Chereads / Saki's One Shot Stories / Chapter 36 - Chapter 36: My—Davis Mulligan

Chapter 36 - Chapter 36: My—Davis Mulligan

KUMATOK muna si Jeslyn sa pintuan ng kanilang heneral ng pinatawag siya nito ng mga ilang segundo na ang nakalilipas

"Come in—" Sagot ng kanilang heneral sa loob ng opisina nito

Bumuntong hininga muna si Jeslyn bago pumasok sa pribadong opisina nito

Nang makapasok siya ay nakita niya itong prenteng nakaupo sa swivel chair at may binabasang papeles sa puting polder

"Sir! Lt. Cor. Vidal reporting for duty, Sir!" Bati niya at tumayo ng tuwid sa harap nito na nakasaludo ng taas nuo

"Have a sit, Lt. Cor. Vidal." Tawag nito sa kanyang ranggo

Alam niyang may sasabihin itong importante sa kanya dahil sa uri ng tono na ginamit nito sa pagtawag sa kanyang ranggo

"Sir, yes, Sir!" At sumaludo na naman ulit bago naupo sa visitors seat

Umayos muna ng upo ang kanyang heneral at ipinagsiklop ang mga daliri na nakapatong sa mesa

"Lieutenant Colonel Jeslyn Vidal, you are now promoted as a Lieutenant Commander." Simpleng anunsiyo nito sa harap ni Jeslyn na ikinagulat niya sa narinig

Limang taon na din niyang pinanghahawakan ang pagiging Lieutenant Colonel niya at hindi niya inaasahan na mapopromote siya agad agad na walang deklarasyon

"T-teyka lang po General, bakit po agad agad. Wala man lang bang deklarasyon?" Tanong niya dito

"Hindi na kailangan, dahil may papalit na sa puwesto mo—" Sagot nito sa tanong niya

Oo nga't masaya siya pero hindi nakalagpas sa bokabularyo niya ang salitang may papalit na sa kanya

"May papalit sa'kin bilang Lieutenant Colonel? Sino?" Salubong ang dalawang kilay na naiusal niya

"Makikilala mo din siya at ng mga kasamahan mo sa ahensiyang ito." Pagpapatahimik nito sa kanya na hindi niya ikinakontento sa sinabi nito

Gusto niya pa sanang magtanong pero wala siyang karapatan na gawin 'yun dahil ang kataas-taasan ang nasa harapan niya at ang nagpromote sa kanya

"Makakaalis ka na," Huling sabi nito at bumalik sa pagbabasa ng papeles

"Sir, yes, Sir!" Sagot naman ni Jeslyn ng makatayo siya

Nang makalabas siya sa opisina ng kanyang heneral ay hindi niya maiwasang mapa-isip ng malalim sa kung sino mang sundalo ang bagong hahawak sa pwesto niya, there are so many questions that are randomly popping in her mind but she can't find what's the exact reason.....

Siguro ay pinadala lang ng kung anong ahensiya ang sundalong papalit sa kanya, maybe two days from now ay makikilala na niya ito

Napatingin silang lahat sa entablado ng marinig nilang tumikhim ang kanilang heneral. Hindi alam ni Jeslyn kung bakit siya kinakabahan na may halong pagkaexcite sa oras na ito

"Good day everyone! Alam kung marami sa inyo ang nalito sa inanunsiyo ko no'ng isang araw." Panimula nito at umayos ng tayo sa gitna ng entablado

Nang malaman ng kasamahan ni Jeslyn na tumaas na ang ranggo niya ay marami sa kanila ang nalito at hindi siya nakaligtas sa mga tanong ng mga ito

"I clearly declared that your Lieutenant Colonel Jeslyn Vidal is now taking her rank as a Lieutenant Commander, and with that, I want to introduce you our new Lieutenant Colonel." Anunsiyo nito at tinawag ang kung sino man ang bagong tenyente koronel

Pero bago 'yan ay pinatawag siya ng kanilang heneral na samahan itong tumayo sa entablado

Napatingin si Jeslyn sa kanyang gilid ng may tumabi sa kanyang lalaki na nakasuot din ng uniporme kagaya niya. Matangkad ito at makisig ang pangangatawan at hindi niya maiwasang tumingala dito

Dahil sa sobrang tangkad nito ay nangangalay na ang leeg niya makita lang ang pagmumukha nito, pakiramdam niya ay hanggang dibdib lang siya at dahil mataas ang ranggo niya kumpara dito ay kailangan siya nitong galangin dahil mas nakakataas siya dito

"I would like to introduced to all of you, our new Lieutenant Colonel. Non-com Davis Mulligan" Pagpapakilala ng aming heneral sa kanya

Hindi man lang natinag sa pagkakatayo si Davis sa halip ay tiningnan din siya nito pabalik

Nang magtama ang kanilang mga mata ay hindi niya maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman na namamagitan sa kanila

Is she attractive to him?

