Chereads / Saki's One Shot Stories / Chapter 37 - Chapter 37: Saranghae

Chapter 37 - Chapter 37: Saranghae

SA-die

RANG-together

HAE-doing

Kung magsasabi ka ng SARANGHAE sa isang tao, nagsasabi ka talaga na  magsama tayo hanggang sa mamatay tayo....

"Let's live together," Mahinang pagkakasabi ni Pietro kay Cyquennie at hinawakan ang kamay nito na sobrang higpit

"Ano ba! Bitawan mo ako!" Pagpupumiglas naman ni Cyquennie at itinulak si Pietro papalayo sa kanya

Tumatawang napaatras naman si Pietro sa ginawang pagtulak ni Cyquennie sa kanya

"Kahit anong gawin mo, hinding hindi ka makakatakas sa'kin—" Tugon ng dating nobyo at hinila ang buhok niya

"Kumusta ka na?" Pangungumusta ni Pietro kay Cyquennie

"Okay naman ako. Salamat sa pagtatanong," Sagot naman ni Cyquennie at medyo umusog ng kunti papalayo kay Pietro

May pagka weird kasi ang katrabaho niya at natatakot siyang makipag-usap dito, baka kung ano pang gawin nito sa kanya kapag nagkataon

Nang mapansin siguro ni Pietro ang ginawang paglayo ni Cyquennie ay lumapit ulit siya sa dalaga

"Ahm, sige Pietro magtatrabaho pa ako." Wika ni Cyquennie at dali-daling tinalikuran si Pietro

Hindi niya gustong lumalapit sa kanya si Pietro dahil iba ang nararamdam niya para dito, bukod sa may pagkaweird ito ay pinag-uusapan pa ito ng mga kapwa niya employees

"Oy Cyquennie! Nakita kong kina-usap ka ni Pietro kanina, anong nararamdaman mo?" Pang-uusisa ni Jinky sa kanya at nilapitan siya

"Natatakot ako sa kanya, alam mo ba 'yun? The moment na lumalapit lang siya sa'kin o hindi kaya ay nakakasalubong ko siya ay tumataas ang balahibo ko sa batok." Himotok naman ni Cyquennie

"Ay, ganoon pala ang effect sa mga taong weird—" At itinaas ang dalawang kamay sabay iginalaw ang mga daliri pataas baba

Pasikretong tiningnan naman ni Cyquennie si Pietro na ngayon ay nakaupo na sa upuan nito at inabala ang sarili sa pagtitipa ng kung ano sa keyboard nito

Napabuntong hininga siya

Hindi naman sa harmful si Pietro pero para sa kanya masama itong tao. Call her judgmental or whatsoever kung anong masasabi niyo tungkol sa kanya basta ayaw niya itong lumalapit sa kanya

"Pwede ba Jinky, hinaan mo 'yang boses mo baka marinig tayo ni Pietro!" Bulalas ni Cyquennie sa mahinang boses

Kimi namang ngumiti si Jinky at tiningnan siya sabay tingin din sa kanyang likuran

Salubong ang kilay na tinitigan ni Cyquennie si Jinky at umabot pa ng ilang segundo bago niya naintindihan ang inaakto nito

Dahan dahan siyang lumingon sa kanyang likuran at nakita niyang naka-upo pa din si Pietro sa upuan nito habang tinitingnan siya

Hindi niya maiwasang mapalunok

Ngumiti naman si Pietro sa kanya at ibinalik na ang tingin nito sa desktop. Ibinalik niya ang tingin kay Jinky at sinamaan ito ng tingin

"Baliw!" Hampas niya sa balikat nito at nilampasan ito

"Kinabahan ka 'no? Aminin?" Tudyo nito sa kanya at siniko siya

"Gaga! Sinong hindi atakihin ng kaba ha? Ikaw kaya ang magpanggap na may tao sa likuran mo," Napapairap na sagot niya dito at pasalampak na inupo ang sarili sa swivel chair

