Chereads / Saki's One Shot Stories / Chapter 32 - Chapter 32: Why

Chapter 32 - Chapter 32: Why

I'M always asking myself that, why?

Why is the world is so unfair? Bakit sa lahat ng taong nagustuhan ko ay hindi ko dapat maangkin at mahalin. Baka sakaling napaglaruan lang yata ako ng tadhana

Ritchard Chua Samson here, but you can call me RJ for short.

"Oy bro, ilang months ka na nga palang single?" Tanong sa'kin ni Brent barkada ko

"5 months na bakit?" Nagtatakang tanong ko at tinaasan siya ng kilay

"Gusto mo bigyan kita ng ka text mate? Malapit lang naman sa baryo natin. Ano gusto mo ba?" Alok ni Brent sa akin na ikinasalubong ng aking dalawang kilay

Kagagaling ko lang sa break up stage at ito na naman siya may irereto na naman

"Promise bro, kapag tinanggap mo ang isang 'to 'di ka talaga magsisisi—" Dagdag pa nito

Nginisihan ko naman siya at inilingan

"Dinediskartehan mo ba ako?" Natatawang usal ko at hinagod siya ng tingin

"Hindi. Seryoso ako bro! Ang pangalan niya ay Joanna—hindi ka talaga magsisisi sa isang 'to. Mabait siya at sure na sure ako na sa text lang mahuhulog ka na!" Litanya nito

Talaga? May pagkabulaklakin pala ang bibig ni Joanna

"Teyka nga, paano mo nasabing mahuhulog kaagad ako sa pamamagitan ng text lang. Ano siya diyosa na may kayang maakit ang lalaki sa pamamagitan ng mensahe?" Tanong ko kay Brent na ikinakibit balikat nito

"Basta—'yun daw ang sabi ng iba bago ito pinasa sa'kin." Palatak naman ni Brent

At 'yun na nga tulad ng sinabi ni Brent ay binigay nga niya sa akin ang number ni Joanna and without due citation agad agad ko naman itong tinext bahala na kung anong susunod na mangyayari

"Hi—" Text ko kay Joanna

Naghintay pa ako ng ilang segundo bago tumunog ang cellphone ko

"Hello," Sagot naman nito na ikinangiti ko

"Ahm, kumusta ka na?" Pangungumusta ko dito

"Okay naman, ikaw kumusta na?" Para kaming matagal na na magkakilala ni Joanna dahil sa uri ng palitan namin ng mensahe

"Okay naman din, salamat sa pagtatanong. By the way ilang taon ka na?"

"26 ikaw?" Napa owws na lang ako sa mensaheng nabasa, so she's older than me pala

"Matanda ka pala kesa sa'kin?" Nangingiti akong nagtitipa sa aking cellphone ewan ko pero parang may sariling buhay ang aking bibig na ngumiti

"Ay talaga! Ilang taon ka na pala?" Reply naman nito with emoji

"24." Tipid ko namang reply sa mensahe niya

At hindi ko alam kung bakit nangangati akong maka-usap siya. Hindi ko maintindihan ang aking sarili—sa tuwing nagmemensahe kasi ako tapos hindi niya kaagad nareplyan ay nadidisappoint ako. I just have to admit that I missed her so bad

"Pwede ba tayong magmeet?" Sunod kong mensahe na nilalaro pa ang aking mga daliri kakahintay sa reply niya

"Oo naman! Saan ba tayo magkikita—" Naturang napatalon ako sa tuwa at nakipagsuntukan pa sa hangin

"Sa isawan na lang, kung okay lang sa'yo" Parang timang akong nakangiti habang nakatutok ang paningin sa screen ng aking cellphone

"Hi, ako nga pala si Joanna Cruz" Pagpapakila nito sa akin na kaagad ko namang tinanggap ang kanyang nakalahad na kamay

"Ritchard Samson, RJ for short." At iniyugyog ng bahagya ang aking kamay

Ang sarap hawakan ng kamay niya malambot iyon at ayaw ko ng bitiwan pa

"Ahm, ang kamay ko—" Wika nito na ikinabalik ko sa reyalidad

"Ay! Sorry." At nginitian siya ng nakakailang

Matapos ang pagpapakilalang naganap napagpasiyahan namin na umupo sa bench kung saan natatanaw namin ang mga taong abala sa pagpili ng mga kakaining street foods

Walang nagsalita sa aming dalawa, tahimik lang kami na parang walang nangyayari

"Ahm, RJ ano. Ahm saan ka pala nakatira?" May pag-aalinlangang tanong sa akin ni Joanna

"Ako? Malapit lang naman ang bahay ko dito. Ikaw?" Tanong ko naman pabalik sa kanya