Naturang napaiwas si Jeslyn ng tingin ng ngumiti ito sa kanya, ibinaling niya ang kanyang paningin sa kung saan man ay hindi siya mapapansin ng mga karamihan

Ipinikit niya ang mga mata at lihim na napamura, ba't gano'n? Bakit kinakabahan siya kapag malapit lang ang kanilang Lieutenant Colonel sa kanya. Hindi kaya ay—

"Good morning to all of you, once again I'm going to introduce myself." Pagpapakilala nito sa sarili at inilayo ang sarili sa mikropono at tumikhim

Naimulat naman ni Jeslyn ang mga mata ng marinig niya itong nagsalita at parang nakahinga siya ng maluwag sa isiping umalis na ito sa tabi niya

"My name is Davis Mulligan, the Non-com of U.S Navy. As your new Lieutenant Colonel, I'm going to take my full responsibility for the sake of this agency together with," Huminto muna ito sa pagsasalita at tumingin sa kanya

Nang magtama ulit ang kanilang mga mata ay hindi na niya magawang ialis ang paningin dito parang hinihigop siya nito at parang may humimok sa kanya na samahan ito

"Together with, Lieutenant Commander Jeslyn Vidal." Dugtong nito bago ibinalik ang tingin sa mga nakararami

Narinig niyang nagsipalakpakan ito at hindi nakalampas sa pandinig niya ang iilang komento ng kanyang mga kasama

Kasama ang kanilang heneral ay pinaupo siya nito sa bakanteng upuan na nasa gilid ng entablado habang nagsasalita pa din si Davis sa harapan ng nagsisilbi sa ahensiyang pinapasukan niya

"Pakisamahan mo iyang mabuti Jeslyn, galing 'yan sa bansang America—" Pagka-usap sa kanya ng kanilang heneral

Hindi niya maiwasang tanungin na naman ito

"Bakit naman General?" Nakataas ang dalawang kilay na bulalas ni Jeslyn

"Isa siyang Non-com sa U.S Navy, ang gobyerno ng Estados Unidos na mismo ang nagpasiya na dito siya manunungkulan dahil sa palitan ng ranggo." Wika ng kanilang heneral

Napatango tango naman si Jeslyn at ibinalik ang tingin kay Davis na ngayon ay patuloy pa din sa pagbabahagi ng kanyang mga karanasan bilang isang Non-com ng U.S Navy

Ngayon ay malinaw na sa kanya kung bakit siya napromote sa pagiging Lieutenant Colonel, at nagpapasalamat siya kay Davis dahil may maibabalita na naman siya sa kanyang ama na isang heneral din na sundalo na ngayon ay nagretiro na.

"Pa! Pa!" Tawag ni Jeslyn sa kanyang ama ng makapasok siya sa kanilang bahay

"Ba't ka ba sumisigaw diyan Jeslyn? May nangyari ba sa'yong hindi maganda ha?" Natatarantang bungad naman sa kanya ng ama na galing pala sa kusina at nagtitimpla ng kape

"Pa, may magandang balita ako sa inyo—" Pigil na pigil niya ang mapasigaw sa harapan nito

"Ano?" Nakataas ang isang kilay na tanong naman ng kanyang ama

"Napromote na po ako!" At 'yun nga hindi nga niya napigilan ang sarili

Masayang-masaya siya dahil commander na siya

"Bilang?"

"Lieutenant Commander po Pa." Nakangiting tugon niya dito

Nagthumbs up naman ang kanyang ama sa narinig

Para siyang bata na nakakuha ng sampung medalya dahil sa sayang nadarama kung hindi dahil kay Davis, hindi siya mapopromote—

"You did a great job Jeslyn, manang mana ka talaga sa'kin. Ipagpatuloy mo lang ang pagsisilbi sa ahensiyang pinapasukan mo tiyak na mas makakakuha ka pa ng mas mataas na ranggo; malay mo baka bukas General ka na. O 'di ba?" Suporta sa kanya ng kanyang ama

Masayang-masaya nga siya pero bigla na lang nawala ang mga ngiti niya sa labi ng maalala ang kanyang ina, kung sana buhay pa ito ngayon ay nakakasiguro din siyang masaya din ito kagaya ng Papa niya

Nabalik lang siya sa reyalidad ng may mabigat na kamay na tumapik sa balikat niya

"Alam kong malungkot ka Jeslyn, sigurado akong masaya din ang Mama mo kung nasaan man siya ngayon." Sabi nito at hinaplos haplos ang buhok niya na palagi nitong ginagawa noong bata pa siya

"Alam ko Pa, pero iba pa din kapag naririnig natin ang kanyang sasabihin." Malungkot na usal niya at pinigilang maiyak sa harapan nito

Ayaw niyang makita siya ng kanyang ama na umiiyak, kilala siya nito bilang isang matapang na babae

"Alam kong pagod ka sa pagseserbisyo, pahinga ka muna. Gigisingin na lang kita kapag oras na ng hapunan" Tugon nito sa kanya bago siya umakyat patungo sa kanyang kwarto

"You're thirty minutes late—" Napapitlag sa gulat si Jeslyn ng may biglang nagsalita sa likuran niya

Tiningnan niya ito at si Davis Mulligan pala iyon. Hindi niya maiwasang taasan ito ng kilay

"I know that I'm late, mind your own business." Mataray na sagot niya at tinalikuran ito

Alam niyang nakasunod lang sa kanya si Mulligan at hindi niya gusto ang ginagawa nito dahil naiilang siya

"Can you just, please stop following me?!" Naiirita na talaga siya dito

Ramdam niyang natigilan si Davis sa agarang bulalas niya

Huminto sa paglalakad si Jeslyn at tiningnan ang kanilang Lieutenant Colonel

Tama nga siya, tumigil nga ito sa paglalakad at tiningnan siya

"Just don't follow me okay? I don't want you to stick around with me." Mariing pagkakasabi niya at tatalikod na sana ng sumagot ito

"Bakit naman hindi Lieutenant Commander Jeslyn? Kung nasaan ka nandoon din ako?" Sagot nito na may accent pa ng pagiging Amerikano

Hindi na siya nagulat pa na marunong din itong magsalita ng kanilang lengguwaheng ginagamit

"Sinong nag-utos sa'yo ha?" Parang teacher na asik niya

Alam niyang minsan nakaka turn off ang ugali niya pero hindi niyo naman siya masisi dahil nakasanayan na niyang sungitan ang mga taong hindi niya pa close at bago lang sa paningin niya