Napaangat ng tingin si Cyquennie ng may naglagay ng tatlong polder sa kanyang inuukupahang cubicle at napag-alaman niyang si Pietro pala 'yun

"O-oy?" Tanging naibulalas niya at nginitian ito ng nakakailang

"Gawan mo daw ng report, sabi ng manager natin." Ulat nito at nginitian na naman siya

At dahil sa may pagkasingkit ang mga mata nito ay natural lang na mawawala ang mata ni Pietro kapag ngumiti o di kaya ay tumawa ito

"O-okay," Uutal utal naman niyang sagot at sinimulang buklatin ang isang makapal na folder

First page pa lang ay sumakit na ang ulo niya. Pagdating kasi sa mga paggawaan ng mga report about sa mga investments ng kanyang trinatrabahuang kompanya ay siya palagi ang pinapaggawa, umabot pa nga sa time na nakauwi na siya ng alas onse ng gabi

Napapikit na lang ng mariin si Cyquennie ng hindi siya makapagconcentrate sa ginagawa para kasing may nagmamasid sa bawat galaw niya

"A-akala ko umalis ka na?" Pinanatili niyang stoic ang mukha at umaktong propesyonal sa harap ni Pietro pero hindi nakaligtas ang pagpiyok ng kanyang boses

"Pwede bang dito muna ako?" Hinging permiso nito na ikinalikot ng kanyang dalawang mata

Ayaw niya itong manatili sa cubicle niya dahil hindi siya sanay na may kasama kapag nagtatrabaho siya. Lumilipad kasi ang utak niya sa ibang sukat at hindi niya gusto iyon

"Kung ako sa'yo Pietro, bumalik ka na do'n sa cubicle mo—may trabaho pang naghihintay sa'yo." Lakas loob niyang asik dito at ibinalik ang mga mata sa desktop

"Bakit pa ako babalik? Tapos na lahat ang trabaho ko—" Sagot naman nito

Napamura siya ng wala sa oras

Mukhang pinagplanohan talaga nito ang paghatid sa mga folder at sa trabaho nito. What now? Hindi na siya makaka-alis pa sa bitag nito wala siyang maisip na ibang paraan para paalisin ito. Ayaw niyang maging bastos na basta basta lang niya itong itaboy papalayo sa kanya baka magtanim pa ito ng sama ng loob at baka pagdeskitahan siya

"Okay" Kibit balikat na sagot ni Cyquennie at nagsimulang magtipa ng kung ano sa kanyang keyboard

Hindi talaga siya makapagconcentrate, dala narin siguro ng kaba at pagkadistract kay Pietro. Parang ang mga mata niya lang ang nakatutok sa desktop at ang atensiyon at ang katawan niya pati utak ay nakatutok kay Pietro

Itinaas niya ang mga braso at inunat ang mga ito, hindi siya makakilos ng komportable dahil alam niyang nasa likuran pa din niya si Pietro. Sumasakit na din ang puwet niya kakaupo sa swivel chair

"Alas singko na ng hapon hindi mo pa din natatapos 'yan?" Wika ni Pietro na nakaupo na pala sa kanyang likuran at itinukod ang dalawang kamay sa sandalan ng upuan

Napapantistikuhang nilingon ni Cyquennie si Pietro na nakatukod ang dalawang kamay sa kanto ng cubicle

"Ikaw kaya ang gumawa ng report na ganito kadami, kakayanin mo ba?" May sarkasmo sa kanyang boses

Napapailing na nginisihan siya ni Pietro at pinaalis siya sa kanyang puwesto

"Kung mabagal kang magtipa sa teklado tapos ang bagal mo pang mag-isip paniguradong aabutin ka ng hatinggabi—panuorin mo ako." Sabi nito at binasa ang isang slide ng naka stapled sa limang susunod pa na slides