"Talaga! Ako din malapit lang dito—h'wag mong sabihin na magkabilang baryo lang tayo." Gulat na gulat na bulalas ni Joanna

"Parang ganoon na nga, kung sakaling magkabilang baryo nga ang tinitirhan natin. Ibig sabihin ay palagi na tayong magkikita?" Nangingiti kong opinyon sa kanya

Kasi kung totoo man, araw araw na talaga akong magpupunta dito makita lang si Joanna

It's been two weeks had been passed, ay kami na ni Joanna. Hindi ko alam pero no'ng niligawan ko siya ay sinagot na niya ako kaagad

"Pa si RJ po, boyfriend ko—" Pagpapakilala ni Joanna sa'kin sa kanyang ama na nakatalikod sa'min

Humarap naman ang nasabing lalaki at nagulat ako ng magtama ang mga mata namin

"RJ ikaw ba 'yan?" Paninigurado nito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa

Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Ilang taon na din kaming hindi nagkita

"M-magkakilala kayo?" Singit ni Joanna na bakas sa mukha ang gulat

"Oo. Siya si RJ, ana—"

"Magkaibigan kami." Putol ko sa dapat sanang sasabihin ni Papa

Yes, we're siblings. At hindi ko inaasahang si Joanna ang nakakatanda kong kapatid

Naramdaman kong tumingin si Papa sa'kin na puno ng katanungan ang mga mata at batid kong naguguluhan na din ito sa inaakto ko sa harap ng kanyang unang anak

"Ahm, sige Pa pasok na po tayo sa loob" Pagpapasok sa amin ni Joanna sa loob ng kanilang pamamahay

"Ba't mo itinanggi Richard?" Tanong sa'kin ni Papa na seryoso ang mukha

"Ayoko ng gulo, Pa." Sagot ko naman at hindi siya magawang tingnan

"Ayaw mo ng gulo?" Napatawa ng pagak si Papa

"Sa una pa lang ay magulo na ang pamilya natin RJ! Matagal ko na kayong hinahanap ng Mama niyo—saan ba kayo pumunta?" Pagpapaintindi nito sa akin

"Akala ko ba mahal niyo kami ni Mama Pa? Akala namin na kami ang pipiliin niyo, pero anong ginawa niyo? Iniwan niyo kami at hindi niyo na din kami binalikan! Alam niyo bang naghirap si Mama ng ilang taon mapakain lang kami araw araw? Hindi ba dapat ikaw ang bumubuhay sa amin dahil ikaw ang inaasahan namin!" Sumbat ko kay Papa

Pagkatapos manganak ni Mama sa pangwalong anak nila ni Papa ay nawala na lang ito na parang bula. Ewan ko kung saan siya nagpupunta ng mga panahong 'yun. Basta ang nalaman na lang namin ni Mama ay may kinakasama na itong iba

At hindi ko din akalain na may anak din pala ito bago niya ibinahay si Mama

"Anak pasensiya ka na kung hindi kaagad ako nakabalik sa inyo ng Mama niyo. Naghanap kasi ako ng trabaho at saktong malayo ang destino ko. Kaya ayon hindi na ako nakabalik." Mahinahong sagot naman nito

Napapailing na napatawa ulit ako

"Iyon lang ang sasabihin mo Pa? Pagkatapos ng lahat lahat?" Puno ng hinanakit na usal ko

Napatigil lang kami sa pag-uusap ni Papa ng biglang lumabas mula sa kusina si Joanna at may dalang kanin

"Kakain na tayo—" Magiliw na saad nito pagkatapos nitong ilagay sa mesa ang umuusok pa na kanin at sabaw

"Kaano ano mo ang anak kong si Joanna iho?" Tanong sa'kin ng Mama ni Joanna sa kalagitnaan ng pananghalian namin

"Ahm, boyfriend niya po ako—" Sagot ko sa pormal na boses

Naramdaman kong natigilan si Papa sa pagsubo ng kanin at tiningnan ako, nagulat yata siya sa sinabi kong ako ang nobyo ng anak niya

"Ay talaga? Akala ko ay magkaibigan lang kayo. Pasensiya ka na ah, marami kasing kaibigan ang anak naming si Joanna at palaging nagpupunta dito sa bahay namin para gawin ang mga projects nila—" Katuwiran ng Mama ni Joanna

Hindi na lamang ako sumagot sa rason ng asawa ni Papa sa halip ay nginitian ko na lamang ito at ipinagpatuloy ang pagkain

Matapos ang pakikipag-usap sa Mama ni Joanna ay napag-isipan kong umuwi na sa amin pero hindi pa nga ako nakakalabas sa kanilang gate ay may humawak sa siko ko na ikinalingon ko

"RJ anak, hiwalayan mo si Joanna." Sabi ni Papa sa'kin na ikinasalubong ng aking kilay

"Bakit ko naman gagawin 'yun Pa? Mahal ko si Joanna. At hinding hindi ko hihiwalayan ang anak niyo." Sagot ko naman at binawi ang aking siko na hawak pa din niya

Wala akong paki-alam kung magkapatid kami ni Joanna sa ama. Mahal na mahal ko siya at hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko

"Joanna nandito ka na pala." Madamdamin kong saad at tumayo sa pagkakaupo para sana yakapin siya ngunit nabigla na lang ako ng bigla siyang umatras na para bang umiiwas ito sa'kin

"J-Joanna..."