Kagaya ni Davis, hindi niya alam kung hanggang saang stage sila aabot ng ganitong klaseng pakikisama

Napapailing na nilapitan siya ni Davis at inakbayan sabay lakad sa kung saan man siya pupunta

"Hindi ka pala ininform ng General natin Commander?" At umiling na naman ito

"Ano ba!" Piksi niya sa braso nitong nakaakbay sa kanya

"Wala ka bang respeto ha! Dapat hindi ganyan ang pagtrato mo sa'kin, mataas ang ranggo ko kesa sa'yo." Taas nuong giit niya

Bakit totoo naman ah? Dapat lang itong dumistansiya at lumugar sa kung saan man ito nababagay—hindi 'yan gawain ng isang Colonel

"Why so peevish Commander? Alam mo bang ang cute cute mo kapag naiinis ka?" Pang-iinis nito sa kanya

Napakuyom na lang si Jeslyn sa kanyang dalawang kamao at sinuntok ang balikat nito, nakita niyang medyo nasaktan ito sa ginawa niya dahil nag-iba ang anyo ng mukha nito

"Ang bayolente mo naman Commander!" Parang batang wika nito at hinaplos haplos ang balikat kung saan tumama ang kanyang kamao

Hindi siya naniniwalang nasaktan nga ito sa ginawa niya. Ang laki kaya ng mga braso nito tapos ang liit ng kamao niya parang wala lang yata 'yun sa kanya eh

"Stop acting that I hurt you with my small fist Davis, hindi bagay sa'yo." At inirapan siya

Muli, ay inakbayan na naman ni Davis si Jeslyn at ginulo ang nakabun niyang buhok

"Lumayo ka nga sa'kin? Bwesit!" Bulalas ni Jeslyn at tinulak si Davis papalayo sa kanya

Ayaw na ayaw niyang lumalapit sa kanya si Davis dahil naiilang siya and at the same time kinakabahan.

Ano na ba ang nangyayari sa'kin?

At dahil sa pagtaboy niya kay Davis ay hindi na nga siya nito kinulit pa, siguro ay nababagot na itong kasama siya

Napairap na naman sa hangin si Jeslyn ng makasalubong na naman si Davis na kapwa papasok din sa opisina ng kanilang heneral

"Long time no see Commander," Nakangising sabi ni Davis kay Jeslyn

Sa halip na singhalan ito ay hinayaan niya lang itong inis-inisin siya para saan pa at nagpapansin lang naman ito sa kanya

Nang makapasok silang dalawa ay sabay silang bumati sa kanilang heneral

"Sir! Lt. Com. Vidal reporting for duty Sir!"

"Sir! Lt. Col. Mulligan reporting for duty Sir!" Sabay nilang bati na sabay din ang pagsaludo

Nagtaas ng tingin ang kanilang heneral at nginitian silang dalawa

"It's nice to see the both of you in my office—" Wika ng kataas-taasan bago sila pinaupo

Wala namang ibang pagbabago sa pagtawag sa kanila ng kataas-taasan, sa halip ay nagpasiya pa nga ito na gawin silang magpartners. Para tuloy silang agent na kailangan gawin ang field study nila

"Alam mo bang nakakainis ka din minsan ha?" Imik niya dito na ikinatawa ni Davis

"Bakit naman?" Natatawang bulalas nito sa kanya

"Ewan ko pero sa tuwing nakikita kita, naiinis ako. Pero salamat sa'yo ah—napromote ako" Nang sabihin niya ang katagang 'yun ay naturang nabura ang ngiti na nakapaskil sa mukha ni Davis

Bigla siyang nainis sa biglaang pagsabi ni Jeslyn about sa promotion niya, so, kung hindi siya nakipagexchange sa isang low rank kagaya din niya asa pa siyang magiging Lieutenant Commander siya

"Oy, natahimik ka diyan?" Siko sa kanya ni Jeslyn

"Wala, naisip ko lang na kung hindi ako nakipag exchange do'n sa low rank na sundalong iyon ay hindi ka mapopromote sa pwesto mo—" Prangkang sagot naman ni Davis at naunang naglakad sa kanya

Tumigil naman sa paglalakad si Jeslyn at tiningnan ang likod ni Davis

May nasabi ba siyang mali? Naoffend niya ba ito? Parang naguilty siya sa sinabi niya kanina

Gusto niya sanang magsorry kay Davis pero nagdadalawang isip siya sa kung ano ang kanyang sasabihin

"Ikaw naman kasi Jeslyn eh! Napakadaldal mo!" Kastigo niya sa kanyang sarili

Alas dose emedya, saktong nananghalian silang lahat sa kanilang canteen. Hindi maiwasan ni Jeslyn na sulyapan si Davis sa isang malaking mesa na walang ibang kasama

Kung titingnan mo siya, masasabi mo talagang hindi approachable si Davis base sa tindig at ekspresiyon na makikita sa mukha nito

Napabuntong hininga si Jeslyn bago tumayo dala-dala ang kanyang food tray para puntahan at samahan si Davis pero napahinto siya sa paglalakad ng biglang umupo ang private enlisted soldier ng kanilang ahensiya

Kitang kita ni Jeslyn na nagpapacute ito kay Davis at malanding kinakausap ang kanyang partner. Hindi niya alam kung  bakit siya naiinis kay Davis—gusto niya itong samahan at humingi na din ng pasensiya pero mukhang hindi na niya yata magagawa ang nais niyang gawin

Bumalik siya sa pagkakaupo at pagalit na dinampot ang kutsara at tinidor sabay tusok sa karneng nasa saucer katabi ng kanyang pinggan

Puno ng panggigigil na nginuya nguya niya ang ulam na kinain niya at walang kagatol gatol na sumubo ng napakaraming kanin sa kutsara

"Oy, Lieutenant Commander magdahan-dahan ka naman sa pagkain mo baka mabilaukan ka niyan." Singit ni Cabrera ang kanilang field officer

Umirap siya sa hangin at ipinagpatuloy ang sunod sunod na subo niya sa kanyang kanin at ulam

"Gutom ako, h'wag kang disturbo." Simpleng sabi ni Jeslyn na tinawanan lang Field Officer Jason Cabrera

"May gutom bang halos mabasag na ang baso sa higpit ng hawak mo?"