Pagkatapos basahin ni Pietro ang pangunahing pahina ay nagsimula na itong kumalikot sa teklado. Parang nakadetalye na sa utak nito kung ano ang dapat na ilagay sa report

Mabait din naman pala si Pietro, naaawa nga siya dito dahil hindi man lang nito alam na pinag-uusapan na pala siya. Oh, sadyang alam na talaga nito pero nagbibingi bingihan lang

"Tapos na," Napakurap kurap ng ilang beses si Cyquennie ng makita ng kanyang dalawang mata na tapos na nga talaga ang pinaggagawa sa kanya

"S-sigurado ka?" Tanong niya dito at itinukod ang isang kamay malapit sa keyboard at marahas na hinawakan ang mouse sabay scroll up and down sa sampung talata na nakikita niya sa monitor

Ang galing

Umayos siya ng tayo at tumikhim

"S-salamat." At nginitian ito

Tumango naman si Pietro sa kanya at tumayo na sa pagkakaupo sa kanyang upuan

Napaangat ng tingin si Cyquennie ng muntikan ng mapasubsob ang mukha niya sa matigas at malaking dibdib ni Pietro. At gayon din ang nakita niya tiningnan din siya ni Pietro at na tuwid pa din ang tayo at tanging ang mga mata lang nito ang nakatutok sa kanya

"A-ay ahm, kukunin ko lang ang bag at mga gamit ko—" Bulalas niya at dumaan sa gilid ni Pietro

Akmang lalampasan na niya sana ang lalaki ng bigla na lang siya nitong hinawakan sa palapulsuhan dahilan para mapayakap siya sa lalaki

"Pietro—"

"Sandali lang." Biglang putol nito sa kanya at hinawakan ang ulo niya dahilan na mapasubsob pa siya sa balikat nito

Gusto niyang kumawala sa mga bisig nito pero wala siyang sapat na lakas, nanlalambot siya

"Ano bang ginagawa mo!" Tulak niya dito at inayos ang kanyang nagulong buhok

Hindi sumagot si Pietro sa halip ay namulsa pa ito at nilampasan siya

Sinundan niya ito ng tingin at hindi niya maiwasang pangunutan ito ng nuo

Parang wala lang dito ang biglaang pagyakap sa kanya. Nagkibit balikat naman siya at umalis na sa kinatatayuan

"Morning Cyquennie—" Bungad sa kanya ni Pietro pagkapasok na pagkapasok niya sa kanyang trinatrabahohang kompanya

"Morning din." Sagot naman niya at nilampasan lang ang katrabaho

Ramdam niyang sinundan siya ni Pietro at naiinis siya sa isiping palagi na lang itong nakabuntot sa kanya

"Kumustang araw mo?" Tanong na naman nito at tumabi sa kanya sa paglalakad na nakapwesto ang dalawang kamay sa likod nito

"Okay naman?" Tipid na sagot ni Cyquennie na hindi man lang tinitingnan si Pietro

Napatango tango ang lalaki

"Ahm, Cyquennie pwede bang—" Napahinto siya sa paglalakad at tiningnan ang kasama

Batid ni Cyquennie na may gusto itong sasabihin sa kanya pero nahihiya lang itong ivoice out

"Pwedeng ano?" Nakataas ang isang kilay na tanong niya dito

"Alam mo na, 'yung ano. G-gusto ko kasi na sabay tayong kumain mamaya k-kung okay lang sa'yo." Nahihiyang tugon ni Pietro at nagkamot sa batok nito

Gusto sanang tumanggi ni Cyquennie sa alok nito pero bigla niyang naalala na may utang siya kay Pietro. Kung hindi pa siya nito tinulungan kahapon asa pa siyang natapos na niya 'yun lahat

"Iyon lang? Sige, sabay tayo—" At tinanguan ito

"T-talaga? Oy siguraduhin mo 'yan ah? Wala ng bawian." Biglang sagot ni Pietro at tumakbo papalayo sa kanya

