatakang asik ni Paulyn

"Ewan ko ba diyan kay Mr Shutterstock. Hindi ko din alam kung anong reason niya eh," Kibit balikat nitong sagot

Walang nakakaalam sa inasal ni Mr Shutterstock mabait naman ito sa kanila pero hindi nila alam kung ano ang tinatakbo ng utak nito

"Ahm, sige balik na ako sa trabaho—"

"Excuse me Ms, nandito ba si Mr John Shutterstock?" Tanong ng isang lalaki na may baritonong boses sa kanyang likuran

Agad namang napalingon si Paulyn sa kanyang likuran at kaagad na nginitian ang lalaki na naka business attire

"Hello Sir, upo muna kayo—" Pagmamagandang loob ni Paulyn dito

Umupo naman ang lalaki at prenteng inayos ang pagkakaupo

"So nasaan na si Mr Shutterstock?" Hanap ni Mr Martinez sa kanyang amo

"Wala po siya dito Sir. May pinuntahan daw siyang importante at mukhang kailangan niya talagang pumunta," Pagpapahayag niya dito

"Ah talaga ba. Sige, aalis na muna ako—" Pagpapaalam nito at tumayo na sa pagkakaupo

"Teyka lang Sir! Mr Shutterstock told me to entertain you—" Lumalabing usal niya na ikinahinto ni Mr Martinez

"He did?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya

Tumango naman siya at nginitian ito

At parang mali naman ang pagkasabi ni Mr Shutterstock about kay Mr Martinez. Hindi naman ito palatanong at parang tahimik pa ito na tao sa paningin niya

At kagaya nga ng sinabi sa kanya ng kanyang amo kinausap nga niya ito about sa restaurant na pinagtatrabahohan niya—not to mention pero may saysay pa din ang pagiging makaluma niya sa restaurant na ito

Alam na niya ang mga takbo ng negosyo ni Mr Shutterstock at confident siyang ipagmamalaki ito kay Mr Martinez

"Talaga? Big time pala itong restaurant ni John Shutterstock—" Namamanghang usal ni Mr Martinez at ipinalibot ang tingin sa loob niyon

"Yes po—" Sagot niya na hindi mapuknat puknat ang mga ngiti sa mga labi

"Bilisan niyo na ang pagluluto, dumadami na naman ang customers natin at baka magsi alisan pa ang mga iyon." Utos sa kanila ni Mr Shutterstock at bahagyang itinaas ang kamay

"Hindi—mali 'yan. Dapat ganito." Pagtatama niya sa isang Chef nagkamali sa paglalagay ng garnish

At siya naman panay ang hakot niya sa mga bagong luto ng mga ito. May dessert, main course, at main dish pagod na pagod na siya sa pabalik balik sa kusina para kunin ang mga inorder ng kanilang mga bigating customer

"Sir, ubos na po ang chicken meat natin." Anunsyo ng isang Chef na ikinatigil nilang lahat sa pagkilos

Naramdaman niyang ang lahat ay nakatingin sa amo niya at kasali siya doon

"Gawan niyo ng paraan, hindi pwedeng magpadeliver tayo ngayon. Masyado ng maraming tao para tumigil kayo sa pagluluto" Tiningnan naman siya ni Mr Shutterstock

"At ikaw Paulyn, doon ka muna sa labas. Bantayan mo muna ang bawat customers natin. Kung may magtatanong sa'yo about sa mga inorder nila sabihin mong malapit ng matapos basta gumawa ka ng alibi para makapaghintay sila—" Utos na naman nito sa kanya

Tango lang siya ng tango sa mga pinagsasabi nito hanggang sa matapos ito sa paglilitanya ay doon lang siya lumabas

"Ahm, waitress" Tawag sa kanya ng isang babae na ikinalingon niya

"Yes ma'am?" Kaagad naman siyang lumapit dito

"Nasaan na iyong inorder kung chicken soup?" Pagtatanong nito sa kanya na ikinangiti niya ng nakakailang

"Ahm, ma'am kunting hintay na lang po. Pinapasarap pa kasi ng Chef namin para bumalik kayo ulit sa El Cajon Restaurant." Pagrarason niya at naguiguilty siya

Hindi kasi siya sanay magsinungaling sa mga customers nila at hindi siya pwedeng lumabag sa batas at utos ni Mr Shutterstock. Alam niyang nakatingin ito sa kanya kung saan man siya napapadpad

"Waitress! Ang order kung chicken broth?" Tanong na naman ulit ng lalaking customer nila