Napatingin naman si Jeslyn sa kanyang kaliwang kamay na ngayon ay nanginginig sa sobrang panggigigil kay Davis

Nagseselos ba siya?

Para kay Jeslyn ay wala siyang karapatan na magselos, kasi wala naman silang relasyon ni Davis

"Kita mo na?" Nakangising usal ni Cabrera sa kanya

"Pwede bang tumahimik ka? Magfocus ka lang diyan sa kinakain mo." At inismiran ito

Muli, ay tiningnan na naman niya si Davis na ngayon ay tumatawang makikipag-usap sa kanilang private enlisted soldier. Nanggigigil na talaga siya, sobra—ang sarap lang tusukin ng tinidor

"Alam ko na, nagseselos ka 'no?" Siko na naman ng katabi niya

"Hindi ako nagseselos—" Sagot niya dito na nakatingin pa din sa dalawa

"Bakit ang sama ng tingin mo? Aminin, nagseselos ka lang kay Ramos eh." Banggit nito sa apelyido ng kanilang private enlisted soldier

Tiningnan naman ni Jeslyn si Cabrera at pinandilatan ng mga mata

"Hindi nga ako nagseselos! Tsaka wala kang patunay 'no." Mahinang sabi niya at sinulyapan si Davis

Pero ganoon na lang ang gulat niya ng tingnan din siya ni Davis ng matiim—masama siya nitong tiningnan at hindi na kinakausap ang katabing patuloy lang sa pagsabi ng kung ano man ang kanilang pinag-uusapan

Napayuko siya at palihim na kinurot ang sarili

Shit ka talaga Jeslyn!

"Sige Lieutenant, alis na ako enjoy your lunch." Pagpapaalam ni Cabrera at tumayo na sa pagkakaupo

Siya naman ay tinapos din ang pagkain at dali-daling tumayo para iligpit ang mga kinainan

Napatingin si Jeslyn sa kung sino man ang humawak sa braso niya at napagtanto niyang si Davis pala iyon

"Mag-usap tayo—" Seryosong pagkakasabi nito at naunang naglakad sa kanya

Nakaupo sa bench na tinanaw nilang dalawa ang taniman ng mais habang walang nagsasalita sa kanilang dalawa

Kinakabahan si Jeslyn sa kung ano man ang kanyang sasabihin kay Davis

"Davis—"

"Jeslyn" Sabay nilang banggit sa kanilang mga pangalan

Napabuntong hininga silang dalawa at nagtinginan sa isa't-isa

"Ikaw muna," Sabay na naman nilang bulalas

"Hindi ikaw muna." Giit ni Jeslyn kay Davis

"No, you should be the first" Sagot naman nito

Iniwas ni Jeslyn ang tingin kay Davis at ibinalik ang mga matang pinamamasdan ang mga mais na sumasayaw dahil sa hangin

"Sorry kung nasabi ko ang mga 'yun, hindi ko naman kasi alam na maooffend kita—" Panimula niya

Ilang segundo ding hindi sumagot si Davis at nanatiling nakatitig lang sa kanya

Pagkatapos ay tiningnan din ang mga mais na ngayon ay may mga uwak na nagsiliparan at nagsidaungan

"Okay lang 'yun. I know you didn't mean it." Sagot nito na ikinatahimik na naman nila ng ilang segundo

Hindi magawang tingnan ni Jeslyn si Davis dahil baka nakatingin din ito sa kanya, marami na din siyang nakikita at nakakausap na mas higit pa kay Davis pero bakit pagdating sa lalaking 'to ay parang nabawasan yata ang confidence niyang kausapin ito

"Who's he?" Tanong nito sa kanya

Doon lang siya napatingin kay Davis at ginamit niya ang tiyansang 'yun para pagmasdan ng mabuti ang kabuuan ng mukha nito

"Ha?" Wala sa sariling sagot ni Jeslyn

"Ang sabi ko sino siya?" Pag-uulit nito

Napalunok ng wala sa oras si Jeslyn, bakit naman nito naisipang tanungin siya kung sino ang kasama niya kanina

"S-sinong s-siya?" Pagmamaang-maangan niya

"Alam kong alam mo kung sino ang tinutukoy ko Jeslyn, don't play games with me—"

Hindi maiwasan ng kanyang kilay na umarko pataas

Sino siya para magsalita ng ganyan. Masyado naman siyang mapanghawak

"Excuse me?" Jeslyn interrupted

"Who's he Jeslyn, who the fuck is he?!" May pinalidad sa boses na tinanong siya nito

"Teyka nga, ba't ka ba naninigaw? Parang wala ako sa tabi mo ah? He's just a friend of mine!" Sigaw din niya dito

Davis Mulligan is irking her, he provoked her to be mad at him

"Mine huh? From now on, don't come near him. He's not good for you—" Napatawa ng pagak si Jeslyn sa sinabi ni Davis

He's not good for me? Nasisiraan na ba siya?