Hindi niya maiwasang sundan ito ng tingin

Minsan talaga ay hindi niya maintindihan si Pietro. Kung nakita niyo lang ang ekspresiyon ng kanyang katrabaho ay para siyang batang binigyan ng isang Tupperware ng gummy bears

Napatayo si Cyquennie ng marinig niyang tumunog ang bell hudyat na tanghalian na nila. Inayos niya ang mga nagkalat na papeles bago kinuha ang bag saka tinungo ang pintuan palabas

Napahawak si Cyquennie sa kanyang dibdib ng biglang bumungad sa harap niya si Pietro na may dalang lunch box

"Tara?" Wika nito at itinaas ang dala dalang lunch box at tumbler

Hindi siya sumagot, sa halip ay tinanguan niya lang si Pietro at pinauna ito sa paglalakad

Matangkad na lalaki si Pietro na maikukumpara sa mga lalaking sumasabak sa pagmomodeling, hindi naman siya pangit siya—sakto lang. Hindi kaputian ang kanyang balat 'yung tipong malaprobinsiya ang pagkakayari

"Anong oras ang out mo mamaya?" Biglaang tanong ni Pietro sa kanya

"Hindi ko alam," Wala sa sariling naibulalas niya at inilihis ang mga mata ng maramdaman niyang tumingin sa gilid sa Pietro at tiningnan siya gamit ang peripheral vision nito

"Sabay ako sa'yo mamaya ha?" Ungot nito

Hindi siya tanga para hindi niya malaman kung bakit ito lapit ng lapit sa kanya

Una, walang gustong makipag kaibigan kay Pietro dahil nga may pagkaweird ito. Pangalawa, napapansin ni Pietro na panay ang iwas ng mga kasamahan niya maliban sa kanya—umiiwas naman siya dito at alam niyang napapansin din ito ni Pietro pero mukhang siya ang natipuhan nito kaya panay ito ng lapit ng lapit sa kanya

"Bakit ka naman sasabay sa'kin?" Panunubok niya kay Pietro

"Wala lang gusto ko lang kasi na may kasabay ako sa pag-uwi—" Sagot nito

Hindi niya mapigilang magpakawala ng isang malutong na tawa

"Ba't ka tumatawa?" Tanong nito

"Wala, naisip ko lang kasi na gusto mong makisabay sa'kin kasi natatakot ka." Tudyo niya dito

"Ako? Matatakot? Hindi 'no! Asa ka pa diyan?!" Asik nito na mas ikinatawa niya

Akala niya magagalit si Pietro sa sinabi niya pero hindi. Narinig niya kasi mula kay Jinky na hindi mo basta basta madadaan sa biro si Pietro dahil nga weird ito, napagkamalan pa nga ito na baka may Asperger's disease si Pietro kasi sobrang manhid nito at hindi marunong makiramdam ng damdamin ng tao

"Ikaw na lang ang maghanap ng table para sa'tin. Mag-oorder lang ako" Bilin ni Pietro sa kanya at iniwan siya sa mga halos okupado ng mga mesa at napipili na lang ang mga bakante

Nagpalingon lingon si Cyquennie sa loob ng canteen at nakakita kaagad siya ng bakanteng mesa na pandalawahan lang, malapit iyon sa bintana

Nang makaupo siya sa napiling mesa ay itinukod niya ang dalawang siko na nasa mesa at hinintay si Pietro. Kitang kita niya na panay ang iwas ng mga nakapila kay Pietro at mas pinauna pa itong pinapili ng mga dapat bilhin

Pati ang cashier ay takot din sa kanya. Makikita kasi sa kilos nito na nagmamadali itong suklian si Pietro pagkatapos ay inaayos ang mga pagkaing nakalagay sa food tray

Nang umalis na si Pietro sa pila ay sinundan siya ng tingin ng kanilang kasamahan sa kompanya at nakita niya sa mga mata na ang pagtataka ng umupo si Pietro sa mesang napili niya