"RJ kailangan nating mag-usap—" Seryosong ungkat ni Joanna sa akin at tinalikuran ako

Sinundan ko naman siya kung saan siya pupunta at ang napili niyang destino ay sa isang mapayapang sapa

"Totoo ba?" Tanong na naman nito sa akin na nakatalikod

"A-ang alin?" Kinakabahan ko namang sagot sa tanong niya

"RJ ba't hindi mo sinabi s-sa'kin?" Humihikbing tanong na naman nito

Nanigas ako sa kinatatayuan ko at hindi magawang sagutin ang kanyang tanong. So alam na pala niya?

"Joanna kasi ano—"

"Bakit Ritchard? Bakit?" Nasasaktang tugon na naman nito

"I'm sorry—"

Humarap si Joanna sa'kin at pinagsusuntok ang aking dibdib

"Walang hiya ka RJ, niloko mo ako. N-niloko mo ako!" Patuloy pa din ito sa pagsuntok sa aking dibdib

"Joanna, tama na. Sorry!"

"Hindi RJ! Ngayong nalaman ko na ang totoo, maghiwalay na tayo. Let's end this relationship." Diretsong sabi sa'kin ni Joanna

"What? Hihiwalayan mo ako? Joanna please maawa ka sa'kin h'wag mong gawin sa'kin 'to." Pagmamakaawa ko sa kanya at lumuhod pa sa harapan niya

"Alam mo namang hindi pwede RJ 'di ba? But you take the risk! Ayokong makipagrelasyon sa nakababata kong kapatid. Malaking mali ang ginagawa natin!" Pagpapaintindi ni Joanna sa'kin

Alam ko naman 'yun eh. Pero mahal ko talaga siya, masisisi niyo ba ako kung nahulog ang loob ko sa kanya? Hindi naman 'di ba?

"Maghiwalay na tayo Richard." Mahinang pagkakasabi ni Joanna

"Hindi, hindi tayo maghihiwalay." Palatak ko at hinawakan ang kamay niya ng sobrang higpit

"Ano ba! Ate mo ako Richard, Ate mo ako!" Pagdidiin niya sa salitang Ate

"Joanna please! Alam kong kapatid kita. Wala akong paki-alam kung ano man ang sabihin ng mga tao tungkol sa'tin, just please don't break up with me" Pagmamakaawa ko sa kanya

Ipiniksi naman niya ang aking kamay na nakahawak sa kanyang kamay

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Richard? Kilabutan ka nga! Hindi normal ang makipag relasyon sa isang kapatid magkadugo tayo—" Pagpapaintindi na naman nito sa'kin

Napayuko na lamang ako sa mga salita na  kanyang binibitawan. Alam ko namang mali 'yun pero hindi ko na kayang mawalay sa kanya—mahal ko si Joanna at handa kong ipaglaban ang pag-ibig ko para sa kanya

"Goodbye Richard." Huling sabi nito at umalis na sa harapan ko

Napaiyak na lamang ako sa kanyang sinabi. Kung kailan napamahal na ako ng todo sa kanya ngayon pa siya bibitiw; nakakainis, oo. Pero dapat ko na lang sigurong tanggapin na hindi talaga kami pwede sa isa't-isa

Another months have been passed ay wala na akong communication about kay Joanna. I heard na lumipat na daw sila sa Manila at doon na daw maninirahan, still hindi pa din ako nakapag move on. Sariwa pa sa'kin ang lahat. Ang pag-iwan niya sa'kin, ang pagpapaintindi niya sa'kin na hindi kami pwede dahil magkapatid kami

Kung masusunod lang sana ang bawat kahilingan ng tao sa mundong ito. Hanggang ngayon siguro ay kami pa din—doon ko natutunan na dapat kilalanin ko muna ang isang tao. Makakatulong na din siguro 'yung kilalanin mo isa-isa ang lahat ng relatives mo, in case na magka apelyido kayo—

Masakit man isipin pero kailangan ko 'tong tanggapin. Bilang isang aral sa na h'wag basta bastang sumugal sa pag-ibig...