"Sinisiraan mo ba si Cabrera sa'kin? Teyka lang ha, you're under the belt. Wala naman masamang ginagawa si Jason sa'kin kaya wala kang karapatan na siraan siya!" Sabay tayo niya at naglakad papalayo dito

Ngunit hindi pa nga siya nakakalayo kay Davis ay napahinto siya sa paglalakad at napatingin ulit kay Davis

"Just don't come near him Jeslyn, don't make me jealous." Sabi nito na ikinagulat niya ng husto

Si Lieutenant Colonel Davis Mulligan ay nagseselos kay Field Officer Jason Cabrera? How come?

Hindi talaga siya makapaniwalang nagseselos nga ito kay Cabrera, gusto niya matawa sa inaakto nito

"You're jealous of Jason Cabrera? Nagpapatawa ka ba Davis?" Pigil na pigil ang sariling matawa na tanong ni Jeslyn

Hindi niya alam pero natutuwa siyang nagseselos si Davis Mulligan.

"Oo, nagseselos ako. Masaya ka na?" Pagsusungit nito at tumayo sa pagkakaupo at nilampasan siya

Malaki ang ngiting sinundan ni Jeslyn ng tingin si Davis hanggang sa mawala ito sa paningin niya, she just can't believe it. Gusto niyang sampalin ang sarili kung nananaginip lang siya pero hindi—totoo talaga ang sinabi nito sa kanya

"Ano ka ba naman Davis! Ginulat mo ako!" Sigaw ni Jeslyn ng pagpasok niya sa loob ng kanilang ahensiya ay bigla na lang siyang hinarang ni Davis

"Sorry Commander." Sincere nitong pagkakasabi at nginitian siya na nagpatigil sa kanyang munting mundo

Para siyang lumutang sa ere ng mapagmasdan ang napakagandang ngiti ni Davis at parang nagslow motion ang lahat at tanging siya at si Davis lang ang tanging nakikita niya

"Ahm, Commander?" Nabalik siya sa reyalidad ng marinig niyang tinawag siya ni Davis

Para hindi siya nito mahalata ay sinamaan niya ito ng tingin at pabirong sinuntok ang dibdib nito

"Bwesit ka Davis, muntik na akong atakihin sa panggugulat mo sa'kin!" Asik ni Jeslyn at nagkunwaring gulat na gulat siya

Kung mapaniwala man niya si Davis sa pag-arte niya siya na talaga ang magbibigay sa kanyang sarili ng award na best actress—mala Oscar lang

"Nagulat ba talaga kita? Sorry ulit," Bulalas nito at kinurot ang pisnge niya

Tinampal naman niya ang kamay nitong nakahawak sa kanyang pisnge at dumistansiya ng ilang metro kay Davis

Parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan niya ng mahawakan siya ni Davis at hindi niya alam kung bakit niya nararamdaman iyon

"Para gumanda naman ang umaga mo, oh ito red roses for you—" At ibinigay sa kanya ang isang bouquet of red roses

Nang makita ni Jeslyn ang bulaklak ay lumambot kaagad ang ekspresiyon ng kanyang mukha para siyang aso na ibinaba ang buntot h'wag lang saktan

"Paano mo nalamang red roses ang gusto ko?" Nakangiting tanong niya dito at inamoy amoy ang mabangong rosas

Nagkibit balikat lang si Davis at pinagmamasdan siya sa ginagawa

"Wala, ng makita ko kasi ang red roses na iyan ay naisip kita. Kaya binili ko para sa'yo baka sakaling magustuhan mo" Alright kunting mabulaklak na salita na lang bibigay na siya

"Good morning Commander," Bati ni Jason sa kanya

"Good morning din." Bati din niya pabalik

Naramdaman niyang natahimik si Davis at masama ang tingin kay Jason

"Kumustang araw mo?" Pangungumusta ni Jason sa kanya

"Okay naman din," Tipid niyang sagot dito

Nang magtrabaho dito si Jason ay siya ang una nitong naging kaibigan, likas kasi na tahimik na tao si Jason at may pagkamahiyain ito

"Dumistansiya ka sa kanya dude, Jeslyn is my girl—" Harang ni Davis sa kanilang dalawa at kulang na lang na pumagitna ito

Jeslyn is my girl—

Jeslyn is my girl—

Jeslyn is my girl—

Napatingin siya kay Davis na kinakausap si Jayson ng masinsinan. Hindi niya mapigilang mapa-isip. He's girl, eh hindi naman siya nito pagmamay-ari

"Ahm, Jayson sorry ah. Medyo may pagka seloso kasi itong si Davis sige mamaya na lang—" At nginitian ito ng kimi

"Ano ka ba naman Jeslyn! Okay lang 'yun. Ahm, sige mauuna na ako" Pagpapaalam ni Jayson sa kanya at tumalikod na

Pasalamat siya at marunong umintindi si Jayson

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo Davis ha? Masyado kang protective." Reklamo niya

"Bakit bawal ba, ayaw kung may umaaligid sa'yo." Salita nito na parang siya pa ang mas mataas

"Ewan ko sa'yo Davis" At tinalikuran ito

Hindi niya mapigilan ang sariling mapangiti, kinikilig siya—

"Jeslyn"

"Oh?" Nakatalikod pa ding sinagot niya ang lalaki

"I want to court you," Diretsong sabi nito na ikinatigil niya

"A-ano?"