"Kumain ka na—" Utos nito sa kanya at itinulak ang food tray na puno ng pagkain sa harap niya. Tiningnan niya ang mga ulam na nakasailid sa mga mangkok, masasarap ang mga iyon at batid niyang mahal ang presyo ng bawat isa sa mga ito

"Ba't ka pa nag-abala Pietro, may baon naman ako eh. Hindi ko mauubos ang mga 'yan." Asik niya at tiningnan ang mga pagkaing nakalatag sa harapan niya

"Ubusin mo 'yan Cyquennie, binili ko ang mga 'yan para sa'yo. Sige na, kumain ka na alam kung kanina ka pa gutom" Wika nito at nagsimula ng kumain

"Sira ka talaga eh 'no?" Tulak ni Cyquennie kay Pietro ng magbahagi ito ng mga iilang karahasan sa buhay

"Totoo nga! Ginawa ko talaga 'yun." Sagot naman ni Pietro na napapailing pa

"Pinagloloko mo ba ako? Napaka imposible naman kasi no'n—" Wika niya

"Hindi ka talaga naniniwala?" Tanong ni Pietro sa kanya

"Hindi," Sagot naman ni Cyquennie

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala basta ako paniwalang paniwala ako." May pagkahambog na bulalas nito

"Boastful—" Parinig niya dito

"Hindi ako nagpapakahambog Cyquennie, totoo ang sinabi ko." Biglang sagot ni Pietro sa turan niya na ikinatingin niya dito

Alam niyang hindi na nagbibiro si Pietro, sa tagal ng kanilang pinagsamahan bilang kaibigan ay naiintindihan niya ang side nito at mas nakilala niya pa si Pietro. Mabait naman pala ito at hindi siya nakakatakot, sadyang istrikto lang talaga siya kapag tumingin sa isang tao o di kaya ay sa isang bagay

"May tubig ka ba? Or juice, nauuhaw kasi ako eh—" Tanong ni Cyquennie kay Pietro

Huminto naman sa paglalakad si Pietro at may kinuha na kung ano sa bag nito

Pagkatapos ay inabot sa kanya ang isang tumbler na may lamang tubig tapos may tatlong nakaslice na lemon sa loob

"May ubo ka?" Tanong niya dito at tiningnan ang tubig na may maliliit na puting lumulutang

"Wala, gusto ko lang talaga sa tubig na may lemon." Sagot naman nito na ikinatango tango niya

Pagkatapos ay binuksan niya ang tumbler ni Pietro at tinungga ang laman niyon, halos maubos niya ang tubig ni Pietro dahil kanina pa talaga nanunuyo ang lalamunan niya

"Oh, salamat." Balik niya sa tumbler habang pinapahidan ang labi

"Grabe! Inubos mo ang tubig ko." Rinig niyang himotok ni Pietro at sinilip pa ang tubig sa labas ng kanyang tumbler

"Sorry na po, nauuhaw eh." At nagpeace sign sa kasama

Napangisi naman si Pietro sa ginawa niya at ginulo ang kanyang buhok

"Ewan ko talaga sa'yo Cyquennie."

"Ma, Pa si Cyquennie po." Pagpapakilala ni Pietro kay Cyquennie sa mga magulang ng lalaki

"H-hello po," Kinakabahang bati ni Cyquennie sa mga magulang ni Pietro at napakapit sa braso ng nobyo

Oo nga pala, muntik ko ng makalimutan. Three months na silang mag-on at hindi alam ni Cyquennie kung bakit naging sila. Ewan, Basta paggising niya no'ng nakaraang buwan sa umaga ay nagpaalaman niyang sila na ni Pietro

Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Pietro no'ng una na sila na nga, para kay Cyquennie ay imposibleng mangyari ang bagay na 'yun. Magkaibigan sila and all of the sudden sila na? Grabe talaga—