"Kaunting hintay lang po Sir, malapit ng maluto" Namamawis na siya sa paggawa ng mga rason na hindi niya alam kung saan iyon napulot

"Ows, okay—" Mabuti naman at wala silang customer na reklamador

"Anong sinabi mo sa kanila?" Pang-uusisa ni Mr Shutterstock kay Paulyn

"Grabe Sir! Nakakapagod naman gumawa ng reasons—naubusan na nga ako ng isasabi sa kanila eh." Parang binagsakan siya ng langit at lupa sa kanyang hitsura

"Hayaan mo, kapag nakapagdeliver na ako babalik ka ulit sa kinaugalian mong trabaho. Hindi ka na nagsisinungaling ulit." Sagot naman nito

Hindi na lamang sumagot si Paulyn dahil alam naman niyang tutuparin ni Mr Shutterstock ang sinabi nito

Kapag nangako siya at nagsasabi, hindi niya iyon papakuin at parang nasasanay na siya kaugaliang ganoon ang amo niya

Days had been passed, hindi sila nakapagpadeliver ng karne ng baboy at manok. Parang minalas yata sila sa isiping naubusan din ang mga ito dahil sa ang daming nagpapadeliver, until one time pina leave lahat ni Mr Shutterstock ang mga waiter, waitress, at ang mga Chef at tanging siya lang ang naiwan sa restaurant

Hindi niya alam pero tinawagan siya ni Mr Shutterstock na on duty siya ngayon kahit na rest day niya

"Halika dito—" Tawag sa kanya ni Mr Shutterstock at naunang pumasok sa loob ng kusina

Napapantistikuhang sumunod siya kay Mr Shutterstock at dahan-dahang isinira ang pinto

"Lock the door—" Utos nito

"Po? Bakit—"

"I order you to lock the door." Pag-uulit nito

Hindi na lamang siya sumagot sa halip ay sinunod na lang niya ang sinabi ni Mr Shutterstock

Kumuha ng butcher knife ang kanyang amo at sa pagkakaalam niya ay bagong hasa pa iyon

"Mr Shutterstock, isheshare mo na ba sa akin ang secret recipe mo?" Naeexcite niyang tanong dito

"Mamaya," Tipid nitong sagot at ihinda ang mga pampalasa na gagamitin sa pagluluto

"Mr Shutterstock, nakalimutan ko po palang sabihin sa inyo na pupunta si Mr Martinez ngayon. Tatanungin ka daw po niya about sa investment" Pang-iimporma niya

"Mabuti naman at napigilan mong umalis siya—" Tipid na naman nitong sagot na hindi man lang lumilingon sa kanya

"Opo naman! Ako pa lahat yata ng mga nakakasalamuha ko ay paborito na yata ako." Taas noong saad niya

Hindi ipagkakaila ni Paulyn ang pagiging influencer niya, she don't care if somebody would say that she's boastful. Hindi naman siya kilala ng mga ito, so why not judge?

Dahan dahan namang tumingin sa kanya ang kanyang amo dala dala ang butcher knife saka nilapitan siya

"O-oy Sir, anong ginagawa niyo" Naiilang na tinanong ni Paulyn ang kanyang amo habang patuloy pa din ito sa paglapit sa kanya

Atras naman ng atras si Paulyn hanggang sa tumama ang likod niya sa nakasarang pintuan

Inilahad naman ni Mr Shutterstock ang kamay nitong nakakuyom at parang may kung ano sa loob nito

"Kunin mo—" Walang ka emosyong emosyon na saad nito

Napalunok naman si Paulyn sa sinabi nito at nanginginig ang mga kamay na ibinuka iyon sa harap ng kanyang amo. At ganoon na lang ang pagkagulat niya ng bigla na lang nitong hinawakan ang kamay niya ng sobrang higpit sabay hataw ng butcher knife pailalim

Naputol ang kamay niya dahil sa tama ng butcher knife sa kanyang siko at nagsitalsikan naman ang mga dugong dumadaloy sa bawat himaymay niya

"Sir Shutterstock! Anong ginagawa niyo!" Sigaw niya dito habang hawak hawak ang balikat na namamanhid

"Pasensiya na Paulyn, pero kailangan kita sa restaurant ko." Huling sabi nito bago siya tinaga sa leeg na ikinatapyas nito patagilid

"Hey Mr John Shutterstock! How you doin' man!" Bati ni Mr Martinez at nag fist bump silang dalawa