"Ang sabi ko I want to court you at h'wag mo akong pagtawanan, seryoso ako." Bulalas ni Davis at tiningnan siya sa mga mata

Kung ibang lalaki pa siguro ang magsasabi ng mga ganoong salita ay paniguradong mahihiya ang mga itong lapitan siya, at humingi ng permiso na ligawan siya

Ilang taon na din siyang nagseserbisyo sa ahensiyang ito at hindi siya nabigo sa hinalang maraming mga kalalakihan ang mababaliw sa kanya

Since high school pa lang ay sanay na siyang maraming umaaligid sa kanyang mga lalaki, karamihan sa mga iyon ay mga kaklase niya. Halos lahat pa yata ng mga ito ay pumunta sa bahay nila para lang makita siya

"Alam mo ba iyang sinasabi mo Davis? Pagod lang 'yan pahinga ka muna." Biro niya

She just want to make sure about it kung totoo ba talagang gusto nitong manligaw. Baka ginogood time lang siya nito

"Seryoso ako Jeslyn, gusto ko talagang manligaw sa'yo, una pa lang nakita ay tumibok na ang puso ko para sa'yo" Tugon nito kay Jeslyn

Hindi siya makapagsalita sa mga salitang lumalabas sa bibig nito. Parang binusalan ang bibig niya

"Davis—"

Umabot ng dalawang buwan ang panliligaw sa kanya ni Davis at dahil sa nagrereklamo na ito kung kailan daw siya nito sasagutin ay hindi na siya nagpatumpik tumpik pa

"Anong sinabi ni General sa'yo?" Nakahilig sa gilid ng pinto na bungad sa kanya ni Davis pagkalabas na pagkalabas niya sa opisina ng kataas-taasan

"Wala naman, gusto niya lang akong iimporma tungkol sa report na natanggap niya kahapon" Sagot ni Jeslyn

Napatango tango naman si Davis sa sinabi niya, pagdating talaga dito sa lalaking 'to ay hindi niya kayang magsinungaling

"Alas diyes na ng gabi, umuwi na tayo. Ihahatid pa kita sa inyo" Wika ni Davis ng makita siya nitong humikab

"Mabuti pa nga, pagod na din kasi ako eh" Namumungay ang mga matang tugon naman niya

Second week of August, ay naging mas masaya ang relasyon nila ni Davis. May pagkakataong nag-aaway sila sa mga maliliit na bagay pero sa huli ay may magsosorry na isa sa kanila

"Ang bilis lang ng panahon 'no?" Wika ni Davis na nakatingin sa madilim na kalangitan

"Sinabi mo pa, akalain mo 'yun mahigit tatlong taon na pala tayong mag-on?" Natatawang usal ni Jeslyn at umusog ng kunti kay Davis

Dahil sa malamig na hangin ay mas lalo pang isiniksik ni Jeslyn ang sarili kay Davis at yumakap dito

"Giniginaw ka 'no?" Natatawang usal ni Davis at tiningnan siya

"Malamang! Lalapit ba ako sa'yo kung hindi ako giniginaw?" Napapailing na sagot naman niya

Hinubad naman ni Davis ang jacket na suot nito at pinasuot sa kanya pagkatapos ay pinaunan siya nito sa braso

"May shooting star oh!" Turo ni Jeslyn sa langit

"Nakikita ko," Sagot ni Davis

"Anong wish mo?" Parang batang tanong niya sa kanyang nobyo

Gusto niyang malaman kung anong hiling ni Davis

"Ang wish ko ay sana, tumagal pa tayo at sana makasama pa kita ng matagal." Malaki ang ngiting pagbabahagi ni Davis sa kanya

"Ako din. Gusto kitang makasama habang buhay" Sagot naman niya at ipinatong ang ulo sa dibdib ni Davis

Rinig niya ang pintig ng puso nito at hindi siya nagsisising sinagot niya ito, mahal mahal niya ang binata at hindi siya magsasawang mahalin pa ito ng sobra higit pa sa pagmamahal niya sa kanyang sarili

"Jeslyn,"

"Hmm?"

"Gusto kong magpakasal na tayo sa lalong madaling panahon, kung papayag ka sa gusto ko." Sabi nito sa kanya

Nag-angat siya ng tingin kay Davis at tiningnan ito ng mariin

Hindi siya marunong bumasa ng ekspresiyon ng tao pero siguradong sigurado siya na totoo ang mga pinagsasabi ni Davis sa kanya

"Oo, gusto kong magpakasal sa'yo." At niyakap ito ng sobrang higpit

Araw ng kasal ni Jeslyn at Davis ngayon, at inaamin ni Jeslyn na masayang masaya —hindi siya nagsisisi sa kanyang desisyon

"Pa," Tawag niya sa kanyang pinakamamahal na ama ng pumasok ito sa kwarto niya habang inaayosan pa siya

Nakangiting nilapitan siya ng ama at niyakap

"Hindi talaga ako makapaniwalang ikakasal ka na. Iiwan mo na ako," Malungkot na tugon ng kanyang ama sa kanya

"Pa, hindi naman kita iiwan. Mananatili pa din naman ako dito kasama si Davis. Dadalawin ka lang namin kapag may free time kami ng soon to be husband ko" Nakangiti niyang sagot

Napabuntong hininga na lang ang kanyang ama at inayos ang kanyang veil

"H'wag mo akong kalilimutan anak ko. Kung hindi mapipilitan talaga akong lumipat sa bahay niyo, makasama ka lang at ang mga paparating na apo ko—" Bulalas ng kanyang ama

"Pa!"