"Ito ba ang palagi mong kinukwento sa'min ng tatay mo 'nak? Maganda naman pala siya—" Palatak ng nanay ni Pietro

"Sa-salamat po," Sagot niya sa ginang na tinanguan lang siya

"Pa, si Cyquennie po. Girlfriend ko." Pagpapakilalang muli ni Pietro kay Cyquennie sa tatay nito

Ibinaba naman ng tatay ni Pietro ang diyaryong binabasa at hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa pagkatapos ay napangisi ito. Hindi niya alam pero kinilabutan siya sa uri ng tingin ng tatay ni Pietro

"M-mano po." Imik ni Cyquennie at lumapit sa tatay ni Pietro at nagmano dito

Nang mahawakan niya ang kamay ng tatay ni Pietro ay naturang nagsitayuan ang balahibo niya

Parang natulos siya sa kinatatayuan at parang ayaw magbono o di kaya'y tumanggap ang kanyang sarili sa pamamagitan lang ng paghawak niya sa kamay nito

"Magandang gabi sa'yo iha" Bati ng may edad na lalaki

"Magandang gabi din po—" Sagot niya dito at umiwas ng tingin

"Maupo muna kayo ipaghahanda ko lang kayo ng makakain." Singit ng nanay ni Pietro at nagtungo sa kusina kasama ang asawa nito

Napasandal na lang sa sofa si Cyquennie at nagpakawala ng isang buntong hininga

"Okay ka lang?" Nag-aalalang tinanong siya ni Pietro

"O-oo." Utal utal niyang sagot sa tanong ng nobyo

"Namumutla ka, sigurado ka ba talagang okay ka?" Tanong pa nito sa kanya at hinawakan ang nuo niya

"Okay lang talaga ako Pietro, hindi lang kasi ako komportable ng makaapak ako sa teritoryo niyo. Parang kinakabahan ako na hindi ko maintindihan?" Pag-amin niya

Tiningnan lang siya ni Pietro na parang binabasa ang kanyang mukha kung nagsasabi ba siya ng totoo at mukhang nakumbinsi ito sa nakita

"H'wag kang kabahan, nandito naman ako eh. Hindi kita pababayaan at tsaka hindi nangangagat sina Mama at Papa—ano ka ba?!" Bulalas ni Pietro at hinagod hagod ang kanyang likuran

Napatingin silang dalawa ng lumabas mula sa kusina ang mga magulang ni Pietro. Ang nanay nito ay may dalang isang malaking plato na may lamang tinapay tapos ang tatay naman nito ay may hawak hawak ang pitsel na may lamang juice

"Kain muna kayo mga anak—" Alok ng nanay ni Pietro

At dahil sa nagugutom na nga siya ay nauna pa siyang kumuha kay Pietro. Batid niyang pinagmamasdan lang siya ng mga magulang nito

"Oy, Cyquennie dahan-dahan ka lang baka mabilaukan ka." Natatawang sinabihan siya ni Pietro

"Nagugutom na ako eh." Sagot naman niya na puno ang bibig at halos hindi na maintindihan ang lumalabas sa bibig

"Nakakatuwa ka naman iha." Sabat ng nanay ni Pietro na ikinangiti lang niya

"Kasamahan mo sa trabaho?" Tanong ng tatay ni Pietro sa nag-iisang anak ng ginang

"Opo Pa," Sagot naman ni Pietro at nagsalin ng juice sa baso

"Kailan pa?"