"Hey Martinez! How's signing the papers?" Bungad naman sa kanya ni Shutterstock at iniumang kamao nito

"Okay naman, mabuti na lang talaga at natapos ko na ang pagperma sa mga walang kwentang papeles na nakatambak sa opisina ko—sumasakit na nga ang puwet ko kakaupo sa swivel chair" Sumbong nito na parang bata

Natatawa namang umupo si Shutterstock sa stool katabi ng kanyang island counter at inalok si Martinez na samahan siyang uminom

"Oh, para naman makapagrelax ka." Alok nito pagkatapos magsalin sa baso nito

Tinanggap naman iyon ni Martinez at walang sabi sabing nilagok iyon

"Wala ka bang pulutan diyan bud? Kahit cheaps man lang okay na sa'kin."

Napatango tango naman si Shutterstock at pumasok sa kusina ng kanyang restaurant

"Here," Lapag nito sa island counter ng isang karne na parang grinilled

Tinikman naman iyon ni Martinez at hindi niya maiwasang namnamin ang pulutan na sobrang sarap dahil sa ang kaibigan niyang Chef ang nagluto

"Ang sarap mo talagang magluto bud. Grabe wala na akong masabi." Palatak ni Martinez at kumuha na naman ng isang kutsarang karne at isinawsaw sa tuyong may halong suka at sili

Napapailing naman si Shutterstock at patuloy lang sa paglagok ng inumin na matapang

"Ayaw mo bang tikman itong niluluto mo bud? Kahit isang slice lang ng karne?" Nakukyoryus na si Martinez kay Shutterstock alam niyang may bumabagabag sa isipan nito dahil napansin niya iyon sa kilos ng kaibigan

"Oy Shutterstock, may problema ka ba?" Tanong niya dito at tinapik ang balikat nito

Nakasanayan na nilang dalawa na tawagin ang isa't-isa sa apelyido nila at parang hindi uso sa kanila ang pagtawag ng pangalan

"Okay lang ako bud—" Sagot naman nito at tumawa na parang wala lang

Tumaas naman ang kilay ni Martinez sa sagot ni Shutterstock at hindi niya alam kung bakit pumasok sa isip niya ang waitress nitong si Paulyn

"Nga pala bud, nasaan pala ang waitress mo? Si Paulyn?" Tanong ni Martinez at inikot ang tingin sa restaurant

"Iyang kinakain mo—" Direstsong sagot naman ni Shutterstock na ikinagulat niya

Tiningnan naman ni Martinez ang karne na mamula mula pa at halatang hindi iyon fully cooked, kundi halfed cooked.

Kinuha niya ang kutsarang nakapaibabaw sa karneng niluto at sumandok ng kunti sabay tingin dito

At tama nga ang hinala niya hindi ito isang ordinaryong karne kundi tao, kaya pala iba ang lasa niyon sa pangkaraniwang karne

Hindi makapagsalita si Martinez sa narinig, kinain niya lang naman si Paulyn ang waitress nito at nasusuka siya sa isiping tao ang pinakain sa kanya ni Shutterstock

"I-I have to go bud—" Pagpapaalam ni Martinez na ikinalingon ni Shutterstock sa kanya

"No you don't—" Pigil nito

"May nakalimutan pala akong permahan sige mauuna na ako—" Namamawis na siya ng malamig

"I thought you already finished your worked? 'Di ba sabi mo tapos mo ng permahan ang mga walang kwentang papeles na nakatambak sa opisina mo?" Pagpapa-alala ni Shutterstock

Napalunok ng laway si Martinez ng makita niya sa mga mata ni Shutterstock na hindi na ito ang dating John na kilala niya

"Sorry bud, but I have to do this." Pagsosorry niya at hinambalos ang isang bote ng wine sa ulo nito

Tulog na naiumpog ni Shutterstock ang sariling ulo sa island counter habang dumadaloy ang sariling dugo nito patungo sa loob ng counter kung saan nakapwesto ang cashier

Dali dali namang tumakbo si Martinez at tumawag ng pulis para ipadakip si Shutterstock na ngayon ay wala pa ding malay

Nais niyang bigyan ng hustisya si Paulyn dahil sa kagagawan ni Shutterstock. Naging mabuting waitress naman ito sa kanya pero bakit niya ito pinatay

At ng malaman niya kung ano ang tunay na dahilan na pagkamatay ni Paulyn ay ipinagdadasal niya na lang ito na sana ay matahimik na ang kaluluwa niya at hindi na maghihigante pa.