"Biro lang, pero seryoso gusto ko lalaki ang panganay niyo"

Napapailing na sinundan na lamang ng tingin ni Jeslyn ang amang papalabas ng kanyang kwarto

Ibinalik naman niya ang kanyang tingin sa salamin at nginitian ang sarili, kinakabahan siya na masaya na ewan—hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman basta ang mahalaga ay makakasama na niya ang kanyang nobyo habang buhay

Five Years Later

"Daddy!" Bungad ng kanyang anak na lalaki kay Davis na asawa niya

"Hey little kid!" Salubong ni Davis sa kanilang anak ng makapasok ito sa loob ng kanilang bahay

Pagkatapos kasi nilang maikasal ay pinatigil na siya ni Davis sa pagtatrabaho para maalagan ang sarili ng malaman nitong buntis siya

Sobrang maalaga ito sa kanya, iyong tipong kahit makita lang siya nitong bumaba sa hagdanan ay inaalalayan siya

"Hi there beautiful," Tugon nito ng makita siyang nakatayo sa gilid ng sofa

Lumapit naman siya sa kanyang asawa at hinalikan ito sa labi pagkatapos ay niyakap ito ng sobrang higpit

Magwawalong buwan kasi itong hindi nakauwi sa kanila dahil pinadala ito ng kanilang General sa malayong malayong lugar para gabayan ang mga kasama

"Namiss kita," Malambing na pagkasasabi ni Jeslyn sa asawa

"Ako din namiss kita," Sagot naman nito at hinalikan ang kanyang nuo

Nang malaman kasi niyang matatagalan ito sa pag-uwi ay hindi siya makatulog ng maayos sa gabi. Nasanay kasi siyang katabi niya ito palagi sa pagtulog at hindi sapat ang malambot na unan na yakap yakap niya sa tuwing namimiss niya si Davis

"Kumusta ang misyon niyo?" Pangungumusta niya sa trabaho nito

"Okay naman walang problema sa ngayon." Sagot naman nito at inilingkis ang isang braso sa bewang niya habang sila ay papasok sa kusina

"Walang problema sa ngayon? Anong ibig mong sabihin?" Hindi niya mapigilang tanungin ang asawa

"Hindi pa kumikilos ang mga kalaban namin—kaya mas pinili namin na tulungan ang mga mamamayan sa bayan kung saan kami nakadestino." Sagot naman ni Davis

Napatango tango naman si Jeslyn sa narinig

Kahit na narinig niya ang ulat nito ay hindi siya napapanatag sa isiping hindi pa kumikilos ang mga kalaban nila

Gusto niya sanang magmakaawa sa kanilang heneral na iba na lang ang atasan niya h'wag lang si Davis, para kasing anumang oras ay may mangyayaring masama dito

"Ilang buwan kang magbabakasyon dito?" Tanong niya sa kanyang asawa

"Limang buwan," Agarang sagot naman nito

Napatango tango na naman siya at hindi niya mapigilang ngumiti ng hindi abot sa kanyang mga mata

"Ano ba namang klaseng ngiti 'yan? H'wag ka ng malungkot, makakauwi pa naman din ako dito. Pinapangako ko sa'yo na huli na 'to, pagkatapos nito ay hindi na ako babalik do'n" Pangangako ni Davis kay Jeslyn

Sana nga Davis, sana nga

"Aalis ka na?" Tanong niya kay Davis ng makita itong nag-iimpake ng mga damit at isinilid iyon sa bag

"Oo, tinawagan kasi ako ni General. Ngayon daw ang operation namin." Sagot nito na hindi man lang siya tinitingnan

Nanumbalik na naman ang emosyong ayaw na ayaw niyang maramdaman. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay 'yung inaatake siya ng kalungkutan na kahit na sino man ay hindi siya kayang pasayahin—only her husband, Davis can make her happy.

Tumalikod siya dito at palihim na pinunasan ang mga malalaking luha na nagsipatakan sa kanyang mga mata. Ayaw na ayaw na niya talagang pabalikin si Davis doon sa lugar na 'yun, wala siyang ibang magagawa kundi hayaan ito at manalangin sa Diyos na ligtas ito sa pang-araw araw na malayo ito sa kanilang anak

"Umiiyak ka na naman?" Singit ni Davis sa gitna ng kanyang palihim na pag-iyak

"K-kasi iiwan mo na naman kami ng anak mo." Humihikbing sagot niya habang tinatakpan ang mukha ng dalawa niyang kamay

"Isipin mo na lang ng mabuti na baka sa mga susunod na linggo ay makakauwi na ako, huwag kang mag-alala asawa ko. Babalikan ko kayo ng anak natin tandaan mo 'yan." Pangungumbinsi ni Davis kay Jeslyn

Hindi niya alam kung bakit ang dali niyang maiyak, kunting problema lang ay pinoproblema na niya—hindi din niya maiwasan na sisihin ang sarili. Basta ang alam niya ay nagiging emotional na siya

"Alagaan mo ng mabuti ang anak natin ha, pangako babalik ako dito ng walang labis at walang kulang." Huling tugon ni Davis sa kanya at hinalikan siya sa nuo

Napapikit na lang si Jeslyn ng maramdaman niya ang malambot na labi ni Davis sa kanyang nuo mahigpit ang hawak niya sa laylayan ng damit nito at hindi niya ito gustong bitiwan. Pakiramdam niya na kapag binitiwan niya ang asawa at hayaang umalis ay hindi na ito makakabalik pa sa kanila, sana nga lang mali ang kanyang hinala

"Mag-iingat ka," Hilam ang mukha na bilin niya sa kanyang asawa

"I will—" Sagot nito at tinalikuran siya

Ilang buwan na din ang nakakalipas na wala siyang natanggap na sulat mula kay Davis at hindi niya maiwasang mag-alala dito, kahit na nasa malayong malayong lugar ito ay nakakagawa ito ng paraan para lang padalhan siya ng sulat na okay lang ito at hindi na kailangang mag-alala pa

Napahawak si Jeslyn sa gilid ng mesa ng maramdaman niyang umiikot ang kanyang paningin, madalas na siyang makaramdam ng pagkahilo at pagsusuka tapos napapansin din niyang mapili siya pagdating sa pagkain

"Mama, are you okay?" Tanong ng kanyang nag-iisang anak na si Greco

"Oo anak okay lang ako. Huwag mo na lang pansinin si Mama napagod lang siguro ako" Sagot niya sa kanyang anak at sinabihan na ipagpatuloy ang larong kinagigiliwan nito