"Tatlong buwan na po ang nakakaraan" Sagot ni Pietro

Kain lang ng kain si Cyquennie habang nakikinig sa usapan nila ni Pietro. Alam niyang masama ang mag eavesdrop pero ano pang magagawa niya eh sa naririnig niya ang mga ito

"Ilang taon ka na iha?" Napatingin si Cyquennie sa ginang ng tinanong siya nito

"24 po," Magalang niyang sagot na ikinatango tango ng ginang

"Mahal mo ba ang anak ko?" Napaubo siya sa biglaang sabi nito

Hindi niya alam kung anong isasagot niya, hindi siya sigurado sa kanyang nararamdaman

Gusto niyang sabihin dito na hindi niya alam pero may nagpipigil sa kanya

"Ma, Pa sige po alis na po kami ni Cyquennie alas diyes na po kasi ng gabi" Singit ni Pietro sa kanilang dalawa ng nanay nito

"Tara na," At inalalayan siyang tumayo sa pagkakaupo sa sofa

Thanks to Pietro she's now safe

Pagkababa na pagkababa nila sa baba ng bahay nila ni Pietro ay naiwan na naman siya sa labas dahil tinawag ito ng tatay para kausapin

Sinundan niya ng tingin sina Pietro na naglalakad sa madilim na parte ng kakahuyan. Napayakap si Cyquennie sa kanyang sarili ng dumapo sa kanyang balat ang malamig na hangin

Napatingin siya sa kanyang relong pambisig

Alas diyes emedya na ng gabi at hindi pa bumabalik sila Pietro. Nag-aalangan man ay sinundan niya ang mga ito sa kung saan ito pumunta

Napatigil sa paglalakad si Cyquennie ng may marinig siyang boses

"Anong plano mo sa kanya Pietro?" Tanong ng tatay ni Pietro sa kanyang nobyo

"Hindi ko alam—" Sagot naman ng kanyang nobyo

"Hindi mo alam!" Sigaw nito na ikinapitlag ni Cyquennie sa gulat

Nagtago siya sa isang madilim na parte kung saan hindi siya makikita o mapapansin ng mga ito

"Ba't mo pa siya ginayuma kung hindi mo man lang pala alam kung anong gagawin ha? Bobo ka talaga Pietro!" Sigaw ulit nito

Parang nabingi ng ilang segundo si Cyquennie sa narinig, tama nga siya. Hindi niya mahal si Pietro dahil ginayuma lang pala siya nito. Ang walang hiya

"Pa, tama na! Ginawa ko na po ang lahat h'wag niyo lang akong saktan!" Sigaw naman ni Pietro at natatakot na inilayo ang sarili sa amang akmang hahampasin siya ng kahoy

"Wala ka talagang kwenta Pietro, mas mabuti pa ang kambal mong si Pierre! Maaasahan hindi katulad mo walang silbi. Ba't ka pa kasi nabuhay!!" Bulyaw ng tatay kay Pietro

Nakita niyang napatakip sa dalawang tenga si Pietro at iniling iling ang sarili

"Hindi, hindi totoo 'yan." Parang nababaliw na saad ni Pietro

"Wala kang kwenta! Isa kang pabigat sa buhay namin ng nanay mo." Dagdag pa nito

Umatras ng umatras si Cyquennie para makalayo na sa mga ito at makatakas pero napahinto siya sa ginagawa ng may maapakan siyang sanga na ikinabaling ng dalawa sa kanya

Bigla siyang tumakbo ng sobrang bilis at alam niyang aabutin pa siya ng iilang minuto bago siya makarating sa bayan

"Cyquennie!!" Tawag sa kanya ni Pietro na tumakbo din papunta sa kanya

Mas binilisan niya ang pagtakbo hindi lang siya mahabol ni Pietro

Tunay ngang masama siya hindi lang nito pinahahalata pagdating sa harapan niya. Kaya pala ganoon na lang siya kung umakto dahil kinagisnan niya ang pangungumpara mula pagkabata hanggang sa lumaki na siya

"Pietro! Ano ba!" Pagpupumiglas niya sa mga bisig nito

"Cyquennie, huwag mo 'kong iwan. Manatili ka sa'kin," Pagmamakaawa nito at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap nito sa kanyang likuran

"Bitawan mo ako! Walang hiya ka, ginayuma mo ako isa kang demonyo! Wala kang katulad!!" Pagsisigaw niya at siniko ito