Tumakbo siya patungong banyo at doon sumuka ng sumuka

Isa lang ang ibig sabihin nito, kailangan niyang magpacheck up para makumpirmang buntis ba talaga siya o hindi

"Congratulations Mrs Mulligan, you're five weeks pregnant." Nakangiting saad ng kanyang Obgyne

"Talaga Doc?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Jeslyn at tiningnan ang kanyang tiyan na hindi pa halata ang umbok

"Yes, kaya hindi na nakakapagtaka na nagkakaroon ka ng mga early symptoms sa pagbubuntis" Sagot naman ng doctor at binigyan siya ng mga vitamins na kailangan niyang itake

"Nga pala muntik ko ng makalimutan Mrs Mulligan, iwasan mo ang mastress dahil hindi malakas ang kapit ni baby. Bantayan mo ang sarili mo na hindi ka madudulas okay?" Bilin ng doctor sa kanya

"Opo Doc—" Nakangiti niya pa ding sagot at hindi makapaniwalang hinaplos haplos ang tiyan

Madali lang siyang mabuntis at hindi na niya iyon kailangan isipin pa

Pagdating niya sa bahay ay doble pag-iingat siya sa mga ginagawa, wala naman siyang mauutusan dahil hindi sila naghire ng maid para pagsilbihan sila

At hindi din niya pwedeng utusan ang kanyang anak dahil bata pa ito at baka mapano pa kapag pinagawa niya ng mga gawaing bahay

Napapitlag sa gulat si Jeslyn ng hindi niya sinadyang mabitawan ang basong hawak hawak

Wala kasiw siya sa tamang pag-iisip dahil iniisip niya si Davis. At umahon na naman ang kakaibang kaba sa kanyang dibdib

Nababahala siya na baka napano na ang asawa niya at hindi nga siya nagkamali. May biglang tumawag sa telepono na kaagad din naman niyang sinagot

"H-hello?" Kinakabahang tanong niya sa kabilang linya

"Hello? Is this the wife of Lieutenant Colonel Davis Mulligan?" Tanong ng isang lalaki sa kabilang linya

"Y-yes, why?"

"We're sorry Ma'am, but your husband. Lieutenant Colonel was found dead in the middle of our mission." Diretsong sabi nito dahilan para mabitawan niya ang telepono

Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya ngayon, para siyang namamanhid na hindi alam kung anong gagawin. Pinigilan niya ang sariling mapahikbi—ayaw niyang maisturbo ang anak

"H-hindi, hindi 'to totoo." Tanging naiusal na lamang ni Jeslyn

Sa punerarya, naka-upo sa unahan habang nakasuot ng itim na damit si Jeslyn. Wala siyang tigil sa pag-iyak; sa edad na trenta ay biyuda na siya at hindi niya matanggap tanggap na wala na si Davis ang kanyang asawa

Tumayo siya at nilapitan ang puting kabaong

Nang makita niya si Davis sa loob niyon ay hindi niya maiwasang mapahikbi, para lang itong natutulog sa loob na baka mamaya ay magigising na ito

Hinawakan niya ang kabaong at tiningnan ang mukha ng namayapang asawa

"Ang unfair mo naman Davis, nangako ka sa'kin na babalikan mo kami ng anak natin. I-iniwan mo kami—" Bulalas niya at tinakpan ang sariling bibig

Wala siyang ibang magagawa dahil tapos na, wala na at huli na. Kung alam  niya sanang mangyayari ito ay dapat pinigilan na niya si Davis

"Anak—" Napalingon siya ng tawagin siya ng kanyang ama

"Pa," Dali-dali siyang lumapit dito at niyakap ito ng mahigpit

Doon siya umiyak ng umiyak at ang tanging nagawa lang ng kanyang ama ay hayaan siya hanggang sa mapagod siya sa kakaiyak

"Nararamdaman kita anak, nararamdaman kita—" Tapik ng kanyang ama sa kanyang likod

Halos hindi na siya makapagsalita, namumugto ang kanyang mga mata at pagod na pagod na ang katawan niya. Gusto niyang magpahinga pero hindi niya gusto ng katawan niya

"Anak, magpahinga ka muna. Buntis ka at alagaan mo 'yan ng mabuti. Iyan na lang ang tanging ala-ala ni Davis sa'yo"

"B-bakit? B-bakit?" Tanging naisabi niya dito

Wala ibang lumalabas sa bibig niya kundi puro 'bakit?'

"H'wag kang mag-alala, nandito pa kami ni Greco para alalayan ka. Hindi ka namin pababayaan—"

Araw ng libing, lahat ng sundalo na kasamahan ni Davis ay naroon sa sementeryo

Nakatingin lang siya sa kabaong na natatakpan ng malaking bandila ng kanilang bansa. Wala na siyang gana, para na siyang robot kung tutuusin.

"Shhh, h'wag kang maingay. Natutulog ang Papa ko." Saway ni Greco sa anak ng isang sundalo katabi niya

Muli, ay napaiyak na naman siya. Nakakalungkot lang isipin na lalaki ang kanyang dalawang anak na walang ama na nasa tabi nila para turuan sila ng magandang asal

Davis Mulligan is her everything, wala na yata siyang mahihiling pa ng ibigay ng Diyos sa kanya si Davis. At ngayong wala na ito, hindi niya alam kung paano magsimula muli

Kung maibabalik lang niya ang oras ay gagawin niya talaga ang lahat makasama lang ito habang buhay.

Mamahalin pa din kita kahit wala ka na, you have a big space in my heart, and I can't replace you my—Davis Mulligan...