Hindi man lang natinag si Pietro sa kanyang mga ginagawang pagtanggol sa sarili

"Cyquennie please! H'wag mong gawin sa'kin 'to!" Sabi ni Pietro at pinaharap siya

Sinipa niya ang tuhod nito dahilan para mabitawan siya ni Pietro pagkatapos ay sinampal ito at dinuraan

"Iyan ang nababagay sa'yo, isa kang hayop Pietro! Walang hiya ka mabulok ka na sa impyerno!!" Pagsisigaw niya

Ang kaninang takot na maiwan na Pietro ay biglang nag-iba ng anyo. Hindi na ito ang Pietrong nakilala niya, bumalik na ulit ito sa dati at malamig ang mga tinging tiningnan siya

Agad na kinabahan si Cyquennie

"Anong sabi mo?" Tanong nito sa kanya habang nilapitan siya

Panay ang kanyang atras hanggang sa matumba siya

"Anong sabi mo na isa akong demonyo?!" At pinahiga siya sa lupang puno ng patay na dahon

"Tama ka Cyquennie! Wala talaga akong katulad!!" At hinawakan ang kanyang leeg sabay diin

Tinampal tampal naman ni Cyquennie ang kamay ni Pietro at kinalmot ang pisnge nito

Parang natauhan yata si Pietro sa ginagawa ng mapansin nitong namumutla si Cyquennie dahil sa ginawa niyang hindi tama

"Cyquennie, s-sorry. Hindi ko sinasadya" Hingi niyang tawad dito

"Isa kang demonyo Pietro," Humihingal na saad ni Cyquennie at hinawakan ang dibdib habang masama siyang tinitingnan

Lumuhod naman si Pietro sa harap ni Cyquennie at hinawakan ang tuhod nito

"Cyquennie, patawarin mo ako paki-usap." Desperadong saad ni Pietro

"Lumayo ka sa'kin, ayoko sa'yo!" Pagsisigaw pa ni Cyquennie

At mukhang naiirita na si Pietro kay Cyquennie, kunting ayaw na lang sasabog na talaga ito sa galit

"Ayoko sa'yo, ayoko sa'yo!!" Pagsisigaw ulit ni Cyquennie

Tumayo sa pagkakaluhod si Pietro at hinawakan ang kanang kamay nito na sobrang higpit na tipong mapapaaray ka sa sakit

"Let's live together," Mahinang pagkakasabi ni Pietro kay Cyquennie at hinawakan ang kamay nito na sobrang higpit

"Ano ba! Bitawan mo ako!" Pagpupumiglas naman ni Cyquennie at itinulak si Pietro papalayo sa kanya

Tumatawang napaatras naman si Pietro sa ginawang pagtulak ni Cyquennie sa kanya

"Kahit anong gawin mo, hinding hindi ka makakatakas sa'kin—" Tugon ng nobyo at hinila ang buhok niya

"Pietro!!" Tili ni Cyquennie makaalis lang sa mga kamay ni Pietro

"Hindi mo ako maaaring iwan Cyquennie, mahal kita kaya kailangan mahalin mo din ako!" Parang wala na sa sariling bulalas ni Pietro at itinali siya sa malaking kahoy na malayo sa bahay nila ni Pietro

"Bukas na lang ulit Cyquennie." Pagpapaalam nito at binuhusan ang kahoy ng gasolina sabay sindi ng pusporo at itinapon sa may paanan niya

"Pietro, tulungan mo akong makaalis dito, Pietro 'wag mo kong iwan!!" Umiiyak na sigaw ni Cyquennie habang pilit na inilalayo ang sarili sa malaking apoy

"SA-RANG-HAE Cyquennie, kung hindi ka mapapasa akin mas mabuting patayin na lang kita bago ko kitilin ang aking sariling buhay" Huling saad ni Pietro at tinalikuran siya